watch now

Author Topic: do you know a mother who has abandoned her child/children?  (Read 26515 times)

young_maiden

  • Guest
do you know a mother who has abandoned her child/children?
« on: March 06, 2010, 01:42:27 pm »
mga sis, may kilala ba kayong ganung nanay na nagawa iwanan ang anak niya at di na binalikan pa?

honestly, di ko talaga maintindihan kung bakit may mga ganitong babae. hindi pa naman ako ina kaya di rin ako maka-relate. akala ko sa TV lang may ganito. meron din pala ni real life.

i have a friend na 20 years old na ngayon. 16 years ago, iniwan siya ng mama niya. four years old lang siya nun. yung ate ng friend ko 7 years old lang at that time at yung younger brother niya 2 years old lang. wala nga siya idea kung nasaan na ang mama nya. kahit anino di talaga nagpakita. basta na lang daw sila nilayasan at iniwan para sa ibang lalaki. naaawa nga ako sa friend ko eh. parang ang hirap lumaki ng walang ina. eh yung papa pa naman niya nag-abroad para buhayin sila. di nga umuuwi papa niya kahit pasko at bagong taon. puro padala lang na pera at regalo. pero uuwi yung dad nila sa graduation ng friend ko at ng ate niya. so yung friend ko at mga kapatid nya nakatira sa kung sino-sinong tita at tito nila. kahit mga tito at tita nila hindi alam kung saan ang mama niya. sabi nga ng friend ko magiging mabuti siyang asawa at ina pag may family na siya. hinding-hindi daw niya gagayahin ang mama niya. hay. buti na lang nandyan pa papa niya para sa kanilang magkakapatid.

may cousin din ako na nabuntis when she was 20 years old. maganda siya kaso sobrang hilig mag party. napabayaan na niya ang pag-aaral niya. hindi siya makaalis sa 2nd yr college. puro dropped at bagsak na lang kasi siya. naalala ko pa nga nung 1st yr HS ako, 1st yr college siya. ngayong 3rd yr college na ako, siya hindi pa rin nakapagtatapos ng pag-aaral. nagpabuntis pa.

ayun syempre nanganak. gwapo yung bata at masarap alagaan. wala pa nga 2 months yung kid, buntis na naman agad ang cousin ko. nagalit kami kasi sobrang bilis naman sundan kaso wala siya pakialam. nainis ako sa kanya. akala ko titino na siya after the pregnancy at mag-aaral na nga mabuti. hindi pala. ayun, 11 months lang ang gap nung dalawang bata.

lumipat siya, yung 2 nyang anak na lalaki at yung boyfriend niya (tatay nung 2 babies nya) sa province ng boyfriend niya. 4 months pa lang yung 2nd baby niya, nasundan na naman! grabe no. ang hilig nila gumawa. pero nung nasa 5th month na siya ng pregnancy, kung ano-anong ng ininom niyang gamot para ma-abort yung baby. ayun namatay nga. lumabas yung 5-month-old baby na patay. nakaawa nga eh. baby girl pa naman. kahit 5 months pa lang siya, kumpleto na hitsura at katawan nya. ang weird nga eh. ang ganda at mestiza yung bata. kaso nga lang patay na.

pagkatapos nun, tuluyan na niya iniwan ang mag-ama niya. bumalik siya dito sa manila at hindi na niya kinumusta mga anak niya. nung nag birthday nga yung two sons niya, hindi man lang binati. naka-usap ko yung tatay ng mga anak niya. sabi niya wala na daw siya balita sa pinsan ko. basta siya busy na lang para sa mga anak nila.

mag sis, bakit kaya may mga ganitong babae? kung yung mga tatay, naniniwala ako na mas kaya nila tiisin ang mga anak nila. pero yung mga nanay? di ako makapaniwala kung magawa nila i-abandona mga anak nila. eh ang pagkakaalam ko nasa sinapupunan pa lang ng ina ang bata, may pagmamahal na siya para doon.

ang buhay nga naman oh. may kilala din ba kayong ina na nagawa yun?

changelessme

  • Guest
Re: do you know a mother who has abandoned her child/children?
« Reply #1 on: March 07, 2010, 05:59:06 pm »
kanina sa Maalaala Mo Kaya..

kettlekorn28

  • Guest
Re: do you know a mother who has abandoned her child/children?
« Reply #2 on: March 07, 2010, 07:27:44 pm »
Naalala ko tuloy yung former student ko. She's 14 years old na. Student ko sya nung Grade 1 sya. Ang alam ko may nanay sya kasi may naghahatid-sundo sa kanya everyday. I thought, mahal na mahal talaga sya ng mom nya. Kahit working mom, laging may time sa anak. Tsaka lahat ng magustuhan nung bata binibigay hanggat kaya. Plus her father is working abroad na umuuwi tuwing may special na okasyon. Na-meet ko din ang grandparents nya (parents ng dad nya). They're very nice talaga at mahal din nila ang bata.

Then there's this school activity na need ang participation ng mga parents. I can't remember yung ibang details eh, pero dito ko nalaman na yung woman na laging naghahatid sa kanya ay sister ng dad nya. All along, I thought she was her mom. I saw the sadness in her eyes, parang naiiyak na sya. Naawa ako kasi napakabata pa nya para maranasan ang ganun. She's always bubbly, palangiti...pero that very moment ibang iba ang aura nung bata. Sabi nya, "Hindi ko po totoong nanay yun, tita ko lang. Pero sya lang ang gusto kong maging mommy. Kasi yung totoong nanay ko, iniwan lang ako. Ayaw nya sa akin, pangit daw ako (which is not true) at di raw nya ako mahal pati si papa."

I also found out that as soon as kaya nang tumayo nung mother from her bed sa hospital, iniwan na nya yung bata sa father nito. Wala na silang nabalitaan dito. Galit syempre yung bata sa nanay nito. Buti na lang pagkabait ng family ng father nya. She never felt unwanted.

young_maiden

  • Guest
Re: do you know a mother who has abandoned her child/children?
« Reply #3 on: March 08, 2010, 11:35:00 am »

kawawa naman siya. buti na lang nandyan ang papa niya. sana makarma ang mama nya. hmpf.

guilleanne

  • Guest
Re: do you know a mother who has abandoned her child/children?
« Reply #4 on: March 13, 2010, 12:34:20 am »
the mother of my two stepsons. Left her family for another guy while the father is abroad working.

When hubby and I were just new, I tried to prepare myself in the event the mother shows up, she never did until now. But I make it a point to tell my stepsons that she is still their true mom and they must always respect her.. btw, they call me mama, and they call their biological mom "dati kong mama" whenever they refer to her.

aquacharly

  • Guest
Re: do you know a mother who has abandoned her child/children?
« Reply #5 on: March 13, 2010, 09:05:13 am »
A SIL walked off to establish a new life, then a new family in Europe.
    WE understand how bad the marriage was, and we have kept in touch.
     Her kids were brought up mainly by our parents coz that brother kept on philandering.

Another SIL left another brother to follow in the steps of that other SIL -- but she went to the US, not Europe.
That 1 we would rather not see, but when we do see her... we mind our manners but no way ako makipag beso beso sa yo!
Coz she sure laundered more than their dirty laundry in public,  and even raked our parents over the coals -- eh sya nga dyan napaka spoiled and demanding -- ny parents always gave her what she wanted.  Talk about dysfunctional behavior and families nga naman!  But that is another long story.

     Our brother stopped being irresponsible, and grew up overnight, and brings up his kids to the best of his ability, fending off our mother's pakikialam.
 
guilleanne

  • Guest
Re: do you know a mother who has abandoned her child/children?
« Reply #6 on: March 16, 2010, 10:28:36 pm »
^awww.. bakit may mga ganung mom ano? nagbubuhay dalaga. Ako I just gave birth last Jan, looking at my daugther, grabe I couldn't even think of leaving her, she's my life and I love her more than anything in this world.

almost the same ng story ng tita ko yung mom mo. she went abroad more than a decade ago, got 3 kids, yung eldest may asawa na and medyo ok naman ang kalagayan dahil inampon ng tito ko, the other 2 naging patapon na yung buhay dahil iniwan nya sa family ng husband nya, may 1 pa pala syang anak na never naming na meet, kasi from a different guy, at kinalimutan na rin ng tita ko tungkol sa batang yun. anyway, she lived her life single and careless, ni piso hindi nagpapadala yun, kung saan saang bansa narin sya nakapunta at kung sino sinong bf na rin nya. and then just recently nanganak yung manugang nya and my cousin (her eldest son) was asking her for financial help kasi CS yung wife nya, she refused, so the family pitch in, mga cousins, tito and tita and my grandma gave him money yung tita ko na mama nya ni singkong duling wala. tapos last week nag dadrama, may cancer daw sya at nanghihingi ng tulong sa pamilya para daw maoperahan sya. she's asking all of us nagawin din yung tulad ng ginawa namin sa anak nya.. well.. no ones happy with her, but my cousin(her son) nakiusap samin na tulungan ang mama nya. I'm not sure if I want to pledge any money nga eh..

haaayyy, ganun talaga. kung may ulirang ina, may ulirang ama rin. kung may walang kwentang ama meron ding walang kwentang ina.

Cheesecak3

  • Guest
Re: do you know a mother who has abandoned her child/children?
« Reply #7 on: March 16, 2010, 11:19:31 pm »
I know someone na after syang pinanganak ay pinadala na sya don sa matandang  midwife para daw ipamigay. Yong midwife dinala sya sa family na walang anak na lalaki kaya ayon mabuti naman at tinanggap sya. Wala pa syang one month nong inayawan sya ng mom nya.

Malaki na yong bata ngayon pero hindi pa rin nya alam na adopted sya, ayaw din sabihin nong family na kumupkop sa kanya kasi baka maapektuhan ang pag aaral. Wala din kasi silang nahanap na reason para sabihin don sa batang yon ang totoo kasi masakit talaga yon.

rexyloise

  • Guest
Re: do you know a mother who has abandoned her child/children?
« Reply #8 on: March 16, 2010, 11:59:23 pm »
Naalala ko tuloy yung former student ko. She's 14 years old na. Student ko sya nung Grade 1 sya. Ang alam ko may nanay sya kasi may naghahatid-sundo sa kanya everyday. I thought, mahal na mahal talaga sya ng mom nya. Kahit working mom, laging may time sa anak. Tsaka lahat ng magustuhan nung bata binibigay hanggat kaya. Plus her father is working abroad na umuuwi tuwing may special na okasyon. Na-meet ko din ang grandparents nya (parents ng dad nya). They're very nice talaga at mahal din nila ang bata.

Then there's this school activity na need ang participation ng mga parents. I can't remember yung ibang details eh, pero dito ko nalaman na yung woman na laging naghahatid sa kanya ay sister ng dad nya. All along, I thought she was her mom. I saw the sadness in her eyes, parang naiiyak na sya. Naawa ako kasi napakabata pa nya para maranasan ang ganun. She's always bubbly, palangiti...pero that very moment ibang iba ang aura nung bata. Sabi nya, "Hindi ko po totoong nanay yun, tita ko lang. Pero sya lang ang gusto kong maging mommy. Kasi yung totoong nanay ko, iniwan lang ako. Ayaw nya sa akin, pangit daw ako (which is not true) at di raw nya ako mahal pati si papa."

I also found out that as soon as kaya nang tumayo nung mother from her bed sa hospital, iniwan na nya yung bata sa father nito. Wala na silang nabalitaan dito. Galit syempre yung bata sa nanay nito. Buti na lang pagkabait ng family ng father nya. She never felt unwanted.

hi.. i don't really mean to rationalize this but i just noticed sa post na pagkapanganak pala sa bata iniwan na sya ng nanay. then pano nasabi ng bata na di sya love ng mama nya unless yun yung pinalabas ng nag-alaga sa kanya? siguro i'm just watching too much telenovelas and filipino films pero di ba possible din na yung family ang naglayo sa bata sa nanay? yun nga lang, bakit naman di nag-attempt ever yung nanay i claim yung anak nya. oh well, bka nga nasosobrahan lang ako sa local films... mano po ba ito?

billy

  • Guest
Re: do you know a mother who has abandoned her child/children?
« Reply #9 on: March 17, 2010, 07:08:58 am »
meron. she has 4 kids, pero wala lahat sa kanya. yung isa, nasa in-laws niya. yung isa, di ko alam kung na kanino. yung pangatlo, nasa tita niya. yung bunso, nasa pinsan niya. she's living in her parents' house yata ngayon, may boyfriend. strange pero parang ok lang sa mga kids niya, pero siguro kasi hindi lahat lumaki sa kanya.

lovemeagain30

  • Guest
Re: do you know a mother who has abandoned her child/children?
« Reply #10 on: March 17, 2010, 07:40:03 am »
^ayos ah parang aso lang noh! :)

in my POV, depende sa babae yan. kung bago ba sya magkaanak eh nagawa na nya lahat ng gusto nyang mangyari sa buhay nya. kasi kung kulang pa un tendency nya ay takasan ang malaking responsabilidad ng pagiging magulang. kaya nga sila nagbubuhay dalaga kasi maaga nilang pinasok ang pagiging ina-- ng hindi pinag iisipan, and worse, hindi pa nila totally tanggap!

ako, im a single mom. lahat yata ng kalokohan ginawa ko, pero lahat ng sarap buhay dalaga naranasan ko-- money, sex, drugs--u name it, i've done it! hindi something to be proud of, pero natuto ako mula dun. ang wala lang ako ay taong magmamahal sakin ng tutuo nuon.

nung dumating ang kid ko sakin.. nag- 360 buhay ko. there was a time i thought pano ako magiging mabuting nanay eh pabaya nga ko sa buhay ko, mag aanak pako?responsibility comes with acceptance. dun natanggap ko na eto ang calling ko to become a parent, before i gave birth to my kid--inuulit ulit ko sinabi sa sarili ko na eto na ang buhay ko and everything happens for a reason.

tulad sabi ko nga LAHAT halos ginawa bukod lang sa pagiging ina. come to think of it after 5 years, mas high pala ang feeling ng pagiging ina compare sa drugs! :) at eto pa, mas nakakawala ng problema makipgbonding sa kids kesa uminom ng beer!

so depende talga yan sa babae--kung di ka pa handa-- wala sa edad yan ah!-- iiwan mo talga ang pagiging nanay.

sabi nga ng nabasa ko dati (something to this effect)--NOT EVERYONE IS CANDIDATE FOR PARENTHOOD.

« Last Edit: March 17, 2010, 07:44:32 am by lovemeagain30 »

young_maiden

  • Guest
Re: do you know a mother who has abandoned her child/children?
« Reply #11 on: March 17, 2010, 12:43:09 pm »
Evil moms talaga oh! Kumukulo dugo ko sa kanila. Sila na nga lang ang pwedeng asahan ng bata pag wala ang tatay, sila pa ang pabaya. Nakakainis. Dapat sa kanila tinitiis din ng mga anak pag dumating ang araw na sila na ang may pangangailangan. :(

evilwoman

  • Guest
Re: do you know a mother who has abandoned her child/children?
« Reply #12 on: March 18, 2010, 04:10:30 pm »
sis guilleanne, wag na siguro kayo tumulong sa tita nyo.baka maya scam lang pala lahat.malay natin kung nabaon lang pala sa utang dahil high maintenance sya.yung mga anak nga nya nakuha nyang iabandon, what more pa yung lokohin ang buong pamilya..  >:(

krisle703

  • Guest
Re: do you know a mother who has abandoned her child/children?
« Reply #13 on: March 18, 2010, 04:24:29 pm »
Ganito yung mom ng ex ko.. iniwan sila ng ate nya nung 4 years old pa lang sya.. pinagpalit yung dad nya sa driver at iniwan sya sa yaya nya.. kalungkot.. kaya ang kinikilala nyang family e yung kamaganak ng yaya nya.. yung dad nya naman businessman sa abroad.. may anak ding iba.. so taga padala lang ng pera ang ginagawa sa kanila..

purple_bear_hugs

  • Guest
Re: do you know a mother who has abandoned her child/children?
« Reply #14 on: March 18, 2010, 04:28:21 pm »
yung dating maid namin!...1 week old pa lang yung baby niya pinamigay na niya sa iba...may 2 pa siyang anak sa ibat-ibang lalaki naman, na hindi rin siya ang nagpalaki... ::)

rys

  • Guest
Re: do you know a mother who has abandoned her child/children?
« Reply #15 on: March 31, 2010, 08:19:15 pm »
hindi ko din maexplain to.

ako nga hindi ko kayang nakabakasyon anak ko sa ibang place nang matagal.

buti pa ang pusa, hahanapin niya mga kuting niya.  iiyak pa yan hanggang maririnig ng nawawalang kuting.....

mademoiselle

  • Guest
Re: do you know a mother who has abandoned her child/children?
« Reply #16 on: April 03, 2010, 10:16:49 pm »
Yup i know one my sister-in-law she abandoned her daughters when they were 1 year and 8 months and 5 months respectively now they are aged 15 and 13. Me and my mom takes care of them and I support them both financially eldest just graduated from high school last week.

m_lim

  • Guest
Re: do you know a mother who has abandoned her child/children?
« Reply #17 on: April 04, 2010, 08:34:26 pm »
^you know sis gilenn, nalaman ko sa buhay pala, meron palang mga magulang na hindi dapat naging magulang. hindi fit para maging magulang. that's life eh.

Amphitrite

  • Guest
Re: do you know a mother who has abandoned her child/children?
« Reply #18 on: April 05, 2010, 06:48:57 am »
Nakwento lang ito ng friend ko. Yung 2 years old na anak ng kapitbahay nila nawala. Ni-report nila sa barangay, nahanap at naibalik after 2 days. Sabi ng nanay dun sa nagbalik "Naku po bakit nyo pa binalik?" Feeling nga ng friend ko, sadyang iniwan lang kung saan tapos nag-file ng report sa barangay para hindi halata. Kainis diba.

lovemeagain30

  • Guest
Re: do you know a mother who has abandoned her child/children?
« Reply #19 on: April 06, 2010, 12:14:37 am »
^lukaret na nanay noh?

Latest Stories

Load More Stories
Close