Hello mga sis.. just got back from a weekend getaway in Calaguas. Unforgettable experience sa amin yung nangyari..
Sat 7AM kami nakasakay ng boat sa Paracale papunta sa island. Kalma naman ang dagat. As in nakatulog pa nga kami dahil puyat galing sa byahe. Ayun, ang ganda talaga ng place, maputi ang sand, ang linis ng tubig hanggang sa gabi kalma pa din sya.
Kinabukasan, Sunday 6AM, nagising kami na parang bakit kakaiba na yung hampas ng alon sa shore?
Ang taas na nya, parang pang surfing na.. Sabi nung isang local dun, lumindol daw sa Legazpi at apektado daw ang dagat. Dun nga kami pinasakay sa kabilang shore, dun sa may barangay / community dahil nga sa hndi makadaong ang bangka.
10AM umalis na kami, mainit pa panahon nun pero malalaki ang alon. Nung nasa bandang gitna na kami ng dagat, biglang umulan ng malakas. Una, ok lang eh. Pero nung nag zero visibility na, biglang pinatay ng bangkero namin yung motor ng bangka. Nawawala daw kami..

As in napapakamot na ng ulo yung bangkero at palinga-linga sa paligid. mga 30mins to 45mins kami nasa gitna ng dagat at di namin alam kung saan ang pabalik ng Paracale, walang signal pa naman kaya di kami makapagtext kay Mang Nelson. At first time daw maligaw nung bangkero. May nakasalubong pa nga kami 1 bangka (3 lalaki yung sakay), nawawala din daw sila. Grabe!! Pray kami lahat na sana tumigil na yung ulan dahil sobrang lakas talaga ng alon. Worried din kami paano kung maubusan kami ng gasolina, di ba?
But God is good talaga. Alam nyo after ilang minutes, humupa yung ulan at biglang naaninag namin yung Maculabo. Ayun, nabuhayan ng loob yung 2 bangkero namin. Alam na nila saan kami papunta.
2PM na kami nakarating sa Paracale port. Thank God talaga na safe pa din kami nakarating.
Sa mga pupunta dun mga sis, better to check the weather in advance. Kung kinakailangan magdala kayo ng compass or GPS para sa mga ganung instances eh ready kayo. Meron GPS yung celphone ko kaso di ko mailabas dahil ang lakad nga ng ulan. Tinanggal pa yung bubong naming dahil nakokontra daw ng hangin.