geishaslut, nung sinabi mong hang on, parang nag flashback si gary v sa isip ko. kumakanta ng..just hang on...who knows we might get there...after all the waiting done
we’ll be the ones to find out...if we….. hang on
you know we’re on our way...so just hang on...
with matching papikit pikit pa at gumaganon ang panga. naalala ko ang guesting ni charice sa ggv. tinanong ni vice kung bakit pumipikit si charice pag kumakanta, ano daw ba naiisip nya. sabi ni charice "forever po". naks naman!!! binata na. may pa for- e- forever pang nalalaman.
pero masaya ako for her kasi finally sumaya na sya. sana lang tigilan na ang bieberish look. or daniel padilla look. neseye ne lehet cherece. emeyes ke.
khayzee, apir tayo. conforting to know na di ako nag iisa sa ganito.
dati, may nakausap ako na matanda. sabi ni lolo pagod na sya. kasi ang init nga naman. nakakapagod. so sabi ko, ako din ho pagod na...sa life. wag daw ganon. masaya daw mabuhay. sabi ko, hindi ho ako masaya e. baka daw may problema ako. sabi ko madami ho. ibigay ko daw sa Panginoon ang problema ko. sabi ko ibinigay ko na nga ho e. kaya lang ibinalik sa kin.
Baka may magsabi sa kin na “kaya yan ibinigay say o, kasi alam ni Lord na kaya mo”
E di ko nga kaya. Nahihirapan na ko. Kung pwede nga lang na sumuko, sumuko na ko.
(sa chiquito movie yata ito: sumuko ka naaaa...naaaa naaaa.....napapaligiran na kitaaaa taaaa...taaaa)
gusto ko na ding magbago ang buhay ko. ang hirap lang mag umpisa lalo na parang lahat na lang problema.
minsan may times na umiiyak na lang ako pag nanonood ng tv. ang corny noh, pero totoo. napanood ko yung sa news na nanalo sa lotto ng 500+ millioon dollars. dollars ha. omg naman di ba. naiyak ako kasi napaka swerte naman nya. ang gusto ko lang 5 million di pa maibigay sa kin.
sa totoo, 2 million lang ang gusto ko. e kaya lang may tax pa at may mga kamag anak na makikibalato (na pag di mo binigyan, ikaw pa ang masama at sw@pang), so i-factor na din natin yon. para ang matira sa kin ay 2 million. see, hindi naman ako gahaman. kung mag wish ako reasonable naman at sakto lang. pero wala pa din.
sabi nga ni...sino ba? tom babauta (sya ang bigla kong naisip na name e. pasensya na) sabi nga ni tom babauta, walang mangyayari kung panay wish ka lang. dapat work for it. trabahuhin mo. hindi yung naghihintay ka lang na dapuan ka ng grasya. para kang si juan tamad.
e wala nga pong way para trabahuhin yon!! himala yata ang kailangan ko. naririnig ko si nora aunor as elsa: walang himala! ang himala ay nasa puso nating lahat!
e wala na din yata akong puso so pano na lang? anyare? wala, laos.
pretty empress, ang utak ko na 64 mb lang ang RAM, nako magulo din. di na yata to maisasalba ng reformatting. dapat palitan na.
may mga bagay at pangyayari na pilit kong kinakalimutan pero minsan dumadapo pa din sa isip ko kahit anong block ang gawin ko. yung tipong makulit ba.
minsan bago matulog nagdadasal ako. pero sa isip ko lang ha. kasi baka marinig ng kasama ko sa bahay, isipin non baliw na ko. tapos aalis sya, so problema na naman kasi hahanap ako ng bagong room mate. kasi pag wala, walang kahati sa renta. Dagdag pa sa problema.
sabi ko sa dasal ko, Lord ayoko nang magising. kung ganito na lang talaga ang buhay ko, wag mo na kong gisingin bukas please? kasi nahihirapan na ko.
everytime na hinihiling ko yan, 6am gising na ko. napakaaga parang magsasaka. ibig sabihin ba nyan, may plans pa sa kin si Lord? di ko pa lang alam?
well baka meron, baka wala. minsan naiisip ko parang si Lord naglalaro ng sims. iba ibang characters (tayo yon, mga tao). tapos nirereward nya tayo or pinaparusahan depende sa mga ginawa natin.
o… baka naman iniisip nyo maldita ako at parusa itong nangyayari ngayon. aba hindi yata. sa maniwala kayo o hindi, mabait ako. lately na lang naging masama ang pag uugali ko.
i admit minsan nakakawalang gana na tumulong sa ibang tao. Tulong ka ng tulong tapos sayo sinong tumutulong? Wala. Youre on your own. Parang sa my best friend's wedding. hinahabol ni julia roberts yung guy. tapos yung guy, hinahabol si cameron diaz, sinong humahabol kay julia? waley.
Ni hindi ka matulungan ng iba so bat mo poproblemahin ang problema nila? Kanya kanyang life, men. Masama na ba kong magi sip? kasi naman, sarili ko nga di ko matulungan, uunahin ko pa ba ang iba? e di ako muna di ba? kaya lang hopeless na yata ako.
Sis khaytie, nag yoga ako. Nakakatulog ako sa session. At mahimbing ha. Pero pag nagising, ayan balik sa reality. parang kagaya nito.. after kong mag post ng reply dito sa thread, back to reality. sad sadan, depres depresan
