watch now

Author Topic: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4  (Read 117603 times)

riandrew

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #460 on: March 15, 2012, 10:28:34 am »
hhmm nung 1st time namin, dumating kami dun 4pm na eh, tapos umuwi pa sya. so yun, 4pm.

pero at your own risk ito ha. pwedeng maging mas maalon ang dagat sa hapon.

melvic

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #461 on: March 20, 2012, 05:42:32 pm »
sat forecast mar 24, 2012 wave height 1.7m from 5am to 2pm
sunday mar 25, 2012 wave height 1.9m from 11am, 2.2m 2pm 2.6m 5pm
monday forecast mar 26, 2012 as of 5am 4m - 4.2m huge waves!!

1m = 3.0ft
« Last Edit: March 20, 2012, 05:53:03 pm by melvic »

dBum

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #462 on: March 21, 2012, 09:46:38 am »
i was in calaguas last weekend. totoo lang, scary yun alon. nakasakay nga naman kase ng boat sa vinzon around 10. kaso dumaan pa sa lugar ng bangkero, kumuha sila ng stuff nila, so nakaalis kame ulet mga 10:30. nakarating kame sa calaguas 1:30 na. sunog na sunog agad yun kalahati ng katawan ko. hahaha ang laki ng alon, di naman ako takot kase mukhang safe pa naman. nakaranas na rin ako ganong alon sa boracay pag nag island hopping at maulan na panahon. so keri lang. pero yun mga kasama ko takot na syempre.

ang ganda ng island. pagdating namin don, wala ako masabi kungdi ang ganda. sabi ko "ay may narating din akong nakatalo sa boracay"

yun dulo ang natuluyan namin, na station 3 ang tawag ko. hahaha di ko masyado gusto yun pwesto namin. kakilala ata ni kuya mo yun bantay don kaya don kame dinala. ok sana yun sa middle (station 2), yun si tatang na i forgot his name. ang baet baet nya. mag isa lang sya sa bahay nya. ang sipag pa mag igib ng water.  nakitambay kame don kase may friends kame andon kasama sa travel factor.

sabi ni tatang mga 3 years pa lang daw ang calaguas. ang ganda pa ng bundok nya, green na green. ang linis ng tubig. ang puti ng sand. di nga lang kasing fine ng boracay, but still maganda yun island. walang kuryente, walang signal. may cr naman na, pero ok pa rin yun kay tatang nga. malinis ang cr nya.

5k ang boat, pero hanggang 4250 lang nai-negotiate namin. sayang, pinatulan ko na sana si mang nelson na 3k lang. ewan ko ba baket pumayag kame sa vinzon sumakay. 90 bucks lang siningil samin sa island. 70 pesos yun entrance yata, 20 sa brgy.

pauwi, maalon pa rin pero di na kasing lakas nung papunta kame. we left the island ng 9am. nakarating kame sa vinzon ng 12nn. nakiligo kame sa isang cr don.

riandrew

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #463 on: March 21, 2012, 09:57:03 am »
^ nagbalik na si tatang?
i heard nagtatago yun kasi nagbenta sya ng part ng isla na di naman kanya.  ;D

dBum

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #464 on: March 21, 2012, 01:41:34 pm »
^iisa lang ba yon? basta yun nag-iisa lang sya bantay. and nasa gitna. naku, sad naman kung sya nga yon at ganon ginawa nya. kase mabaet naman sya. nagpabili kame ng the bar and ice sa barangay, we gave him 200 bucks. tsaka ang sipag mag igib ng tubig.

queens

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #465 on: March 21, 2012, 10:00:23 pm »
full name ba ni mang bert is roberto navarro? 

sweetczarina

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #466 on: March 22, 2012, 09:05:08 am »
Hi Melvic, how's the weather po ngayon dyan? Maulan ba?

rocky

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #467 on: March 22, 2012, 09:12:52 am »
^^sis queens, ayon kay melvic "mang bert gonzales" :)

melvic

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #468 on: March 22, 2012, 11:21:20 am »
queens - roberto gonzales po
sweetczarina - yup heavy rains po.. til 5pm hapon pa mag stop, pero according kay kulot yun tao ko nasa calaguas gloomy sa kanila :)

queens

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #469 on: March 22, 2012, 11:54:51 am »
sis Rocky excited na ako at last makakabalik na uli ng calaguas see you sis Czarina :)

sweetczarina

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #470 on: March 22, 2012, 12:08:54 pm »
^ yes sis.. see you.. sana maging ok ang panahon sa saturday. Nagtext na din ako kay Mang Nelson, maulan nga daw dun.

@ Melvic: thanks po sa update.

melvic

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #471 on: March 22, 2012, 05:33:34 pm »
sa mga DIY ingat po  :) wag na kayo pa abot ng 11am sunday sa mahabang buhangin.. mas malaki alon from 11am onwards. according sa forecast.. mas maliit na bangka mas ramdam ang malaking alon.. best time sa calaguas from may to september

dBum

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #472 on: March 22, 2012, 06:58:44 pm »
@melvic, oo nga. yon nga ata pangalan ni tatang. basta yun mag isa lang. ang ayos lang ng cr nya. and mabaet pa. don nag-stay yun travel factor nung weekend eh. next time, try ko don nga tumuloy. baet si tatang. yun natuluyan namin, parang ilan sila ron pero parang masama loob nila sa pag igib ng water, pero lakas naman maningil. unlike si tatang, sipag pero masaya na sa abot.

nakakatakot yun alon. so ingat po sa mga pupunta. paki damihan ang inyong sunblock. haha sunog na sunog ako sa byahe from calaguas to vinzon.

melvic

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #473 on: March 22, 2012, 10:48:22 pm »
@dbum hahaha oo laging naka suot ng TF na tshirt, mabait sa tata digoy. kanya kanyang area silang buong pamilya sa lupa ni mam cora/gary. well maintained malinis.. nang magsimula ako sa calaguas hindi pa uso ang poso at cr hehe kumukuha sya sa bundok, may mini falls. doon ang pinaka water source nila. hila pa ng kalabaw ang mga tubig namin :) mas ok noon, kesa ngayon..


queens

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #474 on: March 22, 2012, 11:47:36 pm »
i forgot kung meron bang nabibilhan ng cold drinks sa mahabang buhangin?

dBum

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #475 on: March 23, 2012, 10:06:22 am »
@melvic, really? mas puntahan na kase sya ngayon ng tao kaya nagkaka-cr na sila. pag bumalik ako don, mas ready nako. at kay tatang ako pupunta. he's nice eh. di ko napuntahan yun dulo (left pag nakaharap sa island, station 1 tawag namin haha) sabi ni tatang don daw may nagluluto na ng food eh. tsaka don parang mas maraming tao.

@queens, di ko sure kung may cold drinks pero meron tindahan malapit kay tatang. pero di malamig. kaya nagpabili pa kame ng ice kay tatang sa barangay. we gave him 200 bucks na lang. bigat din kase ng dala nya kawawa naman.

melvic

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #476 on: March 23, 2012, 11:30:07 pm »
dbum - pag summer marami tao talaga, may tindahan pag summer pero pag off peak wala na tindahan. :) nway iwasan nalang camp fire kasi makakaitim ng buhangin, karamihan ng gumagawa nito mga DIY.. pakidala po ang basura nyo. para mapreserve natin ang island.. hindi lang sa calaguas, lahat ng pupuntahan :) keep safe always, lumiit alon so enjoy tayo this weekends see u :)

dBum

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #477 on: March 26, 2012, 11:12:00 am »
melvic, dont worry kame ay maingat. may dala kame trash bags, and ash tray (mga tin can) for our cigarette butts. ayaw namin magkalat para manatili pa rin malinis yun island.

we're hoping makabalik before matapos ang summer. :)

sweetczarina

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #478 on: March 26, 2012, 03:51:31 pm »
Hello mga sis.. just got back from a weekend getaway in Calaguas. Unforgettable experience sa amin yung nangyari..

Sat 7AM kami nakasakay ng boat sa Paracale papunta sa island. Kalma naman ang dagat. As in nakatulog pa nga kami dahil puyat galing sa byahe. Ayun, ang ganda talaga ng place, maputi ang sand, ang linis ng tubig hanggang sa gabi kalma pa din sya.

Kinabukasan, Sunday 6AM, nagising kami na parang bakit kakaiba na yung hampas ng alon sa shore?
Ang taas na nya, parang pang surfing na.. Sabi nung isang local dun, lumindol daw sa Legazpi at apektado daw ang dagat. Dun nga kami pinasakay sa kabilang shore, dun sa may barangay / community dahil nga sa hndi makadaong ang bangka.

10AM umalis na kami, mainit pa panahon nun pero malalaki ang alon. Nung nasa bandang gitna na kami ng dagat, biglang umulan ng malakas. Una, ok lang eh. Pero nung nag zero visibility na, biglang pinatay ng bangkero namin yung motor ng bangka. Nawawala daw kami..  :-\ As in napapakamot na ng ulo yung bangkero at palinga-linga sa paligid. mga 30mins to 45mins kami nasa gitna ng dagat at di namin alam  kung saan ang pabalik ng Paracale, walang signal pa naman kaya di kami makapagtext kay Mang Nelson. At first time daw maligaw nung bangkero. May nakasalubong pa nga kami 1 bangka (3 lalaki yung sakay), nawawala din daw sila. Grabe!! Pray kami lahat na sana tumigil na yung ulan dahil sobrang lakas talaga ng alon. Worried din kami paano kung maubusan kami ng gasolina, di ba?

But God is good talaga. Alam nyo after ilang minutes, humupa yung ulan at biglang naaninag namin yung Maculabo. Ayun, nabuhayan ng loob yung 2 bangkero namin. Alam na nila saan kami papunta.
2PM na kami nakarating sa Paracale port. Thank God talaga na safe pa din kami nakarating.
Sa mga pupunta dun mga sis, better to check the weather in advance. Kung kinakailangan magdala kayo ng compass or GPS para sa mga ganung instances eh ready kayo. Meron GPS yung celphone ko kaso di ko mailabas dahil ang lakad nga ng ulan. Tinanggal pa yung bubong naming dahil nakokontra daw ng hangin.

sweetczarina

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #479 on: March 26, 2012, 03:59:48 pm »
@ sis queens: We survived!  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close