^Family ko din kasama ko nun eh.. haay ako din sana i should've known! nagrely din kasi ako sa mga feedbacks at wala na din namang magagawa dahil wala talaga kami idea saan maganda.
eto lang po sis
onewickedsoul, about the rooms, okay lang siya. pero yung aircon ng room namin is mahina, parang isang part lang ng room lumamig. tapos for 3 person yung allowed sa room pero may space pa naman actually for another bed, 4 kasi kami so nag add kami ng 500 for 1 person pero walang bed yun. hindi sila nagdadagdag ng bed eh. yung extra payment niyo is para lang pwede pa kayo magsama ng isa pang tao pero bahala na kayo magsiksikan
tska pala yung C.R. okay lang siya kaya lang bumabalik yung water

. Pag nagflush ka ng toilet maririnig mo yung sink tas may tumatalsik talsik na water from the drain (yun nga ba tawag dun? yung sa butas ng lababo?) basta ganun. and isa pang nangyayari once ngflush ka ng toilet, parang aapaw na tapos ayaw na bumaba, ni paayos ko pa sa dad ko gumamit pa siya nung thingy para lumubog yung water, pero take note, hindi ko pa ginagamit yun ah, niflush ko lang para malaman if gumagana.
sa room 9 ata kami, basta yung sa 2nd floor na may balcony with 2 TV na ayaw gumana ng remote nung isa at nung next day wala ng cable channel yung isa.
Ewan ko lang if magugustuhan niyo, depende na din sa tao yun. pero kung conservative family niyo medyo off talaga yung place. parang puro foreigner andun may kasama din na mga filipina.
Pero kami naman ng family ko hindi kami ganun ka-conservative. pero nakaka-ilang talaga yung place. para nga daw squatters area sabi ng ate ko.
Basta lalo na yung receptionist nila ang gulo, magkaiba kasi yung girl sa gabi tska sa morning. magkaiba sila ng sinasabi. Nag inquire kami about watersports na sabi nila over the phone eh "meron daw at malalapit lang daw" pag dating dun parang clueless sila hangang sa may tinawagan silang guy na yun daw nagffacilitate dun ng watersports sabi 7am daw kami makipag kita.
The next day inask namin receptionist, 8 daw yun dating nun, pero kakasabi lang kagabi na 7am. pero mag 8 na wala pa din so we decided to go around at nagdecide nalang kami na sumama dun sa bangkero na nasa labas yung mga nagaalok lang sa labas. pagbalik namin sa resort after magpunta sa ibang island. andun na yung guy na nagfafacilitate daw ng watersports, wala pa pala mga equipment, tapos parasailing niaalok niya eh gusto ko sana talaga yun pero hindi siya katiwa-tiwala kaya mas okay pa ko dun sa bangkero sa labas. mga 12:30 na kasi din nun ang init na din for that.
and yung pool, maliit lang pambata.
tapos yun nga madaming nag iinuman maaga palang. at may mga mamang mukhang hoodlum na kung makatingin kala mo hinuhubaran ka na. at grabe mga makasipol nakakadiri at sobrang nakakailang yun syempre lalo na kasama mo
parents mo
Hindi naman sa maarte kami, pero i've been to other resorts din naman na mas panget pa ang facilities kesa dito, pero atleast hindi ganun kabigat feeling na parang may mga nakamasid sainyo.
nung papunta na nga kami naligaw pa kami, lumagpas na kasi kami. Parang hindi naman alam ng mga tao dun yung Treasure Island kapag nagtatanong kami, lumagpas pa tuloy kami, buti nalang at naisipan namin na bumalik agad.
ang itanong niyo pala is "mga resort ng Baloy beach" kasi hindi nila alam yung Treasure Island. tska liblib kasi siya eh. liit ng street papunta dun. then pag pasok niyo ng street may maniningil sa inyo na 90 pesos ata yung per person (or much higher ata yung price? forgot na kasi inip na inip nako nun) sabihin niyo guest kayo sa resort dun para hindi na kayo pagbayadin
kami kasi nagbayad eh, tapos nung paalis na kami sa resort tinanong namin sabe nung guard kunin nalang daw namin ulit yung money dahil nagcheck in naman kami sa resort dun. pero we were not able to get our money back, hinayaan nalang namin at gusto nanamin lahat umalis asa nakakatakot na place na yun.
Foreigner may-ari nun, nakausap ko pa. the name of his pug dog is "Panget" sabi niya yung former owner daw nung dog nag pangalan ng "Panget"
Regret din namin yun na nagpabook na kami.
sana its a different experience for you and your family.
kwento mo din dito. kelan ba kayo magpupunta?
masaya sa treetop haha.
mas okay pa yung superman ride kesa canopy which i thought mas nakakatakot. ang kukulit kasi ng mga staff nila dun nanakot haha