Author Topic: Getting Irritated w/ Inlaws  (Read 22126 times)

kimrodz

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #20 on: June 21, 2010, 04:56:31 pm »
PRETTYJOANNE      you are handling it well.  Plus, you are blessed to have a husband sensitive to your discomfort.   

Now, count your blessings more that your problems are just like that.  Problems that cause you irritation, not anger, and over which you do not lose sleepless nights.

Preserve mo the goodwill of  your inlaws as much as you can.  Believe me, as your marriage grows older and your family grows... you will need all the help and moral support you can get hold of.   Wala nang mas mahusay pang kakampi, remember that, than a MIL.

Do not be selfish.... let her take care of her son, her apo.
She knows you will not be there too long with them.  And well, baka iniisip nya na matanda na sila at nasa Departure Area of Life na nga sila.   Give them that joy.  That is how they express their love for all of you... doing these regular, even menial, chores. 
    Mind you, not all MILs will deign to do that for you and your little family.    My own mother, as a MIL -- has the mindset of:  "Ano, ako mahihirapan?  Tse!  nadaanan ko na, sila naman."   
She sends them trained help.. but when 1 of hers goes awol, she will just pull out that trained help she sends them.  Wala syang paki if very inconvenient for my SILs.  O, tignan mo.  So your MIL is a blessing nga. 

Find a way to diffuse the build up of your irritation ...  go malling or mag gardening ka, whatever distracts you.

Actually, learn from your MIL.  She knows what  your husband prefers... the daily caring he is used to.  Mabuti nga show-and-tell gawa nya with you, hindi  see-and-criticize di ba.   Learn from her about your husdband's preferences, it is the small things he will look for maniwala ka.   

Marriage is like politics -- the more kakampi, the better.   

God bless.

 

Wow thanks nabasa ko to! My inlaws are very good to me. But sometimes I can't help but get irritated. Feeling ko kasi minsan inaangkin nila ang baby ko. Lagi na lang "kamukha daw nila or ng hubby ko". Nasa isip ko "wala man lang kayong tinira sa kin eh sa totoo lang ako naman talaga kamukha ng anak ko feeling lang nila hahaha". I feel na wala akong kakampi everytime na nasa bahay nila kami. And gusto din nila lagi nakikita ang apo nila na minsan gusto ko naman masolo ang baby ko tuwing weekend kasi weekdays nasa kanila na ang baby ko kasi I'm a working mom...

But I guess I have to be thankful na nga. I get over sensitive sometimes nga lang siguro. Hormones! hehe. And maybe I'm just afraid na mas maging close pa sa kanila ang baby ko kesa sa kin. Pero tama ka sis aquacharly! I'll try na iignore na lang yung mga comments nila and will count my blessings more

babywasabi

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #21 on: June 22, 2010, 04:26:03 pm »
medyo nakak-relate ako dito.  my in-laws are good to me naman kaya lang  im just sooo annoyed with my father-in-law.  siya kasi yung tao na kulang sa pansin and feeling nya siya lang ang laging tama. ang daming unsolicited opinion and talagang napaka-abrasive ng ugali.  sometimes yung mga hirit nun, like he tells my dad right in the hospital after i gave birth na "iyan talaga ang tunay mong apo (referring to my baby).  sa babaeng anak mo kasi galing.  sa lalaking anak kasi hindi mo sigurado dahil hindi mo naman masasabi kung siya talaga yung tatay nung bata." so ano yun, is he suggesting na hindi nya sure kung apo nya yung anak ko?  ganun siya, ang saya ng mga comment.  even my father na napaka-tolerant at tahimik lang eh minsan sinabihan ako na "ba't ganun yung biyenan mo, ang kulit.  parang ga--"

ako naman i try my best to ignore everything na lang pero pag baby ko na yung pinaguusapan eh kinokontra ko siya.  my take kasi, they had their chance in bringin up their kids kaya hayaan na nila kami dumiskarte sa anak namin.  that applies to my in-laws and even to my own side of the family as well kaya walang masasabi ang husband ko sakin.

bellapot

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #22 on: August 13, 2010, 06:07:19 pm »
I am irritated with my MIL on a daily basis, but the other day, nainis ako ng sobra sobra. Tama ba na sakalin ka sa harapan ng anak mo while you're feeding your baby her dinner? Even if the "strangulation" was done in jest, porke daw ayaw ng baby ko the food that we fed her, napaka degrading ng dating di ba? Buti na lang that incident won't be remembered by  my daughter, she's too young. Wala talaga ako masabi sa MIL ko. She is just SO FULL OF HERSELF.  >:(

thebratinella

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #23 on: August 13, 2010, 06:13:40 pm »
Dati okay kami ng MIL ko but after my husband told me na pati pagbili ko ng cake for my baby every month ay kinukuwestiyon niya, mainit na dugo ko sa kanya. Ang statement: ginagastusan niyo nga cake niya every month!  Pakiramdam siguro niya magastos ako. Gusto niya kasi katulad sa relatives niya na tinitipid sa milk and stuff ang babies, hindi dinadala sa pedia etc. Point namin is only child naman. Bakit pati mga ganun pinupuna. Magalit siya kung nangungutang kami para sa needs ng baby but we work hard for them. I told my husband not to tell his parents about our financial state, our plans etc. Iwas na lang mainis lalo.

sylvester_jmc

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #24 on: August 15, 2010, 10:21:42 pm »
Ako nalungkot naman ako sa natuklasan ko na ugali ng MIL ko... Nung pregnant ako umuwi kami ng pinas kasi we are planning na sa pinas ako manganak. While na sa pinas kami... si hubby eh nag plan mag pa renew ng driver's license niya. Si MIL nag volunteer na tutulungan si hubby. Nung day na yun magkasama kami ni hubby na nakipag meet kay MIL. Siyempre ayaw ako iwan ni hubby mag isa sa bahay namin at mas gusto ko rin na lagi kasama si hubby. Alam naman natin pag preggy eh gusto natin lagi andiyan si hubby. Eh di natapos na yung day nakakuha na si hubby ng driver's license niya then kumain kami ng lunch together with the MIL tapos pumunta sa brother's house niya. Okei naman lahat. Masaya pa nga.

Eto na, nag usap sa phone nung gabi si MIL at si hubby. At nagulat na lang ako kasi si hubby bad trip na at tahimik na sa phone. Nung tapos na sila mag usap tinanong ko si hubby kung ano nangyare at kung may problema ba? Sabi ni hubby sa akin sasabihin daw niya pero sana huwag daw ako magbago ng pakikitungo at magtanim ng sama ng loob. Kinuwento niya sa akin na sabi ni MIL eh nilalayo ko daw si hubby sa kanya. Di ko daw sila binibigyan ng quality time with his son. Bakit daw kailangan ko pa sumama sa lakad nila?! nagulat ako kasi maganda naman ang nangyari nung day tapos ang pangit ng feedback. Nasaktan ako... sinabi ko kay hubby na hindi ako magtatanim ng sama ng loob pero i'll be careful na kasi parang ang dating is back stabbing... pag nakatalikod ka ano ano na sinasabi. Sinabi sa akin ni hubby na alam nila ugali ni MIL kaya hindi daw nila papanigan or pipilitan yung mga wife nila ng brother niya to be close with her.

At isa pa sa napansin ko eh kung ano ano sinsabi ni MIL about may parents na di maganda. Samantalang napaka ganda ng pakikitungo ng parents ko sa kanya at sa buong pamilya nila. May pagka inggitera pa si MIL. hayy... meron talaga mga MIL na kakaiba ang ugali.

mlee

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #25 on: September 01, 2010, 12:22:45 am »
i used to like my MIL a lot (on the first yr). Pero lately medyo nabawasan talaga ang respeto at amor ko sa aking biyenan. Mabuting tao naman siya kaso mahilig siyang magbitaw ng mga negative comments tungkol sa mga sons and daughters inlaws niya. Para bang "nobody is and will ever be perfect for her children"

The most hurtful thing she has said directly to me was about money. Sabi niya kung bibilhan ko raw pamilya ko ng bahay at lupa balang araw, pera daw lahat yun ng asawa ko. Not my money but HIS money. Dahil "housewife" lang ako.

Na-shock talaga ko na talagang nagbitiw siya nag ganon. That was a month ago and I still have not recovered from that. Can't get it off my mind.

ylisza

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #26 on: September 01, 2010, 12:25:22 am »
kung bibilhan ko raw pamilya ko ng bahay at lupa balang araw, pera daw lahat yun ng asawa ko. Not my money but HIS money. Dahil "housewife" lang ako.

napaka-harsh naman.. grabe.. i understand why you still can't get over that.. lalo na kung hindi ka nagkaroon ng pagkakataon na sagutin sya dahil sa respeto.. kakapanginig kaya ng laman yon..

mlee

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #27 on: September 02, 2010, 02:14:46 am »
thanks sis ylisza,

It still bothers me. Hindi ko nga siya binalikan dahil ayaw kong bumalik sa dati kong pesonalidad na di papatalo.

there were a few times nga na sa mall kami at maybibilhin sana ko para sa bahay - nung ilalabas ko na yung wallet ko para magbayd sabi ba naman niya sa akin: "... but DOES HE KNOW your spending money!?!" Nasa counter na ko nun at nakatingin yung cashier sa akin!!!

One time nagkukwentuhan lang kami tungkol sa pasyalan, biglang sabi ba naman "... pull out the credit card and spend all his money" in a 'joking' way. Pero obvious naman na hindi yun 100% joke lang.

So ngayon, ayaw ko na siya kasama pag lalabas ako. Lalo na pag pupunta ko sa mall.

Bakit nga ba pakiramdam ng ibang mga MILs dyan eh may karapatan sila mag comment sa personal na buhay (lalo na personal finances) ng mag asawa?

Ingrata

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #28 on: September 02, 2010, 02:47:56 am »
In laws are sometimes (if not all the time) are the thorns in a happy relationship...I'm not married yet, but with our 7 yrs together...and the mere fact that me & soon to be hubby's house is just a few steps away, syempre whatever flaws ng mga families namin eh alam na alam namin...pero what really gets into my nerve is my soon to be sissy in law...super sosyalin kung umasta! My fiancé just acquired a property somewhere in the north...he owns it...the title is under his name, he is the one paying the monthly mortgage...but it was his sister who seems to own that house! She's the one who decided to buy this and that...what really freaks me out is...yung fiance ko pa ang muntik mawalan room dun sa house, yung room nila ng hubby nya mas malaki sa room ng fiancé ko and worst, tinanong ang fiancé ko kung lalagyan ba ng aircon ang room nya? Eh samantalang sila mga room nila airconditioned! The materials are all imported from Europe and Malaysia (damn it tiles alone costs 500K!)...though she shell out for the house construction pero ngayon because of her over spending broke na sya and now asking financial assistance to my fiance every single week just to fulfill her "dream house"!!! Sarap sapakin! Ambisyosang frog!

Buhgart

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #29 on: September 02, 2010, 02:10:16 pm »
kakalungkot naman mga in-laws na ganyan. i have my share of really bad experiences sa kanila. minsan, nakakapanggigil pero kelangan magtimpi. wala pa naman sa personalidad ko ang magtimpi to the max.

one experience: me anak sa labas ang asawa ko. sabi ko sa MIL ko, buti na lang, di kamukha ng asawa ko ang bata, kung hindi, mas masakit sa akin.... reply ng MIL ko: alam mo kasi, ang nakakamukha daw ng bata paglabas eh yung mahal na mahal habang ginagawa yung bata. (meaning: ulol na ulol siguro yung asawa ko sa babae nya habang nagsesex sila nung ginagawa nila yung bata, noh?)

another experience: i use the AC especially during summer, kaya medyo mataas bill sa electricity namin. one day, from work, naabutan ko MIL ko sa haus NAMIN na patay lahat ng ilaw habang nagsosolitaryo sya with only the sunlight coming from the window as her source of light around 530PM yun. ask ako: "ma, bakit naman patay mga ilaw? masisira mata mo nyan." reply nya: "nagtitipid kasi ako ng kuryente. kawawa naman ang anak ko na nagpapakahirap para lang mabayaran ang mataas na bill nyo sa kuryente."

another one: anniversary namin ni hubby... i greeted him on FB and his brother saw it. he PMed my hubby greeting him happy anniversary senyo.. di ako makapagpost sa wall mo ng greeting kasi baka magselos si **** (yung ex-kabit ng hubby ko na friend ng BIL ko sa FB)

BONGGACIOUS divah? dami ko pa kuwento na kaaaliwan ninyo at sasabihin nyo, ang swerte nyo naman di kasingsama ng mga in-laws ko ang mga in-laws nyo. hahaha.

suikorayne

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #30 on: July 13, 2011, 09:49:28 am »
its a good thing na may bahay ka ng malilipatan. sa akin naman, ok naman mga in laws ko. ang 1 lang nna kinaiinisan ko eh yung hipag ko (nxt to my husband). sobrang kainis. lahat na lang yata ng gamit na nasa loob ng haws ng biyenan ko eh gusto dadalhin sa kanila from pinggan to kaldero as in. kaya always galit yung father in law ko kasi di na daw nya alam kung alin ang gamit nila at hindi. saka ang hilig pa manghiram ng mga gamit like digicam, sometimes bag or pants, even damit hinihiram pa. malimit din, sabon panlaba, panligo, shampoo, conditioner at sanitary napkin, even that, sa biyenan ko p humihingi ng pambili. my God, parang walang asawa na sumusuporta. super kuripot, lagi nkahingi, lagi gusto libre, gusto always sponsor. kaya palagi napag sasabihan ng asawa ko (panganay kc husband ko), that sometimes matuto cya magbigay dahil mas bine-bless ni Lord ang nagbibigay. pero parang wala pa rin, makapal talaga mukha (sorry for my word). minsan nga, even underwear ko, nakita ko, nilalabhan na ng anak nya. ewan ko pano napunta sa kanila. pati mga anak, paki-elamera. lahat ata ng mga gamit ko sa room namin, pina-kikielaman. tapos pag may new dress ako na bigay ng biyenan ko, she would always say, "bakit daw ako binibigyan ng biyenan ko". pati yung bilas ko (wife of my bro-in-law), when she arrived from bangkok, she gave me a bag and jumpsuit, tapos she told me, bakit daw ako binibigyan tas siya hindi. then i told her, better asked yourself kung bakit. know what mga sis, even pang entrance fee ng mga anak niya, papa-sponsor sa mga kapatid nya at kapatid ng asawa naya. di naman kaila sa amin ang status ng pamumuhay nila, kulang na kulang pa ang sweldo ng asawa nya sa gastusin nila sa haws nila. even nga power bill nila, di pa magawang bayaran, katwiran kulang pa raw sweldo ng asawa nya. tapos gustong-gusto ibili ng mga branded na shoes, bag and dress yung mga anak eh ala naman pala pambili. nai-inggit siya sa mga hipag niya na maayos ang naging buhay sa mga kapatid niyang lalaki. minsan nga, naaasar nako, gusto ko na ayawin kaso pigil lang ako kasi nakikitira lang kami sa in laws ko. kaya nga kami ngpursige kami ng husband ko na mag rent na lang, basta importante naka-bukod kami. kung in-laws ko lang ala problem pero yung hipag ko, yun talaga problem.tapos, never man lang nag share ng niluto niya, samantalang pag nag luto ako, siya pa ang kauna-unahang dinadalhan ko sa kanila (they live kasi sila next to my in-laws house). pero siya, never talaga nag share. nung na-hospital nga father-in-law ko, grabe, never man lang dumalaw kahit mga anak niya or asawa niya, di man lang naisilip ama nila sa hospital. ako pa ang naging taga-bantay. kakaloka talaga!

dezz

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #31 on: July 16, 2011, 04:18:26 pm »
ok ako sa in laws ko but his mga kapatid yun ang kinainisan ko dahil marami sya kapatid marami kaaway!! unlike sa akin brother lang wala pa pakialam sa amin kung mnag away kami unlike mga kapatid nya ako inaaway!!

Periwinkle25

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #32 on: July 17, 2011, 11:52:53 pm »
paeksena mga sis..ako, mabait naman sakin ang mga magiging in laws ko..pero sa iba nilang manugang, mukhang hindi..feeling ko, dahil career woman ako.. ewan ko, update na lang ako pag kasal na kami(2months pa)..basta im enjoying how they're treating me.. :)

twix

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #33 on: July 18, 2011, 10:41:07 am »
i used to like my MIL a lot (on the first yr). Pero lately medyo nabawasan talaga ang respeto at amor ko sa aking biyenan. Mabuting tao naman siya kaso mahilig siyang magbitaw ng mga negative comments tungkol sa mga sons and daughters inlaws niya. Para bang "nobody is and will ever be perfect for her children"

The most hurtful thing she has said directly to me was about money. Sabi niya kung bibilhan ko raw pamilya ko ng bahay at lupa balang araw, pera daw lahat yun ng asawa ko. Not my money but HIS money. Dahil "housewife" lang ako.

Na-shock talaga ko na talagang nagbitiw siya nag ganon. That was a month ago and I still have not recovered from that. Can't get it off my mind.
wow, sis taas ng level ng MIL mo, parang may similarity rin sila ng MIL ko marami na sinabi sa akin na hurtful din ako at dahil na rin sa mga naitulong nila sa amin. at kaya ganun siya magsalita hay! wish ko lang i want to be a millionaire  para sa ganun makabawi ako sa lahat na naitulong..hay! its my life :(

Msfi

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #34 on: July 18, 2011, 11:11:36 am »
I think yung mga mil at [textspeak!] na nakikialam sa finances ng anak nila eh mga nagseselos sa buhay ng manugang nila.  Baka naiisip nila na kung single ang anak nila eh dapat sila ang tumatanggap instead na manugang nila.  May narinigan kasi akong ng ganyan.

thebratinella

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #35 on: August 07, 2011, 06:45:14 am »
MIL sent a message to me last week saying that the son of her niece was sick. It was UTI that time after the kid had pneumonia a few weeks before. Her brother-in-law sent a message to inform her that the kid was confined daw. Judging by the message, they need financial assistance. She asked me about my husband's sched and I told her he had work until the evening the next day. Gusto yata yayain husband ko sa hospital. The next day, she sent a message to my husband's phone asking if I informed him. Nakakainis lang kasi sinabi ko naman. Yung dating pa parang gusto siguraduhin na nagsabi ako. Yung husband ko pala kakausapin niya para bigyan ng pera yung cousin. Hindi naman sa madamot ako pero yung cousin ng husband ko naglagay sa sarili niya sa situation na yan. Pinagsabihan na siya pero nagpabuntis sa dropout niyang bf who can't support them well. Si MIL naman everytime na iyakan ng sister niya na walang pambili ng milk dun sa anak ng niece would text us. Sinabihan niya husband ko not to divulge to my father-in-law kasi magagalit yun. Ang tigas kasi ng ulo ng niece niya. Gagawa ng problem tapos hindi kaya. Si MIL naman dahil relative niya go lang nang go. Pag may problen, magtetext sa amin. Parang ang dami namin pera. Kung punahin niya yung gastos namin kahit for my birthday ganun na lang. Pero kung paglabas ng pera para sa relative niya, walang hesitation to think na hindi na namin responsibility yun. I find it annoying that she would criticize us for spending our money for ourselves or our baby but would see nothing wrong if we shell out money for her other grandchild's milk and meds.

tinytins

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #36 on: August 07, 2011, 01:29:03 pm »
may times irritated din ako sa inlaws ko...kwento kasi ng hubby ko umuutang yung dade nya pambili ng truck....400k sya, downpayment around P120k.  Grabe naman talaga.  Kakakasal lang namin ng hubby ko, 1 month pa nga lang e.  LDR kami at yung hubby ko ang sweldo nya minimum wage lang.  Ni grabe nga tipid nya para mapagkasya sa sarili nya sweldo nya.  Ako ang nasa abroad at mas malaki sweldo ko sa kanya.  Parang ayaw ata maniwala ng dade nya na ganun lang ang sinusweldo nya e.  Hay hindi ba nila naisip na kaya nga ilang years kami bago nakapagpakasal kasi nga hirap ang hubby ko sa pera.  Tapos uutangan pa nila.  San naman sya kukuha ng ganun kalaking pera.  At di ba nila naisip na may asawa ng tao yung hubby ko.  Hay may mga tao talaga na minsan selfish...basta may gusto sila, dapat makuha nila.  hindi na iniisip pano naman ang ibang tao.  Kaya nga walang naipon yung hubby ko dahil sa kanila. 

tinytins

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #37 on: August 07, 2011, 01:41:28 pm »
Dati pa nga may gustong sasakyan na bilhin dad nya...sabi ko sige na nga ako na magbigay ng konti...naawa na ako dahil gustong gusto tapos hati hati silang mgkapatid sa kulang.  Yung hubby ko na kaya ang pumigil sa kin na wag na...nahiya rin siguro sya na sa kin pa manggaling yung pera.  At sabi nya pag napagbigyan yung dad nya, lagi na manghihingi after...tsk tsk tsk...medyo spoiled kasi dad nya.  Lolo at lola nya kasi old rich tapos yung parents ng hubby ko big time din dati kaso bumagsak yung biz until now di pa rin nakakabawi.  Hirap naman nga talaga pag nasanay mula pagkabata e nasusunod ang luho kaya hanggang sa pag tanda, pag may gusto...di mapakali.

thebratinella

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #38 on: August 09, 2011, 04:06:17 pm »
Super annoyed at my MIL. She texted yesterday to ask if off ng husband ko today from work. My husband told her saturday and sunday. Then my husband told me na tinawagan daw siya kanina. Hindi daw tumuloy sa tripping nila ng house in Kawit kasi may lakad daw yung agent. As if. I know humingi ng favor yan sa husband ko. Sa sunday na lang daw. Gusto samahan namin sila. Good luck naman dahil plan ko to go to Tagaytay for our anniv. Lagi na lang siyang bad timing. I filed for VLs this weekend para dun. Husband ko naman insensitive lang.

sarahsensible

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #39 on: August 31, 2011, 08:50:38 pm »
Nakakairita! Hindi ko alam ano ba nagawa ko para lagi nila ako siraan sa asawa ko.

Shux mag 5 yrs na kaming kasal ng asawa ko, mag aapat na ang anak namin! Dahil ba spoiled ako sa asawa ko? Alam nyo I did everything to please them! nag aral ako magluto, tuwing may birthday sa family nila pinapagawan ko ng cake. I did everything para maging okay with my sis in laws pero nasira ng dahil sa kwentong sinungaling ng MIL ko na kesyo nakita nya ako may ibang lalake wala namang proof.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close