Mukha lang expensive kasi Rupiah na hundred thousands ang bilihan hahhaha.ang hirap mag-convert.Dala kayo calcu or ready lagi ang cel nyo sa conversion kasi nakakalula yung Rupiah.
Tip: tanggalin mo yung 2 zero sa dulo, divide mo sa 2 (100,000 = 1,000/2 = P500). P1 is around Rp200. Medyo mataas lang value ng Peso ngayon, mga 205.

Madami dami na din akong nabisita. Semarang, Medan (Samosir Island, Lake Toba), Kudus, Pekalongan, Jogjakarta, Bali, Bandung, Ancol, Bogor. Nagwowork kasi ako dito.

Sana makatulong ang mga tips na ito:
1. Maanghang ang pagkain, pag sinabi na medyo lang, maanghang na talaga yun.
2. Pag kumain ka sa fastfood (kfc, mcdo, etc), usually walang spoon and fork. Ask na lang kayo ng "garpu" (fork) at "sandok" (spoon).
3. Kung sa Jakarta at Bali, medyo makakasurvive ang inggles, sa ibang lugar, mahirap. So magbaon ng konting Bahasa Indonesia. Kahit sa paghaggle, makakatulong yon pag nakikita nilang nakakatawa ka magBahasa.

4. Sabi impolite daw sa kanila pag ang ipinangaabot mo e kaliwang kamay, may nanita na sa akin non. Dapat kanan.

5. Magingat sa pagsabi ng mabaho.

Dahil "bau" ang katumbas na salita sa kanila non. Magkatunog so maiintindihan nila. "Bantot" pede siguro.
6. Kung first time sa Jakarta, please magBlue Bird taxi. or Gamya. Wag magulat sa metro, mabilis takbo.
So far yan pa lang naisip ko, sana makatulong kahit papaano. Sana magenjoy kayo dito.