Author Topic: Baby na o wag muna??  (Read 80960 times)

princessleia

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #160 on: May 27, 2011, 01:25:09 pm »
super like and agree with your answers mga sisses!  :)

nakakarelate din ako sa topic na to 5yrs 7mos married still no baby but still trying sobrang hirap lalo na pag pupunta kami sa children parties,baby shower, christening ng mga friends and relatives namin may time din na pinagawayan at sobra ko iniyakan tong topic nato pero now hindi na kasi naintindihan ko na siguro di pa talaga time na mag ka baby kami siguro na immune na din at the same time buti na lang may nanay ako na lagi nag eexplain sakin di lahat ng bagay o gusto mo e ibibigay syo ng diyos at kung ibibigay naman nya ibig sabihin para syo talaga yun.

tama nakakainis din yung mahilig mag side comment before kasi may nagsbi pa sa amin na "magdasal kayo at wag kayo manghinayang sa pera, meron ako kilalang espesyalista blah blah blah" ...HELLO ::) di naman sa nanghihinayang kya lang di naman namin pinulot yung money pang pa work up namin syempre kailangan din namin mag ipon muna para makapag pa check up at syempre nagdadasal naman kami tagal na kaya namin hinihingi yun kaya lang ano magagawa namin e sa wala pa ???

may nangyari pa before sa amin na yung supposed to be first AI(artificial insemination) namin e high blood si hubby as in ang taas ng BP nya 3am sinugod namin sya sa ospital kaya di natuloy ai namin sabi ng dr. nya baka daw na pepressure sya sa ai namin. natakot ako kasi gusto ko magka baby pero ayoko naman mabyuda no!

kaya nung minsan nagusap kami ni hubby we both agree na magka anak kami o hindi ok lang kung ibibigay sobrang tatangapin namin kung hindi ok lang pero hanggat buhay kami di kami mawawalan ng pag asa na bibiyan din kami ng baby at gagawin namin lahat ng makakaya namin para mag ka baby.

sorry napa haba mga sis  :) :)

poshgal24

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #161 on: May 27, 2011, 05:25:41 pm »
Princess Leia, tama ka sis wag mashadong magpakastress sa sinasabi ng iba dahil buhay nyo yan and kung ano ang mabuti para sa inyo--sundin nyo. Kung nastress si hubby mo at may nangyaring masama sa kanya---anong gagawin ng mga taong nangungulit na magkaanak kayo para tulungan kayo??? WALA NAMAN DI BA?  Kung magkasakit kayo, aalagaaan ba nila kayo day in and day out?  HINDE. 

Naiinis pa ko pag halimbawa may relative kami na bagong kasal then nabuntis agad---magpaparinig pa sila sa min na " o si ano, buntis na a!" para bang "o ayan naunahan na kayo..." parang ano ba to racing? Unahan ba? Anong premyo, bakit kailangan makipagracing? Di ba nakakaimbyerna

JOS KO! Naiirita talaga ako sa mga ganyan.

princessleia

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #162 on: May 28, 2011, 01:58:02 pm »
^tama ka dyan sis nakakaimbyerna yung mga  ganyang tao  >:(
tapos sasabihin pa "sino ba baog sa inyo dalawa?" grabe minsan nga kahit matanda na parang gusto ko sagutin e.  >:(

anjfree

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #163 on: May 28, 2011, 08:13:36 pm »
kami 4 months pa lang married and we get all the questions and pressures on having a baby. Nung una na-stress ako but now ok na sanayan lang naman. We plan to have baby next year pa kasi.

purplesassy

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #164 on: May 29, 2011, 07:11:41 pm »
Just got married December 26, january 1 pregnant na ko so indeed, iits a honeymoon baby. Ü we feel blessed kahit biglaan kase retroverted uterus ako, hirap mabuntis Ü pero plan namin baka 1 baby na lang, mas practical and syempre ayoko malosyang hahah Ü

coni428

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #165 on: June 25, 2011, 04:58:55 pm »
Kami 7 months ng kasal, napreggy ako nung january, supposed to be honeymoon baby pero nakunan ako 2 months ago, mag-5 mos na sana si baby sa tiyan ko. Gusto ko ng magka-baby, #1 priority namin yun, at gusto ko rin madami kaming baby. Nung nakunan ako narealize ko ang hirap pala magka-baby so ika-career ko talaga magpadami ng lahi. Dapat in six months to 1 year, makabuo na kami ulet. Sana success na.

assie

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #166 on: June 25, 2011, 05:07:23 pm »
ito sagot ni robin padilla sa tanong na yan, post ko nalang ha!

"Hindi ako nag asawa (Mariel) para magka-anak, ang dami ko nang anak" -Robin Padilla

me and my partner 7 years na din pero napag desisyonan namin wag muna mag baby para naman ma enjoy namin ang isa isa, mahilig kami mag travel at syempre kung may baby na kami di na namin basta basta magagawa ang mga bagay na gusto naming gawin.. kasi naman siguro may pareho na kaming may anak sa unang relationship namin.. naranasan  na namin magkaroon ng anak.. marami din nagtatanong kelan daw kami magkakababy ng samin, nakakairitang question kasi kailangan ba talaga nila malaman? Obvious naman kung ginusto na namin, di sana meron na, pareho naman kaming di ba-og obviously kasi meron na kaming anak sa una.. at bakit may mga taong yan ang tinatanong.. kaloka! hehe
« Last Edit: June 25, 2011, 05:13:13 pm by assie »

mac0308

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #167 on: June 27, 2011, 06:24:11 pm »
nakakarindi ang mga lines na, 'o buntis ka na ba? tagal naman.'
' hina nyo naman' 'kayo kelan napag iiwanan na kayo ah'
isa yon sa mga reason kaya nagresign ako.nakakarindi ang mga taong ganon. parang ganon kadali gumawa ng anak at parang anak lang ang dahilan kaya nagpapakasal.

sofala

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #168 on: June 28, 2011, 12:56:57 am »
funny sometimes hahawakan ng relatives ko yung tyan ko tapos tatanongin,

buntis ka na ba?

Ahh, hindi pa po.

Bakitttt?!

 ;D

mag 2 years na kasi kami ni hubby since wedding, wala parin kami baby. By choice, kasi inaantay namin na matapos yung bar exam nya para hindi sya ma stress. after nun, go go go na!  :)

sometimes iniisip ko kung iniisip nila kung isa samin eh baog. hahaha.  ;D

marsh_candy

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #169 on: June 28, 2011, 08:52:48 am »
on TTC.

After ng kasal March 2009, laging tinatanong yan "may baby na ba?", as in sagot ko pa nga parang bata, " eww, wala pa, bata pa ko at saka na yan", never ako naapektuhan kasi wala pa talaga sa isip ko mga baby na yan kaya todo control kami nun considering 29 nako nun hehe

Sobrang pray at internalization ginawa ko nun na sana magka-desire din ako having a baby our own.. nung nagsabay-sabay 13 friends kong nabuntis at nanganak last year till early this year, nakita ko mga babies nila lagi sa facebook, dun ko na na-feel na di na pala ako bata, at gustong-gusto ko na ng baby. Kaya heto, on trying kami.. Now ko lang nafi-feel yang, "oh may baby na?" kaya di nako nagpapakita sa iba..  :( alam ko di dapat ako mainggit pero di ko maiwasan maiinggit!

Ms.Cacao70%

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #170 on: June 30, 2011, 11:00:44 pm »
^ganyan din ako sis nung 29 na ako! kung kelan ko na gusto saka naman hindi ako mabuntis  :-\ nagtampo ata ang matris ko  :D nagka-cyst pa ako sa ovary at kung ano-ano pa ang nangyari sa akin bago finally nabiyayaan din ng anak. totoo sis, nakakainggit, nakaka-frustrate at nakakababa ng ego yung hindi ka mabuntis-buntis, napagdaanan ko lahat yan. parang what the heck is wrong with me???!!! pero dont lose hope. mabubuntis ka din :) magpatingin ka sa doctor dahil baka may problem ka, at stay positive. avoid looking at baby pics para hindi ka magkaroon ng sobrang longing, condition your mind na "ok lang ako, i'm happy, i will always be happy" para hindi ka pressured. and continue praying... God bless and baby dust to you!

iska

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #171 on: July 02, 2011, 08:48:14 am »
Kainis nga yang mga ganyang tanong!   Yung sister in law ko just had a baby, may pagka plastic sya.
Kunwari concern pero hindi din naman ayaw lang nyang masapawan ang anak nya pag nabuntis kami ni hubby.Nag post ako ng madaming smileys sa fb as my status- tanong agad sya kung ibig sabihin ba nun eh buntis na ko! Imbyerna.   Sabi ko na lang - Hindi pa baka "Someday"

Share ko lang I'm reading this book - "Hannah's Hope"  Very comforting, I recommend reading specially to those going through INFERTILITY.

mei-mei

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #172 on: July 02, 2011, 03:47:28 pm »
been married for almost 6 years and no kids.  even before we got married, alam na namin ni husband na ayaw muna ng baby.  plan namin in 2-3 yrs to give us time to adjust to married life.  kaso nung nag 2 yrs, 3 yrs kami, we're still nowhere near wanting the responsibility of a baby.  kaya sabi namin in 4-5 yrs.  ngayon, ayaw na namin mag sabi ng no. of years.  we just don't feel that we are responsible enough to take on the huge responsibility of being parents. nung bago pa lang kami mag asawa, kairita mga taong usisera.  they can't understand na we are not ready to be parents.  sabi, para ano pa daw at nagpakasal kami, kung ayaw namin ng anak.  Ganun ba yun?  yun ba reason why people get married?  kaya siguro yung mga couples naman na hindi talaga magka-anak naghihiwalay.....

this is true for us, too.  we're married for 3 yrs na and we don't feel that we are able to raise a child pa so we don't plan to have one yet.  dati, sagot namin sa mga tao, "pag nakaipon na" which is an honest answer.  pero ngayon, nakakainis na, meron na nagsasabi "baka naman sobrang yaman nyo na, isipin nyo na mas kelangan magkaanak" or yung mas nakakainis "sis, you have to think of your biological clock. it's ticking."  yung point is, kung di pa kami ready, para lang habulin ang biological clock, mag-aanak na kami??? kahit na sa savings namin di pa kasya to ensure na maginhawa buhay ng magiging anak namin?  ayaw naman kasi namin na may anak ka na tapos mag-aaway lang kayo pag kapos pera pang tuition, etc.   saka in 1 year, tingin nila, enough na yun para mag-ipon sa anak?  eh practical kaming mag-asawa, ayaw namin ng pinoy thinking na 'bahala na'.  ang pinag-iipunan namin hindi lang delivery cost kundi inuuna namin magkabahay muna kami para pag nagkaanak kami, sure na may bahay kami na sarili at di magtapon pera sa kakarenta. feeling namin, pre-requisite yung bahay kung gusto namin mag-expand ng family namin.  iba-ibang pananaw mga tao, iba't ibang personalities.  hindi lahat ng couples gusto agad magkaanak.  nag-uusap kami ng hubby ko and masaya kami sa state namin ngayon.  nag-eenjoy kami na married pero parang single pa kami na mag-bf lang dahil wala kaming other responsibilities like having a child.  we can still do a lot of things we want like even travel to places as when and how long we want to.  masyado pa namin ineenjoy yung ganitong buhay kasi pareho kami na before kinasal, walang ibang buhay kundi laging kasama or sunod-sunuran sa mga parents namin noon.  ngayon namin nagagawa mga gusto namin and we know once we have kids, we can't do these things na.  kaya nakakainis pag madaming pakialamera na yung mga tanong pa ay would make you feel bad about yourself or make you worry about your health.
« Last Edit: July 02, 2011, 03:56:31 pm by mei-mei »

mumsy

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #173 on: July 03, 2011, 01:11:59 pm »
-

mommamymy!

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #174 on: July 04, 2011, 05:37:39 pm »
Actually, ang dreaded question naman for us eh "oh, kelan kayo magpapakasal?" Dito madalas mabad trip si hubby kasi oo nga, 6 years na kami mag-bf/gf pero kailangan talaga magmadali? Syempre, we need to save up pa for the wedding, house, car, etc. Tapos, right after ng wedding, eto naman.

It's not really an issue sa amin dalawa about sa pagkakaroon ng baby dahil priority namin talaga ang magka-baby. Kahit noong engaged pa lang kami, iyan ang madalas namin pag-usapan. I think kasi medyo may edad na si hubby. At 32, matanda na siya nag-asawa if i-cocompare sa iba niyang kapatid. Pero of course, hindi iyon ang reason namin why gustong-gusto na namin magkababy.

For me kasi, iyong feeling na I can finally take care of another human being bukod sa sarili ko, malaking achievement na iyon. Now, I'm expecting a baby boy. :)

Bigger responsibility na ito, I know. Pero, sa pagkaka-analyze ko sa sarili ko at kahit kay hubby, we're both ready to take on the challenge. Sabi nila, mahirap. Oo, andoon na ako. Pero, marami na kami napagdaanan and so far, okay pa naman kami.

Excited na kami pareho to see our baby boy. Malapit na rin due date ko kaya eto, very big na tummy ko and anytime, I could go into labor na.  :)
« Last Edit: July 04, 2011, 05:45:44 pm by mommamymy! »

Ms.Cacao70%

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #175 on: July 05, 2011, 01:47:21 am »
bat ba ang daming pakialamero/pakialamera, itrimitido/itirmitida, usisero/usisera, husgero/husgera (mahilig humusga..a ha ha ha) ay naku kelan pa sila naging guidance counselor natin? bakit humihingi ba tayo ng advice?  ??? kairita talaga. sana merong ma-imbento na kapag hindi mo gusto yung tanong or yung comments bigla kang mabibingi  ;D selective hearing ba! ha ha. 

kaye27

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #176 on: July 05, 2011, 10:55:12 am »
kami naman mag 6 months palang married pero I can feel the pressure na.. Minsan sinasabihan ako ng lola ni hubby na "bat wala kapa anak" then minsan sinabihan din ako nung malaman nya uuwi kami province ni hubby "kaya ka di mabuntis buntis eh puro ka byahe at gala" smile nalang ako.. Lahat ng nagtatanong ngaun smile nalang muna ko pero minsan nakakainis pakinggan..

whitelady17

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #177 on: July 08, 2011, 12:06:52 pm »
mga sis, nakaka relate ako sa mga issues nyo, nope not yet married and no babies yet, but my bestfriend undergone this stress, so much stress to think na nung dec 2010 lang sila kinasal, as of now kasi sa in-law sila nakatira, doon sa guy ayun kinukulit daw sila ni MIL kung may laman na ba daw? Pati ang beauty ko na stress, nadagdagan pa noong ka batch namin this april lang nagpakasal at buntis na agad ang misis, kahit sa chat lang ramdam ko umuuiyak puso nya eh, kaya sabi ko, dapat mag enjoy sila doon sa deed kasi kung pati sila parehong stress out lalong hindi makaka buo, which talagang na feel ko na pareho na silang stress because of the culture, nagbibiruan na lang kami eh, na gawin naming thesis paper ang baby making lol. tinawag naming "project" alam na nya yong tinutukoy ko, para lang hindi masyado mas stress pag nabanggit yung word na "baby" kaya napa re-search ako ng wala sa oras bout fertility etc.

One thing na talagang natutunan ko is, kung plano nyong magka baby, please refrain from taking coffee, kasi may studies na daw na nagsasabi na nakaka baba ng fertility rate. Ayon na share ko sa kanya yung link, then nagulat lang siya tapos huminto na sa pag coffee.

Kahit ako na gusto kong malaman yung development, eh once in a blue moon ko lang babangitin, sinasabi ko lang na " girl kamusta ang project?" Pag negative ang sagot mag kukuwento na ako ng ibang topic. tapos sobrang tagal ko na ulit uungatin sa kanila.

Good news is that successful na rin sa wakas ang "project".

Sa Culture ng Pinas

pag kinasal ng buntis==> maagang lumandi

pagkinasal na dapat baby agad, otherwise baog na agad ang isa sa inyo.

**plano namin magpakasal next year, natatakot ako sa ganito pero kayang kaya ko naman siguro sila lahat sagutin, palaban naman ako lol

Sorry sa mahabang comment / explanation
« Last Edit: July 11, 2011, 01:24:29 pm by whitelady17 »

mommamymy!

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #178 on: July 08, 2011, 11:03:31 pm »
kami naman mag 6 months palang married pero I can feel the pressure na.. Minsan sinasabihan ako ng lola ni hubby na "bat wala kapa anak" then minsan sinabihan din ako nung malaman nya uuwi kami province ni hubby "kaya ka di mabuntis buntis eh puro ka byahe at gala" smile nalang ako.. Lahat ng nagtatanong ngaun smile nalang muna ko pero minsan nakakainis pakinggan..

naku, ganyan talaga ang mga matatanda sis. minsan. akala kasi nila, sila lagi tama. ay ewan! iyan ang isa sa ayaw kong culture dito sa pinas. kailangan laging may say ang mga matatanda. i mean, no offense, pero ngayong buntis ako, andami rin nila pasabi na bawal mag-take ng bath, bawal gumalaw, bawal lahat! ang hirap lumugar lalo na if nakikisama ikaw.  :(

hayaan mo sis, in God's time, magkakaroon na rin kayo ng baby and after niyan, i swear, MAS marami ka pang maririnig, haha. konting tiis lang, tama 'yang strategy mo na smile lang. that's what i do din just so hindi ako mag-talk back. :)

zanabee

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #179 on: July 10, 2011, 02:23:17 pm »
been married na rin for 4 years at ganyan na ganyan din ang experience namin ni hubby, hindi na ko ang-aatend ng mga birthday parties, reunion and binyagan kc nagsawa nako sa tanong na "wala p b?" tapos pag sinabi mong wala pa, they will keep on irritating us, un bang magsasabi sabi ng magpa chck up na kyo, bk baog ang isa s inyo, why not encouraging words na lang ang ibigay nila sa amin?

ang dami nag comment nyan nung nabuntis kagad sister ko after 1 month ng kasal nila, ang kadid ko na lang sa mga nagtatanong: i thank god for that blessing sa sister ko atleast hindi na niya mararamdaman gaano kahirap ang nararamdaman namin ni hubby at the moment, tameme naman sila.....

it's been 4 years and i still cried pag uwi namin sa bahay buti na lang i have supportive mom and hubby.
sana maisip naman ng mga taong yun na we have feelings din naman and God didn't take the right to be happy eventhough wala pa tayo baby....let's just enjoy each day na wala tayong nasasaktang iba.. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close