I think maswerte ako because of 2 things: 1) dahil malayong-malayo kami sa pamilya nya (we're here in Australia) and 2) estranged siya sa sister at mother niya, sa tatay niya siya lumaki.
Nung mag-bf pa lang kami, pa-close sa akin ang sister niya. Although alam kong maldita numero uno yun pero sige lang ako, hanggang wala namang pinapakitang masama sa akin, di ako papatol kahit alam kong malayo rin sa kanya ang hubby ko kasi nga may topak siya

I think ilag din sa akin si SIL kasi maldita din ako no at wala naman siyang maipagmamalaki sa akin. Hanggang sa nangyari na nangutang siya sa akin at pina-deposit pa sa ibang account ha kasi pang-emergency daw at nagka-seizure daw siya etc. Matapos kong masabi na nai-deposit ko na ang pera, nalibing yata ang cellphone at kahit thank you ay hindi na nakapag-text back. In short, goodbye sa perang inutang. Pero di pa rin ako nadala. Nakisama pa rin ako. For our wedding, invite namin sina MIL at SIL. Ngunit ang malditang SIL ay napakaraming ginawang issue. Nagalit ang MIL kasi sinulsulan ni SIL na nauna pa daw nakaalam ang best friends namin kesa sa kanila na ikakasal na kami (eh hello, estranged sila as in estranged. As in 10000 years ago pa huling nag-usap si MIL at si hubby. At si SIL, abnormal lang talaga kaya kahit nagi-initiate siya ng contact, dinededma ni hubby.). Anyway, sa madaling salita, hindi sila sumipot sa wedding namin.
Before we left for abroad 2 years ago, we finally had dinner with my family, MIL and SIL (because si father in law ay sa province nakatira). They were rude as in dinedma ang buong pamilya ko the whole meal. Not a word to them. Kung alam lang nila na pinilit ni hubby isama ang pamilya ko dahil ayaw niya to be alone with his own mother and sister!
Anyway, di ko na sila pinuproblema ngayon kasi paemail-email pag kailangan ng pera pero di pinapansin ni hubby.
Ang malaking nakakainis na problema ay si fudra-in-law. Dahil matanda na siya at palibhasa sa dami ng anak niya ay si hubby lang ang lumaki talaga sa kanya (dahil iniwan niya lahat!), kay hubby siya naka-depend. Ok lang before, I didn't mind, na nagpapadala si hubby sa kanya kasi independent naman ako and I work, I have my own money. Although na-upset ako dahil yung ama niya ay kundi ba naman talagang babaero, may kinakasama na may 3 anak! Yung panganay ay half-sister ni hubby pero yung 2 ay totally unrelated. Bad trip dahil bukod sa may sakit na nga ang dad niya at kailangan namin magpadala ng money monthly for meds, pati pang-tuition ng mga anak niyang hilaw ay sa amin pa hinihingi! Ang text lang sa amin dati ay hingi ng tulong kasi magco-college na yung half-sister ni hubby, aba nagulat ako ng biglang ipadala ba naman dito ang schedule of tuition! Tapos after a year siguro, nag-text na graduate na rin ng HS yung isa at 2 na ang college "namin" ngayon. Aba !$#%@$% di ba??? Ang nakakairita, for some reason itong si hubby ay nag-increase ng padala sa kanila. Aba nung minsang kinapos si hubby at nagbawas ng padala, may nakita ba naman akong makapal na mukhang text ni fudra-in-law na enough lang daw yung pinapadala dati at pag ganun daw eh kulang na. Homaaaygadd! Si hubby pa ang nag-apologize kasi ang dami naming binayarang bills! Kulang umikot ang ulo ko sa highblood!
Tapos recently, mega-save kami kasi I'm 33 weeks preggy and won't get any pay if I stop working. Sa malas eh na-ospital si fatherhood. Syempre ano ba naman yun ang anak niya nasa Australia, dun tayo sa pinakamahal na ospital. Walang ka-effort effort na maka-save, kami pa na pagkalayo-layo ang nag-asikaso ng Philhealth at Seniors niya para maka-discount. Ang mom ko sobrang naawa sa akin kasi iyak ako ng iyak (dahil sa inis dahil yung iniipon namin for the baby ay mauuwi sa kanya at sa awa sa hubby ko dahil grabe ang pressure, di naman siya makaimik sa tatay niya) kaya ayun siya nag-volunteer mag-ayos ng papeles sa Philhealth, sa ospital, etc. To think na nasa Manila mom ko at nasa province ang fQ#$-in-law. At ang kinakasama niya, hindi man lang yun ang nagbabantay sa kanya ha, yung college na panganay na wala namang alam sa pakikipag-usap sa mga doctor, etc. Na-shock mom ko kasi hingi siya ng partial billing, yung pinakamahal pa na room pinili nila! At ang doctor nila 2 days na nagsasabi idi-discharge sila pero di man lang nila habulin para bigyan na ng discharge slip. Eh alam nyo naman mga doctors, negosyo din yan dahil daily rin ang PF nila! Hay sobrang stressful. Dahil di pa kami makakapag-remit until malaman ang final billing, mom ko pa ang nag-abono ng buong bill sa ospital ha. Thank you na lang, matapos ang lahat, ni ha ni ho walang text kung buhay pa ba ang pasyente o ano. Nakita ko na lang sa phone ni hubby na kinakamusta niya ang tatay niya at ang sagot ay isang napakaikling "still under meds" tapos nag-rundown na ng perang kailangan niya para sa gamot. OMG di ba?
Anyway, gusto ko lang mag-rant kasi ongoing pa rin ang drama na to kasi sa month-end ay papadala na naman si hubby ng pera. Sobrang stressed si hubby dahil pinipilit niya na mag-provide sa 2 pamilya kahit obviously ay di niya kaya, especially now that I'm not working anymore and he will have to shoulder all the bills that I shared with him before.