watch now

Author Topic: how to deal with depression  (Read 203781 times)

mysterioza_me

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #700 on: February 22, 2019, 09:56:10 am »
^Baka nga may mental problem na.  Siya pa lapit ng lapit dun sa tao na nagti-trigger ng kabadtripan sa buhay niya, ini-stalk niya,  pinaparinggan sa socmed, nirereklamo ng kung ano-ano basta anything na akala niya napapasakitan niya yung isa. Tapos later on magpopost na malungkot siya, nage-emo. Kapag pinapayuhan namin na siya lang din gumagawa ng problema niya ang sagot niya mahirap maka-move on. Pinipilit niyang gawin miserable ang buhay nung isa pero habang ginagawa niya yun mas siya ang nagiging miserable.

Ayaw ko na siyang i-encourage, may issue na siya sa tao na yun for the last 8yrs pero ayaw niya magmove on. Naiinis ako kapag sinasabi niya na sinira nung isa ang buhay niya, kasi may choice siya na maging masaya sana pero masyado niyang bineybi ang pain. Sarili na lang niya makakatulong sa kanya ngayon at doktor. Ang hirap magpayo at mag-encourage sa taong ayaw makinig. Sa bandang huli feeling ko naging shock absorber niya na ako kasi pati ako feeling nega na after namin mag-usap. Alam mo yung drained na drained ang energy ko sa kanya. As much as possible sa panahon na ito iniiwasan ko mga bagay na malungkot or nagpapagalit sa akin. Mabilis ako maapektuhan baka matuluyan ako. Gusto ko pa mabuhay para sa anak ko.

Shadow Angel

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #701 on: February 22, 2019, 10:02:22 am »
^^un brother in-law ko si hubby at family nya mismo nakahalata na may depression sya kaya dinala nila sa hospital. Dahil sa sobrang close nila ni hubby alam na alam daw nya kapag may problema, may tinatago o nagsisinungaling kapatid nya siguro dahil twin sila kaya ganun. Mahirap un may kapamilya na may depression si hubby palagi nag aalala kaya as much as kaya namin ivisit palagi bukod pa sa tawag ni hubby. 

megansmomma

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #702 on: February 23, 2019, 03:37:48 am »
When my mother died last year, I hated everything about the world. i hated my life, i hated how to wake up everyday without seeing her alive and bubbly and loving, but that makes me selfish. She has fought a hard battle to win over her chronic kidney disease but sadly after a year we lost her. Ano lang ba dapat ang term para sa Depression? or yung diagnosed? Clinical Mental Issues? When one lose her mother and is fighting hard for her marriage to work out after being cheated on 3 times over a year, does that disqualify what I've gone through? Hindi ko ba sya pwedeng sabihing I AM DEALING WITH TOO MUCH DEPRESSION and even wanting to lose MYSELF in this world to be numb of the pain and to wake up everyday asking her worth of living? Too sad to see others look at Depression as such a PETTY issue, nagpapaawa para mapansin. yung mga ganyan, when in fact. the one dealing with it wants nothing but peace of mind, lahat ng masakit mawala. sa isip at sa puso. Well, 2019 na ngayon. if one will ask me how i successfully won the battle? Yung anak ko, tsaka yung natitira ko pang faith kay God, pinanghawakan ko yun to be able to move on with life. and let go of the things that makes me sad.. Sabi nga diba, Let Go and Let God. No matter how strong your faith is, if this so called life give you this test.. there's no stronger weapon but Yourself. Ikaw mismo magpapanalo sa battle nato. Ikaw mismo mag aalis sa sarili mo sa sitwasyon na to.. Kumapit ka lang ng mahigpit at wag kang bibitaw sa kanya.

crzysxycl

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #703 on: February 25, 2019, 04:43:11 pm »
^Salamat sa words of encouragement mo sis. Ang galing mo kasi nalagpasan mo ang depression. If I may ask, namention mo that you've been cheated on diba, how were you able to move on with it? I do have marriage issues din pero walang third party. Unfortunately, nagkamali lang talaga siguro ako ng pinakasalan.

megansmomma

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #704 on: February 26, 2019, 12:22:28 am »
^I am just sharing my experience sis. really hard to battle with depression.. mental depression that is.. actually, hindi naman kami kasal.. we were living together for 10 years then his affair happened, how was I able get through everything? Yung anak ko, ayaw kong mawala ako sa kanya. Sabi ng iba, patawarin ko na lang si mister and kalimutan ang lahat..but, sabi lang nila yun.. that's not easy to deal with, imagine thrice in a year mo mahuhuli, 3 women in 1 year means I was never enough for him.. move on? mahirap nung una sis, nasa office ako working crying, self pitying, and you know what's even harder? nobody knows it but my best friend who happens to be abroad.. saklap diba? you can't cry your heart out with someone physically available... that's why i came up with a plan of getting my life all together, sure those pieces are hard to put back but it was my faith in Him that kept me from moving on everyday until one day wala ng pain, i can look at him without feeling any pain.. nawala na yung ghost sa utak ko everyday, hindi na din ako nagiisip bakit niya ako niloko.. suddenly everything became so light and easy, siguro.. it should start with ourselves.. alam mo kung ano yun? forgiving.. patawarin natin yung sarili natin so we could move on life.. it's never easy but if you are persistent to get out on your situation, you will do that & believe me.. makakaahon ka din sa nagpapalungkot sa pagkatao mo.. :)

crzysxycl

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #705 on: February 26, 2019, 11:54:35 am »
^Buti sis hindi naghahabol yung tatay ng anak mo. Grabe, meron talagang mga lalaking hindi makuntento sa isang babae lang. Yung anak ko lang din iniisip ko ngayon at maraming maraming dasal. Hopefully, makaahon na rin ako at wala ng pain na maramdaman kagaya mo.

_hotbabe_

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #706 on: February 26, 2019, 02:54:08 pm »


Sa bandang huli feeling ko naging shock absorber niya na ako kasi pati ako feeling nega na after namin mag-usap. Alam mo yung drained na drained ang energy ko sa kanya. As much as possible sa panahon na ito iniiwasan ko mga bagay na malungkot or nagpapagalit sa akin. Mabilis ako maapektuhan baka matuluyan ako. Gusto ko pa mabuhay para sa anak ko.

Naku sis umiwas ka sa taong yan kung ganyan ang nararamdaman mo. Ako i have this friend na super clingy as in umaga palang tatawag na sa akin tapos puro ka negahan ang kinukwento, pati problema ng ibang tao pinoproblema niya tapos kinukwento din sa akin. Dumating yung point na super palpitate ako, akala ko may sakit ako sa puso at parang mamatay na ako dahil yung palpitate ko grabe, kaya nagpa check up ako sa doctor to check what?s wrong with me, ok naman lahat ng results. Yun pala stress ako. Yung stress at mga ka-negahan niya sa buhay sa akin napunta.

Kaya i talked to her sinabi ko sa kanya na bawal ako ma stress at wag niya ako tatawagan paulit ulit kung hindi ko sha sagutin, itext nalang niya ako.  Ayun after nun hindi na ako nagpalpitate. Kaya kapag tumatawag sha naku deadma na. Once a day ko nalang sha kinakausap or minsan hindi ko sha kinakausap.

Mahirap kasi yung magkakasakit tayo ng dahil sa ibang tao. Buti ba sana kung sila ang nag susuffer at magpapagamot sa atin.
« Last Edit: February 26, 2019, 03:08:25 pm by _hotbabe_ »

mysterioza_me

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #707 on: February 27, 2019, 12:07:07 am »
^Ganyan nararamdaman ko. Kapag nagme-message siya sa akin nanenerbyos ako. Feeling ko magkkwento lang siya ng problema (at di nagkakamali). Hindi nga ako maka-Oo sa plan niya na magdine out kami kasi natatakot ako na magkwento ng puro problema baka dun pa ako magbreakdown. Palagi pa naman siyang galit at mataas ang boses kapag nagkkwento siya at napapayuhan ko siya ng di ayon sa plano or gusto niya. Ang akin lang kasi ang depression niya (kung talagang depress siya) e kasalanan niya na. Ayaw niyang iahon ang sarili niya. 8yrs na niyang hinahabol mister niya, hiwalay na sila at nakailang kabit na din mister niya pero ayaw na talaga siyang balikan at dahil ayaw siyang balikan ginugulo nalang niya ang buhay ni guy. Makailang beses niya ng inireklamo ng kung ano-ano at ipinakulong pero dedma na talaga si guy sa kanya. Ayaw pa din tumigil nitong friend ko. Tapos magtatanong siya na bakit siya malungkot and nagsa-suffer pero ang mister niya ok lang. Kung ano-ano na din sakit dumapo sa kanya. Kaya ako sa totoo lang talagang pagod na ako mag-encourage sa kanya.

_hotbabe_

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #708 on: February 27, 2019, 12:56:25 am »
^Iwas ka muna sa kanya sis. Hindi sha makakatulong sayo lalo na ganyan ang situation mo. Baka isa rin yan sa nakaka dagdag ng depression mo. Dahil nada dagdagan yung mga iniisip mo. Kaya cut off mo muna sha. Or be frank with her na ayaw mo makarinig ng anything nega coming from her. Ok lang mag vent out paminsan minsan pero kung madalas naman at kahit simpleng bagay na hindi naman dapat problemahin is gagawin big deal it?s not healthy na. Bahala sha sa buhay  niya kung magalit sha sayo if you choose to avoid her for the time being. Isipin mo muna ang sarili mo sis bago sha no.
« Last Edit: February 27, 2019, 02:45:07 am by _hotbabe_ »

mysterioza_me

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #709 on: February 27, 2019, 01:28:38 am »
^True sis. Di ko na nga masyadong kinakausap. Nasabihan ko na siya na may choice siyang umalis sa situation na yun, now if ayaw niya then she should suffer in silence. Saka siguro lahat ng friends niya umiwas na sa kanya kaya ayun sa social media na nagra-rant. I unfollowed her muna for my peace of mind, napaka-nega ng mga status na pinopost niya, minimum pa naman niya 3 rants a day sa social media.

megansmomma

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #710 on: February 27, 2019, 01:41:31 am »
^Buti sis hindi naghahabol yung tatay ng anak mo. Grabe, meron talagang mga lalaking hindi makuntento sa isang babae lang. Yung anak ko lang din iniisip ko ngayon at maraming maraming dasal. Hopefully, makaahon na rin ako at wala ng pain na maramdaman kagaya mo.

Pagdating sa bata malinaw naman ang usapan namin, tho nakakainis lang is parang kung kelan huli saka sya naghahabol na.. nagpapaawa.. and I vow to never fall into his trap ever again.. Oo sis, never listened to what your mind wants to dictate..hear your heart out if you must and to top all of this, look up above and ask for his guidance to help you get through with it.. praying for that sis.. :)

crzysxycl

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #711 on: February 27, 2019, 10:17:41 am »
^Thank you sis. Nako, paawa effect tapos babalik sa dati yung pag uugali? Been there, done that. Tama, wag ka ma-fall sa trap nya..

Hubby ko may pagka dominante, matapang sya and I am the calm type. Pag nag aaway kami, sya pag yung mas madaldal. Nitong last away namin nirecord ko mga pinagsasabi nya at pinarinig ko sa mom ko. Wala na ako ibang matakbuhan kaya kahit ayaw ko sumama ang tingin sa kanya ng pamilya ko, di bale nalang. Tanggap ko ng mali ako ng pinakasalan and I can't wait na matapos at maayos na lahat para makapag simula ako uli at matuloy ko lahat ng pangarap ko para sa amin ng anak ko. Yung custody ng bata ang prob ko ngayon kasi gusto nya hati kami, pero alam ko mapapabayaan nila yung bata kaya gusto ko sole custody. Nakaka stress.

kvandenhaak

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #712 on: March 02, 2019, 11:35:06 pm »
Speaking of people na magnet for negativity. Dati kong friend ganyan. Puro kwento about people that I don't even know na puro tragic, nakakainis, or depressing. My therapist told me to cut off everyone and everything that only brings stress in my life.   Sometimes I don't have any choice like work stress, yun lang ang dapat kong i-deal. Naghanap ako ng ibang kaibigan and I have no regrets cutting ties with her.

Jiyongah

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #713 on: March 04, 2019, 01:30:27 pm »
Never been diagnosed with depression and anxiety but through online testing medyo mataas yung level ko ng both depression and anxiety.

I know I need to get it checked na talaga kaso I always put it on the back burner kasi yung budget ko napupunta sa family and work is life.

I hope I can find an affordable and weekend na psych.

crzysxycl

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #714 on: March 04, 2019, 02:23:11 pm »
^^Same here. Tagal ko ng walang communication sa "friends" (yes, not just one, lol) kong ganyan. Yung tipong pag nagkwento sila, sumasama yung pakiramdam ko. Can't even remember the last time I talked to them. Habang tumatanda ako, kumokonti yung mga kaibigan ko.. at least I know I have the good ones left and the bad ones out hehe.. feels so much better.

mysterioza_me

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #715 on: March 05, 2019, 12:31:35 am »
^Same here.

_hotbabe_

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #716 on: March 05, 2019, 01:22:29 am »
^^Me too. I enjoy my own company.  Buti nalang yung friend ko na nega she learned her lesson na, hindi na masyado nagkukuwento ng kung ano2x. And hindi na rin sha masyado makulit kasi talagang binabara ko sha kapag nagsisimula nanaman. I can?t totally avoid her kasi naawa din ako sa kanya wala din sha relatives dito. And konti lang yung friends niya.

crzysxycl

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #717 on: March 05, 2019, 08:21:21 am »
^Good for you and your friend, sis. At least yung friend mo nagbago. Yung friends ko ganun pa rin. At sila nalang yung magkakasama ngayon.. birds of the same feather, lol.

_hotbabe_

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #718 on: March 05, 2019, 02:00:56 pm »
^actually sis ganun parin sha. Ang pinagbago lang niya is hindi na lang sha nagkwekwento sa akin.😂 kasi nga lagi ko na sha binabara. Lol so baka sa ibang friends niya naman binubuhos yung ka negahan niya.Hahaha

crzysxycl

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #719 on: March 07, 2019, 10:16:30 am »
^Hahaha, yun lang. Di pa rin pala sya nagbago.. Umiwas lang sya magkwento sayo hehe. Buti yon para di ka na maapektuhan ng pagiging nega nya. Yung isa ko friend na nega binati ko naman nung birthday nya, aba hindi nagreply. Haha. I just wanted to greet her lang naman so ok lang.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close