Author Topic: Baby na o wag muna??  (Read 80797 times)

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #300 on: April 03, 2012, 01:59:13 pm »
^go go go sis!  :)

sana mapreggy na lahat ng gustong magkababy no.. hay!

sarsingkit: oo nga sis, nagulat din ako nung nalaman kong preggy si katrina halili. yung isang ka project ko noon, nabalitaan ko last night lang na 3 mos preggy na. this month sila magpapakasal ng bf nya. kaswerteng babae!  ;D


hyder0926

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #301 on: April 03, 2012, 03:52:05 pm »
sabi ng OB ko.. ibibigay sayo ni Lord yan pag ready ka na at  ready na rin ang body mo.. =)

Cyndee

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #302 on: April 03, 2012, 07:50:02 pm »
I agree to y'all... right now less worries muna ako kahit parang fertile ang mga tao nitong 2012 hehe dame buntis sa paligid ko minsan.. happy ako sa kanila and I am waiting for that moment of joy na ako naman ang makaramdam!!! good vibes lang bawal ang nega.... mga sis, visit padre Pio this holy week...I am saying my petition thru padre Pio..He can help us....pag pumupunta ako dun i feel so blessed. such a peaceful place for our prayers...

FrogPrincess

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #303 on: April 05, 2012, 11:05:37 pm »
mga sis, ang early signs of pregnancy ba parang PMS din? kase pag malapit na period ko sometimes may craving tapos parang ang bigat ng katawan ko. kasunod nyan masakit na ulo ko then bababa na sa puson ko yung sakit  kaya super moody, minsan makita ko lang mukha ni hubby naaasar na ako.

I'm expecting to have my period within few days pero parang ilang days na sobrang bigat ng b**bs ko eh di naman kalakihan. may time pa na nahihilo ako pagbangon sa umaga. di ko naman feel na preggy ako kasi di pa naman ako TTC. hmmm feelingera lang  ;D

mrsdee

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #304 on: April 06, 2012, 03:24:40 pm »
^ uy, goodluck sis frogprincess!

ako naman ngayon naghahanap ng diversion para hindi ko palagi maisip na TTC. pag-uwi namin ng 'Pinas naku, uulanin na naman kami ng million dollar question na "wala pa kayong baby?"kaya ito nagbibisi-bisihan plotting our small-scale travels at mumunting wishlist for our house. pag nagkukuwentuhan kami ni hubby, we avoid muna the baby topic. ang cute siguro nun, pareho kami preoccupied kuno with other things tapos biglang booom! why, hello there, two pink lines! *dreaming* hehe.

FrogPrincess

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #305 on: April 07, 2012, 12:57:30 pm »
Naku mga sis di pa ako TTC kaya medyo kiNakabahan ako. Iba lang talaga pakiramdam ko kanina lang paggiding ko nahilo nanaman ako.

Marirap pa kasi sa sitwasyon namin ngayon di pa ako sure if makukuha ko na yung job na inoffer sa kin. Gusto ko kasi muna magwork para safe na ako sa medical insurance if ever. Out of the country kasi kami so importante talaga sa amin yun. Sa mga pre-natal check up pa lang laking tulong pag may isurance talaga lalo na pag nanganak.

Wala din naman kasi akong maalalang unsafe chorva namin eh kaya feeling ko PMS lang to. Pero if ever naman na baby na to syempre tatanggapin ng buong-buo kasi I'm secretly wanting to have my own little one na rin kaso di pa ready much. Siguro naman everything will fall into place din pag andyan na kahit di expected diba?

FrogPrincess

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #306 on: April 08, 2012, 01:52:05 am »
^so true sobrang mapapagastos ka talaga kaya I want to make sure muna na secured na yung insurance ko para bawas stress during pregnancy. Sana nga everything will fall into place na para pwede na mag baby...next year most probably kaya eat healthy tapos vitamins na lang muna for now para ready for baby:)

Good luck nga pala sa mga TTC sana mabiyayaan na lahat ng nag-aantay. Baby dust to you all!  ;)

fashionablypink

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #307 on: May 08, 2012, 03:32:17 pm »
meron ako kilala, its been a year na sila married, pero ayaw pa nila magka baby, kaya what she did, nag take siya ng pills. sophia ata yung name

mutanglawin

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #308 on: May 08, 2012, 04:40:54 pm »
ok siya for family planning, pero hindi ba mas masaya pag may kasama ka na baby sa bahay..

angeleigh

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #309 on: May 08, 2012, 05:04:40 pm »
Our target is next year. Im open to baby first before wedding, house etc. Gusto ko na magkababy eh! :D

Anyways, pareho naman kaming stable ang work so no problem.

bleucharmz22

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #310 on: May 09, 2012, 04:49:18 pm »
hubby and i decided to enjoy our first year of marriage na kaming dalawa lang. this year talaga ang plan namin (to have a baby). sana ibigay na ni God. I'm sure we will both be happy.

ishko

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #311 on: May 09, 2012, 04:54:45 pm »
^agree.. masarap ang may baby.. palagi ka may reason to smile at gusto mo umuwi agad, ganun din si hubby

instead na gumimik pa ako, lagi kong gustong umuwi kasi naghihintay ang little man ko sa bahay..  ;D


bleucharmz22

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #312 on: May 09, 2012, 05:06:29 pm »
^hello sis! IMO, hindi naman siguro dahil titira kayo sa house ng inlaws mo eh hindi na ok ang magiging buhay ng magiging baby nyo. hindi naman siguro basis yung may sarili kayong bahay para masabing ok ang lifestyle nyo. i myself is living with my inlaws. wala pa rin kaming baby pero never ko naisip na hindi ko mabibigyan ng magandang buhay ang magiging anak ko. for me, as long as you're both working, magagawan ng paraan. yung iba nga kahit isa lang ang nagtatrabaho nakakasurvive pa rin.  :) it may be a simple life pero it will get better. saka kung may baby na, parang mas maiinspire ka pa lalo to work hard kasi nga mas may paglalaanan ka na. ako kasi kahit wala kaming sariling bahay pa, iniisip ko nalang na kahit pano, lucky pa rin kami dahil may matitirhan and besides, way na rin yun para makapag save diba.


thanks sis for enlightening me, yun din kasi ang apprehensions ko nung una kasi nakikitira pa kami sa bahay ng inlaws ko. pero ngayon mejo nakapag-adjust na ako sa kanila at sa tingin ko makakatulong rin naman na andun kami kasi at least may titingin sa baby namin kapag nasa work kami.

ishko

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #313 on: May 09, 2012, 05:12:39 pm »
^sis, agree ulit... swerte mo dahil may inlaws ka na pwede ka makitira.. blessing yan, malaki matitipid mo tsaka sure na may concern sa baby mo

bleucharmz22

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #314 on: May 09, 2012, 05:32:11 pm »
^oo sis. thankful ako at maayos ang trato nila sa akin. na-realize ko yan nung na-operahan ako last month. di talaga nila ako pinakikilos sa bahay ultimo pagsalin ng tubig na iinumin ko sila pa rin. alala sila kasi baka bumuka raw ang tahi ko. tapos eto pa, naabutan ako na nagpa-plantsa ng uniform ni hubby, pinagalitan pa ang asawa ko at bakit daw hinahayaan na ako ang gumagawa nun. di pa raw ako magaling. na-touch ako kasi concern sila sa akin.  :)

im sure pagdumating na ang baby namin eh kampante ako na di nila siya pababayaan. at gagabayan nila rin kami sa pagpapalaki ng anak namin.  :)
 

Paperless

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #315 on: May 10, 2012, 03:36:32 pm »
been ttc since Dec pero negative parin... then late last month, ibinalita sa akin ni MIL na preggy na si SIL. nauna pa ako ikasal pero mas nauna pa siya mabuntis and she is older than me pa.  :( tapos andaming questions if meron na ba... ayoko malungkot kaya lang parang ewan kasi ang mga tao tanong ng tanong. then this morning, ibinalita sa akin ni hubby na nakunan si SIL. mixed emotions na naman tuloy ako. ang sabi kasi namamasyal lang sila kagabi tapos nakunan na.

yang26

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #316 on: May 11, 2012, 06:49:15 am »
I agree to y'all... right now less worries muna ako kahit parang fertile ang mga tao nitong 2012 hehe dame buntis sa paligid ko minsan.. happy ako sa kanila and I am waiting for that moment of joy na ako naman ang makaramdam!!! good vibes lang bawal ang nega.... mga sis, visit padre Pio this holy week...I am saying my petition thru padre Pio..He can help us....pag pumupunta ako dun i feel so blessed. such a peaceful place for our prayers...

Hi sis! im new here  :) Quick question po, san ba ang chapel ni Padre Pio?

ldrwifey

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #317 on: May 12, 2012, 07:16:17 am »
sabi nila the more you think about it mas mahirap makabuo kasi nasstress yung body about wanting to have a baby.

kami ni hubby still waiting for the right time pa rin to start trying, LDR kasi. nung umuwi ako last month parang narindi n lang ako s mga tita ko. hindi naman purket we're waiting for now eh wala kaming balak magkababy. tapos hihiritan k p ng "sige ka baka pag nagttray n kayong magbaby wala ng ibigay sayo" parang so insensitive diba.

milkchocolate

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #318 on: May 14, 2012, 07:55:49 am »
baby na o wag muna? ..... share ko lang mga sis.....

nung kinasal kami, talagang plano namin wag muna magbaby. siguro 3 years after pa when i'm 30 years old na. we enjoyed each other's company muna. no hassle kase walang baby na iniintindi. madali magtravel. kahit lagi kaming kinakantyawan at sinasabihan ng friends and families namin na magbaby na, deadma lang kami. yung iba sabi pa na baka "baog" kami. they are so insensitive! deadma lang ulit kami.

then, by the time na ready na kami, di ako nabuntis agad. then i found out last Jan 2010 na i have myoma and endometriosis. yung myoma ok lang kase di naman nagcocause ng infertility yun. but endometriosis can. so naghanap kami ng OB para magpawork up. i had myomectomy din.

nagworry din ako kase baka mahirapan na talaga ako magbuntis because of my condition and my age. buti na lang, i got pregnant last Sept 2011. so almost 2 years din bago ako nabuntis.

lesson of the story: if di pa kayo ready now, that's perfectly fine. wag kayo papapressure sa ibang tao. if plano nyo magbaby after a few years pa, make sure that you take care of your body now esp your reproductive system. pacheck up sa ob ng maaga. para hanggat di pa kayo ready, if in case may problema sa reproductive system nyo, magamot na agad. :) :) :)

ldrwifey

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #319 on: May 14, 2012, 08:10:36 am »
that's what im doing sis, kahit hindi pa kami nagbabalak magkababy ni hubby, i always see my ob-gyn, regular pap and transvaginal, and of course yearly yung women's physical ko.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close