watch now

Author Topic: Career Woman or Stay At Home Mom - What would you choose if you have a choice?  (Read 43239 times)

joannarabara

  • Guest
need your insights sisses:

when i found out im pregnant, i immediately resigned to my current job. right now, i have two kids already, 3mos and 2yrs old, im thinking if i should go back to work. knowing our family's demands and expenditures parang need na nga. but i feel guilty kasi maiiwan ang mga kids sa yaya =( im 27yrd old and my husband is a government employee lang. so far, covered naman yung mga basic expenses namin plus a little (as in little lang) savings ng salary ni husband.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: help: sahm or career
« Reply #1 on: April 17, 2010, 12:40:05 am »
I'm pregnant and still working but it's hard to say na once I see my baby siguro. Although I really wanna keep working not just because of the financial rewards but more of self-fulfillment and growth.

joannarabara

  • Guest
Re: help: sahm or career
« Reply #2 on: April 17, 2010, 11:02:46 am »
sis, actually im happy and contented na taking care of my kids, seeing them grow and witnessing every milestones in their lives, but its the economic status ang kinaka-worry ko. i want my kids to study in good private/exclusive schools and give them some luxuries in life din sana.
with my husband's earnings mukhang hindi kaya. you think better na magwork ako? its a difficult dilemma ive been thinking about. =(

twelvth_goddess

  • Guest
Re: help: sahm or career
« Reply #3 on: April 19, 2010, 07:07:39 am »
^^I think the earlier you start saving, the better their future will become. Kame kase ni hubby, OA sa planning, as in hinde pa naman ako preggy, napagusapan na namin kung how much yung amount na issave namin for our baby every payday. We also opened a savings account na for our baby's expenses para may sarili talaga syang funds.

I think all parents want the best for their kids and iba yung feeling na kaya mong mag-provide not just ng necessities but a little bit of luxury. Ayoko din kase na naka-depend lang ako solely sa hubby ko. I've always been pretty independent when it comes to money.

I agree na mejo madameng milestones yung mami-miss out pag nagwo-work and hinde din ako super happy sa possible idea na baka mas mahabang time pa na kasama yung yaya kesa ako but then thinking about the economy now, mas important sa ken yung mabigyan yung baby ko ng comfortable life. Siguro yung work-family balance is a challenge that I have to learn how to overcome. So sana, maging effective dito yung OC-ness ko [textspeak!] i comes to planning  ;)

runaway_bridesmaid

  • Guest
Re: help: sahm or career
« Reply #4 on: April 22, 2010, 11:08:56 am »
IMO: ikaw lang talaga ang makakasagot ng tanong mo sis.meron kasing mga wives na simple lang ang pangarap nila para sa sarili at sa mga anak nila at mas importante sa kanila na sila mismo ang personal na magpapalaki sa mga anak nila pero meron din namang mga babae na talagang kaya nilang pagsabayin ang career at pag aalaga ng family at nakakahanga sila dahil lumalaking maayos ang anak nila kahit hindi 24/7 na kasama nila ang mga ito.

depende na rin iyan sa values ng isang babae kung ano yung factors na makaka influence sa magiging desisyon mo.

i analyze mong mabuti ang kalagayan mo, at syempre kung ano talaga ang gusto mo yun ang gawin mo at pagsikapan, dahil hindi lang para sa mga anak mo iyan kundi para na rin sa sarili mo. ;)

akioito20

  • Guest
Re: help: sahm or career
« Reply #5 on: April 22, 2010, 05:21:06 pm »
there are times naiisip ko na what if i am at home lang taking care of my baby.. parang nakakaguilty kasi yung feeling na maaga mo iiwan, late na uuwi.. nasasabi ko yun kay hubby pero dipa talaga kaya.. with the expenses and we need to save for the baby's future.. syempre i want the best for him.. nakakaguilty talaga yung lumalaki sia ng di ko gano nakikita kaya weekends talaga sinusulit namin.. bonding time.. :)

ms_kitkat

  • Guest
Re: help: sahm or career
« Reply #6 on: April 22, 2010, 05:31:47 pm »
this is a dilemna i guess most moms who want to be also successful in their chosen fields ask themselves everyday. ako, eto ang tanong ko sa sarili ko everyday.

in my case, i chose a job which is flexible sa sched. tlagang i chose yung path that would fit the needs of my baby. as much as i want to go fulltime litigation, di ko kaya. i don't want to be all stressed out pag-uwi or umuwi ng super late. yun na lang compromise ko. although, there are days tlaga that i wish na sa house lang ako to attend to my baby's needs.  :D

joannarabara

  • Guest
Re: help: sahm or career
« Reply #7 on: April 25, 2010, 12:21:04 am »
@runaway bridesmaid, akiotio, twelfth_goddess & mskitkat: thank you so much sa insights niyo.

After reassessing my priorities, ive finally made a decision and hopefully, this would bring me peace of mind and contentment in life.
I have simple plans lang in life. Raise my kids in a beautiful home, away sa city-life... and for my kids to grow up carrying the lessons and values na tinuro ko sanila.
 
i definitely can not be an 8-5/9-6 corporate employee. i can just see myself going crazy and paranoid to the possible negative things na ginagawa or pinapapanood ng mga yayas sa mga anak ko and baka everytime uuwi ako from work and sasalubungin nila ako, palagi lang ako maiiyak sa guilt na nafeel ko na naiwan ko sila. and i can not bear the fact na may ibang magdidiscipline sa kanila other than me or my husband.
i think may effect yung childhood experiences ko. Nawidow si mommy at an early age. She definitely needs to work hard para mapalaki niya ko. In effect, palagi akong naiiwan sa yaya. So my yaya was the one who witnessed my first menstruation, first hair ko sa kili-kili and pempem, siya nagluluto ng favorite fried rice ko and chicken adobo, siya naglalaba ng favorite shirts, siya lang ang nakakapagplantsa ng uniform ko ng maayos, etc etc. i am more emotionally attached to my yaya (for 20years now pero si mommy nalang ang siniserve niya) even up to now, kasi i can share everything to her.
and now, i can not trust my mom to look after my kids kasi i know she wasnt there when i was crying and i need to be pampered and "hele"-ed, when i need my diapers to be changed, when i want some healthy home-cooked meals (i remember puro instant noodles lang cook niya for me), when my bottles need to be washed and sterilized, when i need her to listen to my kilig/crush stories, etc etc.
 i love my mom ofcourse... with all the sacrifices niya to send me to exclusive schools, to provide me all the luxuries in life, i know nahirapan siya ang i thank her for that.
but i realize i dont want my kids to grow up without "a typical mommy" who cooks for them, bathe them, read stories, play with them, put them to sleep and even slaps them pag may ginawa silang bad.
im just praying now na kayanin ko ihandle ng finances namin. i mean, pagkasyahin yung budget. haha! so far, naproprovide naman everything, immunization (ay grabe ang dami na ngayon. before konti lang daw sabi ng lola ko), premium milk, nice clothes, comfortable sleeping room, nice play area, healthy food. thanks din sa mga lolas and lolo na tumutulong samin.

pagmalaki ng yung girl/bunso ko, pagmasgusto na niya makipaglaro kay kuya and yaya, sana makahanap din ako ng career like that of mskitkat na flexible and sched.

kudos to us mommies! magkakaiba man tayo ng insights and diskarte, bottomline is, we all just want what is best for our kids! and right now, mommy twelfth_goddess siguro my self-growth and satisfaction would be being with my kids nga than having a grand career.

God bless everyone!

kwinchesters

  • Guest
Re: help: sahm or career
« Reply #8 on: April 27, 2010, 11:06:11 pm »
Sis joannarabara, bilib ako sa point of view mo becoming a parent. Parehas tayo ng dilemma. Ako kasi since di nakagraduate ng 4 year course laging secretarial job ang trabaho ko. So it requires me to work 8-5pm. Pag secretary lang,wala kong karapatang magdemand ng oras ng pasok baka mauna pa yung boss ko sa office. Since wala akong makitang company na mas malapit o pwedeng adjust work hours, nag stop ako magwork.
Akala ng lahat, swerte ko kasi kapisan ko mother ko sa bahay so may mapag-iiwanan ako ng anak ko,pero i have my own issues with her since childhood so syempre ako lang ang may alam ng rason kung bakit ayaw kong magtiwala sa mother ko sa pagaalaga ng anak ko, isa pa many times na din akong nasumbatan tungkol sa pagaalaga ng anak ko nung nagwowork pako. Saka gusto ng mother ko merong bayad sa kanya. Up to now kahit wala akong work si hubby lang, binibigyan ko sya ng pera.
Since di naman highest paid job yung work ko nag give up nako kesa naman maulit uli yung bad experiences ko dati at matulad pa ang anak ko.
Gaya ng sabi mo, gusto nating mapabuti yung buhay ng mga anak natin kaya tayo nagwowork pero kung malalaman lang natin ang nasa isip ng mga anak natin, isa lang ang gusto nila: kahit hindi mayaman ang pamilya basta andyan lagi ang mommy sa lahat ng oras na kaylangan lalo na sa panahong naguumpisa pa lang lumaki ang mga bata. Minsan lang silang maging bata, kaya gusto kong umpisahang maayos at matuwid yung pagpapalaki, mga bagay na hindi nagawa sa akin.
Kung may ibang mommy na kayang pagsabayin ang work at mga anak, good for them and i admire those. Pero i believe you cannot serve 2 masters at the same time. Laging may naiiwan, may mas priority na uunahin,at mamaya na lang babawi. Again,what working moms struggle to do everyday is very inspiring but crucial to maintain. Kami namang stay at home moms can handle every situation at home pero ang dilemma naman namin is guilt for depending only to husband, not earning enough income, feeling of unworthiness. So mahirap talaga bilang nanay, di natin alam san tayo lulugar.. Hayss..buti pa ang mga husband, their obligation is limited.

sweet angel

  • Guest
Re: help: sahm or career
« Reply #9 on: April 28, 2010, 12:03:40 am »
yan din tanong ko dati  career or sahm... hanggang ngayon ata hahaha hindi naman, enjoy naman kasi yung pagiging sahm, ako lahat nagaasikaso ng needs ni baby at ni hubby saka ok naman kami financially pero minsan naiisip ko mas ok siguro kung nagwork ako kasi ibig sabihin halos dodoble yung income namin kasi parehas kami ng work pero ok lang kasi alam ko sa sarili ko na di ko kaya pagsabayin ang work ng 8-5 at pag-aalaga (siguro kaya ko pa kung business para flexible yung time at pede isama yung kid ko sa ofc  ;) )... kaya saludo ako sa mga nanay na kaya pagsabayin ang work at pag-aalaga(take note ha yung talagang nag-aalaga ng anak  ;D, me kilala kasi ako, mas sumasama pa dun sa yaya yung bata kesa dun sa nanay)

ms.libra

  • Guest
Re: help: sahm or career
« Reply #10 on: April 28, 2010, 01:54:53 am »
I think isip na lang kayo mga SAHM ng kahit na small sidelines to augment your family's income. I have been a work at home mom eversince. Actually more than three years lang talaga ako sa corporate world and it seems na hindi talaga ako para dun. I know in my heart na gusto ko talagang maging entrepreneur kahit na small time lang and luckily laging supportive si hubby kahit na mag-bf pa lang kami. From organizing bazaars, small time retail, maging realty agent, bazarrista na din, computer shop etc okay siyang pasukin ko. Lagi ko talagang hinahanap ang niche ko, not necessarily malaki ang kita but more of self-satisfaction. Lalo akong nagpursige nung dumating na ang baby ko kasi as in gusto ko 24/7 kami magkasama kaya pati computer shop namin nun we decided to part ways na din kasi salbahe yung mga players minsan at ayokong lumaki ang anak ko with them. Luckily and with God's grace talaga I learned odesk and other online sites that offers work at home jobs and until now full time pa din ako dito. I get to work where and when I want. Kasama ako sa lahat ng activities ng baby ko since hindi din siya talaga pumapayag na wala ako kahit pa kasama nana niya. Aside from that, I think I have found my happiness. Ito lang yung career na wholly embraced me with full acknowledgement since may month na nagtotop ako in different categories and syempre super okay ng sahod.

Kaya advice ko sa mga mommy na pede naman siguro pagsabayin ang pagiging hands on kay baby at career or simple sidelines. Mahirap ang buhay kaya kailangan din talaga nating tumulong sa mga hubby natin na maging maayos ang future ng kids natin.

selina

  • Guest
Re: help: sahm or career
« Reply #11 on: May 07, 2010, 05:15:57 pm »
@ms.libra

i'm in a dilemma right now. hirap na tlaga ako kasi I'm really used to having a job,earning my own money and sweldo every 15th and 30th. But since dumating yung second baby ko i had to quit my job kasi wala talagang magbabantay sa mga babies ko. Although I'm happy to be spending time with my kids,hindi naman ako maka-adjust sa fact na hindi ako sumusweldo and not earning my own money. Hindi ganun kalakihan salary ng husband ko and sometimes nagkukulang talaga kami. Mas lalo ko tuloy naiisip na dapat talaga nagwo-work pa ko. Nabasa ko yung post mo about working at home. Please po if you could help me out magwork at home din.I have no idea working at home. Call center agent ako,technical support on my previous job. Pano kaya ako makakapg start din ng work at home job? TIA

dolly

  • Guest
Re: help: sahm or career
« Reply #12 on: May 08, 2010, 11:20:03 am »
I'm a WAHM. And I think this is better than getting an outside job. I have my own biz too but I and my hubby need more to become really independent. I say, my parents are well known and very successful, to the mere point that I literally don't need to work kahit pa nga may asawa na ako and a kid and another one on the way. Malaki pa allowance ko from my mom kesa sa sweldo ng hubby ko which is ilang beses ko na tinanggihan but nagiging issue lang pag di ko kinuha. Pwede na sana ako di mag-work at home kaso, hindi kaya ng katawan ko. Kahit kasi may mga allowances ako from my parents hindi sanay ang katawan ko ng hindi nagtatrabaho. Kahit nung dalaga pa ako sanay ako nag-eeearn ng sarili kong pera. Right now, mas priority ko rin babies ko and of course mag-invest for financial freedom. :)

joannarabara

  • Guest
Re: help: sahm or career
« Reply #13 on: May 09, 2010, 02:43:32 am »
@dolly: you are so lucky for having parents na super generous. imagine masmalaki pa allowance mo compared to hubby's sweldo?! wow! if ganyan lahat ng parents, wala nang mga kids na lalaki sa yayas. hehe!

apreal

  • Guest
Re: help: sahm or career
« Reply #14 on: May 09, 2010, 03:58:39 am »
Happy mother's day sisses!!!! :)

Hi sis Joanna, Im a SAHM din,I have 4yo boy and 3 mos baby girl...same tayo ng experience laki din ako sa yaya tapos only child pa,madalas ako nalulungkot non lagi kong hinahanap ang parents ko si yaya lagi kong kasama and sabi ko sa sarili ko pag naging mommy nako ayoko maranasan ng mga anak ko yun,kaya ayun kinarir ko talaga ang pagiging full time mom.Mahirap din maging SAHM and most of the time nakakapagod but sobrang rewarding....lately nag iisip na din ako kung ano pwede ko pagkaabalahan na at the same time kumikita ako tapos I dont have to leave the house na,naalagaan ko pa yung mga kids ko.hmmmm...sana makaisip tayo ng way. :) mga WAHM share naman po kayo.  :)

sis sweet angel,sobrang bilib din ako sa mga working mom na naalagaan pa yung mga anak nila and korek ka may mga bata mas love na si yaya kesa kay mommy..nung hinahatid ko pa sa school yung eldest ko dati naririnig ko yung mga yaya's na nag uusap na kesyo yung alaga nila mas gusto pa sila katabi matulog kesa sa parents,mas alam pa nila yung mga ayaw at gusto ng mga alaga nila tapos nakakatuwa pa kasi tinuturuan din nila ng salita nila mga alaga nila like bisaya...gulat daw mga amo kasi nag bibisaya na yung anak nila. ;D

dolly

  • Guest
Re: help: sahm or career
« Reply #15 on: May 10, 2010, 02:21:58 pm »
@dolly: you are so lucky for having parents na super generous. imagine masmalaki pa allowance mo compared to hubby's sweldo?! wow! if ganyan lahat ng parents, wala nang mga kids na lalaki sa yayas. hehe!

Lol, yes sis,generous nga sila sobra. Parang hindi pa rin ako nag-asawa or bumukod kung asikasuhin ako. Kahit hindi namin hinihingi nagbibigay. Nung kinasal kami, bumukod kami, parang nagtampo pa lalo nung nagka apo sa amin kaya ayun, ibinigay yung isang place sa amin para dun kami kasi ayaw nya raw gumastos kami sa rent. I think hubby ko maswerte kasi di nya kelangan kumayod tulad ng iba. Plus I have my own money from my sidelines kaya talagang yung salary ng hubby ko kanya lang. Nasasa kanya na kung trip nya bumili ng gatas or kung ano gusto nya gawin sa money. Pero manganganak ako next month kaya di pwedeng di diya ipon hehe.


Yung cousin ko may friend na ang gawa, hanggang 6 mos contract lang daw ang yaya sa kanya para hindi ma-attach yung baby nya kasi ayaw daw nya na mas gusto pa nung bata sa yaya kesa sa parents. Okay sana yun kaso hirap din papalit palit dahil mahirap maghanap ng yaya!

genivy21

  • Guest
Re: help: sahm or career
« Reply #16 on: May 10, 2010, 02:32:32 pm »
i want to have a career. para empowered ka. tama iyong isang sis natin dito sa GT. mas magandang meron kang sariling trabaho, me diskarte ka, me kaibigan ka, wala kang madaming angst.

yoko na magfull time mommy. actually okay siya - kaso etong asawa ko ang hindi okay. kaya magwowork ako then sasampalin ko ng pera itong asawa ko!

chengkii

  • Guest
Re: help: sahm or career
« Reply #17 on: May 10, 2010, 06:56:26 pm »
sis genivy - parang punung-puno naman ng angst iyun post mo. Sana nga makahanp ka ng career na magugustuhan mo. :)

genivy21

  • Guest
Re: help: sahm or career
« Reply #18 on: May 10, 2010, 07:31:48 pm »
i chose my kids over my career. im a manager before retiring 5 years ago. para na din gumalaw itong magaling kong asawa.

now that he's the provider, na di naman maprovide ang talagang gusto ko para sa mga bata, pabigat daw ako.

so good luck na lang sa akin, pero pagkakuha ko talaga ng trabaho, hahamunin ko to ng hiwalayan! at sasampalin ko talaga ng pera ng bonggang bongga!!!
« Last Edit: May 10, 2010, 07:33:50 pm by genivy21 »

kwinchesters

  • Guest
Re: help: sahm or career
« Reply #19 on: May 10, 2010, 08:09:33 pm »
Sis Genivy21, we are hoping na wag sa hiwalayan mauwi yung marriage nyo ni hubby mo.
Mahirap talaga maging SAHM. good thing lang sa situation ko,walang pressure sa mister ko suportado nya ko magwork man o hinde. Nung time na nawalan sya ng work, ako naman ang nagtrabaho pero saglit lang,for 2 months pinahinto na nya ko agad kasi na-hire sya agad.
Yung pressure actually nanggagaling sa inlaws ko. Tipong nobody ka talaga sa angkan nila pag wala kang sinasabi sa buhay.
Antayin ko lang matapos yung binabayaran namin obligation this July then magtetraining ako para makapagwork abroad at yang mga inlaws ko ang sasampalin ko ng pera ng bongang-bongga!!!
(Sis Genivy21,pahiram ng dialogue..ty..)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close