watch now

Author Topic: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal  (Read 102737 times)

evylora

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #40 on: March 16, 2010, 12:43:43 pm »
oo nga noh!! parehong guwapo..ilang months na si baby mo sis? si baby 4 months na sa thursday. eto na siya ngayon...

http://www.facebook.com/photo.php?pid=133057&l=aa3b50c47b&id=100000577972824

evylora

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #41 on: March 16, 2010, 12:48:21 pm »
thanks sis auburn!!! ganun nga ginagawa ko. palagi ko pa kinakausap si baby at palagi kaming naglalaro para paglaki niya, madali siyang matuto. tama ka, hindi ako dapat paapekto.. nasaktan lang talaga ako sa sinasabi niya tungkol sa baby ko... pero dahil sa forum na to, nawawala na ang lungkot ko. isa pa ayaw ko din mafeel ni baby na di siya gusto ng ibang tao. basta alam kong mahal namin siya ng hubby ko, enough na siguro yun para mafeel niya na he is truly a blessing from up above...

antagonist

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #42 on: March 16, 2010, 01:00:57 pm »
HALLERRR!!! ang cute na ni baby mo! bulag ba yang tita mo?  8)

sis, wag mo nga masyado ipakita sa tita mo na apektado or nasa-sad ka sa mga sinasabi nya. kasi parang ang lakas ng loob nya magsabi ng ganyan sayo. pag andyan sya, ipakita mo na wala kang care sa presence nya. like pag nag-bless si baby sa mga tito and tita, skip nyo sya. pag ask sya why, tell her na baka-magkapantal-pantal ang beautiful skin nya eh di ba allergic sya kay baby.. LOL! :P

lheia

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #43 on: March 16, 2010, 01:11:20 pm »
sobra namang yang yang TITA IMPAKTITA mo sis. >:( post mo nga pix nya dito at nang makilatis namin kung maganda nga sya para mamintas.

wag na wag mo na ilapit ang baby mo sa kanya at baka mahawaan pa ng "masamang ugali" ng tita mong yan. ;D

che73

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #44 on: March 16, 2010, 01:11:56 pm »
ang bad naman ng tita mo!kung tita ko yan,di ko na kausapin yan,ha,ha.cute cute ng baby mo e!!!share ko lang ha,yun first 2 kids ko,anpuputi nila tapos nun lumabas si baby 3 e dark ang skin tapos anpayat pa kasi prematute,ngayon e 2 years old na si baby,maputi na din sya at cute na cute pa.

evylora

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #45 on: March 16, 2010, 01:18:32 pm »
naku mga sis! hindi maganda si tita. boyish kasi and nature niya na ang mamintas...
ganyan sila kasi di kaguwapuhan si hubby. so what! masipag naman. masasakit magsalita buti daw di naging kamukha ni hubby. di ba ang bad nila!!

greyzie

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #46 on: March 16, 2010, 02:58:14 pm »
hahaha! bakit kaya ganon yun tita mo?
i have a goddaughter, pagkapanganak ang panget (let`s face it weird naman talaga tignan ang mga newborns)... yun lips niya malaki, kantyaw nga yun nanay na maaksaya sa lipstick paglaki but kahit pinipintasan yun baby nobody can`t take their eyes off of her. as in lahat na-love at first sight.
ganon effect ng babies.. ang tita mo ang weird...

and btw, this goddaughter of mine, 8 years old na and anne curtis lookalike...

wengerts

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #47 on: March 16, 2010, 05:12:46 pm »
hay nako, don't bother na lang.

eh sis kung nature na nyang mamintas, hayaan mo na lang. isipin mo na lang makakarma din sya! :D saka goodluck na lang kung maka produce sya ng kasing cute na baby like yours!

dapat sa mga taong ganon nilalatigo e (sakto sa mahal na araw hehe)


runaway_bridesmaid

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #48 on: March 16, 2010, 05:16:54 pm »
yuor baby is cute although di sya maputi..wala yan sa kulay sis

wag ka malungkot dahil alam mo ba na maraming babae ang ibibigay ang kahit na ano basta mag ka baby lang (tulad ko)

maswerte ka sa baby mo, yun ang lagi mo iisipin! =)

iloveYUMI

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #49 on: March 16, 2010, 05:44:14 pm »
i'm sure inggit lang yang tita mo sis.  walang babies na panget.  cutie kaya ng son mo besides nagbabago ang features ng baby

barbwire

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #50 on: March 16, 2010, 05:54:24 pm »
sobra kung mamintas yang tita mo.  nakakagalit! >:( may mga tao talaga na walang pakialam kahit pa masaktan ang ibang tao. anyway sis, just concentrate on how you take care of your baby. he does not deserve those negative comments.

shiann

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #51 on: March 16, 2010, 06:45:46 pm »
sarap tahiin yan bibig ng tita mo sis...kainis ah,..hallerrrrrrrrrrr ang cute at ang gwapo kaya ng baby mo..bulag ata sya!hayyy bat ba may taong katulad ng tita mo, hayaan mo yan sis ang importante naman talaga ay healthy lage si baby mo kaya wag mo pansinin ang taong pintasira..

thebratinella

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #52 on: March 16, 2010, 07:20:01 pm »
don't feel bad, sis. kuwento sa akin ng lola ko na nung baby pa ako sabi din ng tita ko (sister ng mom ko) na hindi ako cute. ang pangit ko daw. sobrang pango kasi ng nose ko dati eh. pero i'm sorry, paglaki ko, tumangos talaga. nagulat nga sila kasi paano daw nangyari sa nose ko yun. kaya nga yung baby ko kahit hindi katangusan ang nose, okay lang. cute pa rin naman. nagbabago pa kasi itsura ng babies, sis. yung nephew din ng husband ko hindi cute nung baby pero ang guwapo ngayon.

guilleanne

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #53 on: March 16, 2010, 08:11:25 pm »
sadly mga relatives ko rin feeling nila pag maputi lang ang cute. KAsi si hubby moreno kaya super pinagdadasal daw nila na hindi maging sing kulay ni hubby si baby. maputi naman lumabas baby ko, pero nung buntis ako sabi ko sa kanila, maputi man o maitim baby ko parin yun wala silang magagawa, itakwil na lang nila ako if they like! hehe..

pero sis, wag mo na lang sila pansinin. like all our other sis said, cute kaya ng baby mo... may diperansya na sa mata yung tita mo or malamang sa ulo.

loveavenue

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #54 on: March 16, 2010, 08:51:04 pm »
grabe naman, pinintasin baby mo. ang sama naman.
cute naman baby mo ah. anong malay mo? pag laki ng baby mo, MAS gwapo pa siya sa baby ng tita mo. remember the story of the ugly duckling? although hindi ko naman sinasabing ugly si baby. pero i mean, may mga bata kasi na mas gumaganda habang lumalaki, at may mga bata naman ba cute lang pag bata pero pag lumaki na, "
"pumapangit."

ako nga e, yung crush ko nung bata ako, sinabihan akong pangit.
gwapo siya noon. pero ngayon nakita ko siya sa social networking site, ay hindi siya kasing gwapo nung bata pa kami.

grace24

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #55 on: March 16, 2010, 09:04:53 pm »
lalo ng nagiging cute si baby...habang tumatagal...go sis...

evylora

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #56 on: March 16, 2010, 09:08:33 pm »
tama kayo mga sis! di ko nga pinapansin si tita ko. although kinakausap pa rin niya me, di na lang me nagpapahalata na masama loob ko sa sinabi niya...tingin ko din naman kahit maitim si baby, gumuguwapo na talaga siya. esp his eyes sobrang cute ng lashes..

basta be proud na lang tayo sa mga babies natin. thanks sa mga inputs niyo. masaya na me at may ganitong forum. nakakahanap ako ng kakampi at mahingahan ng sama ng loob...
god bless sating lahat!!

super bratinella

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #57 on: March 17, 2010, 07:11:41 am »
@sis evylora >> You know what my panganay nung pinanganak ko siya sobrang itim tapos mabuhok and then pahaba ang ulo (normal delivery), then I am just 20yrs old at that time, so sabi ko sa sarili ko, bakit ganito ang baby ko ang itim tapos ang liit then pahaba nga ang ulo parang hindi baby...When I am checking other baby, mamulamula and then sobrang cute, at bilog ang ulo?

But you know what she is now 9 years old and she is a girl,lagi siyang kasama sa mga parade, at laging nasa front pag may dance sila sa school dahil para siyang bombay, at ang ganda na niya.

SO once nag develop ang baby mo lalo na ang features niya, mas aangat pa siya sa iba. Hindi lahat ng maputi maganda.

kurengkeng

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #58 on: March 17, 2010, 09:52:04 am »
sis evylora, may mga acquaintances (i dont consider them friends) ako na laging pinagchichismisan ang mga kids ko for being pango. of course as a mom nung una affected talaga ako. e sa pango din ako at ang mommy ko e, pero at least hindi ako pinalaki ng mommy ko na kasing ugali nila.

these acquaintances, hindi sila kagandahan. malalaki lang ang boobs nila hehe. pero mga matatandang dalaga. kay aarte pero walang bf, malapit ng magkuwarenta. ang hobby nila, pintas dito, pintas duon. ke matanda o bata pa yan. pagtatawanan at pagchichismisan ka nila..

i heard nega comments from them tungkol sa mga anak ko, mga twice or thrice. dinadaan ko na lang sa biro, nakikisakay na lang ako...sa isip isip ko, may KARMA din kayo.

and you know what, my children are growing up to be very disciplined and intelligent. lagi sila sa top 2 ng class nila. at lagi kong shoutout yun sa fb for everybody to see how lucky and proud i am for having these kids. e ano kung pango. hindi sa ilong (o kulay, in your baby's case) nasusukat ang lahat.

and you know what's happening now to these maldita acquaintances??...kabila't kanan ang mga sakit nila sa katawan. at hanggang ngayon, sexless, loveless, bfless..they pretend to be happy when majority knows they are not lalo na sa nangyayari sa buhay nila (health, work, and lovelife). i wont elaborate, pero, mabilis ang KARMA ngayon, naka FED EX na hehe.

be proud and dont mind your tita, kung gusto mo pa syang tawaging tita.

mojitayanipot

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #59 on: March 17, 2010, 10:19:55 am »
Hi sis! Buti naman at mukhang okay ka na. You don't seem so sad anymore. :) Dapat lang. Your baby is cute. :) Inggit nga ako eh. TTC parin kasi kami ni hubby hanggang ngayon. Hehe.

You really shouldn't mind your tita. May mga tao kasi (tulad nya) na tactless. She probably didn't know that what she was saying was bad and hurtful. Clueless, kumbaga.

Gaya ng sabi ng ibang sisses natin, it's best na ilayo mo nalang baby mo sa kanila. Baka mahawa pa ng ugali. Hehe. Tsaka all those negative vibes are not good for your baby. He should feel loved at all times. :)

Outward appearance isn't everything naman. Pano kung maputi at maganda/gwapo nga yung bata, eh wala naman alam? Mas mahirap yun. Haha! My cousin's morena, she's smart. And despite what everyone called her while she was growing up, she turned out to be a very beautiful young adult. As in pwedeng model. She's building na nga her modeling portfolio eh. :) Lots and lots of suitors pa. Hehe. Ganun talaga, nagbabago pa ang itsura ng mga tao while growing up. I'm 28 and I look different from when I was 24. Haha!

Mejo mahaba na sis. Hehe. I'll leave you with this link nalang. It's a nice and inspirational blog. I cried buckets when I read it. I think all mothers should read this: http://www.kellehampton.com/2010/01/nella-cordelia-birth-story.html

 

Latest Stories

Load More Stories
Close