Author Topic: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?  (Read 160950 times)

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #280 on: March 19, 2013, 12:03:23 pm »
^ I agree! Yun naman talaga important dun. Sa atin kampi asawa natin. Eh ako kahit mag inarte ate ni hubby cool lang ako kasi at the end of the day alam ko yung priority nya eh kami ni baby. :)

Ganyan talaga sa province sis, super bongga palagi pag may special occasion. Buti na nga lang din malayo kayo at solong solo mo si hubby. Pero sana instead nga na ipagawa yung house nila hubby mo sana nilaan nalang nila sa pagbabayad nung mga nauna nilang debts sa auntie ni hubby. At least kung magpa ayos na sila ng house eh debt free na sila. What if may another emergency ulit? Ganda nga ng bahay wala naman emergency fund... mahirap din yun.

Good to know wala na urungan ang date! Haha. :) kasi yung mga nakuha namin na tikets eh for sure non-refundable. haha :D

Di talaga maiiwasan yung nakakainisan yung mga relatives siguro part na talaga yan ng married life. Kaya nga sabi ko rin kay hubby hanggat kaya namin bumukod mas maigi. Ang usapan kasi namin ni hubby, wala ako issue if tulungan nya parents nya at dagdagan ko pa yung binibigay sa parents nya kasi sila nag aalaga kay baby. Sabi ko lang ayaw ko lang na lalapit yung mga kapatid nya para humingi or manghiram ng money for no apparent reason especially na nag iipon kami for the house and for the baby.

mslcgrey

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #281 on: March 21, 2013, 07:14:15 pm »
^ sis, sabi mo naman solong anak ang hubby mo so siguro di ba pag-namatay na MIL mo eh sa kanya di mapupunta ang lahat ng kanyang properties? so why not give her the 50%? unless na lang, may pagkawaldas siya at sa tingin nyo eh walang kapupuntahan yung money. but baka pandagdag puhunan niya ang balak niya sa money.

why don't you find out what she intends to do with the money? malay mo di ba maganda naman yung plan niya doon.

Msfi

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #282 on: March 21, 2013, 07:22:25 pm »
^^ang alam ko if kasal ang mother in law sa father in law mo eh kasama sya sa legal heir ni father in law mo. So tama lang na 50-50 sila sa share ni hubby mo since only child ang asawa mo.
« Last Edit: March 22, 2013, 12:35:54 am by Msfi »

evilwoman

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #283 on: March 21, 2013, 07:27:31 pm »
Parang nabasa ko pa nga somewhere dito na 25% lang entitled ang husband mo (assuming legal wife si MIL) kasi half sa spouse then the remaining half,paghahatian between legal heir at kasama pa doon si MIL. so maswerte pa kayo sa 50% off na yan.

charie_0823

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #284 on: March 23, 2013, 08:06:08 pm »
Hi sissies, this is the right place for me. I'm looking for somebody to talk to share this feelings, i'm getting married on December, pero may baby na kami 2 years old na. Ala dito si MIL. Nakatira sa Singapore, ang problem ko ay [textspeak!] mga relatives nya, lalo [textspeak!] nakatira sa sariling bahay ng asawa ko. we're living now sa side namin, pero lilipat na kami sa bahay ni hubby, [textspeak!] tyahin na nakapisan sa kanya, di man lang magkaisip na bumukod, bumaba. compound kasi un. may space pa naman para bumukod sila, mga laging nakaasa. hay.

yang

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #285 on: March 26, 2013, 10:19:38 am »
im guilty of this just now lang! bad trip eh effin badtrip! milya milya na nga ang layo namin mag asaw namemeste pa. anyway, bahala yan SIL ko tutal hindi ko kailangan mag react ang masakit lang eh nalaman ko na pinagtutulungan siya nun isa ko pang SIL ang mga kwento samin mag asawa. nagsimula yan nun araw nalang bago kami ikasal. pero ako ayoko ng mag kaalitan kay a i asked her anong problema. hindi naman siya nag explain so i let go. am badtrip pati yun magulang ko napansin siya. imagine, may occasion diba bat panira ka. anyway, with the help of patience natapos ang kasal. aba ngayon ngayon lang ha, nalaman ko na may ganito syang statement: binati ko yun (ako) pero di reply. ( malaman di ko makikipagplastican sa kanya) (its just too soon para kalimutan) mayabang daw kami. (ano kinayabang namin eh andito nga kami sa malayo pareho nagtratrabaho. eto ang hirap sa kanya eh hindi lang napahiram  dati dahil may hinuhulagan kami bahay at manganaganak pako, masama / madamot na agad) explain pa siya na since "ate" siya pede nya kami pagsabihan. di ba pede mag timing ka. bwisit ako. pero as always ignore namin siya. ang mahalaga sakin basta alam ko na kampi kami ng asawa ko dedma ko sa kanya.

bluewingedangel

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #286 on: March 27, 2013, 11:15:36 pm »
Please bear with me, eto ngayon lang as in first time ko:

Young guy cousin ni Hubby - nagdru-drugs ata at may malaki pang pinagkakautangan. dito sa bahay namin tumuloy (nakikitira kami sa mother ko even if hubby and I got our own house, kasi i am in remission, gusto ng mom ko maalagan ako).

Same age cousin ni Hubby - sinabi tutulungan si young guy cousin sa problem nya pero bakit after a few hours ginamit na excuse yung pregnant wife para hindi tulungan si young guy cousin, kesyo delikado magbuntis, may bata sa bahay, ayaw ng adik sa bahay.
Wife ni same age cousin - i understand pregnant ka, high risk chuchuchu. ikaw na lang ang importante kasi sabi mo baby yun eh (ako four times na surgery minus one kidney na, with radiation therapy sana marealize mo din na hindi lang ikaw ang bawal ma stress)
Tita (mother ni same age cousin) - tama bang sabihin na hindi pede papuntahin sa bahay nila? (mom ko nga eh iniintindi yung situation kesa palabasin yung cousin dito muna pansamantala habang may maisip na solusyon. take note pa kami sa house 3 girls - mom, ako and yaya, si hubby lang ang guy)

Sister ni young guy cousin - dedma lang sa nangyari, ayaw pa ibigay ang number ng tatay nila (separated na)
Mother ni young guy cousin - we understand nandyan ka sa malayo kaso sana kamustahin nyo man lang si hubby at magbigay kayo ng kahit solusyon man lang.

In short, si hubby at mom ko ang naghahandle ng situation. Lahat naman eh ayaw ma-stress, sana man lang magcontribute kayo ng magandang solution. Hindi pwedeng kami lang ang magdedecide ng gagawin tapos ano, in the end baka kami pa mapasama. okay, thanks for reading, wala lang. keri lang.

evilwoman

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #287 on: March 28, 2013, 07:28:30 am »
^ sorry sis but you cannot really expect other people to help out kahit sabihin mong mas maginhawa ang situation nila. Masakit mang pakinggan pero kahit papano may karapatan silang tumanggi magextend ng tulong kasi may sarili na silang buhay at possible na burn out na din sa cousin na yun. It just turned out na kayo ang willing magextend ng tulong. Since wala ka na naman magagawa sa kanila, just think na di sila nageexist. Wag na lang siguro sila mageexpect na pag  sila ang nangailangan e may kamag anak na sasalo.

yang

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #288 on: March 28, 2013, 07:35:18 am »
yun ang exact words " they dont exist"

bluewingedangel

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #289 on: March 28, 2013, 07:44:26 am »
nashock lang ako kasi talaga palang may mga taong inconsiderate, sarili lang ang iniisip, hindi ako sanay, ibang iba sa side ko, i dont want to compare pero ganun talaga sila. kawawa hubby ko. :-[

Diane

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #290 on: March 28, 2013, 09:47:08 am »
yung pinsan ni hubby na parang turing nila kapatid kasi sila na kumupkop pero nagrebelde nung high school until ngaun nagkaron sya ng limang anak - 2 sa magkaibang lalake + 3 sa kinakasama nya ngayon.

lil did i know, nung kasal nalang kmi, eh super hirit pala sya sa asawa ko (then 14 yrs bf) to think na binibigyan na sya MONTHLY ng in laws ko.so nung nalaman ko yun, i confront my hubby as we have no excess or even  meron, i dont want to tolerate na super asa na lang sya at iba na ngayon, i should know where my husband's money goes to. Di pa ba sapat yung suporta ng in laws ko? nag anak sya ng sangkatutak e di problemahin nya alagaan yun. I even saw sa text ng [textspeak!] ko na medyo nakakapansin na daw sya na kunwari nagpadala na sila 1st week of the month, biglang magtetext ng midmonth na may sakit si ganitong anak, etc just for the sake mabigyan uli sya. Naawa kasi inlaws ko kasi pedicab driver yung asawa nya.

nung ikakasal kami, syempre invited sya with her 3 kids and live in partner, yung house na titirhan namin e sila muna pinagamit para di na sila maghotel so solong solo nila yung bahay namin. aba kapal ng face, super extend sa vacay, partida sinusundo pa sila ng mama ko during meal time kahit na binigyan ng in laws ko ng budget para sa food nila. and she even ask my mom on my wedding day, if sino ba daw mag aayos sa kanya - hair and make up(kapalers talaga, grr).
Kaya unang araw naming mag asawa, sa hotel pa lang sya na ikinaiinit ng ulo ko at...di namin tinuluyan yung BAHAY namin. natulog ako sa haus ng mama ko, at sya pinauwi ko sa bahay nila para makaramdam din in laws ko na bakit ganon e kasal na kmi.

So ngayon, nababasa ko sa text nya sa asawa ko na parang gusto uli magbakasyon.... humihirit na may honor daw anak nya at gusto may "pang jollibee".


ronelie

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #291 on: April 01, 2013, 01:50:58 pm »
yup.sa SIL ko nakigamit sa card, di binayaran eh ok lang kung me extra money ako that time wala sanang problem, eh kaso manganganak ako kaya talagang wala akong pang abono sa mga binili nya.

EllaBratin

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #292 on: April 01, 2013, 03:08:55 pm »
Halos pareho tayo sis Diane, Yung SIL ko naman ang ganyan. Nagkaanak din siya sa pagkadalaga tapos yung kinakasama niya ngayon e parang hindi tanggap yung bata, tapos ngayon sunud-sunod ang anak nila. Nung una naaawa ako sa bata kaya binibigyan namin ng reward, like pakainin sa Jollibee or ipagluto ng pansit sa birthday niya kaya lang dumating ang time na akala ata ni SIL e obligasyon na namin magbigay every birthday nung bata. E nung nabuntis ako, siyempre tipid kami at ipon para sa family namin tapos nabasa ko ang text niya na may utang daw kami dahil hindi namin niregaluhan yung anak niya nung birthday, e first honor pa raw so dalawa na daw utang namin. At kami pa talaga ang may utang ha! Nakakapikon di ba.
Last graduation, nalaman namin na first honor ulit yung bata. Sadly, hindi available si SIL kasi bagong panganak na naman, para magsabit ng medal. Naawa na naman ako sa bata kaya kinabukasan e pinasundo ko kay hubby para pakainin namin sa Jollibee. Aba pagkatapos ihatid e kinabukasan e ipinadala na naman ni SIL sa bahay namin at may mga damit ng dala. Ang masama pa, sa amin pa humingi ng pang gas yung kapitbahay nila na naghatid sa bata. Nagalit na ako kaya kinausap ko na si hubby na wag ng ihatid yung bata, ipasundo na agad kay SIL. Kung marunong silang magpahatid, dapat marunong din silang sumundo. Sorry na lang, maldita rin ako!

evilwoman

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #293 on: April 01, 2013, 03:47:45 pm »
^ paano kung hindi sunduin ang bata?

EllaBratin

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #294 on: April 01, 2013, 04:06:21 pm »
^sinundo naman sis after 3 days, hindi ko lang sila naabutan sa bahay kasi nasa work ako.

evilwoman

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #295 on: April 01, 2013, 04:07:35 pm »
^buti naman.akala ko papaampon na sa inyo ang bata. :)

EllaBratin

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #296 on: April 01, 2013, 04:14:56 pm »
^Akala ko rin sis. Willing naman ako, kung nakikita ko silang nagsisikap na buhayin ang family nila, e kaso alangan namang ako ang magpapakahirap para sa kanila tapos every year na lang sila mag-aanak?

evilwoman

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #297 on: April 10, 2013, 04:43:23 am »
@EllaBratin - last tulong mo siguro,sponsor mo ng patali para di na dumami ang anak.napaka naman ng mga yan.kahit sa center nga libre ang patali e..

EllaBratin

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #298 on: April 10, 2013, 07:33:15 am »
^na-try ko na sis. Pinayuhan kong mag-family planning at pumunta sa center, sumunod naman kaso nung nakita daw nung partner na nainom siya ng pills e nagalit daw at pinatigil siya. Even her Kuya (my husband), naiinis na rin kasi nga every year na lang nanganganak.  :o

evilwoman

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #299 on: April 10, 2013, 07:36:58 am »
^next time kamo manganak sya isabay na nya patali.madami gumagawa nun.arte ng asawa nya ha..as if naman kaya bumuhay ng ganun kadami..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close