Author Topic: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?  (Read 160773 times)

ayi0119

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #460 on: May 01, 2016, 06:32:16 pm »
Kahapon nanuod kami ni hubby ng sine at hindi sinama si baby, kasi para sakin, hindi pa sya pwede sa sinehan. Isasama ko sya sa tamang panahon.

Kanina tumawag kayo at nalaman kong nasa SM na pala kayo, ok fine. Pero sana sinabi nyo muna sakin na pupunta kayo sa SM.

Tapos ngayon malalaman ko nasa sinehan kayo??? Kasama si baby??? Hindi man lang kayo nagpaalam muna sakin??? kung ok lang ba sakin??? Syempre gusto ko ako unang kasama ni baby manuod ng sine at tinganggal nyo sakin yun chance na yun!! nakakainis kayo!!!!

yannuh

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #461 on: May 02, 2016, 07:54:41 am »
never pa. good thing na nagsosolo kami sa buhay para walang masabi ang kani-kanyang panig. saka super bait sken ng family ni hubby kaya swerte ko din siguro :p

ah meron pala minsan yung pamangkin nyang pasaway. muntik masunog bahay nila dahil dun. minsan sarap itali sa isang sulok e hahaha. sinasabi ko nga ilalagay ko sya sa ref. ang kulit 10000x kasi tsk tsk tsk.

hyder0926

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #462 on: May 13, 2016, 01:59:09 pm »
tungkol ito sa Auntie ng asawa ko..

eto un mga kinainisan ko sa kanya..

1. nag prisinta sya na ninang sa kasal namin.. mega announce pa sya na 10k ang gift nya sa amin mag-asawa.. pag bukas ng envelope kase gusto na makita ni MIL eh 5k lang laman.. hehe
2. nakatira ako sa apt na maintain ng inlaws ko at madaming gamit dun si auntie dun kase wala sya mapaglagyan.. last yr eh pilit nya kunin un gamit namin na narra dining table kase migrate na sana inlaws ko sa US.. not sure bakit bigla nya gusto kunin kaya napilitan inlaws ko buy ako new dining table.. ngayon nasa bodega pa din ng bldg namin un table kase di pa nya kinuha..
3. bumalik US inlaws ko this yr, nagsumbong MIL ko na si auntie eh balak kunin un 2hectares na palayan na iwan sa kanila ng kanilang parents. un daw kabayaran sa mga nagastos ng anak nya para sa pagpapa ospital sa mama (Lola) nya at pagpapalibing sa mama (lola)nya.. - may ganito pala eh sila naman un may kapasidad at that time pero para kamkamin un lupa eh parang sobra naman un.. hanapan daw nya ng buyer..

blushberry

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #463 on: May 19, 2016, 07:58:45 pm »
Dati may konting disagreements, but I refuse to dwell on the anger towards my in laws or anyone else in his side of the family

miss resilient

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #464 on: May 22, 2016, 06:27:39 pm »
oo madalas. lalo at uutang ng walang bayaran

MissEi

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #465 on: June 10, 2016, 10:07:23 am »
yes na yes >:(  cousin ng asawa ko. mahilig mag pasaring sa FB pero patola ako pero pasaring din pero dinidelete nya post nya ako hindi. sino nagmumukang t*nga edi sya. hahahaha

crzysxycl

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #466 on: June 10, 2016, 10:41:15 am »
Oo lalo na sa MIL at mga SIL ko. Saksakan ng inggitera. Siniraan lang naman ako sa lahat ng kamag anak nila dun sa compound, pati mga kakilala nila sa barangay. Grabe, sikat na sikat ako! ;D Kung ano anong kwento pinagsasabi, akala nila hindi ko mararamdamang nag iba trato ng mga tao sa akin doon. Ito namang mga engot, naniwala haha, syempre nga naman kamag anak eh pero sila sila rin naman nagpaplastikan lang dun. Ayos lang, may balik naman sa kanila yun eh at ang mahalaga, nakalayo na ako sa kanila. Sampal sa mukha nila kasi kung kelan kami bumukod, saka ang daming blessings - condo, kotse, promotion at nabuntis ako. For sure pinagkakalat nila noon na ako ang may dipirensya kaya di agad kami magkababy. Marunong talaga ang Diyos, kahit wala tayong gawin sa mga taong ganito, sya ang gagawa ng paraan. :)

blushberry

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #467 on: July 17, 2016, 01:25:52 am »
I feel so much resentment towards my sister in laws because they made me feel like I don't deserve to be married into their family.  I am hardworking and I am highly independent that they don't hear anything from us when it comes to financial matters.  We don't ask for any sort of help, not even to borrow their driver. I would rather ask from my own side of the family than to ask from their side and sila ang lalaki.  I'm so depressed I have been doing retail therapy, baka may mabili pa ako that I don't really need.





o9kristin

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #468 on: July 30, 2016, 04:36:32 am »
Sobrang babaw pero nakakainis pa rin. After ng bday ni LO, si SIL na excite masyado. She opened almost all of gifts! I'm very much willing to share the experience with them (in-laws) naman. Nagkatinginan na lang kami ni hubby and I know alam na nya what's in my mind. It was just so insensitive of her to not let us (the PARENTS) feel the happiness of opening gifts for LO. We're cool naman. Nainis lang talaga ako nung araw na yun.

ayi0119

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #469 on: July 30, 2016, 03:04:21 pm »
^ kahit man ako maiinis din..

britzm

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #470 on: August 13, 2016, 04:15:26 pm »
yung tita and tito in law (mag asawa) sobrang badtrip kami dun. matabil ang dila. paki alamera. buti si hubby ako ang priority. like sinumpa namin na hinding hindi namin invite sa bahay yung couple na yun. may malaking kasalanan kasi sa amin sila.
direct in laws, wala pa naman pero i feel na kapag sa amin makitira mil and sil, magkakagulo kami. maldita din kasi ako. again, its good na parehas kami ni hubby ng gusto. like wala kaming patitirahin sa bahay namin from my/his side.
hubby is based abroad but never niya spoiled sa gifts ang family niya.
also, never ko nilapit ang loob ko sa mga in laws ko. hindi kami ganun ka-close. kaya hindi sila basta basta maka porma sa akin.

jaja27

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #471 on: August 18, 2016, 06:02:52 pm »
SIL No.1, after ko manganak sa 2nd daughter ko, we decided na iwan muna sa pinas si baby sa mga in laws ko kasi medyo that time nagkakasakit yung mother ko sa Manila so we decided na sa laguna na lang muna stay si baby with them. Para na rin macomplete un vacine and habang inaayos nmin un papers niya to be with us abroad. 5 months pa lang yung baby ko nagplan sila pumunta sa Baguio ng mga MIL and BIL ko kasama lahat ng mga pamangkin, since masyado pang baby un daughter ko i told them na pag natuloy sila sa Baguio iwan na lang sa Mother ko sa Manila un yaya and yung baby ko then balikan na lang nila pagpauwi na sila ulit sa Laguna. Aba nagulat na lang ako pagising nmin kinabukasan nakita ko na lang sa FB na natuloy sila sa Baguio and sinama talaga un baby ko. Ayun akala nila di kami magsasalita porket nasa kanila un Baby ko, sinabi talaga sa kanila ng hubby ko na kmi pa din ang magdedesisyon lahat para sa anak namin.

SIL No. 2, after few months nagbakasyon kmi sabay sabay together with my sister in law na nakabase din abroad kasama namin ng hubby ko. Nauna un flight ng SIL No.2 ko ng ilang weeks samin. Nagkataon na nagpacargo kami ng mga toiletries, saka yung ibang things ni baby and mga toys. And since pede naman isang malaking cargo box ilagay pinagsama sama na nmin lahat sa isang box. So since nauna sya sa amin nagsabi siya na pagdating ng cargo ilalabas na niya un mga toiletries para sa house and sabi namin okay lang iseparate na lang yung things ni baby. Eto na nagpicture na nilalabas na yung pinacargo and me picture si baby na inopen lahat ng toys. So ako naman nagreact agad sabi ko akala ko ba toiletries lang ilalabas mo? bakit pati yung mga toys inopen mo na. Sabi niya bakit naman eh tuwang tuwa nga si baby nung nakita yung mga toys niya eh. Take note ha wala siyang binili ni isa dun sa mga toys na yon kami lahat bumili nun. Di ko talaga napigilan yung sarili ko sinagot ko talaga siya na kung ikaw nga eh tuwang tuwa ka nung nakita mo yung reaction ng anak ko nung inopen nya yung mga toys niya sana inisip mo na kami bilang magulang mas gustong gusto kong makita yung reaction ni baby pag inopen nya yung mga toys na binili namin sa kanya. Ayun wala siyang nasabi.

Dati tahimik lang ako sa mga SIL ko out of respect na lang ke hubby pero now, as long as alam kong tama ako wala na kong pakialam kahit matatanda pa sila sa kin para alam din nila kung hangang saan lang din sila, and alam naman ni hubby na nagsasalita lang ako pag OA na yung pagiging pakialamera nila.

phurple0515

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #472 on: August 19, 2016, 10:26:33 am »
ako medyo nakaka-frustrate ngayon sa relatives ng asawa ko.  Kasi akala nila dahil sa abroad na kami nag-wo-work e para na kaming atm.  hays, parehas lang kaya dami din binabayaran. 

mysterioza_me

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #473 on: August 19, 2016, 02:44:21 pm »
^totoo yan sis makademand pa ng pasalubong akala mo may patago. Madalas binigyan mo na sasagutin ka pa ng "ito lang? Sana icash mo na lang."

phurple0515

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #474 on: August 19, 2016, 03:38:29 pm »
^ oo nga sis e.  parang minsan gusto ko na lang sabihin na mag-te-text o mag-me-message lang ba kayo kung me kelangan kayo?  grabe, nakaka-frustrate talaga.  di ka man lang kumustahin kung ano na nangyayari sa buhay, sasabihin lang na kelangan nila pera etc.  minsan kasi parang yong iba rin sumusobra naman, pag nagbigay ka ng pera, expected nila sa susunod na hihingi sila, on the spot meron agad.  sila pa magagalit pag di ka nakapagbigay.  hays.  sorry venting here :P


mysterioza_me

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #475 on: August 19, 2016, 07:17:57 pm »
^ok lang yan sis. Vent out all you want lang. Mas ok nga magvent out dito very safe ang secret mo kesa sa neighbors or relatives ka magvent out.

Sakit na ata ng Pinoy ang umasa sa kung sino ang mas nakakaangat. Imbes na magsikap aasa na lang. Turo din kasi ng magulang na kung nakaaangat tumulong sa mga kamag-anak or kapatid na hirap kaso ang iba inabuso naman. Ang partner ko sobrang bait at mapagbigay kaya ako ang taga-hindi.

Shadow Angel

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #476 on: August 19, 2016, 10:12:10 pm »
^^marami ganyan sis na kapag nasa abroad ka parang namimitas ka lang ng pera sa puno. Kaya learn to say no. Ipaintindi na dollar ang kita dollar din ang gastos. Makahingi wagas minsan ikaw todo tipid sila hindi tapos makikita mo pa sa post may bagong gadget. Kaya ako iwas ako sa fb lalo na magpost na mga material things na binibili ni hubby for me.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #477 on: August 20, 2016, 05:18:53 am »
^agree sis na iwasan din talaga magpost ng kung ano-ano sa fb na pwedeng magka-idea sila na may money kayo

Shadow Angel

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #478 on: August 20, 2016, 07:53:35 am »
Kasi isip nila ang daming pera. Akala kasi pag may sasakyan at gumagala mayaman na. Hindi maintindihan ordinary lang dito ang mga ganyan. Halos kalapit lang namin mga tourist spots naka bike lang kami. Feeling lagi kami nasa travel. Lalo na kapag foreigner husband mo akala unlimited ang pera nakakaloka tao sa pinas. Lalo na mag message sayo mga kakilala mo lang hindi mo ka close dati bigla message para manghingi ng pera or lalaking foreigner.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #479 on: August 20, 2016, 11:32:01 am »
My younger sister is married to a foreigner daming nagpapahanap na Pinay sa kanya ng mapapangasawa din na foreigner. Ayaw ng kapatid ko baka stress lang abutin niya pagnagreto siya sa Pinay. Di naman sa lahat pero yang mga ganyan naghahanap lang yan ng aahon sa kanila sa hirap.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close