Author Topic: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?  (Read 161061 times)

denise01

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #260 on: March 10, 2013, 10:09:32 am »
 >:( ako naman mga sis dito dinala ng hubby ko 2 niya kapatid na babae.. [textspeak!] isa student [textspeak!] isa may trabaho.. biruin nyo ako lahat gumagawa.. inuubos nila stock na food namin at pag ubos na bibili sila para sa bibig lang nila.. ggggggrrrrr

danne

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #261 on: March 10, 2013, 11:12:08 am »
hi sis denise, ganyan na ganyan din in-laws ko. sirang sira ang budget ko. napikon ako kasi more than a year ng ganito hindi ako naglabas ng bagong toothpaste, shampoo at soap.

ako naman laging badtrip sa MIL ko kasi pakialamera. sigaw sigawan at duruin ba naman ako dahil nagalit ako sa anak niya kasi lagi na lang bumabalik sa higaan kahit male-late na. napakakunsintidor.

energy_star

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #262 on: March 11, 2013, 12:39:39 am »
Hindi pa naman.

denise01

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #263 on: March 11, 2013, 09:21:24 am »
korak sis danne tapos ako pa lalabas na masama sa biyanan ko.. hindi naman nila alam ugali ng junakis nila

caramelli

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #264 on: March 11, 2013, 10:46:17 am »
madalas! ;D in fairness, kapag nagalit naman ako at nawala na inis ko, wala na rin yun. ang nakakainis lang, paulit-ulit nalang sila kaya parang ganun din.

mslcgrey

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #265 on: March 15, 2013, 10:14:06 pm »
well, technically SIL ko na siya. hindi pa niya lang alam since secret sa kanila yung civil wedding namin. we already formally announced our plans to have our wedding this december, Christian wedding namin to be exact. so obviously we have to prepare for it meaning mag-iipon kami.

aside from that, since last year twice nahospitalized ang dad nila eh nagkaroon sila ng malaking utang. nagtutulungan silang magkakapatid to pay off those debts. sa tita nila yung money so okay lang na paunti-unti, monthly meron silang binabayaran. of course, si hubby eh nasa manila so nagbabayad yan ng rent sa house. actually, di na rent since may house na kami. pinapalabas lang na nagrerent pa siya.

so ibig sabihin, kailangan medyo tipid. yung mga luxury medyo iwas. dito sa house namin binili, gusto na lagyan ng bakod ni hubby sa likod to make it safer since pang-gabi siya so ako lang sa house kapag gabi. ako mismo nagsabi na, wag muna after the december wedding na lang kasi gusto ko mabuo namin yung target budget namin. if maaga namin maipon then sige pagawa na but not before. mahirap ng mamoblema kapag ayan na yung wedding.

ito naman si SIL eh naisipan na gawin daw more presentable ang kanilang family house. she does not have work nowadays, pinapadalhan siya ng kanyang Canadian fiance ng allowance monthly. within the year, punta na rin siya ng Canada.

they just renovated their house like two years ago. compared sa mga houses na iba, super ganda na ng house nila. though very simple and outdated yung mga decors nila but nasa province naman sila so ok naman. eh mukhang nasobrahan siya ng pinagawa so ngayon she is asking the help kuno (required naman kasi talaga) ng mga kapatid niya to pay off yung balance ng mga binili niya for the house.

ok lang naman magpabongga ng house if walang dapat mas unahin. nagrereklamo sila na ang mahal ng maintenance na gamot ng dad nila and di ko lang sure if nakalahati na nila yung bayarin nila but mukhang hindi pa. tapos ganito.... hay...

by the way, dapat ba talaga kapag nauna ang mas bata na kapatid magpakasal eh magbayad ng penalty sa older sibling na wala pang asawa? she is pointing that out kasi and mukhang seryoso na sisingilin ang hubby ko.

minsan, gusto ko ng umamin na ate may binabayaran na pong bahay ang kapatid nyo.

sorry mga sis super haba, everytime naiisip ko naiinis ako talaga.

break_free

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #266 on: March 16, 2013, 02:52:21 am »
^ huh? now ko lang narinig yan ah. magbabayad porket nauna magpakasal? tama ba pagka understand ko sis? eh sis wag kayo papayag, inuuto lang kayo ni SIL - 'magulang' siya na matatawag. i'm sure mag gagalit galitan pa si SIL mo para makuha gusto niya. ano ba nationality nila or what?


baliktad nga actually, dapat nga mas supported ng magkakapatid kung sino man ang ikakasal tas hihingan pa ng pera? thank god hindi ganyan mga kapatid ko, usapan namin kung kulang man ipon sa pagpapakasal eh help nalang each other.

vainwriter

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #267 on: March 16, 2013, 04:19:19 am »
^^ngayon ko lang narinig yang pamahiin na yan sis... baka nga panggugulang lang yan. si hubby ko nauna kami ikasal kesa sa kuya nya wala namang ganun ganun

mslcgrey

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #268 on: March 16, 2013, 10:28:51 am »
sis break_free and vainwriter, they are from negros and tradition daw sa kanila yun. kahit ako first time kong narinig sa kanila yun and i also don't get the purpose of that payment.
if they want to follow traditions eh dapat ako rin like holding the wedding sa side ko and requiring them to do a pamamanhikan. but i opted not do any of those in consideration of their dad na crippled na. kahit mama ko wala siyang inarte, siya pa nga ang pumunta ng negros last year para ma-meet ang family ni jay.
naisip ko na yan na magtatampo-tampo ang ate niya. last december, nagtampo nga siya kasi wala kami nabigay na christmas gift sa kanya though meron naman talaga kaming gift. nagpagawa kami ng caricature niya and her fiance, unfortunately, hindi dumating on time so nagsabi naman kami agad na ma-lalate lang. pero kahit ganun,  nalaman pa rin namin na nagtampo siya kasi siya lang daw ang walang gift. eh hello, ever since naging kami share kami sa christmas gifts yearly yun. pinag-iisipan ko talaga ang mga gifts. ako ang natanggap ko lang sa kanila eh mga unused tupperwares nila na naka-stock sa house nila. take note, hindi pa nakabalot ng wrapper yan.
hindi naman sa nagbibilang but sana lang a little consideration na marami na kaming sacrifices for them.

vainwriter

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #269 on: March 16, 2013, 07:43:13 pm »
^sad to hear all of that sis...so anong sabi ni hubby mo magbabayad ba siya? and malaking amount ba required sa tradition nila? sana may sisses na taGa-negros who can clarify this for you also.

blushberry

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #270 on: March 17, 2013, 06:34:49 am »
Just with my future SIL.  Wala narin naman talagang problem sa ngayon, my future MIL likes me and that is all that matters.

evilwoman

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #271 on: March 17, 2013, 06:15:23 pm »
May kilala na ko na dumaan sa similar tradition pero di naman binayaran.nagbigay lang ng gift sa older sister parang token of appreciation lang.
Sa case ko,pinakanakakaasar lang siguro yung isang tita nya.unang kita sa akin e todo sigaw sa asawa ko ng "bakit ang taba?!" Nangingiti na lang ako pag naaalala ko.

mslcgrey

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #272 on: March 17, 2013, 08:18:27 pm »
^ sis ok sana if token lang and sana she waited na kami ang mag-offer. in our case kasi, though medyo pabiro yata pagkakasabi niya, she is sort of demanding it. balak naman daw niya gamitin for the beautification of their family house.

well, para wala na lang gulo at wala na siya or anyone from their family masabi, magbibigay na rin kami but usapan namin ni hubby ibabawas ko yung amount na iyon sa budget namin para sa handaan na gagawin sa family home nila to celebrate our wedding.

basta i don't plan to ask a single centavo from them as contribution for the wedding. ayokong may masabi sila sa amin. sa side ko, may mga sagot nila for my wedding as their gift to their ate. tapos hindi rin namin sagot ni hubby ang airfares ng family ko. so talagang effort for them.

ok na yan tutal naman dito naman kami sa laguna titira ni hubby and not in negros.

evilwoman

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #273 on: March 17, 2013, 08:41:01 pm »
^di kaya tumetesting lang pero asang asa?if i were in your shoes,tutal malayo ako sa kanya,manigas sya sa inis.uugatin sya sa paghihintay ng pera sa akin. :D

darkmocha

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #274 on: March 18, 2013, 12:15:04 am »
galit, inis, pikon talaga ko kay SIL. Nagmadali magpunta sa States -- akala namin to work at mahanap ang direksyon ng buhay nya only to find out na Magt-tour lang pala ang balak at maghanap ng jowa!!!

Sobrang Tigas talaga ng mukha -- worst thing is nagiwan pa sya dito ng P500,000 credit card DEBT! Debt that we have to pay off kasi masisira pangalan nya at ng corporation namin since kasali sya dun...
So right now, imbis na profit na kami, big chunk of our earnings have to go to her credit card debts...
HUHUHU!! Sobrang nakakaasarrrr...

Sobrang gastador sya when she was here puro shopping, party, and travel ang inatupag kaya pala umabot ng ganun ang utang nya. Puro yabang sya pero puro Utang naman pala! Haysss!

Worst thing is, hindi pa sya nadala... puro gastos pa din sa states ayaw kumuha kahit part-time work! ano ba yan... meron pala talagang tao na sobra ang yabang feeling Paris Hilton at heredera...

How I wish I could confront her, but magagalit pa sakin nito si Hubby. Spoiled BRAT!

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #275 on: March 18, 2013, 01:06:59 pm »
well, technically SIL ko na siya. hindi pa niya lang alam since secret sa kanila yung civil wedding namin. we already formally announced our plans to have our wedding this december, Christian wedding namin to be exact. so obviously we have to prepare for it meaning mag-iipon kami.

aside from that, since last year twice nahospitalized ang dad nila eh nagkaroon sila ng malaking utang. nagtutulungan silang magkakapatid to pay off those debts. sa tita nila yung money so okay lang na paunti-unti, monthly meron silang binabayaran. of course, si hubby eh nasa manila so nagbabayad yan ng rent sa house. actually, di na rent since may house na kami. pinapalabas lang na nagrerent pa siya.

so ibig sabihin, kailangan medyo tipid. yung mga luxury medyo iwas. dito sa house namin binili, gusto na lagyan ng bakod ni hubby sa likod to make it safer since pang-gabi siya so ako lang sa house kapag gabi. ako mismo nagsabi na, wag muna after the december wedding na lang kasi gusto ko mabuo namin yung target budget namin. if maaga namin maipon then sige pagawa na but not before. mahirap ng mamoblema kapag ayan na yung wedding.

ito naman si SIL eh naisipan na gawin daw more presentable ang kanilang family house. she does not have work nowadays, pinapadalhan siya ng kanyang Canadian fiance ng allowance monthly. within the year, punta na rin siya ng Canada.

they just renovated their house like two years ago. compared sa mga houses na iba, super ganda na ng house nila. though very simple and outdated yung mga decors nila but nasa province naman sila so ok naman. eh mukhang nasobrahan siya ng pinagawa so ngayon she is asking the help kuno (required naman kasi talaga) ng mga kapatid niya to pay off yung balance ng mga binili niya for the house.

ok lang naman magpabongga ng house if walang dapat mas unahin. nagrereklamo sila na ang mahal ng maintenance na gamot ng dad nila and di ko lang sure if nakalahati na nila yung bayarin nila but mukhang hindi pa. tapos ganito.... hay...

by the way, dapat ba talaga kapag nauna ang mas bata na kapatid magpakasal eh magbayad ng penalty sa older sibling na wala pang asawa? she is pointing that out kasi and mukhang seryoso na sisingilin ang hubby ko.

minsan, gusto ko ng umamin na ate may binabayaran na pong bahay ang kapatid nyo.

sorry mga sis super haba, everytime naiisip ko naiinis ako talaga.

hi sis! mukhang di pa rin kayo tinitigilan ni SIL mo ha... last time yan yung usapan natin. :) San naman nya nakuha yung pamahiin na kapag younger nag asawa eh magbabayad ng penalty ng elders? Naku wag ka maniwala dyan. As what our other sisses says here naku mukhang inuuto nya lang si hubby mo. Wag ka pumayag. First things first. Unahin mo yung wedding nyo and prioritize your house.

I know they are from Negros and we're from the neighboring province in Panay ;) I never heard that tradition. Ang alam ko lang when someone in need, tulong tulong lang as close talaga family sa province. Pero naku don't believe sa SIL mo. Sya ang may project nyang sa bahay nila then she should pay for it. Isa pa you mentioned din sa prev conversations natin na may mga bills pa binabayaran si hubby mo. I think yun dapat priority nila ngayon. Oks pa naman yung house nila for sure di pa naman magigiba yun. ;)

Ganyan talaga mga SIL sis ;) same tayo ng in-laws na kinakaasaran pero ibang issue lang. Saka tama yan na on your own kayo kasi pag nakishare pa sila baka ano pa marinig mo. Naloka ako sa tupperware ng regalo nya sayo ha... at least meron na kayo pag storage na lalagyan :p

Be thankful na nga lang dito kayo sa Laguna at hindi sa Negros :D btw, I thought yung SIL mo magpapakasal din sa Negros?

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #276 on: March 18, 2013, 01:12:32 pm »
^di kaya tumetesting lang pero asang asa?if i were in your shoes,tutal malayo ako sa kanya,manigas sya sa inis.uugatin sya sa paghihintay ng pera sa akin. :D

I agree! Sabihin mo na-delay or something. Haha! Or ugatin na sya sa paghihintay ng padala. Dapat nga medyo lie low na yung SIL mo sa hubby mo mag ask ng pera kasi technically wala na sila habol sa kapatid nila dahil may asawa na. Alam mo naman kasi minsan sa province pag nasa Manila ka akala nila eh marami ka pera. Tapos alam pa nila na papunta punta lang kayo dun ;) akala nila namumulot kayo ng pera not knowing na iniipon din yun at pinaghihirapan.

mslcgrey

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #277 on: March 18, 2013, 10:30:17 pm »
^ dapat last year kasi nagka-bf na Canadian thru online sites and ang unang balak nila is to get married when the guy visited last year. when she told us mga bandang august yata nagbook agad kami to attend her november wedding kahit may tickets na rin kami going there for december. so kahit magkasunod na punta doon go lang.
then by october they canceled their plans for reasons i don't know but nagpunta pa rin si bf niya doon sa kanila. parang ang nangyari nag-meet the parents lang. well, first time din lang naman sila nagkita ng personal.
i wish natuloy yung wedding para wala na itong inarte na ito. iwas gulo na lang so we'll give in but naku wag na siyang humirit. actually, gusto niya pa i-move yung wedding date namin kasi baka hindi daw sila maka-uwi nung bf niya from canada. she is just waiting for her visa. eh well, sorry siya may guests na kami may flight na tapos naka-book na rin ang photo and video namin. mas lalo na ngayon wala ng urungan kasi may tickets na rin kami and more than half of our guests coming from manila have tickets na rin.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #278 on: March 19, 2013, 08:46:18 am »
^ sis wag mo na move. Ano ba naman yung isang missing guest compared sa mga closest friends nyo na pupunta? ;) I thought she was already married. Naku mauunahan mo pa SIL mo magpakasal for sure. Saka bakit ikaw mag aadjust sa kanila, dapat sila rin. I think what you've done before was enough for them to realize na you were willing to give way para sa kanila. Dapat nga maging thankful pa sila na instead na sila yung pupunta ng Manila kayo nalang yung nag give way na dun nalang yung wedding sa Negros para sa dad ni hubby mo. Buti nalang yung Mom mo payag na pumunta ng province. :)

Ganyan ata talaga mga SIL... minsan dami talaga inarte. Di mo alam kung papansin lang or nagseselos. Ang importante all set na yung wedding nyo and most of your invited guests will be there for your special day. :)

mslcgrey

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #279 on: March 19, 2013, 09:50:08 am »
^ talagang walang urungan! nung sinabi sa akin ni hubby yang request na yan, i reminded him immediately na may nabook na tayong suppliers and we already have guests na may tickets na. she was asking kasi if may tickets na kami and that time wala pa. well, ngayon may tickets na kami and majority of our invited guests.

he already told her pala na we will be sending her penalty request and super happy siya based on her text. para naman sa family house nila iyon sabi niya. magsesend pa nga daw siya ng pics ng naka-ayos nilang house. naisip ko nga sana ipagawa niya yan kapag nasa canada na siya and she is earning na doon. well, sanay na rin kasi ako sa family nila na may pagkamayabang. di ba nga kapag bday ng papa nila, buong barangay ang pinapakain?

buti na lang mas malakas ang influence ko ngayon kay hubby. well, ako ang kasama everyday and di ba may saying na if the husband wants to be happy eh dapat masaya si wife muna? hahaha!

about kay mama pala, mahilig naman gumala siya gumala kaya ok na ok sa kanya. while yung mga siblings ko except the bunso eh first time sasakay ng plane so ok din sa kanila. ang pamangkin ko ang excited and her mom planado na ang susuotin for the wedding.

i guess kahit mainis tayo sa mga relatives basta tayo ang kakampihan ng mga hubby natin at nakaseparate tayo ok lang.  :) :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close