Hello po mommies!
Naguguluhan po kasi ako ngayon...
Kasi yung anak ko, nairehistro sya na ang gamit nya is yung last name ng father nya. That time, super labag sa kalooban kasi we parted ways na eh yung nanay ko na over sa authority (plus, sya yung gumastos sa panganganak ko) eh ipinagpilitan na sa ex ko nga i-apelyido. And then, yun na nga. Pero sa isip ko noon, mapapalitan ko yan kapag may ipon na ako, by hook or by crook.
I researched online over the years sa kung ano ang gagawin ko. Hanggang sa itong yaya ngayon ng anak ko eh meron daw kakilala sa City Hall na maaaaring mag-asikaso nun. So, di na ko nag-aksaya ng panahon. Kinausap ko, then nang magkapera na ako, nagbayad ako ng P3500 para mailakad. Since, may work ako kaya di ako makapag asikaso nun personally.
Until then, dumating sa time na may conflict kasi nate-trace yung birth certificate ng anak ko (which is nakaapelyido sa ama nya), then, nagkaroon ng ilang changes (pati year of birth) basta lang mai-apelyido ko sya sa akin. Kaso lang, sa ikalawang attempt nung naglalakad, nate-trace pa rin daw. Ngayon, nasa ikatlong attempt na, wala pa akong balita. Napapagod na ako kasi wala akong makitang magandang resulta, lahat ng options para sa name at bday ibinigay ko na. Last resort ko na lang eh yun mag-file ng petition, pero wala naman akong enough na pera para gumastos ng abogado. Hay.
Para bang naiisipan ko na lang itong post na ito ni sister...
Para bang ituloy-tuloy ko na lang ang paggamit ng anak ko ng apelyido ko, pero iba pa rin sa case nito kasi never syang narehistro eh, then yung anak ko rehistrado.
ako i only had my birth certificate registered last 2005.. hehe..imagine nakagraduate ako ng college, nakapag asawa ako at nagkaanak ala ako birth certificate na lehitimo.. buti pa yung mga anak ko.. hehee
what i did is, i went to manila city hall then sinubmit the following:
-baptismal stating yung name na ginamit mo then yung address nyo..kailangan manila kasi dun ka paparegister
-high schoolrecord (F-137) and/or college diploma stating din yung name na ginamit mo.. kailangan kasi ma establish na yun talaga ang name mo since birth
-marriage cert ng parents
-birth cert ng siblings
-ID (company ID, school ID, etc)
siguro i just waited for two months.. wal ana rin ako sinubmit nugn mga affidavit..sabagay that time me tumulong saken na taga civl registrar kaya uon submission of the requirements, lagi na lang ako nagpa follow up sa kanya
Nakakapagod na po mag-isip. Kasi sa totoo lang, kaya ko pinu-push ito na mabago ang last name ng anak ko eh dahil na rin sa sobrang galit ko sa ama nya. Iniisip ko din na pagdating ng araw, wala din namang sense kung malaman ng anak ko ang totoo dahil wala naman talagang kwenta yung ama nya. Kaya ko sya hiniwalayan dahil sa loob ng 9 months wala syang ginawa para magkaroon ng pera pang panganak ko, kaya napilitan ako bumalik sa mama ko at sinaktan pa nya ako physically, verbally at emotionally.
Sana po, kung sino man ang may mabuting loob dyan eh matulungan nyo po ako.