Author Topic: Baby na o wag muna??  (Read 80815 times)

runaway_bridesmaid

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #60 on: April 08, 2010, 06:55:23 pm »
recently lang din nasabihan na naman ako ng ganito "masaya pa rin ang may anak"

sabi ko "anong magagawa ko kung defective ang matris ko? bakit mo ba pipilitin lumakad ang pilay"!

hay! mga booosssetttt! sila! samantalang yung nagsabi sakin nun eh hirap ng buhay nila halos gatas ng bata yung mumurahin pa, ang payat payat pa ng baby nya parang di nabibigyan ng tamang nutrisyon, masaya ba yun? di sa ayaw ko mag ka anak, eh sa di pa sa amin  binibigay, ano gagawin ko?

sue323

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #61 on: April 08, 2010, 07:12:28 pm »
^lol! Natawa ako sa 'booosssetttt' Anyhow, I feel sorry for those kids who do not have much choice other than living with parents who aren't mentally and financially prepared for such a huge responsibility. Ano na lang ang magiging future ng bata kung ultimo pagkain kapos sila? At anong masarap kung nakikita mong di mo kayang i provide ultimo basic needs ng bata?

iristacey

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #62 on: April 12, 2010, 11:23:30 am »
^ i agree! :) kaya nga din hindi kame nagmamadali kasi sa tingin namin ng hubby ko, parenting is a huge responsibility. naiinis nga ako sa mga anak ng anak, hindi naman pinaghahandaan ang future ng mga anak nila.

a_y_e_n

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #63 on: April 12, 2010, 02:02:10 pm »
^same here. pag nagkaanak, di mo naman pwedeng sabihan na " anak wag ka na muna uminom ng gatas ha, tubig nalang inumin mo" :) syempre tuloy tuloy na yan, pagkatapos ng gatas, start na sa schooling, another gastos! hehe. as mabuti na yung handa.

nasabihan na naman nga din ako ng mga ka-office ko na magbuntis na ko para meron ako masasama sa mga company family day namin. :D

iristacey

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #64 on: April 12, 2010, 03:33:59 pm »
^correct ka dyan sis :)
saka hello, yung mga bata, hindi naman nila kasalanan na mabuo sila and yet, parang sa kanila pa yung burden para magstruggle magsurvive and mag-aral. :(

hisana

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #65 on: April 12, 2010, 03:47:28 pm »
Sana talaga huwag magpapressure into having kids. Mula pagkabata until well in our teens, wala na sinabi yung mom namin kundi nagsisisi sya why she had children agad kasi madami pa raw sya gusto gawin sa buhay nya when she was in her 20s, kaya lang she had to spend a lot of time taking care of us. She always made her resentment felt, kaya tuloy hindi kami masyado close sa kanya, sad to say.

La Vida Dulce

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #66 on: April 17, 2010, 08:29:52 am »
Glad to know there are many of you who are in the same plight!

I've been married to my husband for four years now and we are not planning to have a baby for another 5-6 years. I am 25, he's 24. We have many reasons for this. When we got married I was still in university and now I have taken on a second degree, I'm currently studying law, which I won't finish for another three years. I want to be admitted to practice first and at least be a second year lawyer before we have kids. Also, we don't live in the Philippines where we can just easily get hired help. We also have big plans of travelling the world together in the next 4 years.  It would be really difficult to achieve these plans if we had children.

And we'd like to be really stable financially before having kids. We want to be able to provide everything our children need.

Pero my predicament is relatively mild compared to what you girls are going through, and I feel for you. I'm glad I don't live in the Philippines where there are way too many gossip-mongers.

Can I also add that people who pressure and bug us to have kids are Filipino acquaintances and friends who got pregnant out of wedlock. Inggit siguro that hubby and I are responsible enough to know when it's time for a baby and to prepare for it, and that we still get to enjoy things that they can't kasi they're tied to their children.
« Last Edit: April 17, 2010, 08:35:53 am by La Vida Dulce »

ginangw

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #67 on: April 20, 2010, 01:13:05 am »
can i just say that  i was feeling ok na sana.. after a few weeks......
until  i came across the very same insensitive woman...who got me crying all over again tonight....!i was at at my folk's house when i saw her and dammit she got to the point of holding my belly and proudly...and to my face said to me.."ano wala pa? naku yung anak ko manganganak na,ikaw wala ka pa rin?!!!! OMG!!!!!!!!!!!!!!!!!talagang i felt my blood go rushing up to my head.....!!!!!!!!!!!!ay naku....i just held back really!!!oh, but  all the things i wanted to do to her that very moment!!!!!
help me...Lord...talagang forgive her na lang for she doesn't know her Big Mouth is breaking my heart and my soul!!i am but human, noh!!!!!

God knows how we desire to have a child to call our own...but then again only He knows what His plans are for us....!!i try to be comforted in the thought that God has and will always be good and true to His Words.... I have experienced that first-hand when he blessed me with my hubby....I just pray that in the meantime..... we, me and hubby will remain strong and courageous in our waiting as we await Him to unravel His plans for us!!!

bluemargarita

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #68 on: April 20, 2010, 07:57:35 pm »
^naku sis. deadma na lang sa mga ganyan. as i've said before, karamihan ng nagco-comment ng ganyan eh yung mga taong walang significance sa buhay natin. our family and friends know what we are going through kaya we don't hear those comments from them. mahilig lang talaga mag make ng insensitive remarks na ganyan yung mga random people around us.. so hayaan na lang sila.. pero sis talaga nakakainis yan. ako nga pati yung doctor sa LTO nung driver's license renewal ko nag-comment rin ng ganyan sa akin..as in ..duh?! sino ka baahhhh???
nakakainis na nakakatawa  ;)

pacific girl

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #69 on: April 21, 2010, 01:10:21 pm »
i think nagpost ako nung medyo bago p lang ang thread n 'to, saying n deadma lang ako kasi bago p lang naman kaming kasal ng husband k, pero binabawi k na ngayon yun... people are starting to get on my nerves!!!!! hindi k talaga alam n requirement magbuntis right after ng wedding... saka lagi pa nilang sinasabi n baka daw s kakaantay namin eh hindi n daw kami bigyan ng baby pag ngdecide kaming magtry  :(

artegirl

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #70 on: April 22, 2010, 09:17:30 pm »
^sis, pag sinasabihan ako ng ganyan, ang sagot ko "ok lang sa min hindi magkaanak.  what we don't want is magkaanak ng hindi kami ready"

or kung feeling superior talaga yung taong nang pepeste sa yo, ask him/her bakit sa tingin nya kailangan nyo magka anak.  pag sinabi na para may kasama ka/mag alaga sa pagtanda; reply that it's a very selfish reason.  pagsinabing para ma-strengthen ang bond nyong mag asawa, say again that it's a very selfish reason.  pagsinabing para sa fulfilment as a woman, ask if paano yung mga mag asawa na hindi magkaanak due to medical reason, ibig sabihin ba nun tinanggalan sila ni Lord ng right to be fulfilled?  debate mo.  for sure mahirapan silang i-defend yung side nila =D

sue323

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #71 on: April 23, 2010, 01:03:07 am »
saka lagi pa nilang sinasabi n baka daw s kakaantay namin eh hindi n daw kami bigyan ng baby pag ngdecide kaming magtry  :(

Wag nga silang makialam, at wag nila pangunahan ang tadhana ng ibang tao.

pacific girl

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #72 on: April 23, 2010, 07:19:32 am »
tinanong k nga asawa ko if napilitan lang ba siya na mag go along s sinabi k n we should wait... kasi ako ang medyo freak out pag naiisip kong hindi namin mapprovide ang mga kailangan ng mga magiging anak namin, buti n lang he's very supportive. he told me na KAMI ang magddecide ng tungkol s mga ganyang bagay.. saka sabi p nya ang pamilya pinagpplanuhan ng maigi.. naiyak pa ako nung sinabi nya n if hindi kami magkababy then its not for us, saka we can always adopt naman diba  ;D
« Last Edit: April 23, 2010, 07:25:14 am by pacific girl »

milkchocolate

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #73 on: April 25, 2010, 07:31:14 am »
im married for almost 4 years na. dati, di ako napepressure pag may mga insensitive comments mga amiga ng parents ko at iba kong mga kamag anak tungkol sa di ko pagbubuntis. pakialam ba nila!!!!

pero now, its already getting into my nerves! siguro dahil parang gusto ko na din magkababy na. at ngayong ready na ako, nahihirapan naman ako magbuntis. haay life... i will just leave it all up to God...

martiella

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #74 on: April 25, 2010, 08:23:19 pm »
hi mga sis, ako din nakakarelate din sa nyo kya nung nabasa ko ang thread na to, lalo lumakas loob ko. nakakainis talaga ang mga tao pi ne pressure ka na mag buntis.5 mons pa lang kaming kasal ni hubby. 3mons pa lang kami umalis na sya for work abroad, eh hindi kami nakabuo ayun, ang dami tanong sa kin ng mga tao bakit wala man lang daw iniwan sa kin baby, or ang hina daw namin. alam nyo everytime na nakakarinig ako ng mga ganyan questions sa kin hindi ko talaga mapigilan mapaiyak. sympre hindi ko naman pinapakita sa kanila na umiiyak ako. sabihan nang sensitive ako pero yun talaga ang nararamdaman ko eh. hindo ko na lang pinapancin hindi ko din kase kaya mag taray eh. big deal pala talaga na pag nag asawa ka na kailangan my baby na din. hayz

blue19

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #75 on: April 26, 2010, 03:24:25 pm »
been in this situation. tita ko pa ng-comment .. -ano wala pa? sinasabi ko sa inyo ang hirap ng walang anak- nakuu.. di ko napigil sarili ko. nasagot ko siya -sino bang ayaw- hay.. PCOS kasi ako, so may difficulty talaga sa pagbubuntis. months pa lang naman kame married nun ni hubby pero ganun na sila mang-pressure. hindi man lang inaalam kung ano nga bang meron. dumating din kame sa point na wala na halos party ina-attendan kasi pag nakikita kame, no 1 sa list of comments or question yun. now i got 2 kids at on the way pa sa 3rd. wala na din masabi tita ko.
si hubby, meron mga friends na wala pa baby. yung iba nahihirapan, at meron din by choice. lagi ko lang sya remind never na sya dumagdag sa pressure. alam nya how it feels nung nandun sa situation. iba ibang reasons at cases naman talga.

runaway_bridesmaid

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #76 on: April 26, 2010, 05:21:25 pm »
sa hirap ng buhay minsan napapaisip ako at nagpapasalamat na rin na wala pa kaming baby, kasi di ako sigurado kung mabibigyan ko ba siya ng magandang buhay, ayoko naman danasin niya ang mga hirap na naranasan ko, pero kung dumating man siya, ibibigay ko lahat para lang gumanda ang life niya.

ayokong gumaya sa iba na napaka selfish ng reason nila sa pagkakaroon ng anak, para lang ma-fulfill yung emotional need nila bilang tao, pero yung baby mismo di nila mapalaki ng maayos


iristacey

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #77 on: April 26, 2010, 09:10:51 pm »
^super agree ako dyan sis.. sometimes, i just wonder, yung mga walang pakialam, sila pa ang blessed with children even to the point na yung bata ang nagsusuffer. may mga iba dyan, capable of having a child pero sila pa nahihirapan. irony of life talaga..

OT na lang din kasi nadadala na ako ng emotions ko. i also don't like the attitude of some parents who always use the line "ang anak ko na lang pag-asa ko", tapos ang dame palang anak. parang instantly may burden na yung bata to carry on to his/her future. eh kung nung una palang nagcontrol na sila sa dami ng magiging anak, eh di sana at least their children might have been given the chance to finish their schooling and be competitive in the future. parenthood is a responsibility.

ebbah

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #78 on: April 27, 2010, 10:42:53 am »
married na rin ako mag3years na but still wala pa ring baby..kelan ba? gusto ko nga pagkahoneymoon meron na pero hindi pala ganun kadali magkababy. we've done 2 workups with different OB, now stop na muna we are enjoying life to the fullest,,we do travel til june 2010 baka sakaling everytime na nagrrelax eh makabuo..nakakainis lang na sa office super pressure even sa haws kasi naunahan pa kami nung bunsong kapatid na girl ni hubby..hay! nabuntis pa yun..tama irony of life kung sino yung gustong gusto yun di binibigyan pero yung ayaw ayun tinatapon na lang bsta bsta mga bata sa kalye..keep on praying mga sisses bbigyan din tayo in GODs time!  :) bsta masaya tayo..ok na ok.  ;) 

lovemeagain30

  • Guest
Re: Baby na o wag muna??
« Reply #79 on: April 29, 2010, 04:10:32 am »
my bestfriend wasnt able to conceive after her wedding. siguro mga after one year pa.by choice daw nila un.  their mom asked her what's wrong and they should plan to have a child para daw may direction ang marriage nila . which i think tama naman ang mom niya. her life was happier than being childless at all. this is according to her.

kung alanganin pang magka baby kasi nga baka naiisip na di kayang buhayin, pag andun ka na.. pag andiyan na ang bata.. para sakin, kaya naman eh.. not necessarily kailangan mag ipon ng bonggang bongga. minsan kasi kung kelan may pera ka na, minsan dun pa nahihirapan lalo magka baby.

now kung di talga binigay ni God ang baby siguro may dahilan para dun.. nakakalungkot talga sa una pero eventually natatanggap naman.

yung mga echuserang mahilig magtanong kung may baby ka na, naku talgang may ganun. hindi rin naiiwasan. kahit mismong pamilya at kaibigan, kahit close pa kayo niyan, itatanong din nila ang same question na itinatanong ng iba. para kasing gf-bf yan eh, lahat interesado kung kelan magpapakasal. tapos pag kasal na, lahat interesado kung kelan magkakaanak. parang naging cycle of event na yan sa buhay ng tao. ngitian nalang siguro pag ganun. mas kilala niyo naman ang sarili niyo kumpara sakanila.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close