watch now

Author Topic: Magalawa Island (Palauig, Zambales)  (Read 77693 times)

freeswan

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #200 on: May 17, 2011, 07:35:22 am »
^ for me ha, the parking is not safe. walang tent. as in ipark mo lang siya sa tabi ng bahay. wala ngang gate eh. pero what makes it safe siguro for them is nasa tabi siya ng bahay na may maraming tao.

mas malayo pa ang palauig. from iba zambales, 86km pa as per the bus kunduktor. and iba is malayo pa from san antonio ha.

southchick

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #201 on: May 18, 2011, 02:57:20 pm »
public naman pala talaga.. kala ko required yung kay ms grace eh.. thanks mga sisses sa reply! :)

freeswan

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #202 on: May 18, 2011, 03:25:16 pm »
^ sis, i think d tayo nagkaintindihan. the parking, you still need to pay the 100 pesos pero it's not a gated parking ha kaya mukha siyang public. so if you bring a car, wala talaga choice but to pay the parking fee.

tinapay

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #203 on: May 19, 2011, 10:01:48 am »
the island is public.  di lang si ms. grace ang pwedeng contact dun, sa pagkakaintindi ko.  kasi yung unang parang "port" na napuntahan namin, sabi namin kay ms. grace kami.  sabi nila dun pa raw sa kabila yun.  so etong unang port na 'to, papunta rin ng magalawa, di ko lang alam sino contact.  may mga naka-park din na sasakyan dito, wala rin gate pero parang may bamboo fences lang.  ganun din naman sa bandang dulo, sa "port" na nina ms. grace.  for me, safe naman ang parking.  maraming sasakyan ang naka-park when we were there.  and yes, you have to pay Php 100 parking fee.

tent accommodation cost Php 1,300 per head for a minimum of 5 pax.  this includes boat transfer, snorkeling/rafting, entrance fee and food.  snorkeling lang ang magagawa nyo rito.  imbes na sa boat kayo sasakay, sa raft kayo nakaupo papunta sa snorkeling area.  yun na yung rafting.  bitin lang yung snorkeling namin kasi hapon na kami nag start.  provided na nila life vest at snorkeling gears.

mas malayo ang palauig kesa sa san antonio.  kung pagkakasunud-sunurin mo, san antonio muna then iba then palauig.  its about 220km away from manila.

freeswan

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #204 on: May 19, 2011, 10:42:22 am »
yes, the island is public. in fact, sa isang side ng "resort" nila ni ms. grace, may mga tao din dun. in fact dun nga nakabili si hubby ng  halo-halo. pero not sure if you can use the electricity pag d ka nakapag avail ng kina ate grace.

you must try their bamboo raft. sobrang saya! tapos dadalhin kayo sa isang spot na pwede magsnorkel. pero bad experience lang talaga kami nung paghiram ng snorkel. akala kasi namin whole day mo siya pwedeng irent, yun pala, sa snorkeling lang.

^sis, so there are 2 ports? alin yung kina ms.grace nun? kasi dun kami sa port na may waiting shed sa harap mismo ng beach kasi dun ang bagsakan ng mga fish na huli ng mga fisherman. alam ko yun ang port nila ate grace at boat din nila ang kumuha sa amin. so meron pang isa? well i guess pwede naman kasi kahit saan ang port kasi may mga houses sa beach at maraming bangkero.

tinapay

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #205 on: May 19, 2011, 01:49:35 pm »
^dun din kami sis, sa may bagsakan ng fish.  yung isa pang port na nakita at napagtanungan namin, before pa yun sa port nina ms. grace.  meron din kasing mga sasakyan na naka-park dun tapos may mga nagsasakay sa boat.  di naman sila mukhang fishermen, mukha naman silang turista, hehe.

lakwatsa

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #206 on: May 19, 2011, 02:05:17 pm »
ilan hours travel mula manila?

freeswan

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #207 on: May 19, 2011, 02:48:43 pm »
^ mga 6 hours sis pag bus kasama stop over.

em_malong

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #208 on: October 21, 2011, 10:33:03 am »
mga sisses, me nakita akong contact person for Magalawa si Albert.,,

binigay niyang rate sa amin for DIY is yung boat fee(P100), overnight fee(P100) and camping fee (P100). SO 3,oo per person.
We have our own tent so hindi na kailangan magrent. tent rent fee yata is P300. 
We will be going to Magalawa Island this Nov 5. meron ba kami makakasabay?

comp_nurse

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #209 on: October 22, 2011, 06:44:51 pm »
^parang gusto ko mag join sis.. ) how about sa food? how much ang budget and saan tayo sasakay ng bus pag commute. :)

yosh

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #210 on: October 24, 2011, 02:50:42 pm »
been there last weekend c/o ate grace.

disclaimer: this is an honest review based on my experience.
wala po akong sinisiraan or something, i just want to help my fellow gtalkers.

here goes:
we travelled from manila to palauig via motorcycle (club cb110 ride).
mas malayo sya sa san antonio. pagkaliwa mo sa papuntang port, the road is rough road na.
as in dust, stones, loose gravel. ok lang siguro kung nakakotse, pero since naka-mc kami parusa to.
one of our riders miscalculated his descent and fall pa.

pagdating sa parking, may gate naman. pero parang isang malaking looban. maraming bahayan.
i didn't feel its safe kasi andaming naglalaro at nagtatakbuhan na bata, so kung ayaw mo magasgasan ang kotse mo, bring car cover.
and may bayad nga ang parking. 50 per mc. 100 per car.
the port itself is not so good looking (compared sa pundaquit), i was disappointed sa water, color lumot green. aww

approaching magalawa, what i first noticed was the seaweeds. it is everywhere!
the island itself is parang mejo masukal pa, halatang di pa sikat. dami small plants sa shore.
ignored it at first, i was thinking of finding a seaweed-free spot later na lang.
mabait ang aming welcoming committee. lalo si ate grace. areglado agad ang aming request for additional bed.
we were ushered sa aming kubo. kinda disappointing for its price.
elevated papag, bamboo doors with mini lock, with kutson and beddings and electric fan.
mejo useless lang ang lock kasi madali naman masira yung kawayan and may butas din sa silong.
pero keri na rin kasi at least mejo mahihirapan kung may masamang loob man.
the cr is common cr nga. buhos system from sa nearby poso.
the poso is amoy kalawang ang water. better pa sa anawangin.

come lunch time 11am, we were served: 
Limang Isdang Demonyo!! (di ko alam tawag, sabi lang ng friend ko to)
Limang pinggan ng Adobong Manok
Limang pinggan ng sugpo
Tagiisang coke
Soup
At unlimited kanin..:)
no menu here, eat what is served.
pero mabait ang mga manang. bigay agad ang request namin.
yung isa nahiya pa kasi mabaho na daw sya. sabi ko kebs na te, basta penge extra rice. hehe
siguro specify mo na lang sa nego nyo before going kung allergic ka sa particular food.

so swimming na kami, wala pala spot na walang seaweeds! waaa
the sand is creamy white! pero not fine, mas gusto ko pa ang grayish sand ng anawangin or ang brownish sand ng nagsasa.
maraming nagkalat na stones and shells, so be sure to walk with slippers. or buy aqua shoes!
sobrang daming starfishes! good for picture-taking, bad for barefoot!
may mga twigs din sa ilalim ng dagat, akala ko ahas sa tubig. aww
my friend got pricked by something. akala namin sea urchin pero sabi ng mga locals, fish daw un.
so dinala namin sya kina ate grace. namaga na kasi yung buong paa nya.
binabad nila sa mainit na suka, kwento ng mga locals kahapon daw may natusok din.
umabot gang kili-kili yung maga kasi pinabayaan. aww
so reminder: bring ANTI-HISTAMINE!
in 3hrs naman ok na sya, buti may friend kaming nurse at may dalang mga gamot.

kumain din kami ng halo-halo. 25pesos. di masarap.
gulaman, nata, beans, buko, ube, konting gatas at maraming yelo. yun na.
bring food din, no free food in between. pero may tinda naman sila dun. mejo mahal nga lang.

by dinner (7pm), we were served:
Limang malalaking Lapu-lapu
Limang pinggan ng Menudo
Limang pinggan ng chopseuy
Tagiisang coke
Soup
At unlimited rice!!!!..:D

after dinner, inuman na!
ang mahal ng alak, malas namin kasi isa na lang yung the bar (100pesos)
tapos puro red horse (40pesos 500ml). pero may tanduay ice!
binigyan pa kami ng banig, baka gusto daw namin sa lapag maginuman!
pede din daw kami magtent kung gusto. wow!
make sure lang na ilista ang mga kukuning alak.
kami kasi may inorder na isang case na pinacancel din, pero lumabas sa bill.
kaya double check.

breakfast kami ng 7am, we were served:
Tigiisang jumbo Hotdog
Tigiisang sunny side up Egg
Tigiisang tuyo
Tigiisang kape
Soup
Unlimited rice!!!..:)
i exchanged my coffee to coke. pede naman.

after kumain, snorkeling na daw sabi ni ate grace hanggat mataas pa daw yung tubig.
balsa ang gamit nila. cool din.
mejo may kalumaan na yung ibang pang-snorkeling na gamit, sira na yung rubber.
yung saken pinapasukan na ng tubig. aww
buti pumayag makipagpalit yung isa kong friend, bago yung sa kanya e.
di kagandahan ang corals, sabi ng friends ko patay na daw yung iba.
isa lang nakita kong kulay green pa.
wala masyado fish, puro black pa. isa lang nakita kong nemo.
ingat pag bumababa na ang tubig, muntik ko na maapakan yung sea urchin. aww
at may something na nanunusok, pagahon namin puro kami pantal.
pero mabait si ate at kuya sa bangka. pumayag hawakan mga gamit namin. tapos pinipicturan din kami.
sa cam nila at sa cam namin (iuupload daw sa fb).

so swim swim ulet.
binuo namin yung name ng club using starfishes (ganun sila karami). hehe

lunch ulit!
Limang pinggan ng alimango
Limang pinggan ng tuna (di ko alam luto)
Limang pinggan ng isda (di ko ulit alam luto)
Tagiisang coke
Soup
At unlimited rice!!!!..:D
habang kumakain pala kami, may isang girl sa kabilang table na nakababad din ang paa sa suka.
so 3 days in a row na may natusok. i wonder kung everyday yun.

so nagpasettle na ng bill kina ate grace at sa nanay nya habang nuod ng asap xv.
parang mejo asar yung isang manang na in charge sa bill kasi nga nagquestion kami sa alak.
ayun pahinga lang ng unti tapos larga na kami.
nagpapicture pala muna kami ke ate na kasama namin sa snorkeling.
aba marunong gumamit ng slr! ayus!

pagdating sa kabilang port. natuwa ako sa mga malalaking isda.
sabi ko sa manang, pede po picturan.
sabi nya: pede pero may bayad (seryoso sya)
our mc are intact pa naman. so i guess we can say na safe naman ang parking nila.

over-all, my rating is 2 out of 5.
best point ang mabait na staff at pagiging accomodating ni ate grace and ang dami ng food serving.
the rest, it could have been better.
would i recommend it? honestly no.
kung habol mo swimming sa beach better pa ang anawangin, kahit mabaho na sya.
if you want virgin and less crowded beach, go here. be prepared lang.
or go for nagsasa na lang. mas maganda dun.
pero two thumbs up ako sa service nina ate grace.
sana lang maisipan nila pano linisin ang dagat. heaven na to for sure.

fabnprettyjhezy

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #211 on: February 26, 2012, 12:44:23 am »
meron kaya pupunta this march? my sister and i need joiners para masaya pag madami :))

aicute12

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #212 on: April 02, 2012, 09:33:01 pm »
meron po bang nakakaalam ng number ng kabilang resort? (yung katabi nila ms.grace?)

superMeme

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #213 on: April 17, 2012, 08:16:43 pm »
Mga sis, yung so called resort of ate grace are believed to be just squatting in magalawa island.. They are not supposed to be operating as a resort daw kasi squatting nga daw sila...based on my readings sa net,  a certain Mrs Ruiz owns the property.  Tas ang legit na pwedeng magoperate dun na resort is called Ruiz resort if im not mistaken....ito yung resort na inaalagan by a certain Mang Mulo...sila yung resort sa beachfront side and ito yung part na mahangin daw unlike the part of the Armada which is operated by ate grace that you are familiar with, which is at the back daw of the island kaya mainit...

The resort being taken care of Mang Mulo is the one allowed by Mrs Ruiz....sila siguro yung gustong siraan ng kampo nila ate grace which according to one of the sis here na pinigilan sila dun pumunta kasi mababastos daw sila allegedly...There was a time din daw na dumalaw dun ang tunay na mayari ng island and saw that the armada group was operating, pina close un resort so pag ganun daw hindi na mababalik ang nadeposit nyo if ever...tama ba, theyre asking for deposit?

And also mas budget friendly yata yung charges kina Mang Mulo and they dont prioritize large groups, pantay-pantay lahat...with the unseen biting elements in the beach heheh, baka normal na po yun sa magalawa. Sandflies po ata yun or something else...just be prepared with your emergency kits as in all beach you go to..for the Ruiz resort, as far as i know Raymond is handling the resevation and he is based in Manila so sa kanya po yata magpapareserve...I will try to find the contact number and also the blog that explains the issues in the island para mas malinaw at macompare nyo din...

Question lang, sa mga nakapunta na dun,  ok pa rin ba ang beach ng magalawa in spite?  I mean malinis at clear pa rin ba ang tubig?

rocky

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #214 on: April 21, 2012, 12:34:54 pm »
^sis, mukhang mas ok jan kay mang mulo. may contact # ka na nya? plan kasi naming pumunta next month ;)

shegothim

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #215 on: April 24, 2012, 03:20:31 pm »
punta kaming group sa magalawa island next week. pupunta rin sana kaming san salvador pero mahal ng rent sa boat. mukhang ok naman ang snorkeling site doon so keri na rin. sana maging ok ang trip namin, excited na ako ;D

queens

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #216 on: April 24, 2012, 09:52:58 pm »
masarap sa magawala nagustuhan ko sya kasi mahangin hindi mainit comparing to potipot mas oki rito feel at home ako at mapuno yun island. tsaka may caretaker na nagaasikaso talaga andun kasi yun may ari pagkaka alam ko mga armada ang may ari dito ko lang nabasa yun about mrs. ruiz. anyway it does not matter to me sinu pa ang may ari for as long as good service enough na yun sakin. down side tama napansin ko madaming tusok tusok so ingat and tsaka nainis ako sa mga ant. iwan lang namin saglit yun food ang bibilis ng mga langgam umakat sa lamesa. true plenty starfish too :)

@ shegothim and Rocky - bring your hammock sarap mag relax dun :)
@ yosh - thanks for sharing your experience oks lang yan at least para alam ng mga readers what to expect in the island. if you will ask me gusto ko pa din balikan ang magalawa  na mi miss kona nga eh nakaka relax kasi halos nag moment lang kaming dalawa ng kasama ko solo namin ang island  that time i think  may two years ago na :) 
« Last Edit: April 24, 2012, 10:01:27 pm by queens »

shegothim

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #217 on: April 24, 2012, 10:24:46 pm »
thanks sa tip sis queens. tamang tama hindi ko pa sinosoli iyong hammock ng kaibigan namin ni kel.

may mura bang mabibilhan ng food doon? ang mahal kasi ng per meal ng ruiz at armada eh. 200 ang nababasa kong rate ng meals nila doon.

mahal din iyong boat papuntang san salvador per pax ang bayad kaya mukhang di kami makakapagisland hopping. mukhang bonding galore lang kami sa island.

queens

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #218 on: April 25, 2012, 01:15:17 pm »
medyo pricey nga .. naka two meal lang kami duon para ma try ang food nila. yun fried calamares ang sarap. the rest we just ate and cook our baon. may dala kaming cookset and nag tent lang kami. di ko lang sure kung may mabilhan na food sa mainland. boat ride to island is 10-15mins.

FOURever

  • Guest
Re: Magalawa Island (Palauig, Zambales)
« Reply #219 on: April 29, 2012, 02:22:39 pm »
pwede ko po malaman mga naging expenses nyo po dito? At mga tips? Saan po kayo nag check in? At mga activities? Mga what time dapat umalis ng manila? Ok lang ba na overnight lang dito? Or mabibitin kami?

sorry dami ko po tanong..Gusto ko po kasi igala father ko. He's workaholic. I cannot ask him to go naman to other places na malayo na like visayas kasi he has work. Minsan may work sya ng saturday. pag minalas, may work sa sunday. Kaya gusto ko ng getaway trip ng pwede namin gawin ng saturday to sunday or friday night to sunday morning.. I'm planning to bring him again to batangas, sa may island dun.. Pero nakita ko tong thread at naging interested ako.. Thanks po!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close