Author Topic: How important is proposing, engagement ring, etc, to you?  (Read 117971 times)

C+C

  • Guest
Re: How important is proposing, engagement ring, etc, to you?
« Reply #280 on: November 28, 2013, 09:00:41 am »
^wahhh your officemate is a b*tch, sis! LOL. E-ring's stone or the e-ring itself doesn't matter! Its the proposal's sincerity that counts!

hyjac28

  • Guest
Re: How important is proposing, engagement ring, etc, to you?
« Reply #281 on: November 28, 2013, 10:09:23 am »
^wahhh your officemate is a b*tch, sis! LOL. E-ring's stone or the e-ring itself doesn't matter! Its the proposal's sincerity that counts!

Super AGREE!!! :)

may12

  • Guest
Re: How important is proposing, engagement ring, etc, to you?
« Reply #282 on: December 15, 2013, 04:43:18 pm »
Umpisa palang namin pinag-uusapan ang about sa wedding (kahit malayo pa at di pa sure kung kelan) sinabi ko na agad na gusto ko mag-propose talaga siya at may engagement ring talaga. Haha. Demanding. Eh siyempre dream ko din yun no.

At may nabasa ako sa yahoo na dapat daw 3months worth ng suweldo ng guy yung ring, kaya sinabi ko din talaga yan sa kanya. Haha.  ;D

Malayo pa naman yun, so di ko alam kung susundin niya talaga yan. Pero lagi naman siya nagpaparinig na sosorpresahin daw talaga niya ako.

shegie_285

  • Guest
Re: How important is proposing, engagement ring, etc, to you?
« Reply #283 on: January 04, 2014, 09:27:41 am »
may12 Narinig ko din yang 3 months worth, lalaki pa nagsabi sa akin - ang tanong ko nga net or gross ba? kase dito sa Dublin almost 40% ang deduction sa gross so malaki ang difference ha.  sinabi ko din kay hubby, ang sagot sa akin marketing lang yan. haha...he gave naman what I wanted :)

muriel1 very late response but your officemate doesn't have the right to say that. kahit sino walang right to say something bad against the e-ring.

charmedter

  • Guest
Re: How important is proposing, engagement ring, etc, to you?
« Reply #284 on: February 11, 2014, 07:23:57 pm »
hi mga sis... in my personal opinion, super importante sa akin yung e-ring... kasi i am a very romantic and idealistic person.. and i so L-O-V-E weddings, as in kahit wala pa ko noong boyfriend nag scroll na ko re weddings... para kasing feel na feel mo yung effort ng guy.. especially my h2b kasi his not a kind of person na mahilig sa ganyan.. so super na appreciate ko yung effort nya.. the value of the ring does not matter to me, what matters is how much he does,to make one of my dreams come true...

akesanchez

  • Guest
Re: How important is proposing, engagement ring, etc, to you?
« Reply #285 on: February 11, 2014, 08:11:02 pm »
I agree mga sis! For me yung proposal ang way para maging official na ang wedding preps.. My bf (now h2b) talked about getting married way before he proposed to me. Tsaka yun pa, hindi makakatulog yun kapag hindi na nagawa ang surprise proposal niya at maibigay saken ang dream kong engagement ring. :)

shygirlme

  • Guest
Re: How important is proposing, engagement ring, etc, to you?
« Reply #286 on: February 11, 2014, 08:54:39 pm »
Pangarap ko talaga magka ering. Haha! Pag may nakakasabay ako or nakakasakay sa van na may ering tinitignan ko talaga or minsan nagbabrowse browse ako. Before umalis si fiance. Nagplan na kami pero di seryosohan. Parang nagscout lang magkano yun simbahan catering etc. Then dumating yun day ng proposal grabe totoo palang nakakaiyak. Hindi ko na matandaan yun speech nya hindi pa man sya lumuluhod parang alam ko na san pupunta hala nung lumuhod na iyak na ko ng iyak. Nahiya din ako nung nalaman ko price ng ring. Over sa budget nya. Pero sabi nya ok lang daw kasi balak namin ipamana to sa magiging anak namin. Ngayon pinaka maganda ering for me yung ering ko. Kasi pinag aralan ni fiance kung ano magandang cut ng diamond. Etc. Daig pa nga nya ko eh alam nya lahat about diamonds and syempre sya nag design nito. Dream come true talaga.

babyboo.0326

  • Guest
Re: How important is proposing, engagement ring, etc, to you?
« Reply #287 on: February 11, 2014, 09:23:08 pm »
mostly ideal ang magkaron ng engagement ring and proposal, but really, during these times? for me it's impractical na. siguro depends on what your ideals are nalang. for me kasi, aanhin mo ang napakamahal na engegement ring, proposal and wedding na en grande kung bandang huli rin pala hindi magiging maayos ang relationship in the long haul? sa akin kasi those things don't guarantee you happiness in life. so i'm cool with none of those things as long as content ang heart and mind ko, walang kapalit ang presyo ng peace of mind kasi  :)

castledoll

  • Guest
Re: How important is proposing, engagement ring, etc, to you?
« Reply #288 on: February 11, 2014, 10:47:33 pm »
importante sa akin ang proposal. iba kasi yung napag uusapan lang kaysa yung andun ka na sa moment na nararamdaman mo na hinde lang ikaw yung ready mag commit sa ganun kalaki na responsibility. ramdam mo yung sincerity nung bf mo na "it's you whom I want to spend my whole life with."

as for the e-ring naman, personally, hinde ko kailangan ng malaking bato para maramdaman ko how sincere he is. natuwa ako nung nag propose siya and nakita ko yung ring. bukod syempre sa kung anong kaya nya, yung pagpili nya ng ring ko is based on my lifestyle.

I remember a friend tuloy who got engaged before me tpos pinakita nya saken yung ring nya, she said she's happy and she's not materialistic. pero maya- maya lang sabi nya saken sana daw bigger stone daw yung ring nya. tpos nakita nya yung resibo and this is what she said " This ring is only worth a thousand dollars. and I think he's just exaggerating the cost for insurance purposes." naawa ako dun sa guy na after nya pag ipunan yung ring, hinde man lang pala na appreciate nung friend ko.

Angel2guideu

  • Guest
Re: How important is proposing, engagement ring, etc, to you?
« Reply #289 on: February 11, 2014, 11:30:23 pm »
kanya-kanyang preference lang talga yan, for me naman sarap ng feeling na yung mahal mo nag propose sayo, sabi nga sa isa ng quote "sealed with a ring".  Di naman need na engrande na proposal (pero kung keri naman gastusan ni H2B eh di go lolz),  basta nag ask sya sayo kahit nakasakay lang kayo sa taxi while nag kukwentuhan, same  lang ang kilig factor..  Sabi ko nga kay h2B, gusto ko pa din ng e-ring kahit sa silverworks keri na ko dun lolz.. You feel special and so important pag napropose si BF, and women want that kind of feeling

switan9el

  • Guest
Re: How important is proposing, engagement ring, etc, to you?
« Reply #290 on: February 12, 2014, 03:59:23 pm »
For me, the act of proposal is very important kasi sign yun ng sincerity and courage ng isang guy.. not all guys have the guts to confess & propose.

My fiance proposed to me when we are at Great Wall of China, August last year. I'm so surprised and touched sa ginawa niya.. before we left for China, he already talked / asked my parents permission, umiyak pa nga daw dad ko at niyakap siya (never seen my dad cried,i also cried nung nalaman ko to).. very touching talaga.. tapos while he is proposing, yung mom ko ang nagvideo at sis ko naman nagtake ng pictures.. halos hindi ko na napansin mga taong nasa greatwall nun sobrang focus ako sa speech niya, ang haba at super sweet.. it's beyond my expectation. Everything is perfect.

Yung e-ring na binigay niya super nagustuhan ko kahit hindi malaki yung bato, ayaw ko rin kasi ng malaking bato at hindi ako mahilig sa jewelries..pero knowing na pinagipunan at pinaghirapan niya yun..plus all his thoughtfulness and efforts..mas naging greater yung value ng e-ring.

Girls, always remember "Women are meant to be pursued" that's why don't settle for less than God's best. :)
« Last Edit: February 19, 2014, 10:49:29 am by switan9el »

shygirlme

  • Guest
Re: How important is proposing, engagement ring, etc, to you?
« Reply #291 on: February 12, 2014, 04:13:05 pm »
^nakakatouch yun mga guys na nag papaalam muna sa parents no?
My fiance proposed din sa SG vacation namin. He called my parents muna bago kami nagkita sa SG. Dapat nga yun proposal nya is kakuntsaba bestfriend nya may guys ma magbibigay sakin ng flowers tapos dadating sya may dalang flowers kaso may mga pasok friends namin don. Kaya yun sa taxi nalang naganap. Kahit di natuloy yun sa airport proposal happy pa din ako si manong driver ang saksi hehe

k_fine

  • Guest
Re: How important is proposing, engagement ring, etc, to you?
« Reply #292 on: February 12, 2014, 04:59:16 pm »
Kami ng hubby ko wala din proposal at engagement ring na nangyari. biglang napag usapan na lang namin na magpakasal na and yun nga inayos na namin ang mga dapat ayusin sa kasal then viola! kasalan na lol. sayang nga noh. sana pala nagparinig ako haha!  ;D

Odysseyl

  • Guest
Re: How important is proposing, engagement ring, etc, to you?
« Reply #293 on: February 19, 2014, 05:43:56 am »
Before, proposal and engagement ring are not a big deal for me. I even refused to get married in church, all the while i thought it's impractical. But H2B explained why he bought me an engagement ring and why he wanted to marry me with God's blessing. 

At this age, you're lucky enough to find someone who is willing to marry you because a lot of couples now just move in together, worse,  some men get the woman pregnant then leave her.  So receiving a proposal with an engagement ring and asking your hand from your parents is just on a different level.  It's very flattering... Dyosa ka na pag ganun!  ;D

My fiance told me that he wanted to give me the proper wedding i deserve and to prove to my family that his intentions are pure. Its his way of respecting me specially my parents.

Mas napamamahal tuloy sakin ang mokong. Sobrang grateful tuloy ako ngayon lalo na nung narinig ko yung kuya ko na sinabe sa kanya "Pare naappreciate ko yung ginagawa mo sa kapatid ko, salamat".  :)


deathwatchspider

  • Guest
Re: How important is proposing, engagement ring, etc, to you?
« Reply #294 on: February 19, 2014, 10:18:45 am »
sharing this to all b2bs  :)    its funny and informative at the same time. at the end of the day, rings are really just symbols. but what really matters is the love and affection that the couple will share during the marriage.  ;)

http://www.collegehumor.com/video/6952792/why-engagement-rings-are-a-scam

j.adore

  • Guest
Re: How important is proposing, engagement ring, etc, to you?
« Reply #295 on: February 19, 2014, 01:03:30 pm »
^True but people are materialistic :P

sarah29

  • Guest
Re: How important is proposing, engagement ring, etc, to you?
« Reply #296 on: February 19, 2014, 05:05:19 pm »
Hinde sya ganun kaimportante, but it does say something. Nung nagplanning kame ng wedding ng H2B ko, hinde nya pa ako binibigyan ng engagement ring, or nagpropose saken. Yun naman okay lang saken, pero syempre deep inside I wanted a ring talaga. Kahit nga formal proposal lang with flowers and all that, okay na ako e. Di ko lang talaga inexpect na bibilan nya pa ako ng ring since planning na nanaman kame ng wedding.

But 4 months before the wedding, he popped the question with the ring! It made me so so so happy, it made my month haha. Hinde dahil sa diamond, but the fact that spent that much money on me, kesa sa ibang bagay sure made me feel special. It was also a reassurance saken na gusto na nya talaga magpaksal, and that he's ready for it, haha! Nakakahaba sya ng hair, and I want to relieve the moment he proposed again, and again. :)

akesanchez

  • Guest
Re: How important is proposing, engagement ring, etc, to you?
« Reply #297 on: February 19, 2014, 05:39:06 pm »
Ang funny ng video! Kaya pala sabi ng mom ko mas malaki pa daw ang worth ng gold kesa diamond. Its practically worthless but I love it anyway! Hahaha.. :)

anirtak127

  • Guest
Re: How important is proposing, engagement ring, etc, to you?
« Reply #298 on: February 19, 2014, 06:04:31 pm »
Hi! Newbie here. This is actually my first post.  ;)

Being proposed to is very important for me as well as the ring pero hindi naman ako particular sa cut or type or sa bato. Importante sakin yung sini-symbolize ng ring.

I wanna share my proposal story too.  In our four years, every now and then napag-uusapan namin yung pag mag-asawa na kami gusto namin ganito, gusto namin ganyan pero walang formal planning like hanap ng church or venue. Since ex-seminarian si fiance, sinasabi nya sakin yung gusto nya na magiging flow ng ceremony, ek ek. Syempre kinikilig naman ako kasi gusto nya maging involved sa ganung aspect. Nung nag-celebrate kami ng 4th year anniv namin nung December 2013, anxious na ako kung magpo-propose sya. Sabi ko sa sarili ko pag hindi pa din sya magpropose at the end ng 2013, gusto ko na sya tanungin ng plans nya. Sa province nila kami nag-celebrate ng New Year's as per his request since hindi kami dun nakapag-Xmas. At dun na din daw nya ibibigay yung gift ko. Muntik na kaming hindi matuloy kasi nilagnat ako at sumabay pa ang LBM kaya hinang hina talaga nung araw ng byahe namin, which is December 28. Eh 8 hours pa naman ang byahe. Ayaw na nya tumuloy sana kasi baka daw mabinat lang ako pero pinilit ko talagang gumaling kaya natuloy kami kinabukasan. Umuwi din kami dun sa province nila last November kaya wala naman akong naiisip na may plano sya. Come December 31 before lunch, pumunta kami sa may farm nila kung san nagpapagawa ng bahay ang mommy nya para i-check yung construction. Tapos maya maya niyaya nya ako sa may ilog maglakad lakad. Hindi naman ako nagtaka kasi mahilig sya mag-moment tapos pinapakita nya pa sakin yung area kung san sila naglalaro nung bata pa sila. Nung makarating kami sa isang grassy area, biglang sabi nya, "Ibibigay ko na sayo yung gift ko. Pikit ka muna." Mejo kinabahan ako kasi baka "this is it" na, pero ayaw ko pa din umasa na proposal na un kasi ayaw ko mag-expect tapos iPhone lang naman pala ang gift nya. Hehe. Nung sinabi nya na, "Bukas mo na," pagdilat ko nasa harapan ko na yung box na may singsing at sabi nya, "Will you marry me?" Speechless naman ako. Iyak ako ng iyak tapos mejo nahihiya sya kasi gumagawa daw ako ng eksena sa tabing ilog eh may mga naglalaba dun baka daw kung anong isipin. Habang umiiyak ako, sabi ko, "Akala ko hindi mo na ako yayain!" "So, ano na", sabi nya. Sabi ko tanungin nya ako ulit. Ayun inulit nya at nag yes ako habang umiiyak sabay yakap sa kanya.

Hindi ako nag-expect ng bonggang proposal with candlelight dinner, orchestra, fireworks, etc. kasi alam kong hindi ganun si fiance. Ayaw nya ng attention. Mas gusto nya na kaming dalawa lang kasi yun naman daw ang importante. Hindi daw namin kelangan ng audience para ma-validate ang love namin sa isat-isa. Sinabi nya sakin na dapat nung Xmas pa daw sya magpo-propose kaso naman daw gusto ko New Year kami uuwi sa kanila. Hehe. At na-touch ako nung sinabi nya na pinili nya daw talaga na dun mag-propose kasi mahalaga sa kanya ang lugar na yun dahil dun sya lumaki, which is muntik na namang magpa-iyak sakin. Hehe.

Tinanong nya din ako kung may idea ako na magpo-propose sya. Sabi ko nung sinabi nyang ipikit ko ang mga mata ko biglang nag-flashback sakin nung nagpasama sakin yung officemate namin na tumingin ng singsing at pinagsukat pa ako kasi pang regalo daw sa friend. Yun pala kinuchaba na yung officemate namin sa ring size ko.  8)

Sorry for the long post. Giddy bride. [textspeak!].  ;)
« Last Edit: February 20, 2014, 09:23:29 am by anirtak127 »

aeaeia

  • Guest
Re: How important is proposing, engagement ring, etc, to you?
« Reply #299 on: February 19, 2014, 10:47:25 pm »
Napag-usapan na namin to ng SO ko of almost 5 years, although malayo pa kami sa stage na yun, mabuti na ang maliwanag. Gusto ko parin ng proposal kahit alam niya na isasagot ko, yung magpapaalam siya sa parents ko. Simple ring, ayoko ng diamond, at gusto ko kaming dalawa lang pag magpropose siya kasi for sure mag-uugly-cry ako at ayokong makita ako ng ganun ng ibang tao haha

 

Latest Stories

Load More Stories
Close