watch now

Author Topic: Vice Ganda  (Read 167858 times)

Purple_Power

  • Guest
Re: Vice Ganda
« Reply #400 on: May 29, 2013, 09:18:50 pm »
I just hope na mapag-aaralan rin ng production team yung mga sasabihin ni Vice kasi hindi nila namamalayan kapag may mga nadawit na siyang names ng mga kilalang tao eh! hindi lang siya sa social media inaatake kundi gera kung gera na. Posibleng mangyari ito sa kanya bilang public figure. Hindi parating excuse ang joke para hindi maoffend ang ibang tao depende ito sa words na gagamitin mo at kung ano ang nilalaman nito. Importante pa rin yan.

As for Jessica not accepting it for now normal lang yan na hindi pa niya mapatawad sa ngayon si Vice kasi hindi lang siya nasaktan kundi napahiya pa at I am sure naapektuhan rin morality niya as person. It takes time for her para makarecover and move on so walang makakapagpwersa sa nararamdaman niya.

Elle

  • Guest
Re: Vice Ganda
« Reply #401 on: May 29, 2013, 09:30:52 pm »
I agree, this should serve as a lesson for Vice and his staff and hopefully would make changes on the kind of entertainment that he offers. Matalino sya, walang duda dun, kaya siguro it's about time for him to explore other ways or style to make people laugh.

I just really have to say this, in my opinion, morals, good manners and right conduct should not be treated like past season's clothes, shoes, hairstyle or makeup. Hindi ito nalalaos, hindi inaanod ng panahon. Walang uso-uso pagdating sa kagandahang asal. Progress and globalization should not be a reason for someone to lose his sense of decency, morality and respect to others.

Antigone

  • Guest
Re: Vice Ganda
« Reply #402 on: May 29, 2013, 09:35:47 pm »
^Mabuhay si Elle! :D

Ang galing! Pwede ng Miss Canada 2013!

Tinanggap na daw ni Jessica apology ni Vice. Hope this serves as a lesson to Vice and sana, matuto na siya
magpatawa na hindi kailangan manlait ng ibang tao.

Elle

  • Guest
Re: Vice Ganda
« Reply #403 on: May 29, 2013, 09:46:24 pm »
^ Doc, hayaan mo i-try ko i-explore ang possibility ng Ms. Canada. Hahahahah! Baliw :)

It's good na tinanggap na ni Jessica Soho ang apology. Magsilbing aral nawa hindi lang kay Vice kundi sa lahat ng pareho nya ng hanapbuhay.

Purple_Power

  • Guest
Re: Vice Ganda
« Reply #404 on: May 29, 2013, 09:50:16 pm »
^^^Very well said. Hindi pa rin dapat mawala ang manners o ugali kahit kailan. Kung parang fashion rin yan na nauuso at nalalaos eh! wala nang duda ngayon kung bakit magiging magulo lalo ang mundo. Pwede naman talaga magpatawa na walang naooffend na ibang tao eh!

glowstick

  • Guest
Re: Vice Ganda
« Reply #405 on: May 29, 2013, 10:36:16 pm »
Tinanggap na ba ni JS apology ni Vice? Me, i can understand if she did not readily accept Vice's apology. Ikaw ba naman na you've worked hard to earn a name in the industry, then in an instant, gagawin kang laughing stock? And i also don't blame GMA reporters if they took the cudgels for her. VP for News and Public Affairs yan e. Boss nila yun.

Antigone

  • Guest
Re: Vice Ganda
« Reply #406 on: May 29, 2013, 10:45:28 pm »

choco_banana08

  • Guest
Re: Vice Ganda
« Reply #407 on: May 30, 2013, 01:36:28 am »
Sabi nga "Watch your words!" kaya nga sa mga artista may editing and scripts. wala na tuloy kaibahan ang showtime at comedy bar.

superbubly

  • Guest
Re: Vice Ganda
« Reply #408 on: May 30, 2013, 02:11:36 am »
As much as i love Vice during his Punchline days, he has gone overboard. Ngayon natin makikita ano ang kaibahan ni Vice with John Lapus and Jon Santos. Ang mga bata now naging bastos dahil sa klase ng patawa ni Vice. Though nakakatawa din minsan, mas lamang yung bastos at walang modo.
agree ako diyan, simula ng nauso si Ganda nauso na ang mga batang Vice Ganda(bastos na at mapambara)

gene

  • Guest
Re: Vice Ganda
« Reply #409 on: May 30, 2013, 03:14:45 am »
Jessica Soho should not be put on the spot-- kahit di nya patawawin tong si Vice ganda-gandahan na to
its her own choice. Si Vice, he had a choice whether to tell such an offensive joke right??? Suffer  the
consequences then. Napaka- manipulative move yung sasabihin pang di ka pinatawad ( although she did
after  all...).... Sus yan pala ang Sorry ha!!!

maldita_ako

  • Guest
Re: Vice Ganda
« Reply #410 on: May 30, 2013, 03:53:18 am »
Let's put it this way: Jessica Soho is the victim here (in my point of view), nananahimik yung tao tapos laman na pala cya ng isang "offensive joke"... Question now is, kung hibdi ba si Jessica ang naging target ng joke na ito, aalma ba ang mga taga GMA? Probably not, pero kung sino man yung maging target ng joke (kung hindi man si Jessica), let say, kung si Sharon yung naging target, may magrereklamo ba? Pedeng meron, pedeng wala. So some of us will think, ay pikon lang si Jessica at mga taga GMA kaya nag iingay? Pikon kung pikon, but lets embrace the reality, nakakaoffend din naman talaga yung joke, esp kung ikaw yung tipi ng tao na di sanay mabastos. Sinasabi natin, ginawang alibi lang yung rape thing, ok lets say na ganun nga, but lets be sensitive, oo may weight issues yung tao, kailangan ba talaga to rub it in? Siguro mas hindi sana lumaki kung taga station nya yung inokray nya, at least magkakatrabaho sila, baka mas natake pa yung joke nya. Siguro nga Jessica and her team overreacted, pero may dahilan naman kung bakit. Siguro nga pikon, but lets just understand na for Jessica, hindi magandang biro yun. About the apology, tama na siguro yung sorry, pero yung may kakabit na "hindi ka na magiging subject sa mga pagtatanghal ko"- do you really have to say this? Hindi ba parang may yabang? Minsan masarap maging sikat, pero mas masakit ang madaling pagbagsak...

izabelle

  • Guest
Re: Vice Ganda
« Reply #411 on: May 30, 2013, 04:22:01 am »
Kapag hindi nagsorry - bastos
kapag nag sorry with explanation - mayabang
kapag nag sorry with out explanation - ano naman kaya comment ?

hahaha! kahit ano gawin ni Vice mag sorry man with or with out explanation for sure may negative reactions :)

Liwanagin ko lang hindi nya ako fan and never nya ako naging fan, isa ako sa mga tao na asar sa kanya sa mga panlalait nya makapag patawa lang..

nakakaloka lang ang ibang tao dito hindi mo alam kung ano gusto, kahit ano sabihin ni Vice may reaction pa din LOL.

Sincere man sya or hindi problema nya na yun.

so ganito lang yan, kung lahat ng tao may karapatan magsabi ng opinion negative man or positive at may right to react, may right din si Vice Ganda na mag paliwanag kung gusto nya. :)

Antigone

  • Guest
Re: Vice Ganda
« Reply #412 on: May 30, 2013, 06:23:16 am »
Jessica Soho should not be put on the spot-- kahit di nya patawawin tong si Vice ganda-gandahan na to
its her own choice. Si Vice, he had a choice whether to tell such an offensive joke right??? Suffer  the
consequences then. Napaka- manipulative move yung sasabihin pang di ka pinatawad ( although she did
after  all...).... Sus yan pala ang Sorry ha!!!

Exactly.

Natatawa ako parang si Vice pa yung lumalabas na victim here.

Hello, siya nga yung nanlait sa nananahimik na tao. :))

At matanda na siya, alam niyang offensive yun bago pa niya ginawa.


germaine

  • Guest
Re: Vice Ganda
« Reply #413 on: May 30, 2013, 06:30:26 am »
tsk.. tsk.. hindi naman siguro kelangan ng classification ng bastos at offensive remarks. 
If someone gets offended with a 'joke', I believe we cannot categorize it as a joke
anymore.  Paulit-ulit niya na-mention ang Jessica Soho.  I hope some people can get
past the network rivalry thing and be objective. 

Let's just wish Vice is sincere with his apology and will not use any other name in his
comedy shows. 
Bakit naman yung Jose and Wally na concert, it was a hit kahit walang
binabastos na personalidad?   

Di na ako magtataka kung later on, Vice will be Willie part 2. :P

qt_ben17

  • Guest
Re: Vice Ganda
« Reply #414 on: May 30, 2013, 07:10:17 am »
i dont like how vice staged his apology. mukhang napagutusan ng execs na magplay kawawa para makuha ang sympathy ng masa. he cheapened himself terribly. at ang andaming sinasabi, all for airtime ratings?

respect for Ms Soho, she handled this booboo with professionalism and CLASS.

and yes, VICE IS THE FUTURE WILLIE. i believe both have genuine hearts but they are blinded with wealth and fame.


« Last Edit: May 30, 2013, 07:15:56 am by qt_ben17 »

Antigone

  • Guest
Re: Vice Ganda
« Reply #415 on: May 30, 2013, 07:11:51 am »
i dont like how vice staged his apology. mukhang napagutusan ng network execs na magplay kawawa
and maging victim para makuha ang sympathy ng masa.



kaya nga eh. ang labas ngayon, siya pa biktima. anobayan!

alexsy

  • Guest
Re: Vice Ganda
« Reply #416 on: May 30, 2013, 08:12:47 am »
abangan na lang natin ang kapupuntahan ng karir ni vice. pero parang ok na ang future nya. kadikit nya si kris aquino at boy abunda. baka maging senador nga si vice balang araw.

jookeulae

  • Guest
Re: Vice Ganda
« Reply #417 on: May 30, 2013, 08:36:18 am »
mag barangay kagawad muna sya bago sya magsenador no. dahil kung senador agad sya, napakaipokrito nya para laitin si nancy binay. senador, agad agad?  :-)

euwie

  • Guest
Re: Vice Ganda
« Reply #418 on: May 30, 2013, 09:07:26 am »
i never liked vice because of his style of entertaining people. i watched once, i was like, tatawa na ba dapat ako? i think kaya nagreact ng ganon ang gma at mga tao kasi personal attack na yun e. dito nga sa gt di ba bawal ang personal attack. naiinis pa ako sa sinasabi ng iba sa twitter na bakit ang bubble gang may jokes about rape pero hindi pinapansin ng gma7. aba kapagod yun ha kung lahat na lang ba pangit na asal ng tao papansinin mo. tsaka common knowledge naman na sensitive ang weight issue sa mga babae. hindi rin nya personally kilala si jessica soho para isali pa sa mga panlalait nya para bumenta lang sya. karamihan ng binanggit nyang naokray nya e friends nya, and i think most of them are from abscbn. natural friend mo yun pwede kang intindihin kasi kilala nyo ang isa't isa. pero para ganunin nya si jessica soho, or any other people na hindi naman nya personally kilala, i believe foul yun. paano kung ang pagtaba pala ni jessica soho e cause pala ng isang illness? alam ba nya yun? sabihin ko kaya sa tao "baog ka kaya di ka magkaanak, joke lang!" ok lang ba yun kasi joke lang naman, not knowing na matagal ng gustong magkaanak ng tao? who knows?

generally speaking, hindi lahat ng bagay nadadaan sa pagsosorry lang. hindi porket nagsorry na e dapat ok na sa taong naagrabyado.

zen1820

  • Guest
Re: Vice Ganda
« Reply #419 on: May 30, 2013, 09:14:29 am »
kahit sinong tao ang magjoke about a girl being gang rape...magrereact  at magagalit talaga ...sobrang foul,bastos at offending yung mga ganung jokes. Kaya huwag na kayo magtaka kung baki maraming nagreact sa joke ni Vice.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close