Author Topic: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?  (Read 160907 times)

EllaBratin

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #320 on: November 02, 2013, 07:09:56 pm »
Sis fairywinkle79122, siguro alam nilang hindi tayo papayag kaya bina-bypass na lang tayo. Nakakapikon lang isipin na kahit  malayo sila e nakakagawa sila ng paraan para mainis tayo.  >:(

mitcha15

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #321 on: November 04, 2013, 10:04:31 pm »
^ super like ko sinabi mo na " 2queens can never fit in 1 castle" kaya Naisip ko me and the MIL Hindi na uli pwede mag sama sa isang house. Lalo na sa house ko. hehe!  ;D

lisse

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #322 on: November 04, 2013, 11:18:08 pm »
kasi yung tita ni hubby inaaway ako sa FB. emo-drama ang peg kasi hindi daw namin siya dinalaw. e mga kamag-anak kaya nila ang kusang bumisita dito sa house namin. sasagap din lang kasi ng chismis mali pa. aga-aga bwisit!

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #323 on: November 08, 2013, 09:10:53 am »
OO! NGAYON! :P

Gusto ko lang ilabas sama ng loob ko dun sa hipag ko na may saltik na ata sa ulo. I just don't get it... tuwing may event kami (which katulad ngayon birthday celeb ng anak ko bukas) lagi nalang talaga may drama at kung ano anong sinasabi sa asawa ko. Di ko nalang pinapansin pero sometimes she really gets to my nerves... At lagi nalang niya sinasabi sa asawa ko na nagbago na daw asawa kasi asensado na whatever... di naman nila alam how much yung ginagastos namin a month dahil nagbabayad kami ng bahay at may baby kami. Palibhasa kasi sila asa pa. Bakit hindi nalang sila maging masaya para sa amin? Isn't it enough na hindi kami umaasa sa kanila or sa parents nila? Or maayos buhay ng kapatid nya? Kelangan talaga lagi nakikita yung aspect na ok kami??? Parang ang dating kung inayos namin buhay namin parang against pa samin at sa kanya yun... Hindi naman namin siguro kasalanan kung maaga sya nagloko sa buhay at ang dami nya frustrations... kasi kami bago nag asawa ng husband ko nag enjoy muna kami nung single kami. Kung ano man yung nagagawa namin ngayon siguro dahil sa pinaghirapan namin yun.

Tapos just this morning, nag clash na naman sila ng asawa ko... kasi my husband was asking to move their motorcycle since ipapa-park nya yung kotse namin sa loob kasi nga di ba may bagyo and malakas hangin matamaan ng mga lumilipad na yero yung kotse eh masira, tapos kakapagawa palang ng asawa ko at ng dad ko dun sa kotse so iniingatan lang din naman namin. Aba ito na, nag warla warla dun sa bahay na kesyo kung ano ano sinasabi na bakit daw yung motor etc etc... basta in short may saltik na ata. Hindi ko na nga ine-stress husband ko, kasi sa work nya high pressure and stress na rin sya tapos pati sa bahay nila ganun pa. Parang nakakainis lang na yung konting consideration at pag give way eh wala sa vocabulary nya. Naawa din ako sa in-laws ko kasi yung mga bagay na di naman nila kasalanan kung bakit nagkaganun buhay ng hipag ko eh sa kanila pa sinisisi. SAbi ko nga sa asawa ko dalhin na nya sa mental dahil nakakabwisit na.

Hayyys! Sorry I just need to vent out lang. Actually mahal ko parents in laws ko. Kabaliktaran sila sobra ng hipag ko. Kung marami lang ako pera at bahay ala Napoles pag ttour ko parents in law ko sa Europe at patatayuan ng house kasi sobrang bait nila at maalaga. Sablay lang talaga ako sa hipag! :P


danne

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #324 on: November 12, 2013, 09:59:49 am »
hipag ko rin parang may saltik.. actually, parang lahat sila haha. ang tawag niya sa nagtitipid eh kuripot at madamot. wala siyang pakialam sa gastos kasi di niya naexperience magpakahirap para kumita, laki sa sustento. wala din siyang pakialam kahit may asawa ng kapatid niya, basta may kailangan siya tatawagin niyang asawa ko kahit pa may ginagawa. naiirita narin ako kasi mula pagpasok niya ng pinto namin kumakanta na siya ng walang patid na animo nasa concert hanggang matapos niya ang ginagawa niya (na madalas inaabot ng 2-3 hours).

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #325 on: November 18, 2013, 10:19:45 am »
^LOL at your SIL na kumakanta... pero I had to agree with you, ganyan din hipag ko nung times na ok pa kami anytime she wants help from my husband eh nilalapitan nya. Kahit yung mga bagay na dapat sa asawa na nya inasa eh sa husband ko pa rin nya inaasa. There was a time pa nga na kwento ng husband ko nung bago sya mag asawa tinatanong pa ng SIL ko pano na daw mga anak nya pag nag asawa na husband ko... duh! hindi ba may asawa sya bakit di sya dun humingi ng help? Palibhasa nabuhay din sila sa pagiging palaasa sa parents ng asawa nya. 40-ish na sila pero kung kumilos eh parang asal bata. Selfish at attention seeker.

GMGravity

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #326 on: November 18, 2013, 12:38:26 pm »
Halos the same din ng case ko experiences ninyo mga sisses. Hubby's father kasi ay working abroad na before pa ipinanganak si hubby. Only son si hubby and lahat ng kailangan nila, si hubby ang takbuhan. Okay lang sana ito if hindi conflict sa schedule namin. Pero madalas kasi, naiiwan ako mag-isa sa house during weekends kasi uutusan nila si hubby. Sad kasi weekends na nga lang ang mahabang time namin ni hubby together. Ang pangit din ng feeling na feeling mo, napabayaan ka and he always chose them over you. Kasi without asking me, he'll go. Sobrang sumama din ang loob ko sa parents and other family members niya for so many reasons. Pero hindi na galit galitan and drama ko lately. Nasanay na yata ako. I already learned if saan ako nakalugar. Prepared narin ako.
« Last Edit: November 19, 2013, 10:15:39 am by GMGravity »

lanee_beu

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #327 on: December 02, 2013, 01:14:26 pm »
bago pa lang kami ikasal ni hubby, tanggap ko na nag susustento sya sa mama nya.ok lang na ganun kalaki  kasi binata pa sya noon pero now na may anak na kami at plan na sundan pa, sabi ko baka pwede bawasan kasi kasama sa support na yun ang 2 uncle nya na pwede namang magshare sa gastos nila, pero hindi nga daw nagsshare kahit pambili lang ng bigas. nung babawasan na nagalit mama nya at hindi daw pwede kasi mahal daw bilihin dun sa kanila sa probinsya. nakakabadtrip lang para obligahin anak nya na buhayin pati mga kapatid nyang batugan na mautak pa >:( hindi rin nag iisip na hindi naman masarap ang buhay ng anak nya sa barko at to think na malaki [textspeak!] sustento nila hindi pa sila nakakaipon. kaya pag may emergency lahat sa husband ko pa kukunin pati mga pinsan nya ganun din. nakakainis na yun nalang lagi ang pinagtatalunan namin  >:(

hedonista

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #328 on: December 28, 2013, 11:55:04 pm »
oo.
nakakapag starbucks daw ako pero ni hindi ako makapag pa 3in1.
problema ko ba meryenda/kape nyo? ang layo layo ko
lol

Prunella

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #329 on: December 29, 2013, 01:02:06 am »
Hindi.

They're very easygoing eh. And they adore me. I'm lucky.

Me+JJC

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #330 on: January 05, 2014, 06:15:44 am »
So far, nagpapasalamat ako sa maayos na pakikisama nila sa akin. Si hubby din kasi mismo nageestablish ng boundaries sa kanila kung hanggang saan at ano ang pwede nilang pakialaman with regards to our relationship so I thank my husband for that.

He'll be the first person to tell them no kapag medyo hindi okay sakin. I think gusto naman nila ako for their son, kasi I changed him completely. Mas naging maayos na buhay nya and may direction na this time  :)

ri-anne

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #331 on: January 06, 2014, 01:41:11 pm »
yup....i don't like it when they stay at our house for vacation (at inaabot pa ng weeks!)..they know naman na we take out our shoes/ outside slippers before entering the house, aba...ipapasok pa talaga pa rin yung sapatos nila!
and pagdating sa food, ang arte...i know i can cook fairly well naman...pero kung makaparinig kala mo hindi ako marunong magluto...kaya nga when they visit at para hindi ako ma-stress, my hubby told me not to mind them and don't cook for them anymore.
so what i do is i cook for my kids and hubby..kung kakain sila dun sa pinrepare ko bahala sila..kung ayaw nila bahala din sila edi kumain sila sa labas...or they cook din tapos kala mo naman kung masarap eh ang alat naman ng lumpiang shanghai, matabang at malabnaw [textspeak!] kare kare, ma-oily yung baked mac (daming butter eww)...hay naku ang dami pa...hmp!

GMGravity

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #332 on: January 09, 2014, 09:47:19 am »
Last Monday lang, dumating ako pagod from work and mahabang biyahe pero wala pa si hubby. Dumating siya past 11 pm kasi siya nagbantay sa house nila sa kabila hanggang dumating sister niya tapos ilang minutes lang kasunod na niya sister niya dabog dito dabog doon. Nainis ako pero ugali niya na iyon eh kaya hayaan na lang. Feeling yata kasi nila sila lang ang napapagod.

ezonme

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #333 on: January 10, 2014, 09:39:45 am »
Thru FB chat

Ate ni hubby: Kain tayo sa labas tayong tatlo nila cheng (bunsong kapatid)
Hubby: Sige paalam ako kay Wife (me)
Ate ni hubby: E baket magpapaalam ka pa?
Hubby: No reply

** I don't mind them going out naiinis lang ako bakit ni ququestion pa yung pagpapaalam sa akin ng asawa ko..

after xmas:

Bunsong kapatid ni Hubby: kuya dad wants to have dinner with us.. by us I mean us 4, daddy, ate, me  and you. Just want to clarify that.

**There's another incident na ganyan din as if lage akong sabit.. i don't know why but nakaka inis lang.

For the longest time niyayaya ko si husband mag out of the country.. either next time na lang or hindi naten priority yan ang sagot.. sabi ko nga kahet ako na magbabayad lahat.. pero nung mga kapatid niya nag yaya last week aba Go naman sa pagplaplano.. ugh


theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #334 on: January 10, 2014, 03:58:22 pm »
^ meron naman ibang in-laws feeling entitled kung ano meron yung kapamilya nila... sometimes di mo alam kung gusto ng competition kasi over din sa pagpapansin.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #335 on: January 11, 2014, 01:10:09 am »
Hinde relative but 'friend' ng husband ko. Yearly lang mag-message ang l3cheng to and ang lageng pakay nya sa asaw ko eh mangutang ng pang-requirements. Jan 7, 2013 ganon ang message, tapos ngayon January 10, 2014 ganon na naman, pang-requirements ulit?! Hiyang-hiya naman ako sa timestamp ng message history nya sa husband ko. Nakakaloka, ni wala man lang uy musta ka na buhay ka pa ba? Nakakabwisit! Akala nila nagmimina ng pera husband ko!

marge070407

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #336 on: January 19, 2014, 04:08:18 pm »
no! not yet! my inlaws are the best and i love them to death :)

yellowpie

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #337 on: January 19, 2014, 04:29:07 pm »
Naiinis? for countless times..Napikon??for countless times..Nagalit? We're not on speaking terms for almost 2 years now - sa sobrang sakit ng ginawa nya sa akin..sa amin I don't know kung mapapatawad ko siya. Sometimes I feel bad coz I cant forgive but probably in time.

happie

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #338 on: January 20, 2014, 12:13:23 am »
Just a little disappointed with the eldest sister in law. She always gets her way, ako rin naman kaya siguro we clash. I find her disrespectful, often times, hindi na nga kagandahan pano p siya magaasawa niyan. Christian p siya so it's really disappointing.

rhamneroj16

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #339 on: January 29, 2014, 10:58:12 am »
Ako sa eldest brother ng hubby ko. Lagi umaasa sa kanya. abusado. Grrrr

 

Latest Stories

Load More Stories
Close