(Sorry if this is in the wrong section..)
Well, here's the story.
We've only been together for 3 months (and still counting, I guess). Everything went well for the first few weeks, until it came to our first month. Medyo okay pa nun. Nagpatuloy yun hanggang 2nd month namin.
A few days after our 2nd monthsary, things began to be a little rough for us. Mas dumalas at tumindi na ang mga away namin kaysa dati. Kung dati, sandali lang ang pag-aaway namin, ngayon umaabot na ng hanggang 2 days na hindi pa namin naaayos. And during that, walang pansinan. Actually, SIYA lang ang hindi pumapansin sakin. Nagmumukha na nga akong t**** kaka-sorry nun, eh. Nagpatuloy yung ganung sistema namin hanggang sa mag-3rd monthsary kami. But, a few days before our 3rd monthsary, things got REALLY worse than before.
Alam na namin (not so sure about him) na medyo rocky na yung daan na tinatahak namin. Mas madalas na talaga kaming mag-away. Mga ilang araw muna bago magbati, tapos ilang segundo lang, away nanaman. Tapos aabutin nanaman ng ilang araw, minsan nga linggo pa ang inaabot ng sobrang simpleng pagtatalo namin. Napapagod na rin ako, pero kinakaya ko para lang sa kanya at sa relasyon namin. Hanggang sa hindi na ata niya kinaya...
April 4, 2010. 2 days pagkatapos ng 3rd month namin. Hindi ko siya tine-text nun kasi nainis ako sa kanya. Hindi kasi niya ako tinext nung monthsary namin. Pero binati niya ko nung kinagabihan bago yun. Tsaka, honor guard kasi siya sa simbahan nila. Semana santa kasi yung monthsary namin, eh. Pero, kahit na. Nainis pa din ako. Wala pang isang minuto yung igugugol niya para lang i-text ako, hindi niya pa nagawa. Feeling ko tuloy parang wala lang yung araw na yun para sa kanya...
Tapos nag-text siya nung araw na 'yun. "Lunch ka na. Antok pa din ako." Yan yung sinabi niya. Napangiti ako, syempre. Ite-text ko na sana siya, pero bigla siyang nagtext sakin. Eto yung eksaktong sinabi niya..
"Magbreak na tayo gwapo pala yung nasa kaliwang dulo ah pakilala kita (sabay bigay ng number nung guy tsaka nung name)"
Wow. Nagulat ako. Naalala ko yung kinoment ko sa isang picture niya sa Facebook. Sabi ko dun sa comment ko na ang gwapo nung guy na nasa kaliwang dulo. E totoo naman kasi, gwapo talaga. Kaya nga gulat na gulat ako, lalo na sa sinabi niya na "mag-break" na daw kami... Dahil lang sa comment kong 'yun..
Kinausap ko siya. Sabi niya yun nalang daw ang itext ko. Gwapo naman daw yun (hindi kasi gwapo si boyfie, eh). Dun nalang daw ako. Ganito ganyan. Feeling ko mga sis na pinamimigay niya na ko dun sa lalaking 'yun. Ang sakit..
Pagkatapos nung pag-uusap na yun, text ako ng text sa kanya. Hindi niya talaga ko pinapansin. Akala ko wala na siyang load or something. Hanggang sa malaman ko na katext pala niya yung kaibigan ko (pero wala siyang gusto dun). Dun na ako nag-burst at umiyak nang umiyak.
Nagpatuloy pa yung ganun na hindi niya ko pinapansin. Hanggang ngayon. Pero yung ibang nagte-text sa kanya, nirereply-an niya. Ako lang talaga ang hindi. Hanggang ngayon hindi pa rin niya ako tine-text o tinatawagan o kahit ano. Napapaisip na tuloy ako kung kami pa ba o inabandona na niya ako nang hindi niya sinasabi..
Mga sis, ano bang gagawin ko? Kakalimutan ko na ba siya, o maghihintay muna ako? Pointless din ata ang pangungulit sa kanya. Mahirap kasing mapilit yun, eh. Hindi rin naman ako makapunta sa kanila kasi LDR kami at hindi ko alam ang bahay nila. Hindi pa kami nagkikita, eh.
Any help would be much appreciated..