watch now

Author Topic: MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal  (Read 102905 times)

evylora

  • Guest
MERGED: Pintas na na-receive ni baby -How to deal
« on: March 15, 2010, 08:43:27 pm »
naiiyak me. kasi  sabi ng tita ko nung una pa daw nakita niya si baby ko di na daw niya gusto kasi pangit daw ang baby ko at maitim. tama ba naman yun na reason? ngayon di ko alam kung ano mararamdaman ko. naawa ako sa baby ko. mas gusto ng tita ko yung babies ng mga pinsan ko. kasi daw mga cute tapos si baby daw maitim at malaki ang bibig. sobrang nasasaktan ako. parang wala nagmamahal sa baby ko kundi kami ng hubby ko. sana kung di nila gusto wag na nilang pintasan. please help...naiiyak talaga ako.. don't know where to post and wala me mahingahan ng sama ng loob..

God bless...

evylora

  • Guest

grace24

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #2 on: March 15, 2010, 09:26:56 pm »
cute naman baby...di naman sya kaiitiman...Naku wag mo pansinin mga tita mo...Be thankful sa blessings...Tama ka walang ibang magmamahal sa anak natin kungdi tayo din mga parents...Be Proud Girl...

greyzie

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #3 on: March 15, 2010, 09:33:05 pm »
don't mind them... your baby is cute and looks smart. eh ano kung maitim, basta makinis and malusog.
as in sinabi ng tita mo na panget? kagandahan ba siya to criticize an angel????

rockstarmama

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #4 on: March 15, 2010, 10:20:44 pm »
Your baby is cute and he seems so happy! Just don't mind your tita. She's crazy to be saying such things about a baby! kakagigil >:(

laey

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #5 on: March 15, 2010, 10:35:04 pm »
Cute naman si baby a. Kung pangit si baby, promise, di ako magrereply dito. Wag mo na lang intindihin yung tiyahin mo.

prettyjlo

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #6 on: March 15, 2010, 11:10:10 pm »
sabihin mo ok lang na panget ang baby ko now kasi paglaki nya gwapo/maganda yan. marami na ko nakitang ganon ang cute nung mga baby nung naglakihan, chaka na. tsaka mas prone sa pimples ang mapuputi kaya ako nga minsan ako pa namimintas sa mga anak ko sa ibang tao pero di ko naman pinaparinig sa mga babies ko although cute tlaga 3 babies ko dahil sobrang mapuputi.pinipilit ko convince sarili ko na hindi sila cute now kasi paglaki dapat magaganda sila. pati sister ko pinipintasan nya anak nya na mukhang lolo na baby. maitim at kawawa un aura ng face kasi ganun din belief nya na masmahalaga ang outside appearance pag dalaga't binata na. ako nga nung elementary days ko binoboto akong muse sa class org  dahil ugly duckling ako.maitim at sobrang payat ako.nagkakaisa mga boys na vote ako para  gawing katatawanan. pero nung high school na ko nagdagsaan na suitors ko at di ko talaga pinansin yun mga old friends at classmates ko even my crushes na nanligaw sa akin. my husband is from butuan. He always wish na sana nagkita daw kami nung mga bata pa. Sabi ko di nya ko magugustuhan.

Ang haba na. Kwento lang para masaya.Cheer up. ang mahalaga sa baby now is healthy dapat kahit pa magmukang aso. Your baby is mukang baby naman kaya dont worry. Nagpapalit pa itsura ng baby every now and then. 

twelvth_goddess

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #7 on: March 15, 2010, 11:30:14 pm »
There are really people who are that insensitive and tactless na akala mo perfect sila. Isipin mo na lang sis, kung ayaw nila sa baby mo, so what, hinde nyo ikakasama yon. Kung pipintasan pa nila baby mo, keep your distance from them. Bibigyan ka lang nila ng sama ng loob.

trinity94

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #8 on: March 15, 2010, 11:58:53 pm »
first advice: dont even think of making your baby take any whitening supplements just to appease your relatives, esp your tita...

maraming reasons why maitim lumalabas ang bata... my brother was born dark because of some blood problems, but his color changed while he was growing up...

napakawalanghiya naman nyan tita mo... do you actually want your child feeling unwanted just because of her?... i think that's your cue to keep this tita out of your child's life... you can find better relatives and friends who would accept your child as he really is - beautiful!

antagonist

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #9 on: March 16, 2010, 12:08:43 am »
sabihin mo sa tita mo, ok lang yun kung ayaw nya sa baby mo kasi ayaw mo rin na lumaki ang baby mo with such people na kagaya nya na mapanlait... IMBYERNA huh! .  >:( baket, maputi lang ba ang nasa bokabularyo nya ng kagandahan? kagandahan siguro yang tita mo. (waaaah! personal attack ko na yang tita mo!) saang universe ba nakatira yang tita mo at napaka-kitid ng kokote???

“Children need models more than they need critics.” -Joseph Joubert

sis, wag mo ipakilala sa baby mo na tita nya yun.  :)
« Last Edit: March 16, 2010, 12:10:35 am by antagonist »

moonie

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #10 on: March 16, 2010, 12:23:57 am »
Good news.  Cute baby mo.  Bad news.  Something is wrong with your tita.  Pangit ng ugali.  Baka may topak. 

Ilayo mo sa kanya baby mo ha?  Baka mausog, mahirap na.

snowkittycat

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #11 on: March 16, 2010, 12:32:16 am »
ang cute kaya ng baby mo. may dimples pa.  :)

yung mga taong pintasera like your tita, eh i bet nakaranas ding mapintasan ng todo-todo nung araw  :P

grumpybear

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #12 on: March 16, 2010, 12:33:51 am »
looks like you need to take your tita out of your lives.

hersmart4ever

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #13 on: March 16, 2010, 12:56:46 am »
Baby pa yan. Magbabago pa. Yung anak ko din ang itim ang laki ng bibig nung pinanganak. After a few months, naging "swan".

maeka

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #14 on: March 16, 2010, 01:21:37 am »
nako sis pareho [textspeak!]...as in, lahat nalang ng makakakita sakanya nung newborn sya ikinukumpara sya sa mga kamaganak namin na di kagandahan ang itsura...hnd man nila sabihin ng diretsahan pero ganun na din yung meaning nun hahaha pero wala akong care skanila basta alam ko sa sarili ko na gwapo anak ko...

alam nyo naman mga sis, dito sa pinas basta maputi maganda na sa paningin...

ako kase moreno and morena lover, di ko nga gusto pumuti na as in tisay...

twelvth_goddess

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #15 on: March 16, 2010, 02:57:25 am »
Chaka kahit hinde na magbago ng kulay yung baby mo, who cares? Hinde lang naman sya ang nag-iisang moreno. ako nga, im sure na moreno lalabas baby namin kase parehas kame ni hubby na moreno.

i never grew up na insecure sa color ko kase i didnt grow up in an environment where people told me na maputi lang ang maganda/gwapo. never ko din inisip na sana naging maputi ako kase confident ako na maganda ko hehe!). that's the same upbringing that I will give my son/daughter kase ayokong lumaki sya na naghahabol sa approval ng iba. Hold your head up high sis, your baby is cute. Yung tita mo masama ang ugali and hinde kelangan ng baby mo ng ganyang klaseng relative.

cherry*coke

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #16 on: March 16, 2010, 03:18:29 am »
isa lang masasabi ko sis..wag mong intindihin ang tita mo. so what kundi niya mahal ang baby mo? sino ba nangangailangan ng pagmamahal ng ganun klaseng tao? cute ang baby mo..at hindi porke maitim eh pangit na.. hallerr! ano bang klaseng pag iisip meron siya! don't mind her sis..and wag mo din hayaan lumaki ang baby mo around people like her. dahil maaapektuhan ang confidence niya.    basta cute si baby.. ayun

kurdapya

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #17 on: March 16, 2010, 04:16:13 am »
ay naku dyan lang sa pilipinas me issue ang kulay ng balat. wag mo pinag papapansin yan mga pula na yan maiinis ka lang.

wookies

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #18 on: March 16, 2010, 06:36:06 am »
hay naku sis, cute naman baby mo no. di naman ganon kaitim. magbabago pa yan paglaki nya. wag mo na pansinin tita mo.

frankikay

  • Guest
Re: i feel bad...di nila gusto si baby kasi daw maitim..
« Reply #19 on: March 16, 2010, 06:53:21 am »
hayaan mo sila sis, ang bad naman ng tita mo. real tita mo ba yan? as in kapatid ng mama or papa mo? cute kaya ng baby mo. baka nggit lang siya or something?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close