watch now

Author Topic: my Sister in LAW  (Read 26001 times)

beatrize zuri

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #60 on: April 28, 2012, 07:53:17 pm »
grabe naman napaka harsh naman nung SIL mo, alam ba ng hubby mo yung nangyari? anong sabi ni hubby? sino bang mas matanda sil mo o yung hubby mo?

FayeP

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #61 on: April 28, 2012, 08:04:07 pm »
sis beatrize, si hubby ang matanda sa sis nya..

un ibang usapan namin ni SIL alam ni hubby, pero un mga matitindi, hindi nya alam, sakin na lang un...kasi kahit alam nyang maldita sis nya, ayoko isipin nya na may kapatid sya na super Evil talaga hehe in a way I don't want him to know just how bad his family had treated me...

pero alam nya na ayaw nila sakin, galit sila sakin and have said a lot of things about me na hindi totoo, na inaaway ako sa text at calls, na pati sa mga kapitbahay nila sinasabi ng family nya na ayaw nila sakin...ganun

beatrize zuri

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #62 on: April 28, 2012, 08:35:55 pm »
ang bait mo naman sis, buti di mo sinasabi sa husband mo yung mga evil threat nila. kaya din siguro ako binigyan ng mga mababait na in laws kasi kung ako siguro yan nag sumbong na ko kay husband. lahat kasi sinasabi ko talaga sa kanya at pag nag kataon magaaway pa sila dahil sakin haha!  ;D  (maldita mode)
 
tsaka grabe naman sila ayaw nila sayo eh ikaw na nga umaayos ng buhay ng mga pamangkin nila dapat nga thankful pa sila sayo. at take note, ichismis ka pa sa kapitbahay! haay buti na lang talaga hindi ako ang nasa ganyang sitwasyon kasi swear! susugurin ko talaga sila  >:(

FayeP

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #63 on: April 28, 2012, 09:27:25 pm »
nakakapagod kasi sis beatrize na lagi nakikipagtalo, kaya pag nakakareceive ako ng hate text either from my MIL, SIL at sa isang BIL ko eh deadma lang, minsan si hubby un nakakabasa ng texts...kasi ginagamit namin phone ng isa't isa eh kaya minsan cya nakakabasa...pero ala di ako reply na lang delete na lang kasi sila naman ang magdadala nun...

yun nga lang syempre may galit din ako talaga sa kanila kasi di bale sana kun totoo un mga pinagsasabi nila sakin kaso hindi at isa pa, pati baranggay nila alam un nangyari...although di naman ako nagpupunta sa lugar nila syempre nakakahiya pa din na un mga pangyayari sa family sila mismo ang nagdadaldal hay naku

at isa pa, when I was pregnant nga, lahat ng masasamang salita pinagsasabi nila sakin simply because ayaw ni hubby pumunta sa kanila...kesyo pinipigilan ko daw, masyado daw ako selfish na ayaw ko papuntahin si hubby sa kanila etc etc...eh hello matanda na kaya si hubby kahit pigilan ko un (na di ko naman ginagawa) kun gusto nya di ba makakapunta sya..ayaw nya din kasi pumunta dahil stressful sila...


beatrize zuri

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #64 on: April 28, 2012, 11:18:25 pm »
grabe naman, di na nila iniisip na kahihiyan din nila yon kinakalat nila sa ibang tao yung problema ng pang pamilya lang baka di nila alam pinagtatawanan at pinaguusapan din sila ng mga kapitbahay nila, well alam mo naman ang mga pinoy  ::)
 
pero sis, bilib talaga ko sa pasensya mo sa pamilya ng husband mo buti na lang at hindi gaya nila ang husband mo and atleast yung mga stepson mo esp. yung eldest, atleast improving siya in a way don ka na lang talaga nakaka feel na worth it lahat ng pag titiis mo diba? marerealized din ng stepson mo yung mga sacrifices at pagtitiis mo sa mga inlaws mo.
 
haay buhay...!

FayeP

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #65 on: April 29, 2012, 03:08:03 pm »
ay sis beatrize, I don't have a stepson hehe
I have a 6month old baby boy though heeheh

beatrize zuri

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #66 on: May 01, 2012, 07:49:17 pm »
^ay sorry sis, hehe overlooked! ganito ang effect pag kahit weekends eh nagwowork ka pa din, haha! sorry sis.

slovy

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #67 on: May 01, 2012, 10:02:40 pm »
awp kung ako yan nasa situation mo sis FayeP, hindi ko lam panu ihandle yan. Well ako naman mahaba pasensya ko, pero pag ako napuno naku ewan ko na lang. bakit nga ba may ganyang mga in-laws ano?


buti na lang my inlaws were very good to me. hindi ko nga alam panu ako makakabawi sa sobrang kabaitan nila. love na love pa mga anak ko.

FayeP

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #68 on: May 04, 2012, 07:30:18 pm »
sis slovy, late reply ehhee

mabuti mabait inlaws mo hehee

well, ayoko kasi mastress sa kanila and they are actually not worth my time...naiinis lang ako kasi akala mo kun sino si SIL ko eh wala din naman...


sima

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #69 on: July 19, 2014, 07:24:00 pm »
My sister-in-law lives with us for almost a year now.  Mas matanda siya sa hubby ko.  Ang masasabi ko lang sa kanya eh matigas ang ulo at makapal ang mukha.  Mas marami pa siyang time na ginugol sa bahay ng ibang tao.  Actually, ako ang nahihiya for her pero hindi ko naman mapagsabihan.  Ewan ko lang din kung napapansin niya ang ugali niyang iyon.

iska-hazel

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #70 on: July 20, 2014, 03:54:29 am »
naku ang sil ko parang best of friends kami for 8years na married ako k hubby and 5 years magbf-gf sadly lumabas na ang tunay na kulay nya nung april 2014 lang. buset, sana nagpakatotoo nlng sya sakin na umpisa pa lang ayaw nya sakin kesa makipagplastikan ng napakatagal, ang sakit sobra.

krystalB

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #71 on: July 20, 2014, 07:26:49 am »
naku ang sil ko parang best of friends kami for 8years na married ako k hubby and 5 years magbf-gf sadly lumabas na ang tunay na kulay nya nung april 2014 lang. buset, sana nagpakatotoo nlng sya sakin na umpisa pa lang ayaw nya sakin kesa makipagplastikan ng napakatagal, ang sakit sobra.


Awts kapag akala mo nive siya sayo ayun pla my inis siya sayo. Mas masakit kapag sa iba mo pa nalaman. Ano ginawa sayo sis?

sima

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #72 on: August 25, 2014, 10:28:25 pm »
I am thankful and so happy at wala na sa poder namin ang sister-in-law ko.  Malakas ang kutob ko na sinisiraan kami nito sa aming mga katrabaho.  As if naman bubuti ang buhay niya sa ginawa niyang iyon.

abbmg15

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #73 on: August 30, 2014, 09:28:43 pm »
gusto ko lang magshare mga sis...

yung SIL ko napakaplastic, nakakaasar kasi nung mag bf/gf pa lang kami ni hubby, ang dami dami niyang post s fb na hindi naman sinasabi na ako. puro patama lang eh ako yung karelasyon ng kapatid niya... "huwag daw bigyan ng sakit s ulo yung kapatid niya kasi madami daw iniisip saka kawawa yung mga magulang nila maraming problema, kesyo ayaw niya daw mag asawa pa yung kapatid niya kasi mabait siya lang ang inaasahan etc etc"  nung nakapost yun nasa abroad pa kami ni hubby nagwowork so hindi ako masyado updated sa fb. tapos nung nabasa ko kasi tinitignan ko yung fb nung kapatid niya kinompronta ko yung hubby ko sabi ko bat ganun yung kapatid niya pinapangalandakan pa na ayaw saken sa fb eh ang dami daming nakakabasa nun. sabi saken ng hubby ko selos lang daw iyon. tapos nung binisita ko yung kapatid niya kinompronta ako kung ano ang balak namin palibhasa natakot na mawalan ng padala s pera. tapos nung magpapagawa na kami ng entourage gown siya pa super mapili ng style hindi naman siya ang maid of honor saka ang akala ko ba ayaw niya pa makasal yung kapatid niya.
nakakainis pa ngayon since wala pa kaming sariling place ni hubby, kasama namin siya kasi sila yung magkasama
kapag umuuwi s phils since bagong kasal lang kami early this yr. so ang nangyari parang ako yung dunagdag s household nila hehe... ayun civil lang ako pero hindi ako nakikipagkwentuhan kasi ayaw ko nga sa kanya. ewan ko lang kung alam niya na nabasa ko na yung mga pinagpopopost niya s fb.
alam ng asawa ko yung feelings ko about his sister, sabi ko gusto ko pagnakabukod na kami as in kami lang dalawa plus yung magiging anak namin. tinanong niya ako kasi gusto niyang isama yung kapatid niya once makakuha na kami ng place parang gagawing katulong na babayaran as regular employee, sabi ko hindi pedeng may kasamang in laws s side niya or side ko. so ngayon sinabihan niya ako na tiis tiis muna since wala pa kaming pang dp s bagong bahay. sana maging ok na lahat at makabukod kami asap before ako manganak.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close