Author Topic: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?  (Read 160767 times)

britzm

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #480 on: August 20, 2016, 12:31:02 pm »
keber sa mga in laws/relatives na paki alamera! haha! family is about you, your husband and your children. although relatives could throw comments here and there, at hindi naman tayo manhid para hindi masaktan, wag niyo papakita na nasasaktan kayo. kill them with kindness diba nga  ;D

Shadow Angel

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #481 on: August 20, 2016, 06:58:07 pm »
^^tama ka dyan may friend ko ganyan nagreto ayun pinerahan lang foreigner sya tuloy napahiya. Minsan dahil pinay ako hindi maiwasan comments ng ibang lahi. Hindi magaganda comments. Lalo na may mga experience sa pinay. Karamihan reklamo kapag kasal ka sa pinay kasal ka sa buong pamilya. Kapag kasal ka raw sa pinay maraming parasite na relatives. Everytime kausap mo laging pera. Pinaka malala pa ang sama ng tingin nila sa pinay na matanda ang asawa. Sino nga naman hindi mapapaisip sa 50years old asawa 20's lang. Lalo na meron dito 75yrs old ang asawa.

Anyway back to topic, so far wala pa ako bad experience sa mga relatives ni hubby. Nakabukod kasi kami and medyo malayo sila sa amin. Minsan lang kapag may problema si hubby sa family doon lang din ako minsan affected.

babykat

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #482 on: August 22, 2016, 03:03:40 pm »
Ok naman ang mga in-laws ko.  Supportive and kasundo ko, although minsan di maiwasan ang may differences.  Very slight differences lang naman and mas marami pa din yung pagiging ok nila sa akin.

Parents in law ko, di mayaman, pero hindi sila yung tipong mahilig humingi.  Kung may gastusin,  aantayin magvolunteer ka pero never nagoobliga.  Minsan pa nga, kami nakakautang sa kanila pag gipit na.

MIL ko, super bait.  Although normal na ata na minsan, may konting pagmeddle pero hanggang suggestions lang, never nangialam talaga.  Siguro ang minsan ayaw ko lang is yung inispoil nya mga anak nya.  Pagod na pagod sya maggawa ng gawaing bahay at di mautusan yung ibang mga BIL at SIL ko.  Pati mga apo nya, sya pa nagaalaga.  I always have to remind her na magpahinga kasi baka magkasakit naman sya. Kaso sobrang bait kasi sa mga anak.  Nasanay tuloy mga kids nya na may ibang gumagawa for them (hubby included).

Siguro lang pinaka nakakaoff lang yung isang SIL na may pagkamagulang, pati sa food.




AileenBarrera02

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #483 on: January 23, 2018, 01:08:18 am »
Bago ang lahat throw back muna ako I met my live in partner wala sya work nalugi kasi business nila na pinundar nya....di nko nagtaka na nalugi kasi lahat ng family nya nakaasa [textspeak!] doon sa business for more or less 6 years. Napaayos nya bahay nila nabuhay nya buong family nya at nakakabili sya ng mga gamit sa bahay nila. Ako maman isang single parent and from the start naging honest ako tungkol doon and he accepted it natutuwa din sya sa baby ko and soon daw isang pamilya na kami. Tinulungan ko sya masimula muli binibigyan ko money pang apply pag nagdidate kmi, ako lahat gumagastos sa date nmin coz [textspeak!] nga sya work. Binilhan ko din sya needs like shoes,bag, clothes kasi para desente naman sya haharap sa interviewer nya and i even bought him cellphone kasi need nya [textspeak!] din yun sa pagaapply nya. Hanggang nakapagwork na sya sa call center. Ako naman that time nawalan ng work and infairness to him di nya kmi pinabayaang mag ina bawat sweldo nya nagpapadala sya at that time nagbibigay din sya sa family nya dahil dun sya nakatira. Long distance relationship kami and I can say its a smooth sailing relationship hanggang nagdecide kmi na magsama na pero may plano naman [textspeak!] kami magpakasal at magiipon muna kmi. Pinatira kmi ng libre ng sis ko sa isang townhouse nya. Since lumipat kmi at nagsama non- stop padala nya sa family nya bawat sweldo nya may nakalaan [textspeak!] sya na budget for them. Hirap ako magbudget lalo pat kumuha pa sya ng hulugan na appliances. Pag kinakapos kami sa family ko ako tumatakbo buti na [textspeak!] matulungin mga sis ko palibhasa youngest ako at maykaya sila sa buhay dahil nagaabroad sila pero di ko inabuso un pag may pera nko i pay them.
Ang SIL ang problema sa pagsasama nmin ng hubby ko. Si SIL ay may 2 kids and yung hubby nya walang stable job at nakatira sila lahat sa house ng parents ni hubby. May time na before papadala si hubby sa MIL ko magtitxt agad si SIL na dagdagan naman ni hubby yng padala kasi di sya makakapagbigay ng share nya sa kanila. Then minsan manghihiram ng pera....sa totoo [textspeak!] di naman kalakihan ang salary ng hubby ko. For almost 1 year i kept my silence sige [textspeak!] pasensya [textspeak!].....then nagresign si hubby ko kasi gusto nya apply ng work near our place....natagalan sya makapagapply at kahit tambay na magtitxt pa dn si SIL at wala daw sila panggastos kapos na kapos daw padala naman daw si hubby sa kanila so padala naman si hubby kahit personal money ko ma yun. That time nabenta yung house namin nakatanggap ako ng share na 100k binili ko  ng 2 sewing machines at konting materials sa divisoria dahil gusto ko may business kahit dito
[textspeak!] ako sa haws makakapanahi ako at makakaproduce ng pwede ibenta online. That time din ibinilin saken ng sis ko yng anak nya kasi abroad sya ako daw bantay ng anak nya papadala sya for her daughter at syempre may pasobra sa padala para na din sa pagaalaga ko sa anak nya. Yung money ko dahil wala work si hubby naubos [textspeak!] dn yun sa gastusin sa bahay then nakakapangutang na din ako sa sis ko non. Hanggang sa makapagwork na si hubby nagstart na naman regular na padala nya for his family. Nalaman ng SIL na may machines na ako dito sa haws aba interested din sya sabi kay hubby bili daw sya 1 highspeed sewing machine then yung 1 pang high speed sewing machine hati daw sila sa bayarin. Tapos nagtxt din na nakahanap na daw sya ng pag eenrollan na school tuturuan daw sya manahi... Di ko na matiiis I confronted hubby sabi ko bat naman ganon ang sis mo panay demand sayo ng kung ano ano eh kakastart mo [textspeak!] sa work nong [textspeak!] ka work di nmaan tayo nang istorbo sa kanila. Sagot ni hubby yung tito daw nila sa abroad ang nangako ng business for his family so sabi ko eh bat sayo sya hingi ng hingi di pa ba sya kuntento sa padala mo monthly sa kanila? Need pa [textspeak!] pati mga pangarap nya ikaw pa ang hingan nya? Di ko natiiis nagmessage ako sa messenger nya sabi ko kung ano man ang mga plano mo sana gawan mo na [textspeak!] ng paraan kasi madami din kami problema alam mong ang tagal nakahanap ng work kapatid mo kaya malaki din utang ko sa sis kp para makasurvive kami kaya please [textspeak!] hayaan mo muna kamo makaraos. Kung ano ano na pinagsasabi ni SIL na baka daw kinokontra ko yng pagapapadala ng hubby ko sa mother nila aba gusto pa yata nya pag awayin kmi ng MIL ko then alam naman daw nya ayaw ko sa family nila di naman daw nya pinipilit si hubby na bigyan sya suggestion [textspeak!] naman daw yun at nagbabakasakali din naman sya akala daw nya ok [textspeak!] ang maging open sa bro nya kasi ganon daw [textspeak!] samahan nila.....hayyy kakastress sya sa totoo [textspeak!]. hikahos na sa buhay si  SIL dahil di stable work ng hubby nya  pero me gana pa yan magpaparty sa bahay nila pag binyag o bday ng anak nya pabongga pa then after non nganga na naman sila sa magulang nila.Sana lang this time na pinrangka ko na sya tantanan na nya kami kasi nakakastress na [textspeak!] sya. Buti sana kung umaapaw din bulsa namin eh hindi eh may malaking utang pa ako sa sis ko.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #484 on: January 23, 2018, 02:59:00 am »
^Sis curious lang ako kung anong naging reaction ni hubby after you confronted him. Nagising ba siya sa katotohanan na aside from his parents nakasandal din si SIL and her family sa inyo? Ano din reaction niya after you confronted his sister? Pero kung ako tatanungin sis, buy ko sila ng isang Highspeed sewing machine, after that bahala na sila. Last help na talaga yun kasi if you will not give them a chance to earn on their own patuloy lang sila na sasandal sa inyo at hihilahin kayo pababa. Yung hiram mo sa sis mo mauunti-unti mo din mabayaran yun for sure. Hingi ka muna ng dispensa at konting pang-unawa sa sister mo.

AileenBarrera02

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #485 on: January 23, 2018, 06:47:14 am »
Si hubby pag napupunta sa bahay nila siguro nakukwento nya yung nangyayari sa amin like yng pagbili ko ng sewing machines at plano ko magbusiness kaya siguro gusto din gayahin ni SIL parang feeling ko inggit sya eh knowing her dami na nya sinubukang business nag online business na sya, nagtinda ng kung ano anong products then nagluto na din ng kung ano anong paninda pero ang ending failed lang din kasi imbes mapalago eh nagagalaw din nya ang puhunan kasi mas madalas walang work ang hubby nya at may dalawa pa silang anak na binubuhay actually halos nakasandal talaga silang pamilya sa parents nila. Ang point ko lang kasi kung di nga sya naging successful sa hilig nyang business which is pagluluto how much more yung pananahi? Gusto pa nya agad na magkaroon agad ng 2 machines eh ni hindi nga marunong manahi. Gusto nya mag aral pero gusto nya i-shoulder ng hubby ko ang tuition fee kasi may bayad daw plus bilhan daw sya ng machine. Ang pananahi di basta basta natututunan yan it takes time isa pa dapat hilig nya yung papasukin nyang negosyo kasi baka bitawan lang din nya pag ayaw na nya eh malaki pa naman ang puhunan sa mga high speed sewing machines. Ako naman kasi may background na sa pananahi teenager pa lang ako marunong na ako i help my mom kasi yun ang business namin nagsusupply kami ng mga childrens dresses sa maliit na mall malapit dito sa amin noon.  Nong kinausap ko si hubby tahimik lang din sya at nakikinig kasi pinapaliwanag ko sa kanya na di ko nga kinokontra ang pagpapadala nya monthly sa family nya inuunawa ko na lang pero labas na sana yung si SIL. Sabi ko pa dapat focus na din sya sa future namin kasi di na kami bumabata wala pa kami naipupundar sa sarili namin heto nga nakikitira lang kami sa bahay ng sis ko. Hindi ako madamot na tao pero sana hayaan muna nila kami makabuwelo  kasi 2 months ago lang nakastart ng work si hubby at may pagkakautang pa ako sa sis ko. Sabi ni hubby Tito daw nila mamumuhunan ng planong negosyo ni SIL pero ngayon si hubby na ang hinihingan nya siguro mawalan na din ng gana magbigay pa yung tito nila kasi nga lahat ng pinasok nyang business failed lang din naman.  Maliliit pa din mga anak nya may baby sya kaya parang doubt ako kung matututukan nya ang pananahi. Naexplain ko din kay SIL na di ako dependent sa kapatid nya dahil may income ako tulungan kami sa gastusin sa bahay nakakatanggap ako sa sis ko monthly sa pagaalaga sa anak nya  at may income din ako kahit papano sa paggawa ko ng hair accessories na sinusupply ko sa sis ko na may online store. Ayoko isipin nya na nakasandal ako at anak ko kay kay hubby ako pa din ang nagpoprovide sa needs ng anak ko. Family ko tumutulong sa amin pero family ni hubby lagi na lang pera ang issue. Ang unfair lang kasi sobrang budget kami dito sa bahay tipid tipid talaga para lang makapagpadala si hubby sa kanila monthly pero mabalitaan ko na lang nagpaparty na naman si SIL pag may okasyon sa kanyang family hindi sakto sa income ng hubby nya ang lifestyle nya... ako nga di ako nagpapapaparty kasi alam ko di [textspeak!] pasok sa budget ko. May ugali din si hubby na di nya matiis ang family nya kaya kahit bigyan pa ng business yang si SIL pag humirit at nanghingi na naman yan ng tulong magbibigay pa din si hubby. 

mysterioza_me

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #486 on: January 25, 2018, 03:03:51 pm »
^Saktong-sakto ang issue ninyo sa topic sa Peso Sense.

https://www.facebook.com/pesosenseph/posts/877720749079343

Anyway, sabi mo hindi sila matiis ni hubby sa ganyang sitwasyon palagay ko wala ka ng magagawa kundi pagtiisan sila or else maapektuhan ang pagsasama ninyo ni hubby at magkagulo kayo. Hindi din malayo na mag-aabot-abot pa din si hubby ng financial assistance ng hindi mo nalalaman. Na kay hubby mo na ang problema since enabler siya.

thebratinella

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #487 on: January 25, 2018, 03:55:15 pm »
Galit ako sa father-in-law ko after what happened a few months ago. We used my mother-in-law's crv tapos iniwan namin kotse namin sa house nila para umuwi sa province ni mother-in-law somewhere sa North. Sinabi namin na gagabihin na kami umuwi on a Sunday para masulit yung punta dun. Sinagot ko pa call niya to say na paalis na kami sa ancestral home nila husband. Si father-in-law atat yata na ibalik namin yung crv. Pagdating namin at past 10pm nagwala sa bahay nila. Bumaba husband ko to unload some stuff and ipasok sa house nila and tatay niya pumasok sa crv para ayusin ng parking. Todo dabog siya and sumbat sa akin. Sinermonan ako just because hindi ko nasagot ibang calls niya kasi karga ko yung dog namin and daming bitbit plus nakausap ko naman na siya. Binababoy na daw siya etc. Muntikan na kami bumangga sa 2 neighbors nila walking sa labas ng bahay nila at dun sa car ng 1 neighbor kasi biglang brake si father-in-law. Sinigawan pa niya yung 2 neighbors na huwag daw humarang or else babarilin niya. Yung daughter ko nanginig sa takot. Pagbaba namin sa crv, he went inside the house at doon nakipagsigawan kay husband and kay sister-in-law na nagalit kasi OA siya. He threatened na papatayin daw niya husband ko so my husband called 911. Binawi na lang yung call kasi nagmakaawa si father-in-law kasi ayaw daw makulong. Yung daughter namin takot na takot, umiyak sabi uwi na daw kami. Yung neighbors nila nakasilip sa mga windows and doors nila pasimple na chumismis. Nakakahiya. I've never experienced that sa family ko. Uminit pa ulo ko dahil sa fear that my daughter felt at that time. Sinigawan ko si father-in-law sa sobrang sama ng loob ko. Anak ko na kasi yung naendanger niya. Pagsakay namin sa own car namin, sabi ko sa husband ko we will never go back there again. Hindi naman umapela husband ko kasi he understood the situation. It wasn't the first time na ganyan siya sa husband ko. Actually before I met my husband, hindi na siya nakatira sa house nila dahil inaaway siya ni father-in-law. He resents kasi na mas nakikinig sa views ng husband ko yung mother-in-law and sister-in-law ko especially when it comes to vehicles kasi madami siyang alam. I told my husband's mother na hindi na kami magvivisit sa house nila dahil retired na si father-in-law. Lagi lang siya nandun and umiiwas kami sa altercation. When we dropped off my sister-in-law and their relatives after we met up, sa kabilang kalye na lang kami dun sa village nila nagpark para hindi kami makita ng tatay nila. We didn't visit nung holidays and I don't plan on coming back. Pag nakikita ng daughter ko yung village nila on our way to Manila, sinasabi niya nightmare daw. Nagtry yung husband ko makasundo siya kasi matanda na and para makasama niya yung only apo niya pero with his behavior, huwag na lang. Traumatized yung anak ko. Ayoko umabot sa point na maging physical pa away nila ng husband ko at kung anong mangyari. Wala akong masabi kay mother-in-law and sister-in-law kasi they try their best na makisama talaga. Dati I had issues pero nagmature na rin ako. Dito lang talaga sa tatay ng husband ko hindi ko kaya tiisin na.   >:( :'(

Btw, idea ni mother-in-law gamitin yung crv niya kasi mas spacious and dami naming dala from the province. si mother-in-law nagpaiwan nun sa province kasi nakaleave siya. Actually, selfish lang si father-in-law kasi hindi naman siya may-ari ng sasakyan and dependent na siya sa wife and daughter niya. Grabe pa rin niya awayin lagi. Sabi ko nga sa husband ko pauwiin na sa province yung nanay niya at baka atakihin sa kunsumisyon sa asawa niyang nakakaloka ang ugali. Hindi lang nila matiis eh kasi saan naman siya pupulutin if iwan siya sa bahay nila. I have nothing against their decision kasi asawa at tatay pa rin nila yun pero ako sabi ko sa husband ko, ayoko na makasama pa ulit.

el presidente

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #488 on: February 01, 2018, 08:20:16 am »
ang yoko sa lahat yung mga utol na pakialamero at insecure. Inis ako sa ate ng wifey ko. btw dalawa silang kinaiinisan ko. Yung panganay na super ingittera at yung isa nyang ate na walang pamilya pero wag ka dami alam sa family issues at kung paano magpalaki ng mga anak. Sarili nga nila d nila maayos pamilya ko pa. Kaya hayun one time sumabog ako at namura ko sila. Its true, You can choose ur friends but not your in laws.

sapphire1212

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #489 on: March 02, 2018, 04:05:34 pm »
I'm living with my in laws si hubby naman nasa abroad for work, yung bahay na tinutuluyan namin si husband ang nagpagawa before marriage namin sabi nya sa parents nya daw yung bahay pero habang wala pa kaming sarili doon muna kami titira sa kanila. Malaki naman yung bahay may sarili kaming kwarto at comfortable ako at si baby.  Maalaga din sila kay baby both Mother and father in law kaya wala akong masabi mabait din sila sakin, ang medyo kinaiinisan ko lang is dependent sila maxado sa asawa ko lahat ng gastos sa bahay sa pagkain sa utilities sa gamot sa palwagan, sa mga luho gadget especially  (bagong cellphone, external drive, speaker na mamahalin,laptop),mga gamit sa bahay refrigerator, aircon, washing machine, pati generator  to sum up cya bumili mga gamit sa bahay well naiintindhinan ko naman un kasi wala silang work sa bahay lang pero bakit extended sa lahat una kina ate ni hubby may sarili na syangpamilya nung nanganak hipag ko alam ko cya ang sumagot doon CS yun tapus nung nakalipat na sila sa hulugan nilang bahay at wala na silang work pa agent agent na lang sa condominium sales; sa asawa ko kinukuha ang monthly dues dahil walang wala na daw lahat yun puro message sa fb lang at di sinasabi sa aking ng asawa ko si husband transfer naman agad siguro almost a year na cya ang ngfifinance, second cya ang napgpapaaral sa bunso nila highschool pa yun so ilang taon pa bago makagraduate ng college buti kung masipag magaral e bulakbol din tapus meron pa yung sa probinsya ni hubby yung tita nya ngsabi ba naman na kukuha sila ng sasakyan at dapat daw hatian sila ni hubby sa bayad kasi ang gagamit daw ng sasakyan lolo at lola din naman daw ni hubby dahil sa mabait ang asawa ko nakihati din cya sa monthly dues na up to now binabayaran nya,tapus may mga pautang din cya sa mga tito at tito nya and i doubt kung babayaran cya, un ang kinaiinisan ko hindi marunong humindi ang asawa ko sa pamilya  nya na  pera lang daw yun at pwede namang kitain masyado cyang mabait, kahit malaki ang kita nya sa abroad wala din mas ako pa ang nakakapagipon kesa sa kanya paano na kami magkakaroon ng sariling bahay e mayat maya may hingi dito doon na kamag anak nya. hays.
« Last Edit: March 02, 2018, 04:16:42 pm by sapphire1212 »

littlekinselle

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #490 on: March 20, 2018, 06:05:24 pm »
^ang bait ng asawa mo sis, halos siya pala ang gumagastos sa buong kamag anak niya. kung ako sayo kausapin mo siya di naman masama mag bigay o  tumulong unless na billionaire si hubby mo.. pero un nag wowork na nga siya sa malayo tapos grabeh pa shoulder niya lahat. talk to him sis sabihin mo di na maganda yun siya nag babayad at bili lahat may pamilya na kayo dapat yun pag handaan un future ng anak niyo at niyo..  baka in the end pag kayo na may kailangan ng tulong wala maibigay yun mga relatives niyo or sila naka angat na pero un hubby mo kayod kalabaw pa din.  kayo din kawawa sa huli.

thebratinella

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #491 on: March 20, 2018, 09:33:21 pm »
^^ ang bait naman ng husband mo sobra, sis. ang misconception kasi ng iba pag nasa abroad madaming pera. yung brother ko nag-apply ng work abroad and natanggap na. processing na lang ng papers. niloloko ng auntie ko na siya daw magpaaral sa cousin ko. senior high kasi tapos gusto magmedicine. humirit ako agad na ang laki ng salary ng uncle ko sa government agency and auntie ko nagwowork sa kilalang hospital. kaya na nila yun.  ;D single kasi brother ko tapos 7 years na sila nung gf niya. alam ko gusto na magsettle down. ayoko magcommit brother ko if ang maaffect naman yung future family niya. ako ngang kapatid mismo ayoko maging burden sa kanila ng brother ko na nagdodoktor. gusto ko maenjoy nila yung buhay nila saka makapagfocus sa own family someday. kausapin mo husband mo. mahirap kasi yung sobrang bait sa relatives and friends. dapat may limitations din. 

Shadow Angel

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #492 on: March 21, 2018, 01:09:05 am »
^I can't stand that kind of life. Kung ako ganyan baka labas lahat ng kamalditahan ko sabihan ng masama ugali. Kesa ako naman ang napwepwerhisyo.

thebratinella

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #493 on: March 21, 2018, 01:13:32 pm »
Better na bumukod na lang pag ganyan na sinisilip mga ginagawa mo or binibili for the family. Nakakastress to be with relatives na kakaiba ugali.

littlekinselle

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #494 on: March 21, 2018, 01:46:43 pm »
^ I agree mas maganda na bumukod kayo.
. kung ako nga papamiliin mas gusto ko nakabukod. 

sapphire1212

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #495 on: March 21, 2018, 03:25:39 pm »
Yun naman talaga balak namin kapag nakapag-ipon na tsaka bubukod gusto kasi namin sariling bahay hindi ngrerent at hanggat maari cash kaso yun nga mukang matatagalan pa ang dream house kasi ang daming gastos. Actually nagkasagutan kami kagabi ni hubby ang sabi nya kasi magiging 2 weeks na lang vacation nya sa susunod na uwi nya suppose to be 3 weeks kasi  yun e since naka extended medical leave cya ngaun halos nagamit nya na lahat ng leave nya kaya shortened na lang daw nya next vacation para daw buo pa din nyang makukuha ang allowance nya sabi ko bakit kelangan mong iksian ang vacation pwede naman I maximize kahit prorated na yung allowance mo total sa iba naman napupunta,
Aba nagalit na sabi nya puro pera na lang daw alam ko, hindi naman daw madadala sa hukay ang pera,
Tsaka mataas na boses nya na sinasabing saan ko ba ginagamit ang pera ko? E dina lang ako umimik kasi hanggat maari ayokong pagaway naming to regarding pera iniiwasan ko talaga ang sabi ko na lang kaya mo talagang ipagpalit yung bakasyon nya para mabuo yung allowance (nyang pinamimigay sa kamag anak nya just in my mind)

Tska mga sis who handles the salary of husband? Pag nandito kasi cya, sya ang may hawak ng ATM nya so every time na may withdrawal hindi ko na yun alam at hindi rin naman ako humihingi sa kanya ng allowance dahil may sarili naman din akong income pag nasa abroad cya binibigay nya sa akin ATM pag may gastos kay baby like milk diaper vaccine etc. dun ko kinukuha kaya alam ko kung may nababawas na malaki kasi hindi ako ang ngwithdraw  maybe fund transfer to his siblings or his father panggastos sa bahay.

However when it comes to my money (income from work)hindi naman nya pinapakialaman alam nya lang may sarili akong savings. Regarding sa mga gusto ko naman like travel, shopping, date, jewelry cya lahat may sagot.
« Last Edit: March 21, 2018, 03:29:30 pm by sapphire1212 »

kaythrielle

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #496 on: March 21, 2018, 07:59:57 pm »
ang mahirap pa nyan, pag kakausapin nya asawa nya para itigil pagsustento or pagtulong sa kamag-anak, sya pa ang lalabas na masama sa inlaws nya.


avitot

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #497 on: May 02, 2018, 09:25:04 pm »
may hilaw na sis in law lol

sobrang sakit sa ulo!

oh well, tayo mas nakakatanda kaya tayo nalang mag adjust :)

Good vibes nalang
« Last Edit: May 16, 2018, 05:03:10 pm by avitot »

Girltalker2

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #498 on: May 03, 2018, 08:25:01 am »
@sapphire - do you know that you will be in this state (staying with in laws) bago kayo ikasal?
Are you aligned with hubby?s goals to buy your own house? Kasi baka feeling nya naka bili na sya ng house, ok na yun. If gusto mo bumukod, you buy your own. Tsaka kahit bumukod kayo, di ba double gastos coz he spends for this house na, tapos you guys have to spend din for the new house?

fifi_girl

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #499 on: May 03, 2018, 08:44:34 am »
Dun sa hilaw na in-laws ko.
Alam naman na mali na ang ginagawa ng ex-partner ko, wala silang ginagawa.
Blood is thicker than Water nga naman

 

Latest Stories

Load More Stories
Close