watch now

Author Topic: Late Registration of Birth Certificate  (Read 49556 times)

kim_trasher07

  • Guest
Late Registration of Birth Certificate
« on: December 11, 2009, 11:05:46 am »
Mga Sis!
Help naman po. My baby was born on January 2009. And nung nagfifile ako ng [textspeak!] nya sa quezon city hall. Nagkaroon ng mga problem due to hindi kami kasal nung daddy nya. Hanggang sa di ko na naayos, cavite pa kasi kami nakatira so ang hirap lumuwas araw araw. Tapos tuwing pinapabalik ako sa QC hall. Laging di tinatanggap kesyo mali yung nakasulat or kulang ng ganitong document. Naasar na tuloy ako at di na bumalik. Ngayon balak ko na sya ayusin this 2010 because she is already 2 na rin.

Ano po kaya mga requirements  pag late registration? and mga magkano kaya ang mga fees?

thanks sa mga replies sissies.

catherine ann

  • Guest
Re: Late Registration of Birth Certificate
« Reply #1 on: December 12, 2009, 03:32:05 pm »
Siguro sis pwede mo na lang iparegister dyan sa Cavite at kumausap ka na lang ng midwife na sya ang nagpa-anak sa iyo. Ganyan kasi ginawa nung friend ko.

Bernice...

  • Guest
Re: Late Registration of Birth Certificate
« Reply #2 on: January 08, 2010, 12:15:23 pm »
Same problem here, kaso nga lang yung BF ko yung wala pang birth certificate (23 years old na sha hah) and never nakuha ng parents niya yung copy ng Birth certificate niya sa chinese general hospital at hindi  nafile. Meron pa rin kayang copy yung Chinese Gen?

heartbreaker_Rae

  • Guest
Re: Late Registration of Birth Certificate
« Reply #3 on: June 28, 2010, 09:51:27 am »
Hi mga sis,

hmmm medyo magkaiba ang situation nyo but sige sasagutin ko, pasensya na at now ko lang nakita ang thread na ito. Kung bumisita na kayo sa city hall nyo dapat bibigyan na kayo ng list ng requirements, humingi kayo, pwede naman yun.

For Sis Kim:

Make sure na maayos lahat ng info sa birth certificate ng baby mo, yung likod dapat pirmado ng bf mo pareho, kumuha ka rin ng 3 IDS nya or isama mo na lang sya sa pagregister. Need mo ng affidavit of 2 disinterested person na mag aatest na nanganak ka nga. Negative result of registration sa NSO, Yun lang naman ang need mo. Then syempre pera, ako kasi 3K nagastos ko [textspeak!] naman kasi akong asawa. Sa city hall isusubmit ito.

For sis Bernice,
Meron pang copy ang Chinese ng birth certificate nya kaso malamang pababalikan na lang sa inyo yun dahil sa 23 years ago pa yun, baka maghalukay pa cla sa baul nila. then do the same thing I told sis kim.
kung kasal parents nya need nya ng copy ng marriage cert ng parents nya, no result ng registration both NSO authenticated ha at yung affidavit of 2 disinterested person. then submit din sa city hall.

Sana makatulong

kim_trasher07

  • Guest
Re: Late Registration of Birth Certificate
« Reply #4 on: June 28, 2010, 01:48:54 pm »
^ thanks for the info sis heartbreak_rae, the info you have mention really helps! :)

m@m@

  • Guest
Re: Late Registration of Birth Certificate
« Reply #5 on: July 06, 2010, 09:32:07 am »
ako i only had my birth certificate registered last 2005.. hehe..imagine nakagraduate ako ng college, nakapag asawa ako at nagkaanak ala ako birth certificate na lehitimo.. buti pa yung mga anak ko.. hehee

what i did is, i went to manila city hall then sinubmit the following:
-baptismal stating yung name na ginamit mo then yung address nyo..kailangan manila kasi dun ka paparegister
-high schoolrecord (F-137) and/or college diploma stating din yung name na ginamit mo.. kailangan kasi ma establish na yun talaga ang name mo since birth
-marriage cert ng parents
-birth cert ng siblings
-ID (company ID, school ID, etc)

siguro i just waited for two months.. wal ana rin ako sinubmit nugn mga affidavit..sabagay that time me tumulong saken na taga civl registrar kaya uon submission of the requirements, lagi na lang ako nagpa follow up sa kanya

sweetcake

  • Guest
Re: Late Registration of Birth Certificate
« Reply #6 on: August 04, 2011, 05:58:24 am »
 how much palate registration? i gave birth kase last january hindi namin napass yung form na dapat ibibigay sa hospital..pano po process punta ulit ako hospital to get a form?(lost the form na kase) pasign sa OB then pass ulit sa hospital or ako na magppass mismo sa city hall po? sa province kase ako now pero i gave birth sa manila..para sana hindi na lang ako pabalik balik :(

chasiderwin

  • Guest
Re: Late Registration of Birth Certificate
« Reply #7 on: August 04, 2011, 10:18:13 am »
sis baby ko late registration din nanganak ako ng feb 2010, di pa kami kasal ni hubby kaya dapat apelyedo ko pero ayaw niya gusto niya kanya, pero hindi pwede na ipasa sa munisipyo kung walang pirma niya e nung time na yun nasa barko siya, july na siya nakababa at august na kami nakapag file. ang mga hiningi sa amin (yung iba di ko tanda):

MC, ID, yung sa barangay na kukunin di ko na tanda ano tawag. tapos 2 witness na di namin kamag-anak. then nagbayad kami ng 300 then additional na 700 di ko na kasi tanda kung para saan yung binayaran namin e.

pero sis depende din daw sa munisipyo kung ano-ano yung mga hinihingi nila na list, bibigyan ka kasi ka nila ng list sis, hingi ka muna then kumpletuhin mo bago ka bumalik para di ka pabalik-balik.

yung form na galing sa hospital na nasayo sis yun ang ipapasa mo, if ever nawala mo na yung form na yun di ko lang alam ang process ng pagkuha ng bagong form sa hospital

chamcham_natera

  • Guest
Re: Late Registration of Birth Certificate
« Reply #8 on: August 07, 2011, 12:06:53 pm »
sa case ng mom ko bumalik pa sa province pinakuha ng witness, godparents, baptismal certificate then ipprocess sa municipal hall
ang problema dahil probinsya natagalan yung pag forward sa nso main inabot ng 9 months

sweetcake

  • Guest
Re: Late Registration of Birth Certificate
« Reply #9 on: August 15, 2011, 11:10:34 pm »
thanks mga sis..may witness kahit surnam ko sis gagamitin ni baby?

chelle_peachy0524

  • Guest
Re: Late Registration of Birth Certificate
« Reply #10 on: August 15, 2011, 11:28:12 pm »
how much palate registration? i gave birth kase last january hindi namin napass yung form na dapat ibibigay sa hospital..pano po process punta ulit ako hospital to get a form?(lost the form na kase) pasign sa OB then pass ulit sa hospital or ako na magppass mismo sa city hall po? sa province kase ako now pero i gave birth sa manila..para sana hindi na lang ako pabalik balik :(


share ko lang naexperience ko sis... i gave birth last Sept 2010 and had my baby late registered last March 2011 kasi yung birth certificate nya nakarating muna ng abroad para ipapirma sa tatay bago ko naiparegister. i guess depende sa policy ng hospital na kung hindi kasal ikaw ang mag aasikaso pero pag kasal sila ang mag aasikaso. ipapasa mo yang form sa civil registrar's office sa city hall para maiprocess. ako ang binayaran ko lang yung pagpapanotaryo kasi me ipifill out ka sa likod yung reason bakit late na ipaparegister. am not sure with your city hall's policy kung me certain amount ka pang babayaran nakapangalan yung baby sa tatay though di pa kami kasal. kung nasa province ka, lumuwas ka na lang at maglaan ng 2 days max para makumpleto mo na lahat ang dapat asikasuhin. hindi mo na kelangan ng witness kung gagamitin mo yung surname mo but then do not put anything on the middle name. yun kasi ang common mistake sa atin pag anak sa pagkadalaga, nilalagyan pa rin ng middle name. sa amin dito sa antipolo wala ng hiningi sa akin. notaryo lang talaga nabayaran ko at yung cedula ko naman valid pa kaya no extra charges on my part :)
« Last Edit: August 15, 2011, 11:36:55 pm by chelle_peachy0524 »

sweetcake

  • Guest
Re: Late Registration of Birth Certificate
« Reply #11 on: August 16, 2011, 12:21:02 am »

share ko lang naexperience ko sis... i gave birth last Sept 2010 and had my baby late registered last March 2011 kasi yung birth certificate nya nakarating muna ng abroad para ipapirma sa tatay bago ko naiparegister. i guess depende sa policy ng hospital na kung hindi kasal ikaw ang mag aasikaso pero pag kasal sila ang mag aasikaso. ipapasa mo yang form sa civil registrar's office sa city hall para maiprocess. ako ang binayaran ko lang yung pagpapanotaryo kasi me ipifill out ka sa likod yung reason bakit late na ipaparegister. am not sure with your city hall's policy kung me certain amount ka pang babayaran nakapangalan yung baby sa tatay though di pa kami kasal. kung nasa province ka, lumuwas ka na lang at maglaan ng 2 days max para makumpleto mo na lahat ang dapat asikasuhin. hindi mo na kelangan ng witness kung gagamitin mo yung surname mo but then do not put anything on the middle name. yun kasi ang common mistake sa atin pag anak sa pagkadalaga, nilalagyan pa rin ng middle name. sa amin dito sa antipolo wala ng hiningi sa akin. notaryo lang talaga nabayaran ko at yung cedula ko naman valid pa kaya no extra charges on my part :)

thanks you so much sis..asikasuhin ko na this week thanks:)

howdouknowitsme

  • Guest
Re: Late Registration of Birth Certificate
« Reply #12 on: September 21, 2011, 08:48:43 pm »
nasaakin na yun birth certificate ng anak ko..since pinadala ko pa sa abroad para mapirmahan ng daddy niya...3months ngayon baby ko..sa munisipyo ko na ba ipapasa ng derecho o ibabalik ko pa sa hospital na pinag paanakan ko?

chelle_peachy0524

  • Guest
Re: Late Registration of Birth Certificate
« Reply #13 on: September 23, 2011, 11:00:54 pm »
nasaakin na yun birth certificate ng anak ko..since pinadala ko pa sa abroad para mapirmahan ng daddy niya...3months ngayon baby ko..sa munisipyo ko na ba ipapasa ng derecho o ibabalik ko pa sa hospital na pinag paanakan ko?

sa munisipyo na ang diretso nyan sis...ikaw ang maglalakad... it happened to me... but since pinadala mo na sa abroad yan, if land base naman ipapadala yan sa Philippine Embassy at si hubby mo ang magpapa notarize. me term yun nakalimutan ko na... but in my case hindi na nakarating doon kasi seaman ang daddy ng baby ko. pinirmahan nya, yes pero i just filled out the latter portion for the delay of birth certificate. kung hindi pa kasal, ipapalegitimize naman yang birth cert pag kinasal...

vherlyn03

  • Guest
Re: Late Registration of Birth Certificate
« Reply #14 on: April 12, 2013, 01:17:27 pm »
[textspeak!] din.. 4yrs old n anak q hnd p rin nmin n reggister.. panu po b ? tnx..

anniegurl

  • Guest
Re: Late Registration of Birth Certificate
« Reply #15 on: June 11, 2013, 01:54:23 am »
first u have to get a copy of the birth cert sa hosp where you gave birth. Prepare affidavit kung bakit late na register si baby. Mapapagod ka lang talaga kasi pabalik balik talaga. Buti na lang my mom is super patient.

babyboo.0326

  • Guest
Re: Late Registration of Birth Certificate
« Reply #16 on: June 11, 2013, 02:59:01 am »
Siguro sis pwede mo na lang iparegister dyan sa Cavite at kumausap ka na lang ng midwife na sya ang nagpa-anak sa iyo. Ganyan kasi ginawa nung friend ko.

ganyan din gagawin ko for my youngest. kaso the reason for that naman is para mabago ang last name ng son ko to mine. nakasunod kasi siya sa last name ng dad niya e.

EJ2526

  • Guest
Re: Late Registration of Birth Certificate
« Reply #17 on: April 10, 2014, 04:45:44 pm »
Gaano katagal bago ma-consider na late registered? Kasi i gave birth lang last march 15 then nung tuesday lang nagtxt sakin na may kailngang pirmahan para sa birth certi ng baby ko. Ang kaso di pa kami kasal ng father nya so need pa namin kumuha ng cedula at ipapa notaryo pa yung birth certi ni baby eh nagkataon na nasa training yung bf ko kaya walang mag aasikaso wala naman ako magpag iiwanan ng baby ko. Kapag daw di namin napasa yung reqs tomorrow at newt week pa namin nabgay considered late registered na daw yun?

mommyming

  • Guest
Re: Late Registration of Birth Certificate
« Reply #18 on: April 11, 2014, 03:04:42 pm »
Hello po mommies!

Naguguluhan po kasi ako ngayon...

Kasi yung anak ko, nairehistro sya na ang gamit nya is yung last name ng father nya. That time, super labag sa kalooban kasi we parted ways na eh yung nanay ko na over sa authority (plus, sya yung gumastos sa panganganak ko) eh ipinagpilitan na sa ex ko nga i-apelyido. And then, yun na nga. Pero sa isip ko noon, mapapalitan ko yan kapag may ipon na ako, by hook or by crook.

I researched online over the years sa kung ano ang gagawin ko. Hanggang sa itong yaya ngayon ng anak ko eh meron daw kakilala sa City Hall na maaaaring mag-asikaso nun. So, di na ko nag-aksaya ng panahon. Kinausap ko, then nang magkapera na ako, nagbayad ako ng P3500 para mailakad. Since, may work ako kaya di ako makapag asikaso nun personally.

Until then, dumating sa time na may conflict kasi nate-trace yung birth certificate ng anak ko (which is nakaapelyido sa ama nya), then, nagkaroon ng ilang changes (pati year of birth) basta lang mai-apelyido ko sya sa akin. Kaso lang, sa ikalawang attempt nung naglalakad, nate-trace pa rin daw. Ngayon, nasa ikatlong attempt na, wala pa akong balita. Napapagod na ako kasi wala akong makitang magandang resulta, lahat ng options para sa name at bday ibinigay ko na. Last resort ko na lang eh yun mag-file ng petition, pero wala naman akong enough na pera para gumastos ng abogado. Hay.

Para bang naiisipan ko na lang itong post na ito ni sister...
Para bang ituloy-tuloy ko na lang ang paggamit ng anak ko ng apelyido ko, pero iba pa rin sa case nito kasi never syang narehistro eh, then yung anak ko rehistrado.

Quote
ako i only had my birth certificate registered last 2005.. hehe..imagine nakagraduate ako ng college, nakapag asawa ako at nagkaanak ala ako birth certificate na lehitimo.. buti pa yung mga anak ko.. hehee

what i did is, i went to manila city hall then sinubmit the following:
-baptismal stating yung name na ginamit mo then yung address nyo..kailangan manila kasi dun ka paparegister
-high schoolrecord (F-137) and/or college diploma stating din yung name na ginamit mo.. kailangan kasi ma establish na yun talaga ang name mo since birth
-marriage cert ng parents
-birth cert ng siblings
-ID (company ID, school ID, etc)

siguro i just waited for two months.. wal ana rin ako sinubmit nugn mga affidavit..sabagay that time me tumulong saken na taga civl registrar kaya uon submission of the requirements, lagi na lang ako nagpa follow up sa kanya

Nakakapagod na po mag-isip. Kasi sa totoo lang, kaya ko pinu-push ito na mabago ang last name ng anak ko eh dahil na rin sa sobrang galit ko sa ama nya. Iniisip ko din na pagdating ng araw, wala din namang sense kung malaman ng anak ko ang totoo dahil wala naman talagang kwenta yung ama nya. Kaya ko sya hiniwalayan dahil sa loob ng 9 months wala syang ginawa para magkaroon ng pera pang panganak ko, kaya napilitan ako bumalik sa mama ko at sinaktan pa nya ako physically, verbally at emotionally.

Sana po, kung sino man ang may mabuting loob dyan eh matulungan nyo po ako.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close