I wouldn't say LDR doesnt work, kasi I know some who made their LDRs work. but personally, i wouldn't want to be in one.
Yung mga advantages na binanggit ng iba dito, like mas namimiss ang isa't isa, hindi nauubusan ng kwento, mas celebrated ang pagkikita, etc, i believe you can have all those naman while you are with your partner physically. Honestly, wala talaga akong nakikitang advantage. I never understood LDR, di ko magets yung point. Paano ka bubuo ng pamilya kung hindi mo naman makakasama yung partner mo? Maiintindihan ko siguro if it'S only a phase, and may concrete plans to be together eventually. Pero yung gawin nyong lifestyle ang LDR, no, i will never understand. Kaya lagi akong nagtatanong, how is it for partners of seafarers, kasi yun ang permanent work nila eh, meaning hanggang sa disabled na sila yun na at yun ang set up. So magkakasama lang kayo kapag di na nya kaya magwork, whether that be sooner or later.. And kahit pa araw araw minu minuto kayong nag-uusap, nothing beats physical presence. Hindi lang naman verbal ang communication eh, how about the hugs, the kisses, the body language... You will never know how your partner really feel 100% unless kasama mo sya, nakikita mo sya, nakikita mo yung unspoken parts of communication.
Alam ng partner ko how i'm not for LDR, last year he had an offer to work abroad and he decline, simple lang reason nya, dahil ayaw nyang maiiwan ako dito. Jusko, yung 1 week nga lang na magkalayo kami with 15 hr difference maloka loka na kami kung pano magcommunicate eh. Di talaga uubra sa amin. Di ko talaga kaya personally. Kudos to those who made it work. Pero sana eventually ma-close na din ang distance. Nothing beats being with your partner and building your life together.