ok at dahil walang pumayag na kasama niyo ko sa trip niyo, pwes, nagpunta ako dun nung weekend. hahahaha. d na ako makaantay. sinama ko ang husband ko.
well, overall, i would rate my overall experience in the island as 3 out of stars. with 2.5 for the nature and 0.5 with the owners or ate grace. don't get me wrong. mabait sila ate grace BUT magulo sila kasi wala silang management.
first, upon reading this thread, tinext ko agad si ate grace, no reply. so tumawag ako sa isang number na tatay niya nakasagot, sabi tawagan ko raw si grace. so tawag naman ako ng tawag, busy. so ok lang. so nagtext na lang ako na if ever meron available kubo for april 30-may1, ibook na lang kami. the following day, tinawagan ako ni ate grace, sabi sa akin wala na daw kubo. so tent na lang. so ok na. kubo is 1800 per head and tent is 1700 per head complete package na yun. tapos sabi ko 2 pax lang kami. so sabi niya sige 1500 na lang per head sa tent. ok na sa akin pero dahil alam kong sobrang init ngayon, sabi ko, ate, if ever may magback out sa kubo, sana ibigay niyo na lang sa amin. sabi niya ok. tapos the following day, nagtext siya. "hi, may available na kubo for april 3-may1. please deposit 10%. i will send you the bank details later. " tapos nareply ako "ate, thank you. pareserve naman sa amin. 2pax, kubo accomodation complete package. can i send the deposit tomorrow kasi nasa field ako ngayon." tapos she replied ok, tapos abi ko bale 360 pesos lang deposit ko since 10% lang eh. sabi niya, ay 2 pax lang pala kayo noh. tapos sabi niya, kahit 500 na lang. i replied ok. tapos that afternoon, i texted her about the bank details, no reply. later that night, i texted again, no reply. the following day, kinabahan na ako kasi malapit na kaming umalis, d ko pa alam status ng reservation namin, tumawag na ako. sabi niya, tent na lang daw meron. so sabi ko ok pero since wala na time magdeposit, magbayad na lang kami dun. actually, idea ni ate to so ok na rin. now alam ko na kung bakit d niya kami nireplyan about sa kubo. kasi 2 pax lang kami. imagine, the kubo can accomodate 5 pax. now, if merong customers na 5 pax na kubo ang kukunin vs. sa amin, siyempre, mas kikita siya sa 5 pax. i just brushed it off.
sumakay kami ng victory liner in caloocan sa 4am na byahe. pero 2:30am pa lang, andun na kami. may pila na ng 3am. kasi if d ka nakapila, malamang, d ka na makaksakay ng 4am na byahe. we arrived at palauig ng mga 9am plus. binaba kami sa radyo veritas road. sumakay kami ng tryc, pagdating namin sa armada fish dealer compiund, 150 siningil sa amin ng tryc. so yung nasa website na 100, d na totoo yun.
so nakita na namin ang Magalawa island. wow! maganda siya ha. nice place for swimming compared to anawangin. tahimik siya. i bet kasi konti pa lang tao nakakaalam nito. anyway, pumunta kami ng "resto" nila to have our lunch. dun pa lang, nagkakagulo na ang mga servers. nung una, tinanong kami kung ilan kami, we said 2 lang. so umupo kami, binigyan kami ng chicken afritada and shrimps. tapos may isang girl na naman na lumapit sa amin tinanong kung ilan kami, i said again 2 lang. tapos another girl, served us a platter of rice, tapos lumapit yung isang matandang babae at tinanong kami ulit kung ilan, tapos sabi namin 2 lang. kinuha niya yung rice namin!!! at pinalitan niya ng mas konti. ang masama pa, sabi pa niya sa babaeng nagserve sa amin "sobrang dami to para sa kanila". i mean, we find it rude ha. kung mag away sila, wag naman sa harap namin. ang ending, napagod pa sila kasi humingi pa kami ng rice ulit. pabalik balik pa tuloy sila.
swimming time. madaming starfish. so sabi ko kay hubby, hiramin natin ang snorkel kasi nakakatakot magswimming madaming starfish. sabi ko, part naman yun ng package nila yung rental ng snorkel. nagpunta si hubby at bumalik na walang dalang snorkel. sabi niya hindi daw siya pinahiram kasi ang sabi baka daw mawala namin. sabi ni hubby "akala ko ba bayad na yun?" [textspeak!] ko dapat. sa sobrang inis ni hubby, tinanong niya yung isang attendant, "magkano ba rent niyan at babayaran namin?" wala daw sinagot yung babae. so nagswimming na lang kami pero ingat na ingat kasi sobrang malalaki ang mga starfish duon. in short, nakahiram lang kami ng snorkel nung nag snorkeling lang talaga kami sa may corals area.
dinner time, magulo. madaming tao. imagine, hinatayan ng tables. ang dami nilang servers pero d sila magkaintindihan sa kung sino ang uupo, ilang guests, etc.. si ate grace nagmamando sa resto at the same time, she's taking in calls sa mga customers na nagpapareserve. ulam namin is inihaw na fish and yung isa nakalimutan ko. basta laging dessert, ripe manggoes.
late night, sobrang init sa loob ng tent. natulog kami ni hubby sa may shore. lumipat kami ng mga 2am kasi muntik na kami maapakan ng mga lasing na naglalakad sa shore. at 2am, d makatulog si hubby sa sobrang init. around 5am pa lumamig.
breakfast: hotdog and daing. tapos swimming kami ulit.
lunch, eto na ang final straw: pagdating namin sa resto, madami na kumakain, tapos may crabs. tuwang tuwa si hubby kasi crabs. nung naghintay kami ng food namin, sinerved, adobong pusit! sabi ni hubby, asan daw crabs. sabi naman ng server, pag may crabs po, walang pusit. so sabi namin, ok. after ilang minutes, lumapit yung girl, wala na daw crabs. so nagalit si hubby. sabi niya paanong wala, eh may group of people na kararating lang namin, binigyan ng crabs tapos kami kanina pa wala na?. tapos lumapit si ate grace, sabi niya, add-on daw yung crab. tapos sabi ni hubby magkano daw ba kasi magbabayad na lang kami. sagot ba naman ubos na daw. sabi namin, "paano kayo nagpapa add on pero pili lang yung mga tao na bibigyan niyo? tapos kelan kayo nagpa open ng pa add on na d man lang namin nalalaman? kasi last night pa yung lobster at crabs niyo sa kitchen nakadisplay, bibilhin sana namin, sabi niyo, reserved na yan at may may-ari na. pero nung nagbreakfast kami sa morning, d nagalaw ang crabs and lobster niyo? tapos ngayon sabihin niyo sa amin ubos na ang crabs?" galit na galit na si hubby. siguro mga 10 minutes lang kami nakatingin sa food kasi ayaw talaga niya kainin. lumapit si ate sarah kasi daw pipiktyuran daw kami, tumanggi talaga si hubby kasi d siya natuwa. sabi ko na lang "kainin na lang natin to at magugutom tayo pauwi" kinain lang niya yung pork. d niya kinain ang pusit.
so we paid our bill. tapos ask ko si ate grace "ate may lista ba ng priority sa bangka pabalik ng mainland?" sabi niya, wala daw. so ok, tambay muna kami. after lunch, madaming nagsiuwian. so tambay kami sa may shore habang pinapanood namin ang first batch na umalis. tapos nung umalis sabi ko kay hubby kunin na yung mga gamit namin at sa second batch, sasabay na kami. dumating na yung bangka, sasakay na sana kami sa bangka pero pinigilan kami ni ate grace kasi d pa daw namin turn? WTH? akala ko ba walang listahan?? kasi uunahin daw yung group na 12 people. eh sobrang init na kaya. in short, nasa third batch na kami. tapos meron pa nagrereklamo kay ate grace kasi siningil daw sila ng tryc kahapon ng 200 pesos.
so ayun... more credits to the place and nature pero sobrang nagsisi kami we go the package. eh the only reason why we got the package is para d na kami mahassle sa pagprepare ng food namin kasi yung experience namin sa anangawin parang mas napunta pa yung time namin sa pila sa poso, preparing the food, pagbabaga ng apoy, pagliligpit, etc.. kaysa pag swimming. this time naman, we had more time in swimming, bonding with each other. d lang maganda experience namin with "them". if you'll ask me if babalik ako dun, maybe. but not anytime soon. i'll explore other islands first. tsaka sobrang layo ng byahe. yung tryc ride papasok sa brgy. luan, ang lalaki ng mga bato. parang atv kelangan. bugbog ang kotse niyo.