Author Topic: Baby na o wag muna??  (Read 81006 times)

yaskulet

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #200 on: December 28, 2011, 06:23:54 pm »
^hugs to you sis! don't worry God will grant you a child again sooon. For now, enjoy the holidays and divert your attention.

baby dust to you!  :-*

neraks

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #201 on: December 28, 2011, 10:07:16 pm »
Thanks sis,lam mo this Christmas di talaga kami masaya pero yun nga we have to move on.sana ngayong pagpasok ng bagong taon maging maganda na siya...kahit isa lang na healthy baby bigay sa min ok na sa min.i know GOD will give us again soon.

izabelle

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #202 on: December 28, 2011, 11:48:03 pm »
Hi again to all,hay update ko lang kayo since last time nag post ako dito.ayun nga mula november til december naging makulay at malungkot life ko BAKIT? kasi i got pregnant at super excited talaga kami kasi naman 13yrs kami nagintay.napaka ingat ko at bed rest na talaga ako lahat sa bed ko na ginagawa pati food ko dinadalan na lang ako.nagspotting ako at nagtuloy-tuloy yun kahit na i have meds na pangpakapit,yung spotting naging bleeding na at dun na ko nakunan.i had my D and C last week lang,masakit pero di ako nawawalan ng pagasa na magkakababy pa rin kami soon.

hugs sis.. everything happens for a reason..although mahirap talaga maintindihan sa una.

i know the happiness you felt kasi iba talaga kapag may baby na e.. kahit alam mo na it will change your whole life masarap pa din sa feeling pero naniniwala talaga ako na may tamang panahon lahat.

sa tamang time sis.. ibibigay din talaga ni Lord yan..

lengnav

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #203 on: January 09, 2012, 05:09:41 pm »
hi, sisses! ganyan nga din mga tanong sa min dati ng ibang tao lalo na sa office... "meron na ba?" medyo nakakainis nga hehe. after 1 year of marriage, sakto pagkatapos ng aming 1st yr anniv., nakaramdam nako ng symptoms of possible pregnancy. medyo kinabahan pa nga kami ng hubby ko, lol. ayun, nung nagpa check ako sa OB, positive nga!  :)


sweetscience

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #204 on: January 13, 2012, 09:58:58 am »
^been married for more than a month pa lang, naghihintay lang kami kung mabibigyan agad ng baby.. sa office naman yung mga lalaki pa yung nagtatanung lage kung meron na ba daw.. sila pa excited.. :)

Analene3

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #205 on: January 31, 2012, 01:26:42 am »
I guess it's just natural for some people to immediately ask if you're having a baby or when youre having one, since most really, a year or two or three after getting married would want a family. Some, on the other hand, are just excited to hear the good news. hehe. you just might need to get used to it. :)

kuliglig^^

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #206 on: January 31, 2012, 07:54:01 pm »
Coming soon, in a couple of weeks hopefully. :)

carmichael18

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #207 on: February 01, 2012, 12:22:03 pm »
pasali mga sis!

spell pressure... kasi only child si hubby and medyo matanda na rin parents niya, both in their 60s.. kaya eto 4 months pa lang kaming kasal, eh hindi ko na mabilang ilang beses na nila ako tinanong kung buntis ako.. hay.. can't you just wait! magsasabi naman kami eh...

yung tito ni hubby got married last november - and got pregnan this month.. MIL excitedly called me to tell me about it. ang pagkakasabi ba naman "o si ____, buntis na ha? kayo ba wala kayong balak?"

honestly ako gusto ko na magka-anak but I feel that hubby doesn't yet... so yun din ang sad part, ako TTC si hubby hindi.. :(

bluewingedangel

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #208 on: February 03, 2012, 10:12:39 am »
sometimes well meaning naman yung question na "may baby na kayo? bat wala pa?" kaso mo minsan nakakasawa na, ako palagi tinatanong. we've been married for 3 years na. sadly they found a mass sa isang ovary ko so they had to remove it, natira yung isa polycystic pa. so ngayon everytime may nagtatanong sa amin, si hubby sumasagot ng "naman, kakaopera pa lang, maawa naman kayo, hindi biro pinagdaanan nya, kayo kaya operahan dalawang beses. besides we're happy, in God's perfect time darating din" my hubby, my hero. sweet talaga!

izabelle

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #209 on: February 04, 2012, 06:58:03 pm »
it's normal for people to ask and nothing wrong with that, ang nakakainis yung nagmamarunong and may side comments pa after you answer the question.

minsan kasi dapat maging sensitive din ang iba sa mga tanong nila. madaling sabihin na masanay nalang or natural lang yung tanungin ng ganon pero kapag paulit ulit honestly, nakakainis din. :P parang hello diba? obligation ba na magka anak? or mag anak agad? iba iba naman kasi ang tao e.

kami nung wala pang baby yan din laging tanong.. kaasar pa minsan ang iba kasi mga nagmamarunong, aba masama ba mag ipon muna bago mag anak :P tapos ngayon naman may baby na hihirit na sundan agad? sila kaya mag labor at manganak :D sila din bumuhay ng bata.. sa panahon ngayon dapat practical na.. hindi naman contest yan, mas ok pa nga walang anak kesa dami nga anak wala naman magandang future na mabigay.

runaway_bridesmaid

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #210 on: February 06, 2012, 03:46:38 pm »
i feel for you mga sis! walang ibang makakaunawa sa nararamdaman natin kundi tayo  na nasa parehong kalagayan. Married for 4 years, 31 years old, wala pa rin! pag may nagtatanong, ngingitian ko na lang, WALANG SALITA, JUST SMILE! yun lang, pag sinagot mo pa kasi and gaming follow up question, unsolicited advice at kung ano ano pa na masakit sa kalooban naten! di nila alam kung gaano kahirap sa kalooban ang pinagdadaanan ng mga babaeng gusto mag ka anak pero walang magawa. Di bale mga sis, may awa ang Diyos, wag tayo mawawalan ng faith! ok ba? :)

sarsingkit

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #211 on: February 06, 2012, 04:18:38 pm »
i just got married and a guy friend asked me this and i said na hindi ko pa sure and that ayoko pa as of now. and he replied "nag-asawa ka pa?" pag nag-asawa ba dapat may anak agad? package ba talaga yun? its not naman na i dont want one. ang sakin kung wala, ok lang, kung meron, ok lang din. and kung meron man sana sa distant future pa. something happened din kasi with me and hubby (different story) that made my idea on not having a baby stronger. hindi din kasi kami mahilig ni hubby sa baby eh. actually nung mag-bf-gf pa lang kami, ayaw talaga ni hubby sa baby na ok lang naman sakin. plus takot din ako mabuntis and manganak. for me din kasi very different and being a wife and being a mom. in my POV, kaya maraming nanay na stressed is hindi nila madifferentiate yun. POV lang yun ha.

i have a friend, although she's not yer married, dead set sila ng fiance nya on not having a kid. as in you and me forever sila. and she has the same qualms on people that looks at her as if she has a very blasphemous idea.

zanabee

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #212 on: February 09, 2012, 09:11:24 pm »
@sis Dhee-Dhee being married for 6 months is too early pa to stress yourself, try muna kayo naturally and make love around 3-4 times a week especially during fertile days..

sarsingkit

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #213 on: February 09, 2012, 09:47:30 pm »
oo nga sis. maaga pa yung 6 months. enjoy muna. saka have sex frequent naman. madalang yung 4 times a month. if issue mo yung pagod, sabihin mo kay hubby mo, sya sa ibabaw.  ;D hehe

violet_dmd_75

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #214 on: February 13, 2012, 11:12:40 pm »
Dati naririnig ko din yan. We waited for 4yrs kasi before kami nag-plan mag-baby. Took us half a year to finally conceive. Ngayong may anak na akong isa, ang naririnig ko naman eh " gawa ka pa ng isa pa" As if sila ang magpapakain at magpapa-aral, alaga etc. Ok lang pag once lang sasabihin pero everytime kayong magkita ganun pa din ang dialogue?
Smile na lang ang sagot ko, tabinging smile nga lang :)

isha21

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #215 on: February 14, 2012, 04:27:19 pm »
i was married last dec 2011,nag usap naman kami ni hubby na sana wag muna magkababy at least a year to enjoy each other na wala pang baby,pero [textspeak!] namin God's will na lang kung ibibigay nya.
im pregnant right now and very happy,hindi man natupad pinagusapan namin ok lang,saka when i visit the ob she said that im lucky that im pregnant agad because my left ovary dont work na daw,pero the right is normal.In that case tingin ko gift talaga ni God ang baby namin.

aiyeng

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #216 on: February 16, 2012, 06:12:34 pm »
girls, i need advice. kelangan ko ng kausap.

i was 19 nung nabuntis ako s panganay ko. pero premature [textspeak!]. namatay din.
then 22 ako s second, nakunan [textspeak!] ako.
yan s una kong bf. nagkahiwalay kami.

ngkaroon ako ng bagong bf. my anak [textspeak!] isa, nabuntis nya [textspeak!] babae. before me.

mag two years n kaming magkasama. pero wala tlg. hindi pdin kmi mgkaanak.

super complicated.  :(



switblububbles

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #217 on: February 16, 2012, 08:56:45 pm »
Dati naririnig ko din yan. We waited for 4yrs kasi before kami nag-plan mag-baby. Took us half a year to finally conceive. Ngayong may anak na akong isa, ang naririnig ko naman eh " gawa ka pa ng isa pa" As if sila ang magpapakain at magpapa-aral, alaga etc. Ok lang pag once lang sasabihin pero everytime kayong magkita ganun pa din ang dialogue?
Smile na lang ang sagot ko, tabinging smile nga lang :)


Grabe super agree! Puro tanong sila kung kelan tapos mangangako pa kesyo sagot ko ang araw at buwan....tapos ngayong preggy na natatahimik na sila....ano beh!!!
« Last Edit: February 16, 2012, 08:58:28 pm by switblububbles »

Paperless

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #218 on: February 17, 2012, 01:11:42 pm »
I am already 31 so plan talaga namin na magkababy na agad. At first, akala ko ganun lang kadali, pero after two months na wala parin, parang medyo kinabahan na ako especially may mga nagtatanong narin.

enjaye

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #219 on: February 17, 2012, 02:09:53 pm »
I got married when I was 24 while hubby was 28.  At first, plan namin to have a baby after a year pa.  Pero meron akong friend na preggy that time and sobrang happy sa pagkukwento about her pregnancy experiences.  Because of that nagkaroon ako ng desire na maging preggy na rin. :)  I discussed that with my hubby and pumayag naman sya.  Ayun after a month, I got pregnant.  Same thing happened dun sa isang friend/officemate ko na 6mos married na, I was very happy telling her my pregnancy experiences kaya ayun, sumunod din sa akin sa pagbubuntis. :) we’re like twins sa office, magkasunod na month pinanganak ang mga babies namin. :)

I had a post partum blues after kong ipanganak yung first born namin.  One day lang naman, dun sa hospital iyak ako ng iyak.  Natatakot kasi akong kargahin si baby, first time kong magbubuhat ng ganong ka-fragile na baby.  But hubby was very supportive, he assured me na he’ll help me in taking care of our baby.  For the first six months, si hubby yung palaging nagkakarga sa kanya ako naman, mostly taga-timpla ng milk and change ng diaper.  But God made a way na maovercome ko yung fear ko na baka masaktan ko si baby pag kinarga ko kaya hinayaan nyang ma-assign si hubby onshore for 2 mos.  Yung 2 mos na yun e sobrang wonderful, todo bonding talaga kami ni baby na kaming dalawa lang.  (Although naka-backup yung family ko since we’re living in a 2-door apartment that time.)  Pagbalik ni hubby, pareho pa rin kaming hands on sa baby namin :)
After 4 yrs, we decided to have another baby.  Yung mga natutunan ko sa first born ko, na-apply kong lahat sa 2nd baby namin.  Premature sya nung pinanganak ko kaya naman sobrang mommyng-mommy ako sa kanya pagkapanganak pa lang (except lang nung first week since kailangan nyang magstay sa hospital ng 1 week.)

Now, my first born is already 8 years old tapos yung bunso ko naman is turning 4 on November.  Wala kaming naging experience na nalimitahan yung mga engagements namin.  Btw, I’m a working mom.  Thankful ako kay Lord kase nakapagpagawa kami ni hubby ng duplex and my family is living next door to us.  So tiwala ako sa mga naiiwanan namin pag nagwowork na kami ni hubby.  Tuloy-tuloy pa rin ang pagdidate namin ni hubby during weeknights pag weekends naman, lumalabas kami as a family.  Twing may outing sa office, binibitbit ko ang family ko, gusto ko kasi pag nag-eenjoy ako, nag-eenjoy din ang family ko.  Nung outing nila hubby sa Palawan, binitbit nya rin kami at pati sa mga field trip ng kids, as a family kami lagi umaattend. Even nung ma- assigned for a short business trip in Singapore, binitbit ko rin sila :)  now, pinaplan namin as a family yung iba pang mga trips na gagawin namin.

This year, I have a desire to have another baby, gusto ko kasi magka-girl, 2 boys yung mga anak namin.  Nasa process ng pag-uusap kami ni hubby :)  Tama yung ibang sisses dito, kailangan i-plan maigi ang pregnancy, mahal ang check-ups, vitamins, manganak, vaccines, etc.  Pero kung solid ang decision nyong mag-asawa to have a baby, I think kakayanin namin :) Wag magpadala sa pressure from other people.  It’s between you, hubby and God kasi yung iba kahit gustong magka-baby na nahihirapan, kaya kailangan isali si God sa usapan :)]

 

Latest Stories

Load More Stories
Close