Author Topic: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?  (Read 160764 times)

ebiko

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #80 on: December 17, 2010, 07:56:46 am »
^^

whoa! ano ba work ng hubby mo sis at ganun na lang kalaki kung manghingi si MIL ng allowance? grabe .. baka akala may sarili kayong atm?

isipin naman sana ni MIL, magkaka-anak na kayo, alangan namang mag-demand pa rin siya ng ganon kalaking allowance kapag nanganak ka na?  >:(




jeelianne

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #81 on: December 27, 2010, 03:18:55 pm »
Kalimutan nyo na ako, wag lang ang anak ko.  Materyal na bagay lang yan kung tutuusin kaya kong ibigay 100,000 times more, pero sa batang paslit, big deal yan.  Ayoko lang na napapahiya ang anak ko sa harap ng mga kamag anak niya.  Hindi porke't tahimik ang bata, walang nararamdaman.

Mahirap lang mag comment, kasi I'm sure iniisip nila "materyosa ka lang."

:(

sweet_cherry

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #82 on: December 27, 2010, 05:35:28 pm »
^nyek. ano ba yan. competition. sagwa namn. mother versus wife.

ako niinis ako sa SIL ko. hingi ng hingi. ano ba tingin niya sa asawa ko si Santa Claus? pasko ba buong taon??  at eto pa, malaki na daw utang niya sa credit card niya, need daw niya ng pera pambayad.  kung ayaw daw ng hubby ko na makulong sis niya pauntangin daw siya ng pera. siempre, natakot c hubby baka nga makulong irresponsableng kapatid niya.  to think mga sisses, unemployed ako ngayon, employed si SIL and kung [textspeak!]-anong binibili na wala namng kwenta.  and by the way single pa siya. bakit aabot ng 35k utang sa credit card?? lech!!!

Wag nyong pautangin, sabihin mo di ka naman makukulong kung di mo mabayaran yun.

yang

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #83 on: December 30, 2010, 07:57:56 am »
hay naku! kapikon pikon. SIL and clan not even a thank you. [textspeak!] ba yan. wala talaga ang weird no? pero this christmas its the season of giving kaya pagbigyan.

kaiz

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #84 on: January 01, 2011, 12:57:58 am »
Hubby has an aunt na super inggitera. Mahilig makialam and magkalat ng chismis. Sa mga salu salo whenever she starts blabbing, ngiti ngiti lang ako kunyari nakikinig ako. And shempre alis agad ako.

hersmart4ever

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #85 on: January 01, 2011, 01:58:33 am »
Yes I did kasi naman kung humingi ng tulong akala mo may pinatabing pera. Niloko pa kami. I totally disassociate myself na lang. I can still co-exist with them; but I can't be so nice anymore.

huckleberry

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #86 on: January 02, 2011, 01:53:10 am »
isang malaking OO! ako na yata ang may pinakaplastik, pinakahambog, at pinakabastos na SIL.  Just last night, hubby and I had a fight as in sigawan dahil sa pagkampi nya sa sinungaling na kapatid nya instead na ihingi nya ng tawad ang bastos na pakikiharap na ginawa ng kapatid nya sa kapatid ko. hanggang ngayon wala akong balak kausapin hubby ko, mamamatay muna ako pero hindi ako titiklop sa kanila.

mizizlim

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #87 on: January 05, 2011, 05:31:20 pm »
haynako, a gazillion times YES. >:(

reb_woods072683

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #88 on: January 06, 2011, 05:44:30 am »
Nainis ako recently sa sis ng hubby ko. Siya kasi ang nag presenta na mag alaga sa 1st born ko, tapos after getting a whole month salary for december (she started last week ng nov) eh nag inarte na may inaasikaso daw siya, kesyo may sakit ang anak, tapos after a while sinabi na highblood daw siya, at natatakot daw siya na baka bigla niyang mabitawan ang baby ko kapag bigla siyang nahilo. Ang masaklap pa, hindi nag inform ng maaga, and I had to go on emergency leave for a week dahil walang magbabantay sa baby ko. Hay naku!!! Nakakainis talaga!

prettygurl00001

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #89 on: January 07, 2011, 04:53:02 am »
recently lang, nabwisit na naman ako sa MIL ko. Here's the story:
Hubby got a phone call one morning from his brother na kauuwi lang from abroad. Ininvite kami for dinner sa haus nila. Biglaan lang ito na invitation coz he wants to surprise his wife na may bday that day. Then at noon, BIL called again. We were suprised to find out that my DIL and MIL were already there. Eh 5 hrs travel from their place going to BIL's place, to think na biglaang invitation lang yun tapos napasugod agad sila sa haus ni BIL. Samantalang kami ni hubby na matagal nang nag-iinvite na dumalaw sila sa haus namin, ni minsan never pa nila nakita ang haus since we moved in about a year ago. Take note ha, 1 hour away lang ang haus ni BIL sa amin.
So there, tapos sabi pa ni BIL, sunduin daw ni hubby sila DIL at MIL para makapunta naman daw sa amin. So natuwa naman kami coz at least kahit papano makakapunta na sila and finally makikita na nila ang haus.
Pagdating nila sa haus, parang mga ibang tao na umupo lang maghapon sa sofa at nanood lang ng nanood ng tv. Hindi man lang umikot sa bahay para tignan kung maganda ba ang rooms, ang kitchen, etc. I tried initiating conversations, pero mga one-liner lang ang mga sagot ng MIL. Pinaghanda ko ng food pero ni hindi man lang tinikman.
Then biglang sabi ni hubby "Pupunta pala kayo dito, sana dinala nyo na yung naiwan namin na book sa bahay nyo". Aba ang sagot ni MIL "Eh wala naman kaming planong pumunta dito kaya hindi namin dinala yung libro nyo". So there, nadulas sa sarili nyang dila ang MIL na wala talaga silang planong pumunta sa amin, na pinilit lang sila ni BIL na dumaan sa amin. Hay... kakapag-init talaga ng dugo. Maski si hubby malaki ang tampo sa kanila coz he feels that he's the least favorite sa kanila magkakapatid.

Stellar27

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #90 on: January 07, 2011, 05:16:39 am »
di pa ako naka backread dito. pa join mga sis.

salabahe ang lola ng asawa ko [nanay ng daddy ni husband]. 60+ na siya,magnanakaw, sinungaling, inggitera, naninira at nananakit. hindi ito dala ng katandaan mga sis. ganyan na daw talaga ang ugali niya nuong araw pa. mula kay mother in law, hanggang sa mga kapatid ni mother in law at lahat ng kamag anak at kakilala na nakasama siya, sinusuka ang ugali niya.

yung step brother ng husband ko, magnanakaw din at sinungaling. salaula sa bahay [di marunong mag buhos ng poop and weewee sa banyo/ makalat] di tinapos ang 1st year highschool 18 years old na. kain tulog dota at magnakaw lang ang alam. siyempre, yung lola ang nagpalaki sa kaniya eh.

sad to say kasama ko sila sa bahay. kaya araw araw na parusa ang pagmumukha at mga ugali nila. nilalabanan ko na lang ng dasal at positive attitude. pero sana this year maka bukod na kami.

reb_woods072683

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #91 on: January 07, 2011, 06:00:37 am »
^^ aww! parusa talaga yan sis!

kumikosan_9

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #92 on: January 10, 2011, 11:35:25 am »
actually, okay naman pala ang inlaws ko, contrary to what i expected based sa pagkakakilala ko sa kanila when we were still bf/gf ni hubby. Meron lang siguro medyo off akong napansin...

si hubby kasi, mama's boy yun. One time, my mom went to visit our home, nataon naman na nagpadala si MIL ng ONE slice ng torta (hehe) at sabi pa ng maid, "para daw kay kuya". toink! medyo nagalit ang mommy ko. ako naman, napahiya. since then, everytime visit ko mommy ko, secretly ask nya ako kung kumusta na ang MIL ko. pero nakasimangot na sya lagi. parang nawalan sya ng gana sa inlaws ko. naulit pa yung pagbibigay ng ulam "para kay kuya" i think twice, di ko na lang din pinapansin...anyway share naman kami ni hubby.  ;D

pinkk

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #93 on: January 21, 2011, 09:24:22 am »
Re: naiinis o nagagalit:
naiinis if they went overboard, but still I have to respect them kahit im boiling(plastic ba?)
« Last Edit: January 21, 2011, 09:27:27 am by pinkk »

proudmama

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #94 on: January 21, 2011, 09:38:43 am »
oo sa nanay nya at pamangkin na puro paawa, pati na din sa asawa ko naiinis ako. magsama sama sila >:(

mishmish

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #95 on: January 21, 2011, 03:26:37 pm »
YES!! super over mega to the max na!!!! major major na talaga inis/galit ko sa epaloids na MIL, SIL at diablong F.I.L na yan!  >:( >:( >:(

ishko

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #96 on: January 21, 2011, 03:38:45 pm »
i hate my mil.. wait ko na lang na ma-deads siya bafore ako pumunta dun.. hehe  ;D

ana mimi

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #97 on: January 21, 2011, 03:48:44 pm »
yes.. i hate his siblings.. kaya sabi ko talaga, hinding hindi kami titira sa bahay nila at hindi ko ipapakita ang anak ko sa kanila ever.

magkakamatayan muna kami.. ok naman ako with my mil and hubby.. yung mga siblings and cousins lang..

port80*

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #98 on: January 21, 2011, 06:20:45 pm »
I think maswerte ako because of 2 things: 1) dahil malayong-malayo kami sa pamilya nya (we're here in Australia) and 2) estranged siya sa sister at mother niya, sa tatay niya siya lumaki.

Nung mag-bf pa lang kami, pa-close sa akin ang sister niya.  Although alam kong maldita numero uno yun pero sige lang ako, hanggang wala namang pinapakitang masama sa akin, di ako papatol kahit alam kong malayo rin sa kanya ang hubby ko kasi nga may topak siya :D  I think ilag din sa akin si SIL kasi maldita din ako no at wala naman siyang maipagmamalaki sa akin.  Hanggang sa nangyari na nangutang siya sa akin at pina-deposit pa sa ibang account ha kasi pang-emergency daw at nagka-seizure daw siya etc.  Matapos kong masabi na nai-deposit ko na ang pera, nalibing yata ang cellphone at kahit thank you ay hindi na nakapag-text back.  In short, goodbye sa perang inutang.  Pero di pa rin ako nadala.  Nakisama pa rin ako.  For our wedding, invite namin sina MIL at SIL.  Ngunit ang malditang SIL ay napakaraming ginawang issue.  Nagalit ang MIL kasi sinulsulan ni SIL na nauna pa daw nakaalam ang best friends namin kesa sa kanila na ikakasal na kami (eh hello, estranged sila as in estranged.  As in 10000 years ago pa huling nag-usap si MIL at si hubby.  At si SIL, abnormal lang talaga kaya kahit nagi-initiate siya ng contact, dinededma ni hubby.).  Anyway, sa madaling salita, hindi sila sumipot sa wedding namin.

Before we left for abroad 2 years ago, we finally had dinner with my family, MIL and SIL (because si father in law ay sa province nakatira).  They were rude as in dinedma ang buong pamilya ko the whole meal.  Not a word to them.  Kung alam lang nila na pinilit ni hubby isama ang pamilya ko dahil ayaw niya to be alone with his own mother and sister!

Anyway, di ko na sila pinuproblema ngayon kasi paemail-email pag kailangan ng pera pero di pinapansin ni hubby.

Ang malaking nakakainis na problema ay si fudra-in-law.  Dahil matanda na siya at palibhasa sa dami ng anak niya ay si hubby lang ang lumaki talaga sa kanya (dahil iniwan niya lahat!), kay hubby siya naka-depend.  Ok lang before, I didn't mind, na nagpapadala si hubby sa kanya kasi independent naman ako and I work, I have my own money.  Although na-upset ako dahil yung ama niya ay kundi ba naman talagang babaero, may kinakasama na may 3 anak!  Yung panganay ay half-sister ni hubby pero yung 2 ay totally unrelated.  Bad trip dahil bukod sa may sakit na nga ang dad niya at kailangan namin magpadala ng money monthly for meds, pati pang-tuition ng mga anak niyang hilaw ay sa amin pa hinihingi!  Ang text lang sa amin dati ay hingi ng tulong kasi magco-college na yung half-sister ni hubby, aba nagulat ako ng biglang ipadala ba naman dito ang schedule of tuition!  Tapos after a year siguro, nag-text na graduate na rin ng HS yung isa at 2 na ang college "namin" ngayon.  Aba !$#%@$% di ba???  Ang nakakairita, for some reason itong si hubby ay nag-increase ng padala sa kanila.  Aba nung minsang kinapos si hubby at nagbawas ng padala, may nakita ba naman akong makapal na mukhang text ni fudra-in-law na enough lang daw yung pinapadala dati at pag ganun daw eh kulang na.  Homaaaygadd! Si hubby pa ang nag-apologize kasi ang dami naming binayarang bills!  Kulang umikot ang ulo ko sa highblood!

Tapos recently, mega-save kami kasi I'm 33 weeks preggy and won't get any pay if I stop working.  Sa malas eh na-ospital si fatherhood.  Syempre ano ba naman yun ang anak niya nasa Australia, dun tayo sa pinakamahal na ospital.  Walang ka-effort effort na maka-save, kami pa na pagkalayo-layo ang nag-asikaso ng Philhealth at Seniors niya para maka-discount.  Ang mom ko sobrang naawa sa akin kasi iyak ako ng iyak (dahil sa inis dahil yung iniipon namin for the baby ay mauuwi sa kanya at sa awa sa hubby ko dahil grabe ang pressure, di naman siya makaimik sa tatay niya) kaya ayun siya nag-volunteer mag-ayos ng papeles sa Philhealth, sa ospital, etc.  To think na nasa Manila mom ko at nasa province ang fQ#$-in-law.  At ang kinakasama niya, hindi man lang yun ang nagbabantay sa kanya ha, yung college na panganay na wala namang alam sa pakikipag-usap sa mga doctor, etc.  Na-shock mom ko kasi hingi siya ng partial billing, yung pinakamahal pa na room pinili nila!  At ang doctor nila 2 days na nagsasabi idi-discharge sila pero di man lang nila habulin para bigyan na ng discharge slip.  Eh alam nyo naman mga doctors, negosyo din yan dahil daily rin ang PF nila!  Hay sobrang stressful.  Dahil di pa kami makakapag-remit until malaman ang final billing, mom ko pa ang nag-abono ng buong bill sa ospital ha.  Thank you na lang, matapos ang lahat, ni ha ni ho walang text kung buhay pa ba ang pasyente o ano.  Nakita ko na lang sa phone ni hubby na kinakamusta niya ang tatay niya at ang sagot ay isang napakaikling "still under meds" tapos nag-rundown na ng perang kailangan niya para sa gamot.  OMG di ba? 

Anyway, gusto ko lang mag-rant kasi ongoing pa rin ang drama na to kasi sa month-end ay papadala na naman si hubby ng pera.  Sobrang stressed si hubby dahil pinipilit niya na mag-provide sa 2 pamilya kahit obviously ay di niya kaya, especially now that I'm not working anymore and he will have to shoulder all the bills that I shared with him before.
« Last Edit: January 21, 2011, 06:27:30 pm by port80* »

ana mimi

  • Guest
Re: Nagalit, nainis, napikon na ba kayo sa relative/s ng asawa nyo?
« Reply #99 on: January 21, 2011, 06:27:27 pm »
grabe naman yan sis..

wag kang magtiis..

ang gastos naman nyang mga yan

porket nasa ibang bansa akala na nila mayaman.

nakakaloka talaga..

dapat matuto naman sila magtiis

 

Latest Stories

Load More Stories
Close