Author Topic: Getting Irritated w/ Inlaws  (Read 22128 times)

prettyjoanne

  • Guest
Getting Irritated w/ Inlaws
« on: February 17, 2010, 05:57:05 am »
Hi girls! I just want to share my story with you and hope you can give me your pieces of advice.

My husband and I have been a couple for 9 years...8years as bf & gf and 1 year as husband and wife. We already a have a one year old daughter. 

Sa BF/GF stage eh nakilala ko ang family nya starting with his parents and sister. Sobrang babait and very maasikaso nila sa akin everytime I visit them. They really like me so much. Nakatira kame sa side ng parents ni hubby after ko makarecover from childbirth. Dun nagsimula ang kalbaryo ko.

Ever since kasi eh ang mga inlaws ko ay napakaalaga sa dalawang anak nila. Both of them don't have a job and no need to work kasi both of their children are working narin. Grabe sila sa pagalaga lalo na to my husband kasi bunso. Kahit sa akin...nakakasakal minsan. For example, household chores...ayaw ako pakilusin kahit na pinagpipilitan ko na sarili ko to help. Sila na lang daw kaya na nila. Tapos minsan pakiramdam ko naagawan nako ng task for my hubby kasi naaagaw ng nanay nya, like ironing his uniform, fixing his baon, taking care when he is sick...kasi lagi umeeksena nanay nya lagi ako nauunahan, di ko magawa sa husband ko...di naman ako makapagreact...eh ang hirap pala nun un punung puno ka na at di mo malabas. Gusto ko ako ang mag-asikaso sa husband ko pero di ko magawa. Tapos meron pa scene na pinakekealaman ka sa pag-alaga sa baby...alam ko concern lang sya pero di ko maiwasan di mainis. One example is naglabas nako ng damit for my baby to wear after taking a bath. Gulat na lang ako pinalitan ng ibang damit! Sa sobrang inis ko kinuha ko ulet yun napili ko na bahala na kung ano isipin! Sa father in law ko naman...hayyyy ang hilig uminom...at maglasing! eh ayaw ko ng lasing! walang naglalasing sa pamilya ko...eh twing lasing sya mang-aasar sya o kaya lalapitan si baby para buhatin which I do not want him to do baka mabagsak nya si baby pero wala na naman ako magawa!!! Hilig pa nya ilabas sa mga kapitbahay pag gabi eh ayoko ng ganun gusto ko pag gabi nasa bahay lang.

One day, bigla na lang nagsabi si hubby na mag alternate lipatan kame. Once a month stay on both sides, one month sa kanila tapos after sa side ko naman para makita ng both grand parents ang apo at alam nya at nararamdaman nya na medyo uncomfortable ako sa kanila. Ang laking tuwa ko nun kasi kahit papano makakahinga ako ng maluwag pag dun kame nakatira sa side ko for a month... Di ako magiging masyadong bad at mapupuno sa mga inlaws ko...at magiging at ease ako kahit papano.

Tiis tiis pa ako ng onti aksi kakabili lang namin ng house and lot thru Pag-Ibig financing and under construction pa. Once done...lilipat na kame agad dun...Hirap ng walang sariling bahay grabe.

Sometimes I feel that I'm so bad with the way I feel towards his parents. Try ko naman icontrol ang self ko pero di parin maiwasan di mainis. Kayo [textspeak!] masasabi nyo? Thanks in advance guyz!

runaway_bridesmaid

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #1 on: February 17, 2010, 03:21:06 pm »
natural yan mga ganyang issues with inlaws sis.

ako noon sandali lang kami tumira sa inlaws ko at nag rent na lang kami ng apartment, mas ok sya. di ako manghihinayang sa renta ng bahay at least my freedom kami mag asawa.

ok naman ang inlaws ko. konti lang ang problem ko sa kanila, pero iba pa rin talaga yung nakabukod kayo, kasi tulad nga ng sabi ko, malaya kayo mag desisyon para sa family ninyong mag asawa.


kettlekorn28

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #2 on: February 17, 2010, 03:49:13 pm »
IMO, yung mga parents na may konting anak tend to be too protective of their children especially the mother. She thinks she can do this or that better than other people do. Like in your case, dalawa lang na magkapatid ang hubby mo at sis nya tapos bunso pa si hub. Pero syempre bilang wife ng anak nya, dapat rin nya i-consider yung feelings mo. Hindi porket ginagawa nya ang mga bagay na dapat ikaw ang gumagawa eh matutuwa ka na (although mababawasan talaga ang pagod mo). Kasi duty mo yun as a wife at kahit mapagod ka man, you'll get the satisfaction na napagsilbihan mo si hubby mo. Well tiis na lang talaga sis kasi simple lang yan. Kung magsasalita ka pa about this, baka lumaki lang. Pero you have to tell this to your husband. I think he will not take it personally kasi he's sensitive enough naman to your feelings thus making up a setting na mas magiging kumportable ka.

About the father-in-law's habit of taking your daughter outside the house at night while lasing, sabihin mo rin sa hubby mo. Pwede mo sya kausapin para di na maulit ang ganito. Pwede na habang nagdi-dinner kayo, he can say this "O wifey, si baby wag mo na ilalabas kapag madilim na at baka magkasakit pa yan." Hopefully, your [textspeak!] will get the message.

Konting tiis pa sis. Kaya mo yan. God bless! :D

Kady_14

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #3 on: February 19, 2010, 05:57:37 pm »
IMO - just move out. para kahit papaanu respetado mo pa din sila and wala kang masasabing me bad experiences ka with them.


Tigershark09

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #4 on: February 21, 2010, 09:17:14 am »
ang masasabi ko lang... happy ako for you at nakabili ka na ng haus ninyo. kahit under construction pa yan, you have something to look forward to para kahit paano hindi ka na gaanong mapikon sa ginagawa ng mga in-laws. at least you don't feel helpless anymore dahil maiisip mo na konting tiis na lang, magkakaroon ka na ng freedom and privacy ;)

Super_MALDITA

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #5 on: February 22, 2010, 11:14:02 pm »
good thing you have the chance to live on your own. ako nga 6 years ng nagti-tiis sa inlaws ko and my hubby doesn't have any plans of living on our own. i'm thinking of leaving him na lang......hay. :'(

pinkpie

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #6 on: February 23, 2010, 02:32:03 am »
yes it's a good thing na makakalipat na rin kayo soon sa new house nyo but sis don't feel too upset kasi maswerte ka pa rin kc ganyan lang ang problema mo. Maraming inlaws jan e mas grabe pa. Just look at the bright side na lang na mahal nila ang husband mo at anak mo. [textspeak!] iba nga jan as in kaplastikan ang inaabot sa in laws e, [textspeak!] tipong hindi ka kinakausap at walang pakiaalam sa anak mo. To share my experience. kami kc ni hubby e nagrent ng isang apartment after our wedding but when I gave birth nag stay muna kami sa in laws ko kasi mahirap ang yaya lang ang nagaalaga, that time kasi CS ako so hindi ako makakilos. Biruin mo 2 weeks lang ang tinagal ko sa house nila kasi hindi ko talaga kinaya. Akalain mo pinapatayan kami ng electric fan kc nagtitipid sa electricity, pati ilaw hanggat maari patay to think na may bata. Tapos parang walang pakialam sa anak ko, minsan lang i-check as in titingnan lang wala akong maramdamang naaaliw sila what so ever. Most of the new lolo or lola diba sabik yan, anjan [textspeak!] ibili ng new cloths, toys etc, hindi ko nman sila pinaghahanapan pero gusto ko lang sanang makita na natutuwa sila sa bata. Dumaan ang binyag, christmas at bithday pero wala man lang nareceive ang baby ko sa kanila, hindi nman sila kulang sa pera, kahit sana tig 10 pesos lang toy happy na ako e. I know you know what I mean, basta in short you're still lucky kasi maalaga sila siguro nasobrahan lang sila. hehe!

prettyjoanne

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #7 on: March 03, 2010, 01:57:29 am »
Hi girlfriends!

Sa mga nagbigay ng kanilang pieces of advice salamat ng marami talaga! nakatulong yun for me to think about it a hundred times on how will I act and treat my in laws...And my point kayo na maswerte nga ako compared sa iba...Dahil nga OA sila sa pag-alaga sa anak and asawa ko. Again, thanks for ur time guys! really appreciate it

prettyjoanne

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #8 on: March 03, 2010, 02:00:06 am »
natural yan mga ganyang issues with inlaws sis.

ako noon sandali lang kami tumira sa inlaws ko at nag rent na lang kami ng apartment, mas ok sya. di ako manghihinayang sa renta ng bahay at least my freedom kami mag asawa.

ok naman ang inlaws ko. konti lang ang problem ko sa kanila, pero iba pa rin talaga yung nakabukod kayo, kasi tulad nga ng sabi ko, malaya kayo mag desisyon para sa family ninyong mag asawa.

thanks sis!true...iba talaga pag nakabukod at atat na atat na talaga ako na magawa na ang house namin ng maiwasan ang problems with inlaws kahit papano diba...para wala lang gulo in the future. :)

prettyjoanne

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #9 on: March 03, 2010, 02:03:51 am »
IMO, yung mga parents na may konting anak tend to be too protective of their children especially the mother. She thinks she can do this or that better than other people do. Like in your case, dalawa lang na magkapatid ang hubby mo at sis nya tapos bunso pa si hub. Pero syempre bilang wife ng anak nya, dapat rin nya i-consider yung feelings mo. Hindi porket ginagawa nya ang mga bagay na dapat ikaw ang gumagawa eh matutuwa ka na (although mababawasan talaga ang pagod mo). Kasi duty mo yun as a wife at kahit mapagod ka man, you'll get the satisfaction na napagsilbihan mo si hubby mo. Well tiis na lang talaga sis kasi simple lang yan. Kung magsasalita ka pa about this, baka lumaki lang. Pero you have to tell this to your husband. I think he will not take it personally kasi he's sensitive enough naman to your feelings thus making up a setting na mas magiging kumportable ka.

About the father-in-law's habit of taking your daughter outside the house at night while lasing, sabihin mo rin sa hubby mo. Pwede mo sya kausapin para di na maulit ang ganito. Pwede na habang nagdi-dinner kayo, he can say this "O wifey, si baby wag mo na ilalabas kapag madilim na at baka magkasakit pa yan." Hopefully, your [textspeak!] will get the message.

Konting tiis pa sis. Kaya mo yan. God bless! :D

Thanks sis! naenlighten mo ko ng sobra! don't u worry naopen up ko na sa husband ko to kasi nga di nako makatiis eh. At nagawan naman nya ng paraan yun mga bagay bagay na ayaw ko ginagawa sa anak ko. And about sa service that I should be doing to my husband eh...guess what ako na ang gumagawa!!! inuunahan ko ang nanay nya hehe!!!! hanggang sa narealize na nya siguro na di na nya dapat ginagawa yun so hinayaan na nya ako. Ayun sarap ng feeling! Pero pagdating sa cooking eh di talaga ako makaeksena mahirap eh...pag di mo sariling kusina yun gamit mo...basta hirap explain! but still, thanks a lot!

prettyjoanne

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #10 on: March 03, 2010, 02:05:25 am »
IMO - just move out. para kahit papaanu respetado mo pa din sila and wala kang masasabing me bad experiences ka with them.

friend yan talaga ang gusto kong mangyare pero mahirap pa sa ngaun kasi under construction pa yun haws namin but as soon as nagawa na aalis na talaga kame at bubukod na! Thanks sis!

prettyjoanne

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #11 on: March 03, 2010, 02:07:18 am »
ang masasabi ko lang... happy ako for you at nakabili ka na ng haus ninyo. kahit under construction pa yan, you have something to look forward to para kahit paano hindi ka na gaanong mapikon sa ginagawa ng mga in-laws. at least you don't feel helpless anymore dahil maiisip mo na konting tiis na lang, magkakaroon ka na ng freedom and privacy ;)

Yah sis super tiis na lang ang gagawin ko...and i'll make sure na pag naiinis ako eh papasok ako ng room ng di ko mapakita ang inis ko sa parents nya...hayyyy buhay.... thanks!

prettyjoanne

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #12 on: March 03, 2010, 02:16:34 am »
good thing you have the chance to live on your own. ako nga 6 years ng nagti-tiis sa inlaws ko and my hubby doesn't have any plans of living on our own. i'm thinking of leaving him na lang......hay. :'(

sad naman to hear that girl...sana magkaroon parin kau ng sariling house that you can really call your own...dun mo kasi magagawa lahat ng gusto mo talaga for your family eh.:)

prettyjoanne

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #13 on: March 03, 2010, 02:20:07 am »
yes it's a good thing na makakalipat na rin kayo soon sa new house nyo but sis don't feel too upset kasi maswerte ka pa rin kc ganyan lang ang problema mo. Maraming inlaws jan e mas grabe pa. Just look at the bright side na lang na mahal nila ang husband mo at anak mo. [textspeak!] iba nga jan as in kaplastikan ang inaabot sa in laws e, [textspeak!] tipong hindi ka kinakausap at walang pakiaalam sa anak mo. To share my experience. kami kc ni hubby e nagrent ng isang apartment after our wedding but when I gave birth nag stay muna kami sa in laws ko kasi mahirap ang yaya lang ang nagaalaga, that time kasi CS ako so hindi ako makakilos. Biruin mo 2 weeks lang ang tinagal ko sa house nila kasi hindi ko talaga kinaya. Akalain mo pinapatayan kami ng electric fan kc nagtitipid sa electricity, pati ilaw hanggat maari patay to think na may bata. Tapos parang walang pakialam sa anak ko, minsan lang i-check as in titingnan lang wala akong maramdamang naaaliw sila what so ever. Most of the new lolo or lola diba sabik yan, anjan [textspeak!] ibili ng new cloths, toys etc, hindi ko nman sila pinaghahanapan pero gusto ko lang sanang makita na natutuwa sila sa bata. Dumaan ang binyag, christmas at bithday pero wala man lang nareceive ang baby ko sa kanila, hindi nman sila kulang sa pera, kahit sana tig 10 pesos lang toy happy na ako e. I know you know what I mean, basta in short you're still lucky kasi maalaga sila siguro nasobrahan lang sila. hehe!

hi sis! your reply has the biggest impact on me kasi i realized na maswerte parin talaga ako kasi mabait nga ang inlaws ko nasobrahan nga lang ng todo pero ok na un kung sa ikakabuti namin and most especially ng anak ko...i feel bad that your in laws are not that sabik sa anak mo. pero happy narin ako for u kasi in 2 weeks time eh nakaalis ka naman kaya ok narin! mahirap kung sa ganun nga kayo nakatira mahirap for baby. :)

quennna

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #14 on: March 03, 2010, 04:53:01 pm »
ang sarap naman nang ganyang problema..
pag dating sa household chores.. :D

sis, pag bukod na kayo..
mananamnam mo na ang sarap sarap pala ng nakabukod
pero baka mamiss mo bigla MIL mo.. lol

apple28

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #15 on: May 31, 2010, 02:08:53 pm »
Pero pagdating sa cooking eh di talaga ako makaeksena mahirap eh...pag di mo sariling kusina yun gamit mo...basta hirap explain! but still, thanks a lot!

sis, nakakarelate ako sayo..  hehe.. MIL ko maalaga rin eh.. OA nga sabi mo but my term is Atribida . lalo ngayon may baby kami at siya lang at yaya ang naiiwan sa baby ko pag pumapasok ako.pag umiiyak baby ko  sometimes she makes me feel na hindi ko kayang patahanin. Im a hands on mom kaya napipikon ako sa ganun. sa kusina i know yung feeling mo, Hindi ka maka eksena kasi parati nang may naka set na menu. sometimes tinatanong hubby ko bkt d daw ako magluto... (hellooo... minsan ngang ginamit ko yung ampalaya ng nanay nya hinanap pa sa akin at ihahalo nya daw sa paksiw!) isa lang kasi ang QUEEN sa isang bahay..

buti ka nga magkakaroon na ng sarili mong kaharian.. ikaw ang REYNA at wala ng iba..

Pookiekai

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #16 on: May 31, 2010, 04:47:58 pm »
hehe. hindi na baleng pagod magluto, maglinis, at kung [textspeak!]-ano pa... basta kami lang ng hubby ko sa house, para kahit saan, pwedeng lumigaya! hehe. ;)

a_y_e_n

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #17 on: May 31, 2010, 06:34:51 pm »
nung una, ganyan din nafi-feel ko. since nakatira kame sa in laws ko, wala nga masyado freedom to do what you want for yourself or for your husband. maalaga din kase mom in law ko eh. pero naiisip ko lang na ganun talaga ang mga nanay. siguro sila din nag-aadjust sa idea na di na "kanila" yung anak nila. kaya their holding on to what they still have. syempre anytime, pwedeng umalis na kayo, di na niya magagawa yung ginagawa niya sa anak niya di ba? think of her possible side din para maintindihan mo siya. and konting tiis nalang kase alam mo na, nakikitira pa din kayo eh. malay mo, ma-miss mo yan pag nakabukod na kayo. hehe. :)

apple28

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #18 on: June 01, 2010, 08:09:58 am »
un ang mahirap mga sis.... kc walang planong bumukod... ang hubby ko kc ang thinking nya sa kanya na ang bahay since siya ang bunso at wala ng ibang titira dun kundi kami lang. buti kung kami lang kaso nga ang MIL ko ang original Queen of the House. so parang i'll just wait until she dies (ang bad ko... ) pero ganun na nga..  minsan iniisip ko mag abroad pag mejo lumaki laki anak ko.. tapos kunin ko sila...

aquacharly

  • Guest
Re: Getting Irritated w/ Inlaws
« Reply #19 on: June 01, 2010, 09:20:24 am »
PRETTYJOANNE      you are handling it well.  Plus, you are blessed to have a husband sensitive to your discomfort.   

Now, count your blessings more that your problems are just like that.  Problems that cause you irritation, not anger, and over which you do not lose sleepless nights.

Preserve mo the goodwill of  your inlaws as much as you can.  Believe me, as your marriage grows older and your family grows... you will need all the help and moral support you can get hold of.   Wala nang mas mahusay pang kakampi, remember that, than a MIL.

Do not be selfish.... let her take care of her son, her apo.
She knows you will not be there too long with them.  And well, baka iniisip nya na matanda na sila at nasa Departure Area of Life na nga sila.   Give them that joy.  That is how they express their love for all of you... doing these regular, even menial, chores. 
    Mind you, not all MILs will deign to do that for you and your little family.    My own mother, as a MIL -- has the mindset of:  "Ano, ako mahihirapan?  Tse!  nadaanan ko na, sila naman."   
She sends them trained help.. but when 1 of hers goes awol, she will just pull out that trained help she sends them.  Wala syang paki if very inconvenient for my SILs.  O, tignan mo.  So your MIL is a blessing nga. 

Find a way to diffuse the build up of your irritation ...  go malling or mag gardening ka, whatever distracts you.

Actually, learn from your MIL.  She knows what  your husband prefers... the daily caring he is used to.  Mabuti nga show-and-tell gawa nya with you, hindi  see-and-criticize di ba.   Learn from her about your husdband's preferences, it is the small things he will look for maniwala ka.   

Marriage is like politics -- the more kakampi, the better.   

God bless.

 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close