watch now

Author Topic: my Sister in LAW  (Read 26004 times)

jpsv72

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #40 on: September 30, 2010, 04:30:20 pm »
pasali naman....
weird naman ng SIL mo, buti nalang yung sakin, no comment sya pero malay ko rin, baka diko lang alam....  ::)
anyway, nakakaloka ang SIL mo, pero tandaan mo lang don't let them ruin your good relationship with ur hubby, kasi almost common problems ng husband and wife is their in laws, if u have a problem with SIL, ignore her, as long as u were good with hubby walang problema, ikaw naman ang pinakasalanan at ikaw si hubby ang pinakasalan mo at hindi si SIL so why care????   :P
'PATAYIN MO SYA SA INGGIT"
bitter lang sya kasi di sya makahanap ng tulad ng hubby mo kaya sya ganun....
40? tandang dalaga na kaya nun, puro itch lang sya at nagpapakamot kani kanino but wala syang regular scratcher kaya sya bitter.... hehe  ;D
sorry po maldita ako ngayon....

shatz

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #41 on: January 29, 2011, 06:40:48 pm »
There are times na nababasa ko ang messages nya kay hubby na kung hindi dahil sa pakiusap nila hindi maabroad si hubby (bakit daw ngayon ako ang nakikinabang sa kanya)


natural ikaw ang asawa dapat lang na ikaw nag humawak ng finances nyo diba,..

shey_danda

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #42 on: June 20, 2011, 08:20:30 am »
Dpat sa mga mapapel na SIL pinapapatay sa inggit!!!

alex001

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #43 on: July 04, 2011, 03:26:55 pm »
pasali naman ako..parang lahat ata kayo may asawa na. ako kasi may prob ako sa SIL ko, asawa ng kapatid ko. ok naman kami ng kuya ko before sya magkaron ng asawa, then close ko rin yung naging girlfriend nya nun. but then iba yung napangasawa ng kuya ko, at hindi  kami magkasundo. minsan nagkaron na kami ng away talaga, as in sapakan and sabunutan.

nagsasabi ng prob yung SIL sa kuya ko, then yung kuya ko never akong kinausap sama naging problema sa bahay, (nasa isang bahay lang kasi kami then yung parents namin asa province) then kung ano ano ng binibintang sakin na ninanakaw ko daw yung pera nilang magasawa blah blah, although may pera naman akong binibigay ng parents ko. then kapag may mga hindi magandang nanyare sa bahay, may nwala na gamit kasalan ko. kasama rin naman namin yung isa naming pinsan na lalake na hindi ko rin kasundo.

every time nalang may problema yung kuya ko at yung asawa nya sasabihin sa parents namin, na hindi ko naman alam yung mga nanyayare kasi sympre focus lang naman ako sa pagaaral ko. ultimo kapag may binili akong bago kong damit, bag, shoes which is once a month lang ako bumibili or every other month basta may 1 pc lang akong gamit na bago sasabihin na nilang ninakaw ko yung perang pinambili ko dun.

bawat kilos ko, pinapansin, at binibigyan ng ibang kahulugan. parang gumagawa sila ng way na para maging dahilan para umalis na ako sa bahay, ang point ko ok lang naman sakin na umalis ako eh, mas gusto ko naman yun kesa naman magkasiraan pa kami di ba? even yung parents ko hindi naniniwala sakin kakabrainwash ng kuya ko at nung asawa nya sakin. never akong kinausap ng kuya sa mga ganitong situation, sinasabi na kaagad na mali ako.

dumating pa sa point na hindi na ako binigyan ng pera ng parents ko kasi nawalan na daw sila ng tiwala sakin, imagine papasok ka ng school ng walang allowance walang pambayad ng mga gamit sa school. nagrebelde ako sa parents ko, yung tipong sarado na isip ko, wala na akong mapagsabihan ng mga prob ko, then yung ate ko naman na kapatid ko rin nabrain wash hindi rin ako pinaniwalaan, ang masakit pa sakin, close kami ng mami ko eh, as in super close kami, then hindi na naniniwala sakin dahil lang sa mga kwentong indi naman totoo, sinabi pa sakin ng mami ko na "sa mga nakarating sakin, hindi na kita tutulungan at tandaan mo, wala kang mararating sa buhay", alam mo yung parang sinampal ka bigla sa harap ng maraming tao na hindi mo naman alam kung bakit ka sinampal. ganun yung naramdaman ko nun, wala akong kaalam alam sa mga nanyare.

wala ng nakikinig sakin, boyfriend ko nalang, na aawa na sakin gusto na nya na rin akong umalis sa bahay namin dahil wala akong peace of mind naapektuhan pa pagaaral ko. then yung isang katulong lang namin na tumulong sakin na iparealized sa parents ko na wala akong ginawang mali at gagawa lang lahat ng SIL ko. thank god, nakinig yung mami at dadi ko pati na rin [textspeak!] ate ko.

nagsorry sila mami sakin na sana pinakingan nila yung side ko, na sana hindi sila nakinig at naniwala na kaya kong gawin yung mga bintang nila sakin. kinausap ng mami ko yung kuya ko ganun rin yung dadi ko. pero sa nanyare hindi ko na maapply yung forgive and forget. kasi parang naging aware na rin ako na someday pati pamilya ko iiwan ako dahil lang sa bagay na hindi totoo. parang napatunayan ko sa nanyareng yun sakin, hindi totoo na ang pamilya mo lang ang sasagip sayo.

i decided to buy and sell online, maganda kita. malakas, kaya nakayanan kong magaral ulit kasi may allowance na ako, nakakakain na ulit ako ng meryenda at nakakapagsine ako kapag gusto ko yung palabas, at nakabili ako ng laptop ko.

naiingit na naman yung hipag ko, nagbenta rin sya online and take note "SAME" pa kami ng product. napansin ko rin na simula nung nagbenta ako, kapag may bago akong bili deretcho ako kaagad sa kwarto ko, kapag nakita nya sa basurahan yung plastik ng sm, bibili rin yan kinabukasan at ididisplay nya pa sa sofa yung pinamili nya. at kapag may shipments ididisplay rin nya.

ngayon gumagwa sila na naman ng kwento about sakin, and same pa rin ng dati nakarating na naman sa parents ko ng wala akong alam, naniwala na naman sila, kinausap nga ako ng dadi ko pero pinalalabas na naman nilang mali ako n wala naman akong alam tungkol sa binibintang nila sakin.

simula nung nagasawa yung kuya ko at nasa isang bahay kami ng asawa nya, ako yung nasa hot seat, na sakin yung issue at ako lage yung may kasalanan.

naba brain wash ng asawa ng kuya ko lahat ng pamilya ko.

ilyababy

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #44 on: July 06, 2011, 04:31:20 pm »
^sis, sabi mo kumikita ka na sa online selling mo, so bakit di ka nalang umalis sa bahay na yan? Kanino ba yung bahay? Inuupahan lang? Is it your borther or your parents who are paying for it? If kuya mo, might as well, lumipat ka nalang, magboarder ka nalang somewhere para umiwas ka na sa kanila. Nangyari na yan sayo before na siniraan ka, dapat naging aral na yan sayo. Kung kaya naman, ikaw na yung umalis, walang mangyayari sayo kung patuloy kang titira dyan tapos mag-aaway away lang kayo.

alex001

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #45 on: July 06, 2011, 07:27:04 pm »
^sis, sabi mo kumikita ka na sa online selling mo, so bakit di ka nalang umalis sa bahay na yan? Kanino ba yung bahay? Inuupahan lang? Is it your borther or your parents who are paying for it? If kuya mo, might as well, lumipat ka nalang, magboarder ka nalang somewhere para umiwas ka na sa kanila. Nangyari na yan sayo before na siniraan ka, dapat naging aral na yan sayo. Kung kaya naman, ikaw na yung umalis, walang mangyayari sayo kung patuloy kang titira dyan tapos mag-aaway away lang kayo.

yun na rin yung naisip ko, sabi nga nung boyfriend ko maski na pahiraman na nya ako ng pera para lang makaalis na ako. yes, enough na yung pera ko para umalis but then sasabihin na naman nila na nagmamalake ako sa kanila. hopefully, before august, makalipat na ako, wala na rin naman silang magagawa kapag nakapagbayad na ako and nakalipat na ako.

mommycute46

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #46 on: July 08, 2011, 10:51:24 am »
Alex001, Huwag mong intindihin sasabihin nila ngayon, If you think living with them separately would prevent you from draining your respect to them, then do it ASAP. Its not healthy if you stay together knowing war can just happen anytime since umabot na pala kayo sa sampalan at sabunutan. Let's just accept the fact na may mga tao rin talagang hindi magkasundo, better isolate yourself from them kaysa makipagplastikan ka sa kanila. Hindi man kayo magkasundo, atleast be civil to each other and act as a person with breeding.

Maybe there's a reason behind why your SIL act that way and don't expect your brother would go against her, asawa niya yon eh. Your parents believe them, whether it's true or not, your parents chose the mature one na paniwalaan, unfortunately, its your brother kasi siya ang panganay. Ikaw ang kontrabida  ngayon because you are dependent with your parents, but don't take it negatively, your parents is just after your welfare. And suggestion lang, before you buy gadgets from your allowance, inform your parents para alam nila na hindi mo lang basta ninakaw yon.

Now if you move out from that house and decide to live on your own, panindigan mo. Act and live the way na kabaligtaran ng mga sinusumbong nila against you. that way, you can have your parent's trust again.

alex001

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #47 on: July 10, 2011, 11:53:04 am »
salamat sis sa advice mo, naliwanagan ako sa sinabi mo, sinabi ko kay mommy lahat, sabi nya hindi na daw nya hahayaang mangyare yung ganun. sya na daw bahala sakin kung dati hinayaan nya ako ngayon daw hindi na sya papayag na ganun. sa ngayon, nagiipon kami ng pera para makaalis na ako dito.

krazeekat

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #48 on: March 24, 2012, 01:10:16 am »
Just want to know your opinions and comments about this mga sisters....before we migrated, sa Pinas pa lang tinutulungan na kami ng sis-in-law ko...though I remember my hubby saying kahit di na ituloy yung remittances...but my sis in law insisted...so thankful kami doon....hubby, me & my daughter migrated Kung nasaan mga in laws ko....Una, nakatira kami sa bro-in-law ko then eventually we moved to where my sis-in-law is....kasi dito nakahanap ng work si hubby. Tinanong ako noon ni hubby na pinatatanong din ni sis-in-law ko Kung okay Lang kasama na namin siya....Sabi ko okay Lang kasi wala naman siya makakasama...single kasi siya at early 50's....anyway, nung una may mga sinasabi siya "bad things" about my sis-in-law( wife ng bro-in-law ko) at pati sa mga kapatid...so kami ni hubby nakikinig Lang....sinabi niya din sa amin na di na siya dadalaw doon kasi tutal kasama na niya kami....eto na ngayon, nung mga first few months okay kami....first incident, napansin ko minsan pinapatulan niya daughter ko....kahit pabiro sinasabihan niya TAN GA...di kasi nakakarinig ng mga bad words at ganun salita Ang anak ko...at Kung ano ano pa paninita sa anak ko....there was a time lumabas siya ng kwarto ginulat siya ng daughter ko, ang Sabi ng daughter ko "boo" na nadinig ko din dahil nasa kabilang kwarto din ako....then si hubby, pinagsabihan si daughter na magbigay galang sa Tita niya, tinanong ko Kung ano ginawa....it came out dinig ni sis-in-law Kay daughter "you move"....pero iyak ng iyak yung bata kasi iniisip niya Kung ano ginawa niya.  2nd incident, hubby & I nag inquire sa isang wireless center for Internet connection, yung sales rep at si hubby ang nag-usap ng husto. In short di namin ma process kasi kailangan info ni sis-in-law. Tumawag si hubby kay sis in law at pumayag siya na babalik kami after office niya...si hubby di makakasama kasi may previous commitment...on our way to the wireless center, may mga tanong si sis in law na may pagbabara na nangyari ( na Hindi niya first time ginawa yun sa amin ni hubby).  Nung nasa wireless center na kami, aaminin ko nakasimangot na ako kasi binara niya ako...nagkataon pa yung sales rep na kausap ni hubby may costumer na medyo mabusisi kaya nag antay kami matagal...Sabi ni sis in law iba na Lang Kausapin natin...na medyo inis na din mukha niya...Sabi ko Ikaw ate... Sa totoo Lang ayaw ko na sana kumausap ng iba kasi may nakaalam na nung package na kukunin namin...eto ngayon I ended up making a phone call Kay hubby para Alamin yung pinag usapan, na alam ko na nasa concert venue si hubby na understood patay ang celphone...in short hinayaan ko si sis in law makipag usap...natapos din. Ang point ko kasi nag commit ka ng time sa Amin ni hubby, iniisip ko okay lang pero naging impatient siya sa pag aantay... Sabi ko sa utak ko impatient ka sa pag aantay pero pag kami nag aantay wala ka maririnig sa Amin...anyway, kinaumagahan di ko siya pinansin kasi ganun ako pag may sama ng loob, I would rather keep silent and eventually mawawala din...nung gabi pag uwi niya tutulog na kami ni hubby, nadinig namin nagdadabog siya....lumabas si hubby, kinausap siya at umiiyak...di na ako lumabas kasi late na din & nag uusap na sila...Bakit di ko siya pinansin, etc...in short naglabas ng sama ng loob at sinabi naman ni hubby yung medyo napapansin namin na di maganda like nag mumukha kami t**** pag iniinsist niya yung point niya or gagawin niya isang bagay para patunayan tama siya...recently, Ito nangyari, na talaga sinama ng loob ko...asawa Lang ako at Hindi dapat ako nakikielam...actually Hindi pangengelam ginagawa ko pag mamalasakit....nagka problema kasi si hubby nung binata pa siya re sa real estate property tax ng bahay ng mga in laws ko...hanggang nag asawa kami...nandyan pa din problema, na di din namin kaya bayaran din dahil wala work si hubby at that time ako Lang nagwowork at magkano Lang kinikita ko din kahit nagpapadala si sis-in-law at tumigil din naman eventually....nung bago pa kami magpakasal sinabihan ng father-in-law si hubby Kung gusto ipalipat na sa pangalan niya since naka pangalan sa kuya niya Ito which may share sa pagbili ng bahay...Sabi ni hubby okay Lang dad....at natatandaan ni hubby na may sinasabi si sis in law na yung pang tuition ni hubby dapat noon dyan napunta...may times noon nung nasa Pinas pa kami tinatanong niya si sis in law Kung ililipat ba sa pangalan niya, ang sagot ni sis in law, "teka muna"...so okay Lang at di na sila kinulit ni hubby....going back tungkol sa real estate, naisip namin ni hubby gawan ng paraan dahil nangyari yung problema Kay hubby pa Lang at iniisip talaga ni hubby na yung bahay kanya na.  (Sa totoo Lang siguro sumagi sa isipan niya, kuya niya dalawa ang bahay dito sa abroad at yung ate niya since wala naman family iiwan din Ito eventually) anyway, humingi ako ng tulong sa dad ko regarding the real estate...knowing my dad, sa abot ng makakaya niya tutulong....nagtanong tanong siya sa mga kakilala niya Kung ano dapat gawin para mabayaran na....in short ni require humingi ng spa Kung kanino naka pangalan ang bahay para mabayaran Lang ng dad ko...si sis-in-law at bro-in-law nag usap Bakit daw kailangan ng spa...ibebenta daw ba ang bahay?...inexplain namin na walang bentahan magaganap...yung spa tungkol lang sa right ng dad ko mabayad in their behalf....Bakit daw ako nakikielam????...pag may nangyari ba masisi ba nila dad ko???...nasaktan talaga ako!...Sabi ni sis in law kakausapin ko yung Tita ng kaibigan ko at dun siya hihingi ng tulong...ANO YUN???...mas nagtitiwala sila sa iba keysa sa pamilya ko...kaya naisip ko "am I part of this family????"....yung kuya ko na minsan Lang dumalaw dito, na hanggat maari ayaw mag stay sa Amin dahil ayaw makaabala...kaya Lang no choice wala makuha hotel dahil may big event....may naipintas din siya...di man Lang nag reply sa email niya kahit "thank you"... Samantalang nagyaya kuya ko mag dinner kami lahat sa labas as his way of saying thank you sa pag stay niya sa Amin at pagbigay ng ticket... Ticket na ipinamukha niya na Hindi hinihingi yun...binibili yun...Kung baga di makakapunta kuya ko sa event Kung wala siya (sis-in-law). Sa totoo lang, hindi Lang sa akin ginawa Ito, yung sa kapatid ng asawa ng bro-in-law ko & take note, base sa kwento din ni sis in law, may favor din hiningi sa kanya at di na makakaulit....sa ngayon nag desisyon na ako na pag dating sa favor  Hindi muna ako hihingi dahil ayaw ko may maiisumbat sa akin...Humingi naman ng sorry si sis in law sa mga nasabi niya, at tinanong niya ako Kung ano sa tingin ko Kung pwede pa kami magsama...ang sagot ko "siguro"...I can't really tell...though I giving some more chances maging okay kami dahil ayaw ko dumating sa point na maiipit si hubby dahil alam ko naman Kung sino pipiliin niya if ever...Yung tungkol sa property nila, Sabi ni sis in law Kung tutuuisin malaki ang participation niya dahil sa pinadadala niya...na which is alam namin sa amin yung pag tulong niya yun. Mali siguro ako inakala, kasi ang alam ko pag ang pagtulong buo sa loob mo, Hindi mo kaya isusumbat sa taong tinulungan mo...at sinabi ko Kay hubby, it doesn't matter to me, Kung meron ka o wala dyan sa property ninyo, dahil paniniwala ko di ko madadala sa langit yan...dahil ko tungkol diyan Sana pinaglaban ko karapatan ng mommy ko sa properties ng Lolo ko...sorry mga sis...napahaba na Ito...pasensya na...

krazeekat

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #49 on: March 24, 2012, 04:37:22 am »
Sa ngayon, di ko alam kung dapat ba bumukod na kami???...kasi sa ngayon di pa talaga kaya, we are sharing rent with my sis-in-law...pero Kung kinakailangan have to find ways...humingi din ako ng advice sa kuya ko, Sabi niya nga di kasi maganda pag lumalaki bata may kasama iba...though hubby and I have been talking about this and he told me, sige gawin mo muna yung gusto ni Ate, then pag ganyan pa din siya...pack up tayo!...btw, matagal din kasi di nakasama ni hubby si sis-in-law dahil naiwan sa Pinas si hubby & besides 15 years ang age gap nila kaya di na rin kabisado ni hubby yung ugali ni sis-in-law. Ayoko Lang kasi masabi na wala kami utang na loob... If I have no choice at ikabubuti ng pamilya ko meaning for my daughter...I wouldn't care Kung ano na sabihin niya...basta alam ng Diyos Kung ano pag katao ko...

janix athena

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #50 on: March 25, 2012, 03:43:04 am »
^Sis sobrang effort to finish reading your post. :) Suggest ko next time maybe you can use bullet points and try to summarize din para hindi mukhang diary. :)

All I can advise is try to save up na para makabukod kayo ng house ASAP, for your own sanity and well being, pati na rin for your daughter. Malabong magbago pa ang SIL mo. Hindi kayo magmumukhang walang utang na loob, people know how difficult your SIL can be. They will understand and would even wonder why you didn't leave sooner.

@sis boaVista: sabi ni SIL mo mag-boracay sila ng brother ng silang dalawa lang? EEEWWW EEEWWW EEEEWWW to the highest level! She's really sick. Cut her off from your life. Mahirap na makasalamuha ang mga may tililing. :)

krazeekat

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #51 on: March 25, 2012, 09:55:28 pm »
Thanks sis Janix Athena for finding time to read my post...pasensya na dito Lang sa forum, nailabas ko ang nararamdaman ko...I can't tell it to my parents back home kasi ayaw ko mag alala sila sa akin...anyway, thanks for the comment...I appreciate it :)

janix athena

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #52 on: March 25, 2012, 11:27:24 pm »
sa ngayon nag desisyon na ako na pag dating sa favor  Hindi muna ako hihingi dahil ayaw ko may maiisumbat sa akin.

Tama yan sis iwas muna dumagdag pa ng utang na loob sa kanya. Eto sis perspective ko bilang matagal na breadwinner sa family. Minsan may mga moments kami na napapa-self pity dahil more often than not we did not choose to be breadwinner, we were flung into that role and then it sort of became a habit for the provider and the dependents. Kahit pwede nang maging independent yung sinusuportahan minsan hindi pa rin tinitigil magpadala. Kaya siguro nung sinabi ni hubby mo to stop the remittance tinuloy pa rin ni SIL. So kapag nagkakasabay-sabay ang paghingi ng tulong from different relatives, Ex: Kakapadala lang kay mommy, may emergency si kuya, nagkasakit si pamangkin, nangungutang si brother. Etc. Ayun, minsan sumasabog at may nasasabing bad impulsively. hehe. Nabanggit mo kasi, she supported you and your husband nung nasa Pinas kayo, she's still sharing the rent with you now, she gave your brother a favor, and may ginawa pa syang bad sa isa pang relative because of another favor. So medyo extend mo na lang patience mo. But be watchful kung ma-harm nya si daughter mo physically or verbally. Yun wag mo papalampasin.

I still think you and hubby should find your own place and move out. :)

dimonyita17

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #53 on: April 18, 2012, 11:51:45 pm »
^ako naman mga teh e bf palang, bwiset na bwiset ako sa mga ate ng bf ko as in! mga maldita. To the highest level ang kamalditahan. Mahirap pakisamahan yung ate ng bf ko kakaiba ang ugali mabilis uminit ang ulo at masakit magsalita. Halatang hindi nyako feel, todo effort ako lagi sa pag bati parang walang naririnig dedma lang pero ako naman todo greet parin hangang sa nanawa nako. Merun kase syang anak na girls e super love ako ng mga anak nya at minsan natatawag ako na mommy pag nakakasama ako nung kids nya which is naririnig nya. Sama kase ng ugali nya pinapalo nya mga anak nya e to think 2 years old lang yung bata, tapos makapagpost sya sa facebook na she misses her babies w/c is walang naniniwala sa knya kase wala syang tiyaga sa pag aalaga ng anak. Napaka obnoxious ng ugali and me nalaman pako na di kanais nais sa kanya na kinwento ng mommy ng bf ko saken. Yung sisterete pla ng bf ko e me karelasyon na pari from province kaya pala every monday and tuesday lang sila nagkikita nun. Grabe sya ang sama sama na nga ng ugali nya at yes nagkaanak pa sya sa pari, at yung pari walang kabalak balak umalis sa pagkapari nya. take note yung pari super dami ng money, every week ata me bagong gadget si sisterete mapa ipad, playbook, kain sa mamahalin na resto etc. Ultimo nanay at tatay ng bf ko ayaw sya. Pero what should I do magbubulagbulagan nalang ba ako at itotolerate ko yung pari? Irereport koba ang pari sa archbishop para malaman ang kalokohan nya o papabayaan ko nalang? Lagi pumapasok sa utak ko na isumbong kase salbahe tlaga sya. Advise naman jan mga teh thanks in advance :)
« Last Edit: April 19, 2012, 11:01:08 am by dimonyita17 »

FayeP

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #54 on: April 21, 2012, 05:40:41 pm »
lat year, my sister in law said that "wala kaming pakialam kung buntis ka!!!" I was 4 months pregnant at that time and it was Holy Week, they want hubby to go to their house para isama nila sa province ng papa nila for Holy Week celebration ng family nila....

di pwede si hubby kasi bukod sa may work cya nun, eh ayaw din nya na iwan ako mag isa...

so when SIL texted hubby kun sasama cya sa province, decline si hubby, tapos ayun nagtext si sister in law sakin at sa cp ni hubby ng message nga na wala daw sila pakialam kahit buntis ako, at dapat umuwi si hubby sa kanila..

at that time, preggy din si SIL sa second child nya...

Super "mababait" at "mabubuting" tao mga in-laws ko eh


beatrize zuri

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #55 on: April 21, 2012, 06:30:17 pm »
grabe naman pala yung mga sister in law niyo, in my case si hubby lang ang nag iisang lalaki sa 5 magkakapatid at pang 4th siya, in fairness naman super close ko mga kapatid niya at mababait sakin kung ano ano binibigay samin mag iina, or pag nasa out of the country sila di pwedeng wala silang pasalubong sakin. minsan pag nag kakaroon kami ng misunderstanding ni hubby sa ate niya ko nag susumbong  ;D , sasabihan niya si hubby in all fairness naman sa kanila kahit sa mga byenan ko kakampi ko sila palagi  :D .
 
thank you lord, nilayo niyo ko sa mga monsters in law! lol!

FayeP

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #56 on: April 22, 2012, 07:54:21 pm »
sis beatrize zuri, swerte ka sis!!!!

kasi most of us have monsters in laws talaga...

roxybrat

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #57 on: April 22, 2012, 09:00:55 pm »
naloka rin ako sa mga kwento nyo sa mga inlaws nyo.. good thing napunta ko sa mababait na inlaws.. :))

marssie

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #58 on: April 24, 2012, 07:46:30 pm »
Ay ako din, awa ng Diyos napunta sa mababait na inlaws :D

FayeP

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #59 on: April 28, 2012, 06:03:17 pm »
I remember one time na sinabihan ako ng sister in law ko na malandi daw ako kasi sumasama ako sa kapatid nya (kasal na kami nun) at ayaw ko daw ibalik un asawa ko sa kanila...eh sya kaya di naman sila kasal ng "asawa" nya kala mo kun sinong matino...


 

Latest Stories

Load More Stories
Close