Hi guys.
PIMPLE STORY
My pimples started when I was a teenager. I believe grade7 pa lang yata ako nung magsimulang maglabasan ang mga pimples ko. Kokonti pa lang yung siguro mga 3 or 4 na maliit lang. Sobrang oily ako nung time na yun. Especially sa T-zone area. Pores ko malalaki din. Dun na ako nagsimulang pumunta ng dermatologist. Sinamahan ako lagi ng mom ko kasi siya lang naman may pakialam sa mukha ko. At first cleaning lang muna na may kasamang acne operation. Magtatangal din ng whiteheads and blockheads sa ilong and surrounding areas. Tapos injection for the other areas. Basta nung grade 7 konti lang talaga pimples ko I rate myself mild lang nung time na yun. Prescription topical meds where benzoyl peroxide and another topical gel or cream. Nakalimutan ko na yung brand kasi 1998 pa yun eh. Sorry

Nung 1st year HS na ako same pa din naman ginawa kong treatment pero hindi masyadong madalas visits ko sa dermatologist. Medyo hindi pa namang gaano malala nung time na yun siguro I would rate myself as mild. Konti pa lang yung cysts ko nun. Problem ko lang at that time was laziness in applying the cream, benzoyl peroxide. Hindi madalas yung pagaaply ko ng topical cream. Im a guy so im a bit lazy when it comes to beauty. Pinatake na ata ako ng antibiotics at this time because my acne was shifting from mild to moderate.
2nd Year HS acne moderate, topical cream, still the same. Sucks but my skin shifted to being moderate na. Magaspang na yung mukha ko dito medyo flaky na nga siya. Medyo marami rami na rin yung pimples ko at this time small to big lumps in my face. Nagpaderma uli ako nung time na ito sa may facial care centre. Binigyan ako ng program ng doctor. Halos every week or every other week nagpaskin care treatment ako sa kanila. Result? Slight improvement pero ganun pa din.
3rd year HS minsan acne: moderate to severe. Ito na yung state na kung saan hindi na ako nagpatingin sa dermatologist hindi ko alam bakit. Wala din akong masyadong pakialam sa mukha ko, hindi ko alam bakit. Hindi yata ako nagpa derma nung time na to. Busy ata ako or something. Medyo
naging worse yung condition ko towards the end of the year. Minsan pa rin ako maglagay ng topical cream. I was pretty much lazy at this time. Stress din yata ako sa school. Hindi naman kasi ako matalino so todo kayod sa studies. Nag CAT officer training din ako dito.
4th year SEVERE ACNE, grabe talaga yung condition ng face ko dito. Very bad talaga. Naglalagay na ako ng topical cream pero wala na atang effect sa sobrang dami eh panu pa ba mareresolba ang gera sa mukha ko. My confidence at this time was very very low. To the point that I really had problems communicating with other people. Baka iba kasi sabihin nila sa akin. Pati yung student exchange program ng school papuntang Australia nahirapan akong makipagcommunicate sa kanila.
Anyways after nun. Yung mom ko naawa na siguro sa akin. May pinakilala siyang dermatologist sa village namin. Good thing may village dermatologist ako nung time na yun. Nagpaderma na ako sa kanya. Halos everyweek ako nagpapaderma sa kanya. She healed nga my face eh, my face was slowly inching its way back to what it was. Puro pricking ginawa niya, removing of blockheads and whiteheads, tapos skinpeeling and injections for severe cysts. Thing was halos buong mukha ko napalibutan ng severe cysts. Nagmukhang pizza na yung face ko. Magkakatabi nga yung cysts, worse pa nun yung magkakatabing cysts nagmemerge to form a super cyst. Grabe sobra! Ang tagal nawala yung ibang cysts. Matagal sila magsubside and dry out. Siguro ito took me 2months before nagsubside yung ibang cyst. Basta yung ginawa ng derma ko is nilinas niya muna mukha ko. Madaming pricking, hiwa, putok dito putok dun, masakit na peeling and super daming injection. In one session nakakailan milliliters ako ng steroid injections. Nakaka 20 plus akong injections nga eh!
Nung una masakit pero after sometime masasanay ka din. Naging manhid face ko sa injections. Pabalik balik ako kay doc. Kahit everyweek ako pumunta sa kanya meron pa din new cysts na tumutubo. Sad but true. May mga binigay in siyang topical creams. Yung iba ginagamit ko pero yung iba naman hindi kasi mahapdi sa mukha ko! Sobrang kuminis nga mukha ko eh pero may tumutubo pa rin. Because of that Nireseta na niya ang Roaccutane. Medyo pricey ang roacc. Since my weight at that time was 185lbs my dose was high mga 4caps/day to be taken before I go to bed. Nung 1st cycle ko hindi na ako pinatake ng tests. She basically asked the condition of my health. Medyo mali nga yung ginawa niya eh. Pero since I had no health condition, tuloy lang. 5 months ko siya iniimon.
Mabilis yung effect niya sa akin I think less than a month (3weeks) it took effect na. Every week or every other week I was checked by the dermatologist she did some injections too. Kasi may mga tumutubo pa cysts. Panay inject nalang siya every week hanggang hindi na siya naginject since wala na siyang iinject. Pati blackheads nawala na rin. Oil secretions wala na. Hindi naman nagdry face. Naging normal na nga eh. Its a miracle! Nagdry lang ang lips ko sa procedure. Yung lang naman.
I think I was healthy as a horse and young din and I rarely drink and dont smoke kaya naging effective siya sa akin. Na absorb kaagad ng system ko yung drug. Sa totoo lang 6months dapat ako magtake ng gamot na ito pero hirap humingi ng pera sa mom ko, tsaka parang ayaw na rin ata niya.
Hanggang 5months lang ako. Minsan minsan na rin ako bumalik sa derma.
Post Accutane
It took me siguro less than a year before signs were telling me that acne was on a comeback. Oily skin muna, tapos pakonti konting acne, tapos pakonti konting cysts. Hindi na siya ganon kadami pero meron pa din. Hassle! Bumalik nanaman ako sa derma ko. Did the cleaning again, injections, creams and topicals were given to me again!. Although hindi na siya ganun kalala I would rate myself as moderate at that time. Better than severe right! Thing is masakit pa rin yung mga cysts. She wanted me to do another cycle which I did, pero it lasted for 2months lang, gusto ko nga makumpleto yung 6months pero ayun nabitin din. Ayaw na rin ng mom ko so yun. Magastos masyado din kasi.
If ever makumpleto ko man yung 6months, it think meron pa rin relapse. But the relapse wont be as strong.
to be continued.....
Tanung na lang kayo kung gusto niyo