Author Topic: Baby na o wag muna??  (Read 80997 times)

marie88

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #340 on: September 25, 2012, 02:21:46 am »
^tama yan sis. ako kase hindi nagpapaconsult before. wala din akong ob talaga.  no regular check up. kaya nashock ako na i have 5cm myoma na pala at cyst sa left ovary ko. btw sis, pareho tayo. LDR din kami before. nung dito na si hubby sa pinas nagwork, saka kami nagplan magbaby na. :)

milkchocolate, saan ka nagpa- myomectomy?  meron kasi akong myoma and looking for good ob and hospital....tia...

KrisKulit

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #341 on: November 03, 2012, 07:05:04 pm »
personally ayaw ko pa muna magkababy though excited na din ako.. pero the thing is we're still living with my-in-laws and ayaw kong pati yung magigiging baby namin eh pakielaman, lalo na at hindi din okay relationship namin ng MIL ko, kaya gusto kong magkababy pag bumukod na kami.. si hubby naman ayaw pa din nya kasi di naman kalakihan ipon namin at sakitin pa ako though minsan nagpaparinig siya na gusto na nya ng baby.. hehe..  :P

yung DIL ko naman mukhang gustong gusto na magkaron ng apo.. kahit mom ko madalas akong sinasabihan na magbaby na ako at tumatanda na siya baka daw magselos ako sa mga kapatid ko at naalagaan nya yung mga anak nila, pero i already told my mom na hindi naman ako magseselos for that reason.. dad ko naman after wedding business na agad ang pinaguusapan namin.. haha!  :o

Velai

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #342 on: January 16, 2016, 01:37:32 pm »
Hi po, meron [textspeak!] po ako gusto ishare, 29 yrs old na po ako, meron po akong anak na 7 yrs old son, meron po akong leave in partner, 4 yrs na po kameng nag sasama, madalas po niya sinasabi sakin na gusto na po niya magkaanak o magkababy n kame, 29 po [textspeak!] partner ko po, sa apat na taon na pag sasama namen, wala po ako ginagamit na contraceptive po, kahit anung pills wala po, sa apat na taon til now wala pa po kame baby.. [textspeak!] po kaya magandang gawin? ayaw [textspeak!] po niya mag pacheck up sa doktor para malaman namen bakit hnd pa kame nag kaka baby.

yannuh

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #343 on: January 19, 2016, 08:16:12 am »
checkup lang talaga sis kasi sila ang right person para magcheck sten e:)

maukris

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #344 on: January 23, 2016, 11:25:48 pm »
Baby na sana this year.
Check up plus PRAYERS

sparklingjewel

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #345 on: January 29, 2016, 10:30:13 pm »
We're newlyweds and decided to take our first year or two off to enjoy ourselves first and travel :) I want to go on pills but never have. What's a good brand that doesnt have a lot of side effects?

luckypal

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #346 on: January 30, 2016, 05:54:18 am »
^ I've always taken Diane 35 because it also helps clear up acne or decreases breakouts as well :) then I switched to a cheaper brand but with the same formulation as Diane but I can't remember the name. I'm taking different [textspeak!] pills now because I moved and the doctor prescribed me different ones here in Canada.

sparklingjewel

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #347 on: January 30, 2016, 10:30:02 pm »
^Thank you! I forgot to mention thats also one of the reasons i want to start taking them, to clear up my skin!

luckypal

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #348 on: January 31, 2016, 11:52:51 am »
^ Ay naku! I switched to another pill and I'm super breaking out  >:( as in I have pimples in my forehead and upper lip area. Kakainis! Give yourself 1-3 months to get used to Diane and you'll see the results :) my friend said that her boobs got bigger pa with Diane  ;) lol

twinxz

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #349 on: February 04, 2016, 12:54:25 pm »
hubby wants to have baby na coz im already 29, but I don't want pa kasi I want to study pa e. So hard to decide :(

juwie

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #350 on: February 09, 2016, 07:40:39 pm »
About pills, it's best to consult an OB Gyne on what pills best suit you. This is because the pills' side effect varies to different women. What will work for some may not work for you. When I visited an OB she prescribed me Yaz. According to her, Yaz has lower dosage compared to other brands.

izabelle

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #351 on: February 16, 2016, 04:38:20 pm »
Nasa couple talaga yung ganito. Huwag papaapekto sa sinasabi ng iba. Kung magbababy, dahil gusto nyo hindi dahil yun ang sinasabi ng iba na dapat gawin.

Ang mga tao naman minsan may maicomment lang. Example matagal na mag bf gf, dapat daw pakasal na. Kapag kasal na, dapat baby agad, kapag may baby na, dapat sundan agad.

Hindi matatapos ang comment e haha!

Mali din kasi ang way of thinking ng iba, parang ang pagbababy e necessity para magkaroon ng value ang buhay ng isang couple.

Well, masarap at masaya talaga ang may anak pero iba iba kasi ang tao. :)


Nung newly married kami, dami comment na ganyan. Tapos ngayon naman ang comment sa amin sundan na daw baby namin. E papano kung ayaw na namin? haha

det060403

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #352 on: February 16, 2016, 08:05:26 pm »
^lol kami din, nung bagong kasal kami sinasabihan kami na maghabol na nyahaha... Pero we were firm to our decision na we'll wait a year before we get pregnant.

hypergalactix13

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #353 on: February 18, 2016, 05:39:03 pm »
my husband and I will be turning 1 year next month, and still no babies :)

pakiramdam ko pareho pa kaming hindi emotionally ready, and ako rin not very physically healthy dahil sa stress sa work + travel from time to time. gusto na ng husband ko magkaroon ng baby, he opened it up to me when i arrived from my last business travel. kaya lang, paano ko gagawin yun kung umaalis ako from time to time? so i said, since wala parin naman kaming sariling house (we're still renting at medyo maliit yung space to raise a baby) eh wag na muna.

nakakatawa lang na yung questions that may pop up when people find out that you're getting married -- bakit? buntis ka ba? hahaha hindi ba pwedeng nasa right age lang at gusto na namin? hindi naman sila ang magbabayad :P laging para lang may masabi ehhh hahaha

yes masarap magkaron ng baby, sino ba namang me ayaw magkaron ng little angels sa bahay diba? kaso nasa tamang timing din naman yun, ayokong magbaby dahil lang im not getting any younger, kesyo mahihirapan ako pag pinatagal ko pa. it's a lifetime commitment eh, once you're a parent, then forever na yun. mas kailangang paghandaan physically, emotionally at financially.

redsh0es

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #354 on: April 19, 2016, 12:14:40 am »
^ relate na relate ako sa sinabi mo sis, travel and work plus recently bought house kaya halos ubos ang savings namin.
If ever na magkababy kami ngayon, hindi na namin alam kung saan kukuha ng pang gastos everyday.
Everyone asks kung kelan kami magkakababy, hindi ko alam if gusto ko ba na magkababy na kami or wag muna, at the back of my mind mahihirapan kami if ngayon ako mabubuntis. Ayaw ko naman aminin sa sarili ko na ayoko muna kasi masama raw magsabi ng ganun. Almost 2 years palang kami married ni hubby, im getting 28 but still nalilito pa ako if ready nako or not yet

izabelle

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #355 on: April 19, 2016, 06:03:03 am »
^ bakit masama na aminin sa sarili na ayaw muna?

ito ba yung kasabihan na kapag daw kasi ganon baka daw hindi na bigyan ng baby kapag gusto na?

Honestly, naririnig ko yan ngayon. To think, meron na kaming isang anak. 4yrs old and everyone is telling us na sundan na. When I tell them na hindi pa keri ng budget at ayaw muna namin, masama daw yun haha.

Well come to think of it, ano mas masama, yung mag anak ng hindi mo kayang buhayin? or yung planuhin ng mabuti para mas maganda end result? :)

shygirlme

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #356 on: April 19, 2016, 07:50:15 am »
^naku dami nagsasabi sakin na pag pinipigilan daw magkaron ng baby sige ka pag ready ka na di ka bigyan. ang sarap sigawan bakit mas marunong pa kayo samin at sa Dyos? kami, kung hindi ibigay ayos lang kung ibigay eh di mas mabuti. kaya ayoko umaattend ng mga reunions kasi baka makasagot lang ako ng di maganda even sa get together with friends. kahit nga chatting with then lang laging sinisingit yan. hindi na daw ako bumabata, tumatanda na daw ako. sorry pero kami pinaplano namin ng maayos buhay namin. ayaw namin ng mag aanak kami tapos wala naman kami mapakain. yes may baby fund na kami, pwede na nga ko magbaby kung gugustuhin namin pareho pero gusto namin  na hindi lang sa panganganak yung pera namin.may times na dahil mahilig kami sa bata gusto na namin pero pag naiisip namin kulang pa yung time namin together as husband and wife sabi namin wag na muna. at isa pa, 5 years kami LDR ng husband ko. ano ba yun bigyan muna namin ng time isat isa? kasi pag nagka baby mahirap na. sagot ng tita ni husband? ok lang yan pag nagkababy kayo iwan nyo sa parents nyo magtravel kayo etc. etc. sya daw kasi di nagkaanak nung ready na sila kaya ayaw nya matulad kami sa kanila. iniintindi nalang namin parang kasalanan ba na hindi ka magkaanak agad after magpakasal hehe.

redsh0es

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #357 on: April 19, 2016, 07:53:28 am »
^Baka ganun nga sis, somewhat naniniwala din ako sa mga ganung kasabihan. Financially I can defend naman na hindi pa kaya ngayon, inuuna talaga namin yung house kaya yung naiipon namin for the baby sobrang konti lang talaga minsan may times pa na wala kami nailalagay para sa savings for the baby.
Tinatanong ko si hubby if gusto na niya talaga ngayon magkababy, hindi naman siya sumasagot ng diretso. I think gusto rin naman niya muna magtravel abroad, hindi pa namin yun nagagawa and hindi ko rin alam kung kelan mangyayari yun dahil nga rin sa house.

shygirlme

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #358 on: April 19, 2016, 09:08:20 am »
^kami looking din ng bahay pero mas prefer namin na mabili namin ng isang bagsakan or kung mag loan max na yung 5 years kasi mahirap magloan ng matagal tapos sasabayan mo pa ng baby. hindi biro yun. lagi din kami nagtatravel now. kasi pag nagkababy na ilang years pa bago uli makapag travel. 

stylus

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #359 on: April 19, 2016, 04:46:58 pm »
30 yrs old na kami ni hubby. Halos lahat ng friends and common friends namin may babies na. and i feel quota na kami sa paggala. We're financially stable naman na. And during our canonical interview, our priest always reminds us that if we do it.. sana its pro creation.

I believe we're emotionally ready na rin. And very thankful dahil 1 month pa lang after our wedding, pregnant na kami kagad :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close