kadalasan may trigger ang depression. pag naresolba ang problema sabay gumagaan ang pakiramdam. ang mas mahirap i-address, yung mga may depression ng walang dahilan. organic na kasi ang cause ng depression. mas malaking problema kung hindi pa alam ng tao na depressed na pala siya, or in denial.
ang mabibigat na problema hindi maiiwasan sa buhay. i don't know if this will work on others, pero ang pumipigil sa akin na magpakalugmok sa kalungkutan ay yung ideya na ang buhay hindi mauubusan ng problema. sounds depressing, right? hehe. pero ang iniisip ko na lang, ke dami daming tao tumatanda na pinuputakti ng problema. mas maraming tao na mas malalaki ang problema sa akin. bakit ako magrereklamo? imbes na maghimutok sa isang sulok, kumilos na lang para maresolba ang problema. makakalanghap ka na ng sariwang hangin sa labas, baka may makasalubong ka pang gwapo, e di lalong gumanda ang araw mo kesa nasa loob lang ng kwarto.

work is therapy. at least kung may ginagawa ka, productive ka. kahit pansamantala nakakalimutan mong malungkot ka. hindi man maibsan ang kalungkutan mo, sa kakatrabaho mo baka isang araw paggising mo mayaman ka na. malungkot ka nga, pero komportable ka naman.
kung walang trabaho, maghanap ng gagawin. parang kumunoy ang inactivity. pag naiwan kang mag-isa at nag-iisip na malungkot ka, parang lalong nama-magnify ang kalungkutan, and in turn, parang lalo mong makikita na dysfunctional ka, and then it will become a vicious, worsening cycle. hanggang ayun, di ka na makagalaw sa kinalalagyan mo at magi-implode ka na lang.
siguro napipigilan din akong malugmok sa depression dahil may mga nakadepende sa akin. wala akong oras para maging malungkot. it will be selfish of me to have others suffer because i'm sad, when my body is whole and strong and able.
kung wala akong asawa at anak, iisipin ko ang mga magulang at kapatid. hindi kaya ng konsyensya ko ang bigat ng loob na idudulot ko sa kanila habangbuhay kung magpatiwakal ako. ayokong maging sanhi ng atake sa puso ng nanay ko dahil sa sama ng loob. ang epekto ng pagpapakamatay naipapasa sa mga naiwan.
piliin ang mga kaibigan. kung malungkutin ka, wag ka nang magpakaladkad sa mga nega.
try altruism -- making other people happy often rubs off on the giver. raise a pet. exercise. watch a funny movie. kung naniniwala ka sa Diyos, kausapin mo Sya. itaas ang level ng endorphins sa kahit anong paraan, lalo na kung organic ang cause ng depression.
kung malungkot ako o puno ng problema, o weno ngayon? parte yan ng buhay. may katapusan lahat yan. magpapasagasa na lang ba sa problema?
yun nga lang, sa taong depressed, all our lectures, support, and efforts may be in vain. minsan lalong nagwi-withdraw habang lalo mong kinukulit. we can only hope that he will wake up from his/her daze long enough to decide that enough is enough, and it's time to live.
senya na po napahaba, pero sana may naitulong...