bought a voucher, 1 month unlimited classes at Movement Dance Studio, Union Bank Ortigas is my preferred branch and so far I have tried almost all their dance classes
Pole Dancing - instructor namin si Teacher Ciara Sotto. Aside from being so hot, she's awesome, magaling siya magturo and magmotivate ng tao para ipush yung sarili nila to do the poses. Magaganda yung mga poses na tinuturo niya. Actually kapag dinedemo nga niya, parang ang dali lang eh. pero pag gagawin mo na, ang sakit pala. tiis ganda lang. this challenges me kasi sa mga matagal nang nagpopole na nakakasabay namin, parang chicken lang sa kanila. 3 persons in a pole, pero for me okay lang, kasi kung tuloy tuloy siya, siguro mukha na kong isang malaking pasa na tinubuan ng katawan.

Cardio Striptease - enjoy din ako dito lalo na kapag si Teacher Stanley ang nagtuturo. Ang galing din ng mga steps niya, enjoy and tatawa ka pa lagi sa mga sinasabi niya. hehe
Belly Dancing - pag si Teacher Lani ang nagtuturo, tagaktak talaga ang pawis ko. Once ko lang natry si Teacher Lala but I think she's great too. I don't like teacher Joean's steps. more on hands, eh BELLY dancing nga eh.
Belly Pop - mas pinapawisan ako sa Belly Dance compared to this, but usually kung sino naman ang instructor sa Belly Dance, same din dito
Diva Hiphop - si teacher Stanley din dito so somewhat pa-sexy din. sadly, wala nang diva hiphop class this month
Zumbastic - teacher Doi surprises me kasi naging teacher ko din siya sa ibang studio and hindi ko masyado gusto yung performance nya doon. but sa movement, magaganda yung steps niya and tagaktak din ang pawis ko dito..ang dami kasing hops and jumps

Jazz - si teacher Doi din ito. one thing I can say, Jazz is not for me. hehe parang Ballet pala ito with several extensions.
Hiphop Zumba - my first instructor, si teacher Russell ata yun (not sure) well okay lang siya, but I really prefer teacher Denis. modern songs and modern steps. napakakwela ng mga tinuturo niya. super enjoy talaga! Sana ibalik siya sa Union Bank Ortigas.
I will yet to try Sexy Jazz pa lang this coming week pero sabi ng mga kasama ko who have tried it eh almost similar to striptease din daw.

sulit na sulit ang 1500 ko dito for one month. may nagsabing pumayat daw ako, and sa sarili ko parang nafeel ko nga din yun. naging stronger din yung arms ko..feeling ko dahil sa pole dancing.