watch now

Author Topic: my Sister in LAW  (Read 25992 times)

boaVista

  • Guest
my Sister in LAW
« on: May 28, 2010, 02:15:05 am »
hindi kami close ng SIL(older ate ni hubby) ko actually hindi talaga kami nag uusap. Well I understand that they dont like me despite na 8yrs na kami ni hubby. There are times na nababasa ko ang messages nya kay hubby na kung hindi dahil sa pakiusap nila hindi maabroad si hubby (bakit daw ngayon ako ang nakikinabang sa kanya) meron pa shang sinabi na baka daw tinatakot ko lang si hubby kaya ako pinakasalan , na marami pang iba jan bakit ako pa.. mga ganung bagay na lalong nagpalayo ng loob ko sa kanila at talaga dumating yong point na wala akong paki alam na sa kanila.

heres my kwento:
hubby and i nagshared acct sa fb and he add SIL  which is ok naman with me kasi sister nya yon eh then 2days ago nagulat ako kasi nilagay nya sa page nya yong mga pics ni hubby then yong profile pic nya is hubby's solo pic. tapos ginawa niyang limited yong makakaview sa wall nya.  at limited din ang friend na makaka pag post sa wall.. kasi meron nag post sa wall nya na nag appear sa page ko kaya ko nalaman na limited friends lang ang makakaview at makakapag post don.

at na confused ako bakit yong solo pic ni hubby ang profile pic nya? nagpapansin ba sha sa amin? nang iinis? or what? hindi ko maisip ang logic kung bakit ganon?..nang iinsulto ba sha?  ano ba yong dapat kong gawin?

boaVista

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #1 on: May 28, 2010, 02:35:41 am »
mali ba ako na kausapin si hubby about this matter? hindi kasi normal para sa akin ang ganun.. i need advice kung paano ang approach ke hubby na hindi kami mag aaway. :(

chengkii

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #2 on: May 28, 2010, 07:34:13 pm »
Sis, ito ang naintindihan ko. Pa confirm nalang kung tama
- ayaw sa iyo ni SIL kasi feeling nila hindi ikaw worthy mapangasawa ni hubby
- may mga messages siya kay hubby that attacks you
- then, hubby and you created a shared account in Facebook
- All of the pics in SILs FB account is that of hubby's

So you're question is
- Bakit puro pic ni hubby iyun nasa Facebook account niya? What is the purpose?
- What should you do?

kung ito nga iyun question mo & tama iyun intindi ko sa situation mo, here is my response
- Bakit puro pic ni hubby iyun nasa Facebook account niya? What is the purpose?
 --- That I don't know. Pwedeng nagpapa-pansin nga. Hindi ba sila half-sibling? Baka naman half, at type niya si hubby so feeling naagawan when hubby married you. LOL

- What should you do?
 --- Kung tulad kita na super prangka and walang care kung magalit si hubby kasi may point ka, eh you tell your concern to your hubby as you feel it.

Otherwise, make a discreet comment na crush siya ni SIL kasi puro pi niya iyun nasa account ni SIL. Hindi mo alam na marami pala siyang pic na wala kang copy. But jokingly para half-meant ang dating.

Then take it from there na.  8)

aquacharly

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #3 on: May 28, 2010, 07:45:52 pm »
Hindi lang pala ako may SIL na crazy.  Some sisters are just so possessive, na kulta na brains nila -- can't accept that her brother needs a wife, not a sister/buddy lang.

And yes, IMO there are SILs that get envious of the good life their brother can give the wife... nabubulag tuloy sila that the wife is also a productive person.

BOAVISTA... ignore that freaky, abnormal SIL who apparently eh kulang o walang modo.   Ignore her to death, she is not important to your happiness.  Do not give her power to ruin your days.  Patayin mo nga sa inggit.

I am the last person to ask about what to do with freaky, jealous, abnormal, possessive SILs kasi ang masasabi ko lang ... patayin mo sa inggit.  at pagdasal mo ma fed-ex karma nya.  hehe  (sarap sapakin)

lovemeagain30

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #4 on: May 28, 2010, 10:59:59 pm »

korek! dedmahin. ako wala pa SIL kasi bf palang pero por pabor walang kasing sama ng ugali ang older sister niya!

ayaw niya sakin PERIOD. kesohoda pakisamahan ko siya, wala siyang care sakin. tama ang best revenge sakanila ay manginggit sa kanila ng bonggang bongga! ang maging masaya sa buhay ninyo ni hubby mo at totally wag siyang pansinin.

kita mo maiinggit siya na ikaw masaya sa family niyo pero siya namamatay sa inis.

boaVista

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #5 on: May 28, 2010, 11:03:29 pm »
sis chengkii magkapatid talaga sila. :) naawa ako ke hubby kasi sha yong naiipit. syempre pag nag gagalit na ako nasasaktan sha sa mga sinasabi ko about his family. pag naman nasa family sha nasasaktan sha pag me nasasabi sa akin ang family nya. hay.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #6 on: May 29, 2010, 01:03:59 am »
Boavista, pati ako na-weirduhan sa pag-post ng SIL mo ng pics ng hubby mo sa FB nya. Even if they're super close as siblings, i cant help but think na nagbo-border na sa incestuous love yang nafi-feel ng SIL mo para mag-obsess sya ng ganon. scary! wala kong makitang ibang reason kung bakit nya gagawin yon. I have 3 older brothers and i'm not obsessed with them and never din ako naging jealous if my brothers provide them well kase yun naman talaga ang dapat.

boaVista

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #7 on: May 29, 2010, 01:57:13 am »
she's sick. comedy ang ginawa nya sa fb.

chengkii

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #8 on: May 29, 2010, 02:33:45 am »
Tama sinasabi ng sisters natin, girl.

Patayin mo lalo sa inggit. hehe. The best revenge nga daw is to show your enemy that your life is well-lived. :)

aquacharly

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #9 on: May 29, 2010, 10:42:49 am »
I think this monster SILs na, as TWELFTH GODDESS indicated, are abnormal in a way to exhibit kinda incestuous obsessions... just let them be sabi ko nga.  I am sure those who know her and your husband, and with what she did... find her freaky and are laughing at her na.

Do not put your husband in the middle.
You are the one not ab-normal, let his family or that sister stew in their bitterness.  Basta ikaw, continue to make hubby happy, continue to be happy.

Perhaps your SIL, like 1 of mine,  cannot take it that there is someone now better in all aspects than them.  hehe   

But mind you, pag ikaw hinarap harapan bastusin.. hwag mong atrasan...  hindi ko sinasabing sampalin mo or sabunutan mo... just look her in the face and tell her:  Grow up!  And pick up some manners along the way.

Bow.

chengkii

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #10 on: May 31, 2010, 09:01:41 pm »
Haha! I like that...Just grow up and pick up some manners along the way. hehe! :)

a_y_e_n

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #11 on: June 04, 2010, 10:27:16 pm »
ang wirdo naman ng sister in law mo sis boaVista. nung di ko pa binabasa mga comment ng iba, naisip ko din na baka nga may pagkapossessive siya sa hubby mo. di nga yun normal kahit pa sobrang close sila ng hubby mo.
 

jmeangeL

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #12 on: June 08, 2010, 01:16:31 pm »
that's soooo weird and kadiri! i have a brother and we don't even have pix together anymore... pang-maliliit na bata lang ang ganun...
especially kung pareho na kayong pamilyado

as for her not liking you... naisip mo na ba ang dahilan?
why do you think, they thought na hindi ikaw dapat ang makinabang sa mga pinaghirapan ng asawa mo?
did the two of you marry early?
hindi kayo tapos sa pag-aaral?
may tsismis na may lalaki ka? pinababayaan ang ang anak nyo?

those things could led them to feel bad about you

boaVista

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #13 on: June 08, 2010, 01:40:54 pm »
^
why do you think, they thought na hindi ikaw dapat ang makinabang sa mga pinaghirapan ng asawa mo?
-eh kasi para sa parents nya kaya sila nag anak para me bumuhay sa kanila pag tanda nila. for his sister kaya ayaw nya sa akin gusto nila even his parents eh doktora or MAYAMAN ang maging wife ni hubby para yumaman din sila. noon kahit alam nilang mag bf/gf na kami dami nila gustong paliwagan ke hubby mga doktora, flight steward, teachers.. then sabi ni hubby sa kanila..bakit ko liligawan mga yan eh paano yong gf ko?..sagot ng parents nya.. e di dalawa sila yong isa mapapayaman ka pa.. si SIL kase hindi nag bbf yon ng walang pera si guy ang dahilan gagamitin lang din daw sha dun sa me pera na. ayon at 40+ age d pa nag aasawa laging iniiwan ng lalaki. iba ibang nation na yong kinasama.

did the two of you marry early?
-no. 6yrs of bf/gf before we got married. am 23yrs old and 33 si hubby.

hindi kayo tapos sa pag-aaral?
-college graduate ako.

may tsismis na may lalaki ka? pinababayaan ang ang anak nyo?
- naku wala kaming anak pa. at lalong wala akong lalaki.. ni hindi nga ako lumalabas ng house wala rin akong friends sa family ko lang talaga umiikot yong life ko. nkakatwa nga eh kasi a week before kami ikasal yong MIL kung ano ano ang pinag sasabi ke hubby na kesyo naging bf ko daw si ganyan na akala nya in that way eh masisira kami ni hubby. d nya alam pinagtatawanan lang namin sha.

update ke SIL: status nya sa fb " im sooo disappointed with what happen in my life now."

for me at 40's dapat kahit paano stable na life nya. eh as i can see things parang na stock yong utak nya sa age 20's kasi hindi nagbago ang lifestyle nya. one time nag tExt ke hubby yong isang ex-bf sabi nang australiano "YOUR SISTER IS SICK!"

boaVista

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #14 on: June 08, 2010, 01:44:32 pm »
hala! si hubby sinisisi kung bakit hindi daw sha nakapag asawa. kasi daw tumanda na daw sha kakatulong sa family nila. samantalang si hubby daw hindi nag isip at nag asawa.  :o

jmeangeL

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #15 on: June 08, 2010, 01:51:41 pm »
boaVISTA:  agree! your SIL is SICK... in the head

better go live far far far away from them... you may not want to raise for future kids sa ganyang environment
detrimental sa health yan sister

trinity94

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #16 on: June 08, 2010, 02:28:55 pm »
my father's sister was, and still seems to be, like that... and to think, she's almost 75, and my dad's 68 na rin... anyway, this tiyahin of mine never liked my mom, and umabot na talaga sila sa physical blows 30+ years ago... sinisisi kasi ni tiyang ang mom ko na cause kung bakit maraming syang 'di natupad na pangarap' for my dad... kaya nga malayo talaga ang loob namin sa kanya... in fact, sya ang reason kung bakit di rin kami naging close ng mga pinsan and relatives namin sa father's side... sa father ko lang sya ganyan kasi nga sya daw ang nagpa-aral... she even kept his pics in her wallet, and carried with her this photo album from when my dad was a child till he graduated from college...

what to know what my tiya did to spite my mom?... she actually rented the apartment five doors away from ours!... aabangan pa nya si dad ko noon para magpahatid kung saan-saan, pero pag kasama si mommy ko noon, magpaparinig pa sya na kontrabida daw mom ko... imagine my siblings and i growing with the kind of environment this tiyahin would make for us.... but my mom always was nice to her... once, madaling araw nung magkasunog sa street just behind ours, my mom made the effort to go to my tiyahin's house just to wake her up and tell her to go out... i remember nagalit pa si tyang noon kasi bakit hindi daw yung dad ko ang pumunta dun... hay naku!... anyway, before my mom died ten years ago, she just told her SIL that she had forgiven her...

i'll just tell you how my mom dealt with the situation... stay nice to your SIL, esp in public, so that people will not think the fault is really on you... also, be extra attentive to your husband coz you know someone is watching you... this SIL of yours, same with my tiya, is just waiting for opportunities to pounce on you, and talk ill about you... dont give her that chance... hayaan mong sabihin ng tao na sourgraping lang sya, kasi ganun naman talaga...

kung magka-anak na kayo, wag mo ilayo yung bata sa SIL mo... make sure, hindi maiipit ang anak nyo sa gulo na ginagawa ng SIL mo... your hubby will love you even more when you reach out rather than totally ignore his sister...

boaVista

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #17 on: July 01, 2010, 12:11:57 am »
kakatawa talaga ang sister in law ko after i posted some pics on our vacation nag react agad si sister in law. ng 4 shout out  sa page nya sana daw ILIBRE din daw sha ni hubby sa bora (ilibre? ano tingin nya s akin barkada ni hubby at nilibre ako?), mag boracay din daw silang dalawa at bored na sha sa work something like that.. ako naman si loka nag post sa wall ni hubby saying "im looking forward for our next vacation" ...hahaahhaha

reimeridian

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #18 on: July 01, 2010, 04:25:38 am »
^ ang bad mo naman.  parang wala ka rin sa ayos, sis, ginatungan mo pa.  lalo ka lang aawayin sa ginagawa mo. 

teka muna, kulang yung post mo sa fb.  paki-dagdag lang sa post mo, "mamatay ang mga inggit dahil walang manlilibre sa kanila . . . lalo na yung mga hindi pa nagaasawa kasi meron daw siyang tuliling"

dapat ganun lang ang pino-post mo sa fb para mild lang ang dating lalo na at nababasa ng sil mo,

boaVista

  • Guest
Re: my Sister in LAW
« Reply #19 on: July 01, 2010, 10:54:28 pm »
^hahaha ..loka. eto nga eh todo parinig na ang In laws ko sa akin

 

Latest Stories

Load More Stories
Close