watch now

Author Topic: How do you control your temper?  (Read 33031 times)

m_lim

  • Guest
How do you control your temper?
« on: May 06, 2010, 09:53:48 pm »
kanina ko lang na realize na medyo mainitin pala talaga ulo ko.

napikon ako kanina sa isang truck driver kasi ginitgit ako sa SLEX kaya i said: G*G* KA!  hindi mo alam sinong kinakalaban mo! hindi ka na aabutin ng bukas! magpa alam ka na sa mga anak mo!

now, na realize ko pwede akong ma Jason Ivler don ha.

kayo mga sis, ano bang ginagawa niyo kapag gigil na gigil kayo?

pansin ko i really can't control myself paminsan.

super bratinella

  • Guest
Re: How do you control your temper?
« Reply #1 on: May 07, 2010, 12:07:11 am »
Sis, ako I really can't control my temper. So come 2010 year, isa sa mga naging New Year's resolution ko talaga ang maging sobrang cool. Positive lang ang entertain ko sa isip ko.

Just think of positive things and of course the consequences in our actions.

piglet24

  • Guest
Re: How do you control your temper?
« Reply #2 on: May 07, 2010, 09:37:10 am »
i usually keep my mouth shut. and find something na pwede kong icrumple. di kaya magkacancer ako nito? i mean, pag sobrang init na ng ulo ko, tinatago ko lang talga. hmmm....

Ail18

  • Guest
Re: How do you control your temper?
« Reply #3 on: May 07, 2010, 09:42:17 am »
I breathe in so deep and breathe out... with matching closing my eyes... for maybe 3-5 times...

umaalis din ako sa pwesto para maiba lang yung nakikita ko... then drink water...

clueless

  • Guest
Re: How do you control your temper?
« Reply #4 on: May 07, 2010, 10:17:40 am »
m_lim, as in binaba mo yung window mo at sinigawan yung driver?

mainitin din ang ulo ko and madaming beses ko na din gustong gawin yan pero hanggang busina lang ako. pero minsan nangiinis din ako. hindi ako magagalit pero hahabulin ko siya, p-pwesto ako sa harap niya tapos babagalan ko as in mga 20-30kph lang. pag lilipat siya ng lane para ma-overtake ako, bibilisan ko para maunahan siya ulit. pag naiinis na siya, iwanan ko na siya. nawawala ang init ng ulo ko. na-amuse pa nga ako kasi ang gulo gulo niya sa daan sa kagustuahan niya akong maunahan. but i should stop doing that kasi baka bigla na lang ako banggain.

sa office naman, i have a stress ball so yon ang pinanggigigilan ko pag naiinis ako. or i go for a cigarette break. pag uwian na at mainit pa din ang ulo ko, kakain ako ng masarap or i go shopping.

pag sa bahay naman, lalo na pag sa maid, minsan nagtataas talaga ako ng boses.

pag sa husband ko, sinusubukan ko to shut up while mad. magsasalita lang pag malamig na ulit ang ulo. silent treatment.

pero nahihirapan din ako. patience is a virtue that i don't have so talagang mabilis uminit ang ulo ko. at minsan nadadamay ibang tao kahit wala naman silang ginagawa sa akin.

m_lim

  • Guest
Re: How do you control your temper?
« Reply #5 on: May 07, 2010, 10:30:25 am »
^yes sis. nang asar pa siya at nakipaghabulan at gitgitan. hinabol ko talaga siya. wala akong pakialam sa mga oras na yun kung sino mabangga ko. matapang pa siya not until i said, magpa alam ka na sa mga anak mo! ayun, nag sorry ma'am.

 it's bad for my health! nakaka wrinkles pa!

clueless

  • Guest
Re: How do you control your temper?
« Reply #6 on: May 07, 2010, 10:38:00 am »
^ grabe! hindi ka pa nanginig sa takot? gusto ko din minsan gawin yan pero hindi ko kaya. nauunahan ako ng takot.

nangyari na kasi sakin before na my bus akong binusinahan sa may south station sa alabang, as in busina lang ha, di ko naman ginigitgit. bigla kasi tumigil ng alanganin para magbaba ng pasahero. pgadating ko sa intersection na red light pa, bumaba yung driver at tumayo sa harap ng kotse ko. mukhang goon. wala naman siyang dalang baril or kahoy or anything pero nakatayo lang talaga siya sa harap ng kotse ko. tapos nag green na, hindi ako makaandar syempre kasi nandon siya. tapos yung bus niya nasa likod ko, yung ibang drivers nagagalit na sa kanya kasi di kami pareho umaandar. tapos ayon, sumakay din siya ulit sa bus niya. pero ako takot na tako kasi hindi ko alam kung anong gagawin niya sakin.

since then, sa highway ko na lang ginagawa yung ganon at pag lang hindi traffic. para hindi ako maabutan. nakakatakot kasi eh. yan din lagi sinasabi ng husband ko sakin, masyado daw mainitn ang ulo ko sa traffic at paano kung makatapo ko nga yung tipo ni jason ivler. worth it ba daw na ang posibleng ikamatay ko eh inis sa traffic lang.

birchtree

  • Guest
Re: How do you control your temper?
« Reply #7 on: May 07, 2010, 11:25:14 am »
same here sis, sobrang mainitin din ang ulo ko. pag di ko mailabas iyong galit ko, naninira ako ng gamit :P i know it's bad, pero di ko talaga ma-control. i've tried iyong sinasabi nilang counting from 1 to 10, and lumalabas din ako sa house, maglalakad, magpapahangin. sometimes it helps din.

aquacharly

  • Guest
Re: How do you control your temper?
« Reply #8 on: May 07, 2010, 11:37:55 am »
My current ANGER MANAGEMENT Program goes this way:

     1.  Leave behind in the past what no longer works (or kasi pinagbawal na like making tutok with my 45;  making my car balagbag across the path of a pesky driver kahit na ba bus yan .. and cutting my engine)

     2.  Recognizing the triggers    (like, teka ang haba na nang pasensya ko sa yo -- ubos na!;  a face I do not want to see;  a line I do not want to hear -- kasi Ma'am tumawag asawa ko, yung anak ko daw...)

     3.  Putting distance between me and the trigger source en punto
parang avoid those useless "engagements"  where I tend to take no hostages
          ("distance" may be as narrow as just a can of cold cold cold Coke Light;  or a trip to the mall or nearest Starbucks... or just another office room ...  the widest distance I have put in between is  to chance it and hop on a plane to HK )

     4.  Respect the weather
          (Ex.  Pag mainit,  stay indoors in cold aircon rooms or areas.
           hwag ka na magpunta ng Binondo to eat that favorite siopao.)

     5.  PRAY.   When I do my AM prayers, I include:  Thank you, for keeping others out of my harm's way today.
     

tiggerlily

  • Guest
Re: How do you control your temper?
« Reply #9 on: May 08, 2010, 01:55:34 am »
since i gave birth, hindi lang ako bumagal magdrive, naging mabait na rin akong driver lalong lalo na kapag kasama ko ang anak ko.

if hindi ko na kaya, lumilipat ako ng room or hinga ng malalim.

kapag hindi pa rin nakuha dun, shopping or grocery or manicure/pedicure/massage.

angel.of.mine

  • Guest
Re: How do you control your temper?
« Reply #10 on: May 08, 2010, 02:04:31 am »
inhale then exhale...pray..then smile. ;)

babymom20

  • Guest
Re: How do you control your temper?
« Reply #11 on: May 08, 2010, 03:55:34 am »
i badly need this,,control my temper and learn the virtue of patience.. esp after my pregnancy i noticed parang mas lumala yung pagiging impatient ko and i rarely can control my anger..

Bored

  • Guest
Re: How do you control your temper?
« Reply #12 on: May 08, 2010, 09:34:00 am »
Oh well I don't know how to control my temper. Mabilis talaga uminit ulo ko

trustingsoul

  • Guest
Re: How do you control your temper?
« Reply #13 on: May 08, 2010, 09:43:10 am »
I close my eyes for few seconds or minutes then inhale-exhale lang. ;)

pretinnes

  • Guest
Re: How do you control your temper?
« Reply #14 on: May 08, 2010, 09:47:26 am »
problema ko din to. at kahit ilang beses ko sabihin sa sarili ko na kalma lang, di pa rin eh. hahaha. apektado tuloy ibang tao sa paligid kahit wala namang ginawa sa akin.


tiggerlily

  • Guest
Re: How do you control your temper?
« Reply #15 on: May 08, 2010, 09:51:50 am »
sarcasm also... people around me thought i'm ok kasi nagbibiro ako. pero in truth, tinitira ko na sila ng harapan ng di nila nalalaman. bwahahaha!

its_giselle27

  • Guest
Re: How do you control your temper?
« Reply #16 on: May 08, 2010, 11:14:05 am »
I keep quiet.

gilenn

  • Guest
Re: How do you control your temper?
« Reply #17 on: May 08, 2010, 12:50:08 pm »
ako I let it out pero mahina lang yun tipong hindi maririnig ng iba. hindi ko kaya itago eh baka lalo ako magexplode sa init ng ulo. minsan punta sa isang sulok or cr tapos release ng emotion para lang hindi makita ng ibang tao.

m_lim

  • Guest
Re: How do you control your temper?
« Reply #18 on: May 09, 2010, 02:08:20 pm »
sandy (the soul card reader) told me bumili daw ako ng maliliit na paso. tapos ihagis ko daw. don ko i-release lahat.

may kakilala daw siyang ganyan ginagawa at ang bata bata ng face kahit may edad na!

mukang okay.. sana lang di magulat mga kapitbahay namin. hehe!

gilenn

  • Guest
Re: How do you control your temper?
« Reply #19 on: May 09, 2010, 02:13:04 pm »
^ merong na-feature sa TV before, there's a place where you can throw junk stuff sa wall para you can release your anger. babayaran mo lang yung mga itatapon mo like plates, kahita yata old TV. okay lang kahit maingay kase yung place ganun talaga ang purpose.  ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close