Author Topic: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?  (Read 161088 times)

tinybubbles7

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #440 on: August 02, 2015, 11:31:28 am »
Naiinis ako pakialamera kasi SIL ko. Alam ko madami siya naitulong pero parang lisensya na ba yun.para panghimasukan mo lahat? Pati bangs ng anak kong babae sinisita. Bakit daw kasi may bangs pa, Ako kasi ang nag gugupit ng buhik ng anak ko..yung anak daw niya walang bangs. Ano naman kung may bangs,4 na taon lang yun saka karamihan ng classmate niya naka bangs dahil lalo sila nagmumukhang bata. Palibhasa kasi sa anak niya di bagay may bangs tapos pati anak ko igagaya pa. Kakainis porki siya yung madami pera ganun na lang. Pinapakialaman lahat. Baka sa susunod pati baon ng anak ko sitahin. Kakainis talaga mga In Laws masyadong pasikat at nagmamagaling.

chachababes

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #441 on: September 12, 2015, 02:53:29 pm »
ako naman sa Brother-in-Law ko. nakakainis and I dont know kung nagiging unreasonable ba ako. parang twice a month napunta [textspeak!] sa bahay kasama yung asawa nea at anak. tuwing Sunday un. Umaga pa lang nasa bahay na sila tas monday na ng umaga sila uuwe. tas pagdating sa bahay, dun na din sila maliligo. eh pag sunday, yun lang ang off namen mag-asawa. un lang din ang time na pede ka maglinis ng bahay at maglaba ng marurumeng damet. inde na makapahinga dahil aasikasuhin pa sila. inde naman sa nagdadamot ako pero pag pupunta sila sa bahay, parang may okasyon. gusto lage magiinom. eh inde naman [textspeak!] gumagastos. yung asawa ko ang gumagastos. ni inde nagdadala ng pasalubong sa bahay ni isang piraso ng tinapay. okay lang sana kung inde kame gipit, eh kaso mo andame namen binabayaran, kakakuha lang namen ng bahay, tas may binabayaran pang motor asawa ko. pag nasa bahay pa sila, kala mo sila ang may-ari. ako pa yung mahihiya. tas eto pa, para makatipid kame, si hubby lang ang nagpintura ng bahay namen, pulaan ba naman. inde na nga nakakatulong, mamumula pa. haay naku. every sunday, nag iisip na ko baka pumunta sila sa bahay. kainis. gusto ko na ilipat ang bahay namen sa ibang lugar. [textspeak!] maliligaw sila pagpunta. hehe!
« Last Edit: September 12, 2015, 02:59:50 pm by chachababes »

evilwoman

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #442 on: September 12, 2015, 09:43:27 pm »
^tutal napapagastos din sa inom ang asawa mo, lumabas na lang kayo maganak pag sunday.kung time ng laba nyo at nandun sila, tuloy mo lang ang ginagawa mo.wag mo asikasuhin.baka sakali makaramdam.tingin ko naman mas problema ang asawa mo kesa sa bil kasi ok lang siguro sa kanya?

lalawhoopsy

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #443 on: November 09, 2015, 04:00:00 pm »
Tama ba na sabhin ko sa SIL ko na wag na magsama ng bisita pagpunta samin? Kasi naman diba dapat bago ka mag invite ng ibang tao sa bahay na pupuntahan mo magpaalam ka muna? May niyaya kasi siya na friend na gusto din sumama sa amin,hindi ko naman kilala yon,si hubby naman kakilala pero di niya friend yung tao. Ako kasi strict sa house rules,at alam ko yung etiquette sa ganyan. Dapat diba paki inform mo yung may ari ng bahay na plano mo isama si ganito, si ganyan bago ka magyaya thru fb pa. Nag message ako kay SIL sa fb, na misinterpret yata. Sabi ko lang sa ngayon mahirap mag invite kasi magulo sa bahay,ang dami namin storage box sa living room lalo namasikip din dito sa amin. Medyo nakakahiya magpapunta talaga dahil magulo sobra.. Nakakainis ba yon? Kasi nag message na daw siya kay hubby, syempre ayan na naman sila lang nagkakintindhan eh parte rin naman ako ng bahay na to,dito ko nakatira. Siguro naman may karapatan akong mag decide lalo na di naman nagliligpit yung kapatid niya.

antithesisofbarbie

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #444 on: November 10, 2015, 04:49:16 pm »
Tama ba na sabhin ko sa SIL ko na wag na magsama ng bisita pagpunta samin? Kasi naman diba dapat bago ka mag invite ng ibang tao sa bahay na pupuntahan mo magpaalam ka muna? May niyaya kasi siya na friend na gusto din sumama sa amin,hindi ko naman kilala yon,si hubby naman kakilala pero di niya friend yung tao. Ako kasi strict sa house rules,at alam ko yung etiquette sa ganyan. Dapat diba paki inform mo yung may ari ng bahay na plano mo isama si ganito, si ganyan bago ka magyaya thru fb pa. Nag message ako kay SIL sa fb, na misinterpret yata. Sabi ko lang sa ngayon mahirap mag invite kasi magulo sa bahay,ang dami namin storage box sa living room lalo namasikip din dito sa amin. Medyo nakakahiya magpapunta talaga dahil magulo sobra.. Nakakainis ba yon? Kasi nag message na daw siya kay hubby, syempre ayan na naman sila lang nagkakintindhan eh parte rin naman ako ng bahay na to,dito ko nakatira. Siguro naman may karapatan akong mag decide lalo na di naman nagliligpit yung kapatid niya.


I got your point and yes you have a point. Hindi ko maintindihan sa  SIL mo bakit need niya pa magmessage sa asawa mo about sa sinabi mo sa kanya about sa bahay ninyo.....eh bahay mo naman yan. Saka Sis.. ano bang meron sa bahay ninyo at kailangan niya pa magdala ng bisita eh hindi naman niya bahay yan? minsan ang weird lang na may mga ganyan na tao... yes kapatid siya ng asawa mo.. but then again wala siyang karapatan na magsumbong o mag interfere sa kung ano ang decision mo...

phurple0515

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #445 on: November 11, 2015, 10:56:01 am »
just torn ngayon kasi nga medyo madaming bayarin tapos biglaan kasi namatay father in law ko.  So ang nagbayad lahat yong kapatid ni hubby.  kinausap naman na uunti-untiin na bayaran ni hubby yon kasi nagpapaaral din naman kami and dami nga gastos.  so yon, mayat maya na ang tanong ng SIL ko sa hubby ko asan na bayad, etc.  so nagbigay ng konti si hubby nong katapusan.  after a day, nagtanong kung nadeposit na daw ba.  so sabi ni hubby, ako ang nagdeposit at pinadala pa ang screen shot ng transfer.  ayun, huminto. 

tapos nagsumbong MIL ko sa hubby ko na lahat daw ng abuloy etc, kinuha ni SIL di man lang daw nagbigay ng kahit konti sa MIL ko pambili niya ng gamot.  nong minsan nga daw nanghingi ng pera, parang masama pa sa loob ni SIL na bigyan si MIL.  nakakainis lang kasi nanay mo yon, matanda na, me sakit, nakatira nga sa kanila pero inaalagaan naman mga apo niya pero la malasakit.  buti me pera ako konti, binigay ko sa kanya.  naaawa lang ako ke MIL at hubby.  never ko talaga nakasundo pa yon, di niya ko kinukumusta dati pag nagkakausap kami nila hubby at MIL.  pinipilit ko naman sa amin mag-xmas si MIL, sa probinsya na lang daw.  parehas na tinatawag ng MIL ko at hubby na sakim yong SIL ko.  imagine how true it is kasi 2 na sila nagsasabi non na sarili nilang kadugo :(  sabi ko ke hubby sa 13th month namin, pagtulungan na lang namin ulit bayaran yong nagastos nong libing at burol.  hay.
« Last Edit: November 13, 2015, 10:23:09 am by phurple0515 »

mackygurl

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #446 on: November 12, 2015, 10:33:45 am »
Ako asar ako sa parents in law ko. napaka kunsintidora.   >:(
nagsumbong kasi ako sa kanila about sa ugali ng asawa ko (na anak nila) aba ang sagot ba naman nila sa akin  ay "ngayon lang naging ganyan si patrick, dati naman mabait na bata yan" duh magsusumbong ba ako kung mabait ang anak nila. jeskelerd!!!  >:( >:( >:(

antithesisofbarbie

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #447 on: November 12, 2015, 10:32:25 pm »
minsan kasi talaga may tendencies sila na kampihan un kapamilya nila. anyway ganon naman ata talaga kahit naman siguro kung tayo ang isusumbong sa kamag anak natin for sure idedefend din nila tayo. although syempre depende pa din siguro sa kung ano un level of relationship natin sa in-laws natin.

mrs_mcta

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #448 on: November 13, 2015, 11:57:59 am »
Not sure if naiinis parang medyo strong pa ata yung term, more of nagtataka or hindi ko lang ma-gets minsan kung bakit ginagawa yung certain things...

- May natira kame na take out food na gusto ko sana baunin so I left the paper bag in the ref (with my name), nung kukunin ko na, nakain na, hehe. Hubby and I just laugh about this now.
- Sa house kase namen (with my family), my mom was always conscious of turning off the lights, tv, electric fan, etc when leaving the room - here my brothers in law will leave the TV on in the living room, PS4, electric fan and then go inside their room without turning off the stuff kung saan sila nanggaling.
- Weekends nalang ang bonding time namen ni Hubby, sometimes sumasama si MIL sa lakad namen. Don't get me wrong, I have no complaints on my MIL, pero minsan lang talaga I want alone time with hubby.

deiz

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #449 on: November 13, 2015, 03:27:24 pm »
waah.. gets na gets kita.  buti sayo nagpapaalam.  yung mil ko, hindi na nagpapaalam, dire direcho pa sa kwarto namin yung mga gf/bf ng pinsan ni hubby.  maiintindihan ko pa kung may ayos or furniture silang gusto tingnan para gayahin pero mga teenagers ito.  ang masama pa, hindi niya sinasamahan.  sigaw lang ng sigaw na sige lang, pasok kayo tingnan niyo yung bahay, feel at home.

sa sobrang biglaan, ni hindi ako naka react.

@books_mags Mag-lock na lang kayo lagi ng pinto para ma-gets nila na hindi pwede basta-basta pumasok. Ganyan talaga kapag nakikitira.

Saskiya

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #450 on: November 13, 2015, 03:43:09 pm »
I am thankful kasi hindi pa naman. Ang nakakainis yung mga asawa ng relatives ni hubby. Masyadong mayabang kung hindi naman pasipsip.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #451 on: November 14, 2015, 12:08:34 am »
Overall medyo civil naman na kami ngayon ng SIL ko pero they can't expect na I will sooo nice to them. Basta pag hinahatid ko mga in-laws ko pag weekend I don't do the small talk with them. Deadma lang. Nitong nakaraang weeks natatawa kami na naiinis ng hubby ko sa SIL ko, she was complaining about their roof and yung canopy roof ng garahe nila kasi sira na daw and she was complaining with my MIL and husband. My husband just smiled, sinabi ko naman sa husband ko after namin i-drop off parents in law ko bakit samin pa sila magpaparinig ng pag aayos ng bubong? Sila gumagamit iba gagastos? May pera nga sila pang out of the country pero panggawa ng sirang tubo ng tubig, sirang bubong at pinto sa in-laws ko pa iaasa... heller as if naman bibigyan ko husband ko ng pera pang donate sa kanila. Mas marami pa nga sila gadgets samin saka puro brand new gamit nila sa bahay tapos panggawa ng bahay nila wala. Sila na nga tumira sa bahay ng parents in law ko tapos gusto nya may share lahat. As if.

cosmochick

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #452 on: November 25, 2015, 05:00:36 pm »
oh yes... many times pero the one thing I cannot forget and almost made me dropped my jaw on the floor was this SIL of mine. One time, we went shopping.. aba dami nya kinuha even things she really didnt need. Taka ako, why she didnt pay pa sa cashier eh she was done naman.. she waited for us to finish and get in line at the cashier.. then mantakin mo, when I was about to pay , she told me, isali ko na daw sa kanya kasi wala sya cash... OMG!!!! shopping shopping ka, wala ka palang cash??? lech ka! kapal ng mukha talaga eversince! I mean, I just cannot believe that some people are that thick face! Twas my 1st time to encounter people like her.

basta marami pa syang kakapalan ng mukha na ginawa.. quiet na lang ako since mabait naman sya kausap , wala lang talagang hiya...hahahaha

ninsyninsyspider

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #453 on: December 05, 2015, 09:36:14 am »
Yung sister niya consistent mag like ng FB posts ... Basta not related to me. Hindi niya i-llike if naka tag ako or picture namin.

I invited the same sister to my husband's surprise birthday party. Why not, hindi pumunta dahil inaantok daw.

shesgullible

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #454 on: December 07, 2015, 11:11:09 pm »
^ang insensitive and inconsiderate naman ng mil mo to adopt the child of your hubby's ex gf. the mere fact na they still communicate dun sa ex eh parang di ka na nirerespeto, then nakuha pa ampunin and now keeps on sending and tagging pictures of the child to you. hay naku, super kabadtrip yan ha. inlaws talaga have mastered the art of making things hard for us.

mysterioza_me

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #455 on: December 09, 2015, 09:19:34 am »
^Sis di naman pala anak ni hubby yung kid so anong problem? Yung iba anak pa mismo ng asawa nila sa ibang girl ang inaalagaan ng legal wife pero ok lang sa kanila. Kung ayaw mo sa bata wag mo pansinin kesa nakikipagplastikan ka. Walang kinalaman ang bagets sa setup ng mil mo at ng nanay niya. Baka tina-tag ka ng mil mo kasi akala niya mahal mo yung bata at ok lang sa iyo, baka ikaw lang pala ang nag-iisip na masama ang intention ng mil mo. Sabihin mo sa kanila na wag itag ang activities na bata sayo kasi di ka naman interesado.

ri-anne

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #456 on: December 16, 2015, 05:49:44 am »
Hindi naman "nagalit" sobrang strong word yun... Just annoyed... I don't like posting my kids' pictures sa fb, bihirang bihira talaga. However my in-law palibhasa walang sariling family & kids, at natutuwa sa mga anak ko, hilig ipost pics ng kids ko! Without asking permission or kung okay lang ba and really, why??? Baket?? Can't they just keep the pics we send them to themselves? Why do they have to upload it for everyone to see (naka-public pa! di man lang i-private yung settings)..it's not their kids to flaunt eh...unnecessary exposure... Yun lang naman. Kung merong dapat mag-upload ng pics, ako yun...because they're MY kids...but hindi ko nga ginagawa eh, bakit nya ginagawa?!?! Oh well....

fiercemom04

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #457 on: March 21, 2016, 11:56:13 pm »
Meron. tita nya to na kapatid ng father nya. friend kasi ng tita nya yung ex nya. nung dumalaw sa amin yung tita nya (ikakasal kasi anak ng tita nya kinukuhang ring bearer anak ko) nag joke ako na parang "ay di na lang kami aattend kasi nandun si "ex" ni hubby" as in pabiro. then yun pala kinuwento nya kay hubby. ang pagkaka-kwento pa eh seryoso ako na hindi na lang kami pupunta. so parang feeling tuloy ni hubby masyado pa rin akong affected sa ex nya. then kumakain kami sabi ng tita nya "uy si ____ buntis na pala. di ba naging babae mo yun?" may husband just answered "huh? hindi noh" parang nainis din si hubby. nainis din ako sa harap ko pa talaga. masyadong pakialamera yung tita nya na yun kasi. masyado pa din iniinvolved mga ex ng husband ko sa relasyon namin.

ece

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #458 on: March 22, 2016, 02:59:49 pm »
^ kaloka naman si tita! at sa harap pa talaga ng hapag kainan nya ginawa. not a good joke at all. josko baka mapatayo ako sa kinauupuan ko kung ako iyun.

I have this mejo nainis moment with SIL, after getting our official wedding photos, nasa cd pa siya, hubby transferred some files sa laptop nila para Makita ng family nya. kaming dalawa ni hubby, hindi pa namin nabrowse mga pictures, pero lo and behold, SIL already posted some pictures sa fb nya. nauna pa siya!  :o >:(

bluish_mommy

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #459 on: April 30, 2016, 09:58:46 pm »
^^baka inasar ka na lang dahil una ka nagbiro.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close