Author Topic: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?  (Read 160980 times)

EllaBratin

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #300 on: April 10, 2013, 07:55:13 am »
^sa bahay lang siya nanganganak, sa hilot. Muntik na nga siya mamatay nung nanaganak siya sa pangatlo niya, pero hindi pa rin nadala, nasundan pa rin.
Sobrang naawa naman ako sa panganay nung nagkausap kami nung nasa amin nga siya. Nagpapabili siya sa akin ng bike, sabi ko naman e yung bike ng anak ko binili niya sa perang pinamaskuhan niya. Sabi niya yung pinamaskuhan daw niya kinuha ng mama niya. Sabi ko e di mag-ipon ka na lang. Nakaipon daw siya dati ng 25 pesos tapos kinuha daw ng mama niya kasi pinambili ng diaper. Imagine sis, isang 7-year-old ang nakakaranas ng ganyan. Lalo tuloy ako nainis kay SIL, lalo na sa partner niya.

hyder0926

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #301 on: April 10, 2013, 04:30:02 pm »
the inlaws made 2 total strangers sleep in our apt last night.. kapatid nun maid ng sis inlaw ko at un bf ang natulog ng bonggang bongga dito kagabi.. ayun hinde ako nakatulog kasi hinde ako sanay na meron strangers sa bahay.. kakalurks ang ending hinde ako nakapasok sa work ko at half day naman un asawa ko.. napaka inconsiderate nila eh meron akong anak na sa mga katulong lang naiiwan madalas..

Pookiekai

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #302 on: July 02, 2013, 09:20:00 pm »
Ini-add ng kapatid ng asawa ko ang ex-kabit ng husband ko sa friends list nya sa FB, (despite the fact na nakiusap ang asawa ko sa kuya nya na wag na makipagcommunicate sa babaeng yun na kaibigan naman ng asawa ng kuya nya. ang masaklap pa nitp, ipinakilala pa sa mga cousins nila yun babae, so mas mukhang sya pa ang legal wife kesa sa akin kasi mas close pa ang bruha sa mga pinsan nilang yun kesa sa akin. (Malayo kami sa kanila nakatira kaya di kami gaano close) Hayyyy. Ayoko paapekto pero nakakainis talaga!
« Last Edit: July 02, 2013, 09:25:03 pm by Pookiekai »

graZiousa

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #303 on: July 05, 2013, 10:10:57 am »
relate ako sayo Tigershark09... sis, during sa reception ng wedding namin speech ang peg ng mom ni hubby (wala na kasi dad nila) so ayon, ang sabi ni mader na nirespeto nalang nya ang desisyon ng anak nya (hindi direktang sinabi na ayaw sa akin pero yon ibig sabihin) kasi ako ang pinili, and sabi pa na dapat daw ako kasi pinili ko anak nila na may mga flaws at isa na nga daw yong pagiging padre de pamilya dahil sya ang eldest so dapat daw tangapin ko na may responsibilidad pa ang anak nya sa mga kapatid nya kahit kasal na kami. thinking na ikinasal kami after 8 years of bf/gf nakuha pa ni mader magsabi ng ganun..haist! After the wedding, since nagstop muna si hubby ng work kasi lilipat sa ibang company nagbusiness muna kami since wala rin ako work that time. panay ang tawag ni mother na duon na kami sa kanila tumira and duon nalang din kami sa place nila hanap ng pwesto where we can continue our small business. Gusto ng husband ko pero tumangi ako to the point na napag awayan namin several times. ang point ko kasi alam ko na nga na ayaw nila sakin dun pa ako titira. ang akin lang na its better na umiwas nalang para walang gulo, ayoko ring dumating sa punto na maubos ang pasenya ko kahit ano mangyari nanay pa rin yon ng husband ko (everytime kasi tumatawag sya puro mga nega ang nakukuha ko). Better that way, umiwas nalang. kung may gathering pumupunta ako pero mas mabuti na hindi makitira sa kanila...

mamabear16

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #304 on: July 20, 2013, 02:57:26 pm »
 >:( oo sa totoo lang nabibwisit ako sa relatives ng asawa ko kasi simula pa nang nagsama ng hubby ko masyado na silang nakikipag kumpitensya sa amin kung paano kami mamuhay.. like sa simpleng nagluto lang ako ng ulam madami na silang comment kahit hindi naman kinakailangan.. nakakairita tapos nagbabayad kami sakanila ng kuryente at tubig ayaw naman nilang tanggapin pero madami silang sinasabi kesyo ang lakas daw namin gumamit ng kuryente hayst.
feeling ko insecure sila talaga samin basta mahirap talaga ipaliwanag.. kapag nakaraos na kami sa iba pang mga gastusin sana makabukod na kami sakanila.. although may sarili naman kaming house doon kaso iisa lang ang kuntador at tubig..
« Last Edit: July 20, 2013, 03:02:16 pm by mamabear16 »

WaddlingPenguin

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #305 on: July 23, 2013, 08:14:45 am »
Hi! This is my first post. I am four months pregnant and just came from bed rest due to a minor complication. My husband to be is working abroad.  Normally, it is my brother who does the errands and cleaning of the condo for me. Rght now, he had to leave because my future mother in law visited me. Nagsama siya ng dalawa. One to accompany her and one to serve her. Ang problem ko hirap ako to entertain anyone now. I can barely take care of myself. She always talks about her own aches and pains and weaknesses and kesyo she cannot do this and that. Since they arrived gusto magsine lagi. Ako naman cannot kasi mabilis ako mapagod sa mga lakad.  Nahirapan lang ako kasi I cannot serve all three of them and I have to fend for myself pa. :( ang ginagawa ko ngayon madalas ako sa room lang. Pero if I do not initiate anything wala sila makakain. Akala ko naman they will visit to take care of me given my condition kaso parang hindi ganun ang nangyayari.

vainwriter

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #306 on: July 23, 2013, 09:27:27 am »
medyo inconsiderate naman si mil sis :( did you tell hubby about it?

mysterioza_me

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #307 on: July 23, 2013, 11:54:52 pm »
@WaddlingPenguin Nku sis better tell your husband your current situation lalo na complicated ang pregnancy mo

Napaka-inconsiderate naman ng mil mo pati na rin ng mga kasama niya  >:(

hk0501

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #308 on: July 24, 2013, 12:13:28 am »
Lahat ata ng relatives ni hubby ayaw sakin.. Like i said sa isa kong thread, nirereffer pa rin nila ko as the OTHER WIFE.. Kahit auntie nya like nakasabay ko lang mag lunch minsan e makapagkwento sakin wagas, she will say "alam mo ba yung asawa ni (my hubby) e ganto ganyan" and for me awkward talaga hahaha.im like hello po asawa nya na yung kausap nya.. Im sure informed naman sila sino ang legal wife :p kaya umiiwas nalang talaga ako.. Sometimes they will even tag me sa photos ng family nila without me but andun yung ex.. Tsk kaya now blocked lahat sila sakin, sabi nga ni hubby let go na lang at mahilig manood ng telenovela mga kamaganak nya.. Akala pwede apply sa totoong buhay hehe..

seven82

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #309 on: July 24, 2013, 01:33:03 pm »
many many times na with my in laws! but never akong sumagot, nakipag away o dinisrespect sila. lagi sinasabi sa akin ng grandma ko na kahit tama pa ako i will never be right kasi sila ang mas nakatatanda sa akin. so tahimik lang ako and alam kong alam nila na hindi din nila ako basta basta kaya, kapag nandiyan ako pumepreno. pero madami pa din sinasabi sa husband ko. hindi maiwasan na mapagwayan but thankful din ako na marunong lumugar husband ko. hindi ko kailangan na pagtanggol niya ako as hindi ko naman wish na maging bad terms siya with his family. and even my daughter, gusto ko malapit sa kanila. but i will never be close to them. civil lang (this is after a very long period of pondering. dumating ako sa point ayaw ko talaga silang makita kasi alm kong i've reached my limit na sa pagpapasensya!) pagbalibaligtarin parents sila ng husband ko and grandparents sila ng daughter ko.

Nhetskii

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #310 on: July 29, 2013, 01:52:08 pm »
Yup!!

SIL -Timpi Timpi at Timpi lang talaga... kaya lang nakakatakot baka bigla akong sumabog eh di ko mapigilang sagutin sila... only son kasi ang hubby ko, bunso pa... simple lang kung makialam.. wala na kaming ginawang tama... ultimo sa sinasabi ng pedia namin about sa baby.. sarcastic pa ang dating.. bakit doctor ba kayo? kainis na.. Buti na lang super bait ni hubby kaya pag naiinis ako iniisip ko na lang na kawawa si hubby at maiipit eh.

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #311 on: October 30, 2013, 01:56:53 pm »
naiinis ako,hindi lang sa isa,kundi sa kanilang lahat..


malapit na kasi Pasko,itong si SIL mukhang magtatago sa mga mamamasko sa kanila,ito naman sila MIL nagsawa na yata sa kanila..aba nung lingo eh sinabi na dito sa amin magpapasko..syempre nagulat ako! basta sila nag decide ng hindi i-consult yung mismong may ari ng bahay? >:( akala nila pwede lahat ng gusto nila?imagine 2 br na condo,magka bisita ka ng 27 katao,ang 8 dun batang wala pang 10 taon.puro maliit pa..sawang sawa na nga ako sa kanila tuwing pupunta sila dito,buhay ko ang pineperwisyo nila >:( yung sabhin mong pakitanggal ang mga sapatos hindi naman nakikinig,hanggang tulogan namin diretso sila,pati sapatos sinasampa sa kama..wala silang respeto..ito namang asawa ko tiklop.hindi man lang pagsabihan yung pamilya niya,tapos ako naman itong “taya” sa pag aasikaso at paglinis ng buong bahay..

nakakapikon na basta sila nag decide hindi muna kami tanungin.feeling nila papayag ako,sabi ko nga sa asawa ko hindi naman pwedeng ganyan,unang una wala naman ako katulong magligpit(dahil siya mismo tamad rin),masikip dito,magulo sila,napaka dami ng bata(mga spoiled brat) at huli,hindi nila ko pinaknggan pag sinabing pakitanggal yung tsinelas sa may pinto,hindi naman tiles yung sahig namin kaya mainit sa paa,meron naman indoor slippers..kaya binilin ko talaga sa asawa ko na itong pag uwi niya sa Undas,sabhin niya hindi pwede dito,ewan ko kung masabi jiya,pero kung di niya masabi,pwes ako magsasabi..

EllaBratin

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #312 on: October 30, 2013, 05:09:59 pm »
nakakapikon na basta sila nag decide hindi muna kami tanungin.
Nakakapikon talaga ang ganyan. Habang binabasa ko ang post mo, naisip kong at least ipinaalam sa iyo kahit sila lang ang nagdecide, e yung sa akin, bigla na lang sila dumarating. Lalo na yung anak (8-year-old boy) ng SIL ko na dumadating sa amin ng 6:00+AM at magbabakasyon pala. Hindi man lang sila nag-abiso na nagdecide sila na sa amin pagbakasyunin. May baon pang habilin, itong huli ay "Ibili nyo na rin po ako ng toothbrush" so sabi ko bakit. Ang sagot e "Sabi po kasi ni mama ibili nyo raw po KAMI ng toothbrush e" Pambihira, pati toothbrush nila sa amin pa iaasa!? Nakakaloka!
Ang concern ko kasi e baka one time na bigla na lang nila ipadala ang bata tapos wala kami sa bahay, paano kung mag-overnight kami, kawawa din ang bata, walang titingin, walang magpapakain man lang. Hindi nila naiisip yun e.  ::) Akala nila, por que super aga nila pinapapunta e laging may tao sa amin.

cap78

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #313 on: October 30, 2013, 06:08:56 pm »
lagi akong naiinis sa mga in laws ko, kung makahingi ng pera akala mo may ari ng banko mister ko at pagdi binigyan sasabihing ako daw ang umayaw haist

leelou

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #314 on: October 30, 2013, 07:32:48 pm »
petty lang naman. sa mga siblings nya. yung mga shorts na bigay ko sa hubby ko, nakikita ko sinusuot ng balikbayan nyang kuya sa mga lakad nila. tas yung boxer shorts na pambahay ng hubby ko, minsan nakikita ko suot naman ng mga sisters nya sa haus eew ::) at once shorts ko nakita ko sa post nyang photo sa FB suot ng hipag ko na walang paalam. overseas ako so naiwan lang sa cabinet namin yun mga damit ko.

lisse

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #315 on: October 30, 2013, 09:21:14 pm »
^sis, sakin hindi petty yang ganyan. personal na gamit mo gagamitin/hahalungkatin ng walang paalam? big no-no sakin yan. talagang iko-call ko attention nilang lahat yan. kung sa ganyang kaliit na bagay hindi mo na mapagkatiwalaan eh pano kung sa ibang mas malaking bagay diba? saka respoeto na lang sayo at sa asawa mo.

joycefler

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #316 on: October 30, 2013, 10:31:41 pm »
From the beggining, pinakita ko talaga kung ano ako. kahit province na province yung home base ng hubby ko. Nagyoyosi ako, sumasali sa inuman ng boys, i stay up late kahit andun kami sa bahay nila. hehe... naloka nga yung matatanda dun. Pero I also cook a lot ( i cook quite well), pinagsisilbihan ko yung daddy nya, malinis ako sa house, may work ako... So after a while, pag may inuman, pinapatawag pa ako ng mga oldies!!! hahaha!!! sinasabi pa, uuuy! gusto ni joyce yan! (tequilla)... at sa fb lagi ako binabati.

I think its important to show them who you really are. Lalo na kung alam mo sa sarili mo that you are a good person. Now for really annoying relatives... well, let them be. Just take great care of your unit (immediate fam bam) and you won't have to be worried about your hubby. Don't let the negativity ruin you. Mae it part of the entertainment.

fairywinkle79122

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #317 on: October 31, 2013, 11:48:52 pm »
sis EllaBratin  hindi nga masabi ng asawa ko,ngayong gabi binilin ko na dahil maaga siya uuwi sa kanila..ang sagot sa akin ay hindi raw pwede sa kanila yung ganun mga salita..gosh! ano ba sila mga Diyos at Diyosa na basta magbabalak ng kung ano tapos pg tumanggi ka bawal? hindi siya magpaliwanag ng totoong dahilan kung bakit hindi pwede,natatakot siya na mag dahilan,baka raw mag isip ng kung no..mas gusto ko nga na mag isip sila ng “kung ano” na yan >:( para malaman nila na hindi lahat pwede,para makapasok sa isip nila na hindi ko gusto yung plano nila.ang hirap nung kahit gusto ko sabhin,may gusto akong iparating,hindi ko masabi.dahil yung asawa ko laging protektado pamilya niya,ni hindi nya naisip yung sa side ko,buti pa yung pamilya niya naisip niya,sabagay pamilya niya yun..

lisse

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #318 on: October 31, 2013, 11:58:31 pm »
^sis, kung ako ikaw, ako mismo diretso magsasabi sa kanila. it's high time na tuldukan ang ganyang gawi ng mga in-laws mo while medyo maaga-aga pa. eh ano kung mag-isip sila ng masama about you? eh ganyan nga na wala kang ginagawang bad against them ni hindi ka na nga nila binibigyan ng consideration and respect eh. give them a reason na nga, lol! seriously, tell them in a very nice way why hindi pwede. and say you hope that they understand. if magalit or what, so what? at least hindi ka stressed or pagod. now if si hubby ang binalikan nila and si hubby mo in turn eh binalikan ka, then deadma na lang. wag ka ng makipagtalo. at least you got your message across and alam nila na hindi sila pwedeng pumunta dyan. maldita ko talaga ano? ganyan natutunan ko sa SIL ko, be straightforward. hindi nga lang effective sa MIL ko kasi maski siya kahit gano niya i-straight sariling nanay nila deadma lang.

ladyisabella

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #319 on: November 02, 2013, 05:19:05 am »
Yes.

Eto recently lang..

Yung bahay kase namin ni partner e katabi bahay ng parents nya, actually gift daw yun ng parents nya samin pero di pa nakapangalan samin ni partner kase di pa nga daw kame kasal.

Everytime na magaaway kame ni partner napunta sya dun sa bahay ng nanay nya tapos sigurado wala pang 15 mins nasa bahay na nanay nun kunware kakausapin ako kung bakit kame nag away pero maya maya papagalitan na ko, ako daw may kasalanan etc etc etc!!!!

Hays.. nung saturday morning, galing pa ko sa shift ko, kakauwe ko lang.. nag away nanaman kame ni partner, bout pera.. ayun, same drama, pumunta nanaman nanay nya binabalaan ako na pag umalis daw ako di na daw ako babalik sa kanila.. Di ko alam ano nakain ko basta for the first time sumagot ako ng "ok". Kinuha ko na anak ko, ayun, lalo nagalit ang loka loka kong MIL na hilaw, pag dinala ko daw yung anak ko ni sinko di daw nila kame susustentuhan.. and I said "ok. May work ako".. sa sobrang gigil ng matandang yun binalaan pa ko na pag namayat daw apo nya kahit mag demandahan daw kame at maglaban sa DSWD e kukunin daw nya ang bata.. sabi ko "normal ho sa bata ang mamayat, magkasakit, magkasugat, lalo na lahi namin payat" hinde daw! kukunin daw nya sakin apo nya, natawa nalang ako sa sarili ko kase sya pa may gana mag hamon sakin samantalang ang anak nya nasa kabilang bahay nagtatago sa palda nya. At sya pa talaga may lakas ng loob mag demanda at ipa DSWD ako e ako ang nanay at lola lang sya (btw my baby is 5months old)

To make the long story short.. my crazy MIL always makes singit sa relationship namin ni partner. Galit na galit sya pag inaaway ang mga anak nya. Di sya napayag na naargabyado sila e to think na ako na nga tong na anakan ako pa ang nagaargabyado. hahahaha

Ako ang babae, ako ang nanay ng anak ko, aba gusto nya pumirma daw ako sa kasunduan ek ek ek.. lumalabas sila pa demanding.. hay jusko. I'm hoping for her fast recovery.. medyo malala na kabaliwan ng MIL kong hilaw :P

 

Latest Stories

Load More Stories
Close