watch now

Author Topic: how to deal with depression  (Read 204181 times)

snix

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #260 on: June 10, 2013, 01:56:53 pm »
i posted here before and finally nakapagdecide nako toget a consultation.. Im scheduled on saturday.. Ayaw ko na hayaan baka lumala pa

fall2pieces

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #261 on: June 17, 2013, 09:31:27 pm »
depressed ata ako.... help :(

khayzee

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #262 on: June 18, 2013, 08:06:00 am »
@ alexsy...  ;D natawa din ako sa post mo.
naisip ko tuloy di pala ako nag iisa.. may ganyang moments ako. kahapon sabi ko, need ko mag start ng new life, nilabas ko si bible para sana magsimula ulit magbasa, baka kulang lang sa spiritual life, ayun di ko pa rin nabuklat. di ko alam kung depressed ako, o galit lang ako sa mundo. ganyan din ako patol sa lahat ng bagay. parang walang sense ang lahat sakin.
gusto ko mabago takbo ng buhay ko.. pero ang hirap, ang daming dapat iconsider.

mga sis, how would you know na youre into a serious depression o simply depress depressan lang?

pretty empress

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #263 on: June 18, 2013, 08:30:48 am »
hi sisses...

Naranasan nyo nabang parang nareformat isip nyo? Selective amnesia ba tawag don? I suffered from trauma(emotionally) and depression.. Medyo ok naman na ako, pero madami nakalimutan na.. Like for example my mom wanted me to bring her sa botique na pinagshoppingan namin dati, e wala na ako maalala as in zero, kahit dinidscribe nya yung place, di ko talaga maalala.. Isa lang yan sa mga madami ko pang nakalimutan. Help naman to enlighten me..

By the way, sis alexsy, you could be a good writer.. =) ktnxbye hehe!

khaytie

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #264 on: June 18, 2013, 07:58:35 pm »
@ pretty empress, sis ganyan din ako naging makakalimutin ako. Marame ko nakalimutan na mga moments sa life ko. Sobrang gulo kasi ng utak ko yung tipong hindi ako nauubusan ng iniisip, kapag tulog lang ata ko tumitigil eh. Sobrang hirap umiinom na ko ng anti depression pero parang hindi effective kaya baka bumalik nanaman ako sa psychiatrist. Kailangan ko yata matutong mag meditate, gusto ko itry mag yoga pero wala kong kasama.. hayz :(

alexsy

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #265 on: June 19, 2013, 01:37:20 am »


geishaslut, nung sinabi mong hang on, parang nag flashback si gary v sa isip ko. kumakanta ng..just hang on...who knows we might get there...after all the waiting done
we’ll be the ones to find out...if we….. hang on
you know we’re on our way...so just hang on...

with matching papikit pikit pa at gumaganon ang panga. naalala ko ang guesting ni charice sa ggv. tinanong ni vice kung bakit pumipikit si charice pag kumakanta, ano daw ba naiisip nya. sabi ni charice "forever po". naks naman!!! binata na. may pa for- e- forever pang nalalaman.

pero masaya ako for her kasi finally sumaya na sya. sana lang tigilan na ang bieberish look. or daniel padilla look. neseye ne lehet cherece. emeyes ke.

khayzee, apir tayo. conforting to know na di ako nag  iisa sa ganito.

dati, may nakausap ako na matanda. sabi ni lolo pagod na sya. kasi ang init nga naman. nakakapagod.  so sabi ko, ako din ho pagod na...sa life. wag daw ganon. masaya daw mabuhay. sabi ko, hindi ho ako masaya e. baka daw may problema ako. sabi ko madami ho. ibigay ko daw sa Panginoon ang problema ko. sabi ko ibinigay ko na nga ho e. kaya lang ibinalik sa kin.

Baka may magsabi sa kin na “kaya yan ibinigay say o, kasi alam ni Lord na kaya mo”
E di ko nga kaya. Nahihirapan na ko. Kung pwede nga lang na sumuko, sumuko na ko.
(sa chiquito movie yata ito: sumuko ka naaaa...naaaa naaaa.....napapaligiran na kitaaaa taaaa...taaaa)

gusto ko na ding magbago ang buhay ko. ang hirap lang mag umpisa lalo na parang lahat na lang problema.

minsan may times na umiiyak na lang ako pag nanonood ng tv. ang corny noh, pero totoo. napanood ko yung sa news na nanalo sa lotto ng 500+ millioon dollars. dollars ha. omg naman di ba. naiyak ako kasi napaka swerte naman nya. ang gusto ko lang 5 million di pa maibigay sa kin.

sa totoo, 2 million lang ang gusto ko. e kaya lang may tax pa at may mga kamag anak na makikibalato (na pag di mo binigyan, ikaw pa ang masama at sw@pang), so i-factor na din natin yon. para ang matira sa kin ay 2 million. see, hindi naman ako gahaman. kung mag wish ako reasonable naman at sakto lang. pero wala pa din.

sabi nga ni...sino ba? tom babauta (sya ang bigla kong naisip na name e. pasensya na) sabi nga ni tom babauta, walang mangyayari kung panay wish ka lang. dapat work for it. trabahuhin mo. hindi yung naghihintay ka lang na dapuan ka ng grasya. para kang si juan tamad.

e wala nga pong way para trabahuhin yon!! himala yata ang kailangan ko. naririnig ko si nora aunor as elsa: walang himala! ang himala ay nasa puso nating lahat!

e wala na din yata akong puso so pano na lang? anyare? wala, laos.

pretty empress, ang utak ko  na 64 mb lang ang RAM, nako magulo din. di na yata to maisasalba ng reformatting. dapat palitan na.

may mga bagay at pangyayari na pilit kong kinakalimutan pero minsan dumadapo pa din sa isip ko kahit anong block ang gawin ko. yung tipong makulit ba.

minsan bago matulog nagdadasal ako. pero sa isip ko lang ha. kasi baka marinig ng kasama ko sa bahay, isipin non baliw na ko. tapos aalis sya, so problema na naman kasi hahanap ako ng bagong room mate. kasi pag wala, walang kahati sa renta. Dagdag pa sa problema.

sabi ko sa dasal ko, Lord ayoko nang magising. kung ganito na lang talaga ang buhay ko, wag mo na kong gisingin bukas please? kasi nahihirapan na ko.

everytime na hinihiling ko yan, 6am gising na ko. napakaaga parang magsasaka. ibig sabihin ba nyan, may plans pa sa kin si Lord? di ko pa lang alam?

well baka meron, baka wala.  minsan naiisip ko parang si Lord naglalaro ng sims. iba ibang characters (tayo yon, mga tao). tapos  nirereward nya tayo or pinaparusahan depende sa mga ginawa natin.

o… baka naman iniisip nyo maldita ako at parusa itong nangyayari ngayon. aba hindi yata. sa maniwala kayo o hindi, mabait ako. lately na lang naging masama ang pag uugali ko.

i admit minsan nakakawalang gana na tumulong sa ibang tao.  Tulong ka ng tulong tapos sayo sinong tumutulong? Wala. Youre on your own. Parang sa my best friend's wedding. hinahabol ni julia roberts yung guy. tapos yung guy, hinahabol si cameron diaz, sinong humahabol kay julia? waley.

Ni hindi ka matulungan ng iba so bat mo poproblemahin ang problema nila? Kanya kanyang life, men. Masama na ba kong magi sip? kasi naman, sarili ko nga di ko matulungan, uunahin ko pa ba ang iba? e di ako muna di ba? kaya lang hopeless na yata ako.

Sis khaytie, nag yoga ako. Nakakatulog ako sa session. At mahimbing ha. Pero pag nagising, ayan balik sa reality.  parang kagaya nito.. after kong mag post ng reply dito sa thread, back to reality. sad sadan, depres depresan :(

khayzee

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #266 on: June 19, 2013, 06:21:53 am »
sis alexsy... gawa ka ng book kikita yan...  :) title mo depress depressan haha wala lang.

kagabi may kausap ako.. sabi ko ba naman,, gusto ko na mamatay. tsk tsk bad

alexsy

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #267 on: June 19, 2013, 06:44:08 am »
khayzee, bubukbukin lang ang book ko. walang bibili  ;D


naisip ko na din magpakamatay kaya lang, sabi ko nga, problema lang sa mga maiiwan. ipapalibing pa ko. tapos pano yan kung ma reincarnate ako as ipis, ang saklap naman di ba. di na  umasenso ang buhay. low life pa din.

so i cross out na sa listahan yang pakamatay pakamatay na yan. iba na lang sis khayzee.


khayzee

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #268 on: June 19, 2013, 06:53:12 am »
haha di rin ako pede mamatay right now, may unfinished business ako pag nagkataon.

ano ba problema mo sis? ako kasi sis di malinaw isip ko.. yun prob ko.. i know im still blessed pero hinde ako masaya.. lahat ng pinapasok kong biznes biznesan, palpak ako.  :( saklap dba.. naisip ko karma siguro to sa mga kasalanan ko. honestly di ko alam kung depress depressan lang ako o serious depression talaga... galit ako sa lahat e!

alexsy

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #269 on: June 19, 2013, 07:13:54 am »

madami akong problema. at galit din ako sa lahat  ;D baliw pala o!

anong negosyo mo sis? kumikitang kabuhayan ba yan?  para hindi pumalpak, dapat may business plan. ano yon? nako ewan ko din. dapat yata may flowchart. ang luma, flowchart. teka natatawa ako.

unang rule sa negosyo, bawal utang.

tapos, kahit ang kasosyo mo sa bisnes ay mother  father brother sister (how do you brish your teeth?), dapat may kasulatan. nag iiba ang ugali ng tao pag may perang involved. so mabuti na yung may listahan at least malinaw.

nakaka inspire yung may ari ng mang inasal. may nabasa akong article about him.

background muna kung sino sya. may ari nga ng mang inasal. early 30s. kasama sya sa philippines 40 richest. ang net worth nya parang 80++ million yata (Lord, masaya na po ako sa 5 million). 

sabi nya nung una daw pinagtatawanan sya ng asawa nya at kapatid nya pag sinasabi nyang magkakaroon ng mang inasal sa lahat ng sulok ng mundo. nangangarap daw sya ng gising.
pero natupad nga! magaling!

hindi daw sya mr. know-it-all. nung nakikipag meeting sya sa makati, mga businessmen, lawyers, sinabi nya daw talaga na di nya maintindihan ang mga sinasabi nila, business language ba. hindi sya nahiyang aminin. wag daw mag pretend na alam mo kahit hindi. wasak daw yon pag ganon.  so ayan, natutunan nya na ang pasikot sikot sa negosyo at successful naman sya.

eto na naman ang hinaing ko, bat sa ibang tao parang ang dali ng lahat. tagumpay silang lahat.
(uy, wag daw mag isip ng ganyan kasi di mo alam ang pinagdaanan nila, na baka nahirapan din, kumayod ng todo todo bago nakamit ang tagumpay). hellooooo hindi kaya. may kakilala ako, ni hindi nag hirap pero yung mga sagot sa problema ko, napapasakanya ng walang kahirap hirap.

i therefore conclude, life is unfair. ya tanggap ko na naman na life is unfair. pero nakakainis pa din.

khayzee

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #270 on: June 19, 2013, 07:24:44 am »
natatawa ko sau sis.. baliw ka nga ata  ;D

di lang naman business hinaing ko.. more on personal issues kasi.. anyway.. ano ba prob mo? pagyaman? sensya na sis naguguluhan ako sa kabaliwan mo..  :)

bilog talaga ang mundo! wala lang, naalala ko lang.. may friend ako, dati sya yung problemado kasi ganito ganyan, tapos ako masaya kasi kabaligtaran nung kapalaran nya... but then anyare?! after 2 yrs ata yun, bumaligtad na.. i felt miserable!!! and sya,  i believe she's completely happy with her life na.. of cors im happy for her.. wala lang, this proves na may hope pa sis! tomorrow is another day! (syempre)  :)

fall2pieces

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #271 on: June 19, 2013, 07:58:15 am »
nadedepress na ako.. lagi na lang akong malas sa work haay :(

khayzee

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #272 on: June 19, 2013, 02:42:08 pm »
went to church.. prayed and cried.. ang bilis ni God umaksyon.. when i went home, may good news agad.. its really unexpected.  just sharing mga sis. 1st step to overcome depression, ibigay natin kay God lahat.. :)


alexsy

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #273 on: June 27, 2013, 06:41:37 am »
naku naku sinagot ni Lord ang panalangin ko :) mabilis ngang umaksyon. dapat lang idulog sa kinauukulan  ;D thank you Lord!!

khayzee

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #274 on: June 27, 2013, 09:20:05 am »
naku naku sinagot ni Lord ang panalangin ko :) mabilis ngang umaksyon. dapat lang idulog sa kinauukulan  ;D thank you Lord!!

galing no sis..  :) meron akong gustong gawin. i ask for a sign di pa Nya binibigay ..  :) isip isip muna

alexsy

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #275 on: June 27, 2013, 11:12:15 am »
parang totoo nga yung mga naka post sa facebook na ...in His own time..chuva chuva. kasi timing talaga. ang galing. tee hee!.

khayzee

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #276 on: June 27, 2013, 11:30:07 am »
parang totoo nga yung mga naka post sa facebook na ...in His own time..chuva chuva. kasi timing talaga. ang galing. tee hee!.

yes sis, minsan surprising pa nga e.. tipong imposible pero nangyayari.  :)

qt_ben17

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #277 on: June 27, 2013, 11:58:59 am »
grabe alexsy natawa ako ng bongga sa mga post mo. pwera biro ha, nawala yung inis ko today. napahagalpak ako
sa kakatawa.

pwede mong gawing hanapbuhay yang writing. parang diary ang peg.

alexsy

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #278 on: July 12, 2013, 12:50:29 pm »
qt_ben17, bat ka inis today? ay di na pala today  ;D
delayed naman ang post ko. so bat ka nga inis? (ipaalala pa daw ba?)

pag naiinis ako, inhale exhale na lang. syempre di dapat kalimutan ang exhale. masama yan pag inhale lang.

pwede na ba kong mag diary? vampire diaries ba? alam mo ba, late kong na discover na maganda pala ang vampire diaries. kaya eto nagmamarathon ako seasons 1-4 (thanks- thanks hann-hann). at ang charmed at niptuck, kailan ko lang din naumpisahan at natapos. o di ba, san ba ko nakatira. sa ilalim ng bato, sa may sapa. naisip ko nga minsan sana ako na lang si piper para tapos na ang problema. ang saya di ba.  may power ako! wow. amor powers? kili kili power?

di kaya ng powers ko ang mag diary. komiks na lang kaya?  ang bida si aling ines. asawa ni mang inasar. may ari sila ng sari sari store. tapos may iba ibang klaseng kapitbahay.  merong pogi sana kaya lang walang trabaho tapos  panay palista. (call boy yata sya sa gabi e). tapos  may single mom na taga call cenner (yes, cenner talaga).  meron pa, yung katulong ni mrs. cruz na panay ang pa load (kasi textmate nya yung guard sa kabilang village). tama na nga, kumu corny na.

basta pag naiinis, inhale exhale. wag masyadong dibdibin ang kasawian. may bukas pa lol. magkaka wrinkles ka lang, tatanda. dont sweat the small stuff na lang. tambay ka sa celebrity gabfest at maki chika. manood ng my husband's lover (exciting mamayang gabi!!!!! well, lagi naman). at syempre mag post dito. mag unload ng mga hinaing sa buhay. nakakatulong. try dali!! now na!  ;) ktnxbye




Prunella

  • Guest
Re: how to deal with depression
« Reply #279 on: July 12, 2013, 03:00:56 pm »
^ sis do you have headache as well? or something you feel in your head that you can't even explain? sa Psychiatrist ba dapat mag punta in able na mabigyan ng medicine? I feel i'm suffering with depression kasi but don't have the gut yet to see a doctor, Ano ano ba ang itatanong nila sayo or kailangan mo lang sabihin ba sa kanila how you feel para makita nila kung ano klase ng depression meron ka?or if you even suffering from depression? hay pasensiya na,dami ko tanong, urong sulong kasi ako kung need ko na ba magpa tingin or what, may days kasi na i feel better naman,kaya lang may days na parang I'm so down, i easily get upset/mad at certain things kasi lalo na if i don't agree, and wala ako masyado pasensiya ngayon, and dami ko iniisip na pwede naman hindi isipin, even my closest friends eh ayun hindi ko masyado kinikibo,naka tampuhan ko pa yung isa sa kanila,which is so un-usual na mangyari sakin,kasi hindi ako pikon, at hindi ko binibig deal yung mga maliliiit na bagay na pwede naman palipasin,but now it seems different talaga, parang hanggat maaari ayoko ng conversation na alam kong ma u-upset ako, kasi ayun ma stress na naman ako, meron pang time na parang na fi-feel ko na failure ako, and namimiss ko yung maging masaya, basta ganun na fi-feel ko, pag na stress ako parang may na fi-feel ako sa head ko,hindi naman headache basta something weird lang, dati i feel na may panic/nervous attack ako,pero feel ko na manage ko na yun, at di ko na nararamdaman ulit, do you think I'm suffering with depression mga sis? TIA

Hi, sis. sorry for the late reply.

I have severe headaches din. It's better to see a GP first to rule out other possibilities. That's what I did. If you think that your blues is affecting your quality of life, then you might want to see a doctor. I suffered for more than a year before I decided to seek help. I thought it would go away kasi but it didn't.

I'm still not over it, though. :( Been on meds and therapy for half a year... they helped me a lot but I'm still not back to my old, peppy self. It does take time talaga.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close