@delisyus and marose... wow napapanahon itong pinaguusapan nyo about gadgets... my husband and i are seriously comtemplating on buying one or not. ako masyadong hesitant but my husband is eager to get one. nagwoworry ako for my daughter, she's just 2.4yrs old, baka tamarin mag-aral magsulat pag na-experience nya how easy it is to access things in just one touch, at tulad nga ng mga nabanggit nyo, ayaw kong ma-stuck sa isang tabi lang ang anak ko dahil sobrang busy sa kalalaro or learning new things via this gadget. i have nothing against it, pero ang gusto ko lang, matuto muna sana sya magsulat bago ko sya pahawakin ng gadget na ito. kinokontra naman ako ng husband ko, sa generation daw kasi ng mga bata ngayon, ganito na raw ang paraan to learn.
i am really not so convinced with his premises. i don't know, batang kalye kasi ako dati eh, lahat na ata ng klase ng laro sa kalye nalaro ko kahit panlalakeng laro (jolens, tumbang preso, luksong tinik, chinese garter, trumpo, teks, etc etc). minsan sa pag-uusap namin ng mga ka-ofcmates ko sabi ko "alam ko hindi na safe ang paligid ngayon para gawin yung mga pambata na nilalaro ko dati, pero I am just so curious, may mga pre-schools kaya dito sa atin na nagtuturo sa kanila maglaro ng mga ganitong klaseng laro sa kalye dati? like for example, yes or no game, tumbang preso, hide and seek, etc etc"
ang point ko sa husband ko kaya ko sinasabi ang mga eto, gusto kong maexperience ng anak ko maging bata, importanteng ma-enhance, not only her mind, as well as the physical aspects at the same time.