marami talagang tao sa chinatown, kahit san na chinatown sis...i remember, nung pumunta kami ng malaysia, naka-stay kami sa chinatown mismo...paglabas ng hotel, andyan na yung mga tindahan, at maraming mga taong kakaloka...i mean, yung tipong madaling araw pa lang, andiyan na yung mga transvestites, selling their "wares", tapos pag gabi naman, maingay kasi, ang daming nagtitinda...and ofcourse, masikip ang kalye...tapos naalala ko, may isang part sa hotel namin na may templo, i mean, muslim mosque kaya maraming tao...
although, hinde ganun ka-exciting ang malaysian trip namin nun, worth it naman to see KL...sa umpisa medyo parang matatakot ka nga din...may isang time nga, na lumabas akong mag-isa to buy something, full alert lang ang beauty ko nun, kasi, syempre, mahirap na...when we were in hk naman before, may sumunod din sa amin nun, kasi nagkamali kami ng street na napasukan, and na-realized ko agad na mali, and then i saw a guy, following us, pero binulungan ko lang yung sister ko then sabi ko pasok tayo sa mcdonalds, tapos pag-alis namin, wala na yung guy...basta be aware lang, kahit saan ka man pumunta...:-)