watch now

Author Topic: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal  (Read 102898 times)

riandrew

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #20 on: March 16, 2010, 07:12:55 am »
I smiled the moment I see your baby.. Cutey.

Sabihin mo sa tita mo "Umasal lang ng naaayon sa ganda. Pag di kagandahan, wag na din masyado pintasera."

jaymilu_620

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #21 on: March 16, 2010, 07:39:27 am »
Bat ganun pag maitim pangit na agad maririnig mo?hay ganun talaga me mga taong insensitive. Kung ayaw ng tita mo e d wag. Yung kapatid ko maitim samin 3. Lagi pang napagkakamalang anak sa labas but when he grows old kamukha na ng papa ko.di nga siya maputi me brains naman. Nagbabago pa yang features ng mga bata habang lumalaki.don't worry sis if your tita can't appreciate your baby andito kami mga ka sis..cutie naman..

milkeeway

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #22 on: March 16, 2010, 08:11:48 am »
grabehan naman si tita mo, maganda ba sya? hehe

cute naman eh! tsaka di naman ganun kaitim, at kung maitim man wala naman problema dun.. nung nagpunta nga ko bandang aurora, diba madami dun dumagat, may super cute na bata, ang itim sobra tapos kulot yung hair, gusto ko nga ampunin eh, hehe, tapos tinuro ko sa friend ko yun, sabi nya paglaki daw nun, hindi na ko matutuwa, ang salbahe..

mitchoy

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #23 on: March 16, 2010, 08:28:13 am »
walang pangit na baby sis. God created us in his own image kaya lahat ng tao beautiful lalo na mga babies :)

smile! don't mind your tita, wala lang yan magawa.

liyapot

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #24 on: March 16, 2010, 08:57:11 am »
korek!! distance your self from your tita..not a good influence sa family nyo yan..
kung ako yan crossed out na yan sa vocabulary ko at di ko na siya kilala ever!

honnie

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #25 on: March 16, 2010, 09:00:23 am »
 sobra naman yon....black is beauty no???? at basta anak natin kahit ano pa itsura nila or color nila sa mata natin sila ang pinakamaganda.....

nicolle

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #26 on: March 16, 2010, 09:27:17 am »
ay ano ba yan sis ang bad naman ng tita mo! my gosh angel yun pinipintasan nya tsaka gift ni God sanyo yun...i saw your little angel and ang cute nya ha,, tsaka di naman sya maitim ahh kala ko naman parang sa aeta na but then kahit aeta di naman pwedeng pintasan diba...share ko lang bakit ako dati sabi ng mga kamag anak namin ang pangit ko daw kasi girl ako pro mukha akong lalaki tapos kalbo pa me,, but then look at me now dyosa ng kagandahan :) joke [textspeak!] yun mga sis ha peace! what i mean is that gumanda naman ako compare dati :)
sis pwede ba pakipost mo pix ng tita mo ng sya naman ang maokray natin hehe

maui_chie

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #27 on: March 16, 2010, 10:33:30 am »
grabe naman yung tita mo sis...may topak ba siya..haha..joke lang..
ang cuteness kaya ng baby mo..
ipag pray mo na lang ang tita mo...wag sana siya magkaanak na pipintasan din ng ibang tao...haaay, bakit naman may mga taong ganyan...good thing, walang ganyan sa mga tita and titos ko...kundi, mapapaaway siguro ako...haha...joke!

evylora

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #28 on: March 16, 2010, 10:52:09 am »
thanks po sa replies mga sis! tama kayo.. walang ibang magmamahal kay babies natin kundi tayong mga magulang. sabi nga ni hubby wala daw siyang pakialam kung hindi gusto si baby ng tita ko. si tita kasi is tibo. as in sinabi niya na 'alam mo nung una ko pa lang makita si baby mo, di ko na gusto kaya nga di ako nagtatagal sa ospital' di ba ang sakit sa pandinig. in front of many people pa yun ah. sabi tuloy ng mga tao, moreno nga lalaking lalaki ang kulay. di naman ako after sa sasabihin ng ibang tao. nasaktan lang ako na sa mismong kamag anak kopa maririnig ang ganung salita. iyak talaga ako ng iyak kagabi. may pcos me and for 3 yrs inantay ko yung time na ibigay ni god samin si baby tapos paglabas pa niya ganyan agad ang sasalubong sa kanya... she kept on telling me before na pag yang baby mo lumabas at pangit yan, di ko hahawakan yan... :'(

bakit kaya may mga taong mapanghusga..

anyways, thanks po sa inputs niyo. tama kayo kahit ano pa ang itsura ng babies natin as long as healthy. every baby is a blessing from God at ayoko maramdaman niya yung sadness ko.. i love my baby with all my heart at kahit [textspeak!] pa sabihin nila, hindi ko siya ikakahiya..

thanks po ulit sa niyo and God bless!!!

yabyu

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #29 on: March 16, 2010, 11:23:14 am »
 :o nakakaloka naman ang tabas ng dila ng tita mo sis. kung ako rin naman nasabihan nun sasama din loob ko. pero wag mo na lang pansinin. baka malungkot ang buhay kaya nangdadamay. tama ba namang sabihin na di nya hahawakan pag lumabas na pangit. naku mapapamura ako sa mga comment ng tita mo. cute si baby mo. it doesn't matter kung ano kulay nya. basta healthy. tagal nyo hinintay yan di ba? you're baby is a blessing. walang pangit na baby.

share ko lang, yung daughter ko di rin maputi nung pinanganak. nung nakita sya ng mga kamag anak ko, medyo nag comment din na masyado daw kamukha sa side ni hubby tapos di daw nakuha color ko, pati yung birthmark sa left leg napansin. tapos nagkwento pa na yung kamag anak daw namin nanganak na rin, pero mas mganda naman dun yung anak ko na parang ang dating pangit yung anak ko pero mas pangit pa yung baby nung relative namin  ::) nakakaloka pero di ko na lang pinansin. pero ngayon tuwing makikita nila anak ko pinagaagawan nila. maganda raw  ::)

cheer up sis. don't mind your tita. your baby is beautiful.  ;)
« Last Edit: March 16, 2010, 11:36:20 am by yabyu »

evylora

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #30 on: March 16, 2010, 11:31:27 am »
thanks sis!!!

tagal nga namin hinintay si baby kaya we're so happy na dumating siya sa buhay namin. no matter what people say, baby ko pa rin to at proud ako sa kanya!! ;)

marssie

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #31 on: March 16, 2010, 11:41:28 am »
Good news.  Cute baby mo.  Bad news.  Something is wrong with your tita.  Pangit ng ugali.  Baka may topak. 

Ilayo mo sa kanya baby mo ha?  Baka mausog, mahirap na.

LOL!!! korek!!

Naku sis, ang cute kaya ng baby mo.. mas nognog son ko nung bagong panganak and i agree sa mga sissies natin, ignore mo nalang tita mo..

When i first saw my son, ako mismo di rin nakyutan hehe,kasi may son was so itim din at may pagkapango pa ;D  good thing wala akong tita na kasing salbahe ng mouth ng tita mo.. or takot lang sila sa akin kasi bubungangaan ko sila.. pero deep inside my heart he looks like an angel dahil so innocent.lalo na pag nagsmile, naku po para akong lumulutang..  After few months, bigla rin nagbago face ng son ko..and everytime i look at him,siya pinakamagandang mukha sa lahat ng bata..baby ko siya eh and i always say (kahit nung bagong panganak palang siya) na he really looks like me and not my husband.

Cheer up... iba ang joy na binibigay ni baby sa atin :) sobrang di kayang pantayan ng kahit na sino or ano pa, kaya ismiran mo nalang tita mo :)

affordmoto

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #32 on: March 16, 2010, 11:44:59 am »
ang babaw ng tita mo sis.
wag mo na silang pansinin.

maputi ba anak ng tita mo?

sarap ihug ng baby mo =)

nestea_dell

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #33 on: March 16, 2010, 11:45:13 am »
sis, kahit di ko kita pic ng baby mo kasi blocked dito sa office. alam ko he/she will grow up beautiful. like me nikukwento saken ni mama ko na pinagcocompare ako sa tita (tita ko sa dugo, anak ng anak ng nanay ng lola ko. LOL! gulo!) ko kasi parehas kaming taon pinanganak nauna lang siya ng ilang buwan. [textspeak!] tita ko nung baby pa malaki siya at pink kasi maputi, ako maliit at red kasi maitim. pero naman ang panglaban ko ay ang matulis kong ilong siya flat. hehe! at nung lumaki na kami, mas matangkad nga siya pero mas maganda naman ako. :)

marssie

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #34 on: March 16, 2010, 12:04:46 pm »
(http://i362.photobucket.com/albums/oo64/marcjazmarcus/Marcus%200-1/th_Image549.jpg)Cuscus

Kita mo sis mas nognog baby ko nung bagong panganak... :)

Edit ko lang, add ko pic niya few months later.. luminaw lang kulay ng konti dahil sa flash ng camera ;D

[IMG]http://i362.photobucket.com/albums/oo64/marcjazmarcus/th_SNV31092-Medium.jpg[IMG]tutus bungisngis



« Last Edit: March 16, 2010, 12:11:09 pm by marssie »

evylora

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #35 on: March 16, 2010, 12:07:33 pm »
wala kasing anak tita ko. pero nakikita ko sa kanya, ang palaging hawak niya yung anak ng pinsan ko or yung anak ng kuya ko. pinipuntahan niya pa yun. pero si baby ko, never niyang kinarga ng matagal. sabi niya ang bigat daw at likot pa. parang nagdadahilan...

sabi nga ni hubby hayaan mo sila ang importante mahal namin si baby ko...

evylora

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #36 on: March 16, 2010, 12:12:02 pm »
@sis marssie: ang cute nga ng baby mo sis... ang taba!!!

bahala na nga sila. lahat nga makakita kay baby sinasabi ang puti ng anak mo ah! (which is kabaligtaran) di nagmana sa kulay mo...
care ko! anak ko to kaya proud ako.

marssie

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #37 on: March 16, 2010, 12:20:25 pm »
^Ingit lang yang tita mo sis ;D tama hubby mo ignore mo nalang yun...

Naku sis, ako nga kamukha ko si kirara nung bata ako, kaya sa akin mana ng kulay baby ko, pero lalake naman eh kaya deadma lang ako kahit maiitim ;D tuwing umuuwi kami pinas wala pa one week lumalabas totoong kulay niya ay kay kintab na maitim ;D Pero lagi ko sinasabi sa mga nakakakita na kamukha ko siya ng bata ako para kaming kambal kahit minsan di naman makita nung iba pagkakahawig namin, pero para sa akin ako kamuha ng baby ko kahit ano pa tingin nila sa kanya,ganon yata pag nanay sobra magmahal sa anak kaya natural lang masaktan tayo pag sinasabihan ng di maganda anak natin. Tama nga yata na sa mga nanay pinakamaganda ang tingin sa mga anak :) Kaya kahit anong sabihin sayo lagi mo iparamdam sa kanila na so proud at love mo baby mo, dun palang mapapahiya na sila :)

May kalaro pala baby ko,tsinito grabe kinis at puti ng bata cute nga pero pag tinititigan ko sila mas gwapong gwapo ako sa baby ko, kasi i look at him with love..  :) mas nakikita ko ganda ng eyes ng son ko kesa sa kulay ;D   

marssie

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #38 on: March 16, 2010, 12:23:50 pm »
Ay ngayon ko lang napansin parang magkahawig pa baby natin, singkit :)

auburn

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #39 on: March 16, 2010, 12:34:21 pm »
sis, isipin mo na lang na blessing si baby mo.  wag ka magpaapekto sa sasabihin ng sinumang tao.  better na iwasan mo ang mga taong masyadong negative, insensitive at walang puso.  i feel so sorry for her kasi she wouldn't have the chance to experience motherhood (in all its glory and wonder)  ;)

your baby is an angel and just like me, almost 3yrs ko din hinintay si baby kaya don't let anything affect you and your baby.  don't let him feel na ang pagiging maitim or not maganda sa tingin ng ibang tao is a flaw, else baka magkaroon sya ng inferiority complex paglaki.  shower mo si baby with all the love and affection he deserves and i'm sure he'll also love you in return.  God bless!  :D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close