watch now

Author Topic: Cagayan and Isabela  (Read 59654 times)

greenarrowbabe

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #200 on: January 03, 2014, 03:36:41 pm »
Hello sisses, punta ko sa dito 3rd week of Jan, bale 3D2N lang...follow ko yung suggestion ni sis kikay iska. May mga tanong lang po ako, sana may makasagot  :)



sis kelan ang exact dates mo? balak ko din pumunta jan 19-22.

aNgelofThEMorning

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #201 on: January 03, 2014, 05:17:45 pm »
^ 17-19 sis...weekdays mo pala balak, mhirap magpa-alam sa office hehe

greenarrowbabe

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #202 on: January 03, 2014, 07:38:37 pm »
ay sayang. hehe. birthday trip sana kasi yun. :)

the last time nag-attempt kami pumunta palaui e di kami pinayagan ng coast guard. :( sana matuloy na and hindi naman ganun ka-alon. :)


aNgelofThEMorning

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #203 on: January 03, 2014, 07:49:51 pm »
alam mo ba kung ok pumunta ng January dito? baguhin mo na yung travel date mo sis hehe para sabay tayo, bawas gastos  ;D magbu-bus ka ba?

greenarrowbabe

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #204 on: January 04, 2014, 04:17:35 pm »
^ naku. mukhang malabo mabago ang travel dates. bawal kasi ako ng VL fri-sat.  >:(

and oo mgbbus lang kami.  ;)

pangit kasi sched ng cebupac. last time nagplane din kami kaso nung pabalik di na namin hinabol yung flight kasi sayang naman ang lakad. kaya ayun, nagbus din kami pauwi. :)

may contact ka na sa boat sis? nacontact ko na si kuya edwin tabucol.

aNgelofThEMorning

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #205 on: January 04, 2014, 06:09:02 pm »
may contact na ko sis, pero kinontak ko rin si kuya Edwin kanina. baka dun na lang ako sa una kong kinontak kase nag-offer sya na sila na magluluto ng gusto namin ulamin eh, sa island daw sila luluto. mas gusto ko kase yun kesa bibili ng packed meal.

greenarrowbabe

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #206 on: January 04, 2014, 06:32:14 pm »
si kuya edwin hindi daw nagluluto? hindi ko siya natanong kanina. hehe.
gusto ko rin ng ganun, ang hassle magdala ng packed meal. tapos hindi pa naman ako kumakain ng malamig na ulam or kanin.  :-\

mag-oovernight kami sa anguib beach na lang. nag offer yung contact mo ng mga gamit, like lutuan, ilaw? kagaya kaya sila ng mga boatman sa calaguas na sila na lahat bahala sa mga dadalhing gamit?

aNgelofThEMorning

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #207 on: January 04, 2014, 07:00:23 pm »
hinde sya nag-offer eh, pero tinatanong ko. sabi nya pwede naman daw. yung isa ko kaseng kausap sya na mismo nag offer. sabi pa nya papahiramin daw nya kami ng gamit and sabihin lang daw namin kung anong luto gusto namin sila na bahala. same rate sila 3.5k whole day tour, pero ayoko na puntahan yung crocodile island :P rate ni kuya Edwin 3k pag di kasama croc island...sa isang kausap ko tatanungin ko pa magkano.

sa San Vicente kami mag-stay sis, 2 lang kase kami ayaw ni bf ng camping, delikado daw. Baka may alam kang pwedeng tuluyan sa San Vicente na ok? TIA

greenarrowbabe

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #208 on: January 04, 2014, 09:41:20 pm »
^ dalawa din lang kami ni bf pero hindi naman ako natatakot. hehe. pero dahil sinabi mong delikado, nag-dadalawang isip tuloy ako. ang hassle pa naman magcamping, tent pa lang ang bigat na.  :-\

wala akong alam sa San Vicente sis, yung tinuluyan naming Jotay's resort sa Sta Ana yun e. bakit hindi na lang kayo magstay sa Sta Ana?

aNgelofThEMorning

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #209 on: January 05, 2014, 12:50:18 pm »
 ;D wala naman ako basis sis para matakot mag-camp sa Anguib hehe hinde lang talaga kami nagca-camp pag kami lang 2 tapos konti tao sa lugar...sorry kung natakot ka  :(

Sa Jotay's na kami mag-stay sis :) mukhang ok dun. Wala ko makita masyado sa San Vicente

greenarrowbabe

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #210 on: January 10, 2014, 04:03:55 pm »
^meron ako nabasa kay pinoyadventurista saka kay lakwatsero na lodging sa San Vicente pero don't expect anything daw. okay naman sa Jotays is. :) beachfront ska may maliit na pool.  :)

aNgelofThEMorning

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #211 on: January 14, 2014, 01:09:28 pm »
sa sat na alis namin...kinakabahan ako mukhang may bagyong parating  :(

greenarrowbabe

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #212 on: January 14, 2014, 05:25:10 pm »
hala. sana naman sis okay ang panahon...  :-\

balitaan mo kami sa weather. :)


aNgelofThEMorning

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #213 on: January 15, 2014, 01:30:38 pm »
kausap ko yung boatman kaninang maaga. mahangin daw since yesterday, pero sabi nya if ever daw ganun mag-trek na lang kami sa Lighthouse papunta at pabalik...sa punta verde, croc island at anguib pwede daw dumaan sa mangrove if maalon. sa lighthouse daw yung talagang risky. baka ganun na nga gawin namin if ever. try ko balitaan ka pag andun na ko :)

greenarrowbabe

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #214 on: January 17, 2014, 04:18:59 pm »
^ ingat sa byahe sis. and enjoy! :)

foruiz

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #215 on: January 17, 2014, 05:44:14 pm »
To those travelling to isabela malamig dun ngayon.

greenarrowbabe

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #216 on: January 17, 2014, 10:00:07 pm »
hala. nagbbrowse ako ng mga weather forecast... may nakita akong 60%-80% chance of rain.

huhu.. kinakabahan na ko.  :'(

i'm having second thoughts na tuloy.  :-\

brandi

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #217 on: January 19, 2014, 09:34:36 am »
Pwede pa share ng itinerary sa mga nakapunta na?tia!

aNgelofThEMorning

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #218 on: January 20, 2014, 01:48:59 pm »
hi mga sis! I'm back :) sorry sis greenarrowbabe hinde na kita na-update, nahulog kase phone ni bf sa trike hinde ako makapag-internet.

and yeah uber lamig! buti na lang may dala kong jacket and windbreaker. sa sobrang lamig hinde kami nag-swimming sa dagat. maaraw pero mahangin so maalon sya. eh ok lang sa akin basta maaraw. ganda ng mga pics  :)

^ eto sis itinerary namin, 3D2N via cebupacific

Day 1
- St. Peter Church
- Lunch at Jomar's - Pancit Batil Patung
- Callao Cave
- Bats Watching

Day 2
- 5AM travel to Sta. Ana
- check-in Jotay's
- Palaui Tour
   - Croc Island
   - Punta Verde, Trek to Lighthouse
   - Anguib Cove, sa mangroves kami dumaan

Day 3
- 5AM travel back to Tugue City
- buy pasalubong
- check-in airport


shegothim

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #219 on: January 20, 2014, 04:48:52 pm »
nung pumunta kami noon sa cagayan, masama rin ang panahon (kahit holyweek that time). nung papunta kaming palaui grabe ang lakas ng ulan. basang basa nga kami ng mga kasama ko. umaambon din pag-akyat namin ng lighthouse pero nung papunta na kami ng cape engano na ok na ang panahon.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close