watch now

Author Topic: Cagayan and Isabela  (Read 59607 times)

shegothim

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #180 on: March 20, 2013, 09:06:25 am »
swim, trekking papuntang lighthouse. maganda ang view dito. iyon nga lang effort sa pagpunta sa light house lalo na kung sa kabilang side ka pa manggagaling. ilang oras din na trek mula doon.

jp_jameop

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #181 on: March 20, 2013, 09:45:29 am »
^meaning sis di mageenjoy ang thunders dito? :)

shegothim

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #182 on: March 20, 2013, 10:14:57 am »
hmm pwede pa rin naman dun na lang kayo bumaba sa malapit sa lighthouse though may akyatan pa ring magaganap. pero kung ayaw talaga ng akyatan sa anguib na lang kayo pumunta sis para di mastress ang mga elders.

jp_jameop

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #183 on: March 20, 2013, 11:32:40 am »
^SAYANG DI KO MABASA ANG BLOG MO DITO SA OPIS.

sorry caps.

anyway, dun sa anguib ba sis beach bumming lang din dun and may pagsstayan ba? may kasama kasi kamig 1 yo baby. :)

ayionick

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #184 on: April 02, 2013, 09:52:15 pm »
sisses, pupunta kame sa tugue sa gabi ng may 25, stay lang kame hanggang may 26 tapos uwi na din ng gabi.

pero parang gusto namin mag-side trip ni hubby sa callao cave at palaui island. ito ang options namin:
OPTION 1:
- catch the last van/bus trip from tuguegarao to sta.ana on may 26 (5pm ata?)
- check-in at any pension in sta.ana (or in Gonzaga, town which is 1hr away from sta.ana)
- maagang magstart on may 27 sa palaui trip (ilang oras ba ang dapat iallot sa whole trip?)
- catch the last van/bus trip from sta.ana to tuguegarao (ano kayang oras ito?)
- check-in at any pension in tuguegarao

OPTION 2: may nakita akong Tugue-Mla via CEB at P1,700+ for 2pax ng 12:55pm
- stay in tuguegarao on may 26
- may 27, take earliest van/bus trip to sta.ana (ano kayang time ito?)
- palaui trip (same question sa option 1)
- check-in at any pension in sta.ana OR take the last van/bus trip back to tuguegarao (same question uli)
  - kung check-in sa sta.ana, kinabukasan earliest van/bus trip to tuguegarao (anong oras kaya?)
  - kung makabalik ng tuguegarao, check-in kame dun for the night
- next day, may 28 maagang trip to callao cave then back to airport. (ilang oras ang dapat iallot dito?)

OPTION 3: any suggestions? :)

foruiz

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #185 on: April 02, 2013, 11:53:27 pm »
^sis til may 26 lang kayo? parang kaya naman kung 1day palaui nyo.magbanka nalang kayo to the lighthouse para no  need to trek.

ayionick

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #186 on: April 03, 2013, 06:46:59 am »
^bale 1 day lang yung totoong sadya (work related) namin dun kaya naisip namin isabay na ang pamamasyal. Open date naman ang pag-uwi namin kasi by bus lang talaga, kaya we can book a flight instead. So mauuna pauwing manila yung mga kasama namin, kame lang ni hubby ang magstay for palaui. May 25 ng gabi ang alis ng Manila, May 26 ang alis ng Tuguegarao supposedly by bus. But if we do the palaui trip, magbubook ako ng May 28 via CebuPac. So we have the night of May 26 to lunch of May 28.

foruiz

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #187 on: April 03, 2013, 08:25:32 am »
ah,gets na sis.hehe.yun nga kaya naman ang palaui island at anguib in a day.agahan nyo lang matapos at malayo pa sta ana to tuguegarao. wala naman akong alam sa bus sched kasi we brought our own car.

jp_jameop

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #188 on: April 03, 2013, 08:33:19 am »
hay di kami tuloy sa vacation namin dito. :( lumipat kasi ng work si hubby ko...

jp_jameop

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #189 on: April 22, 2013, 03:30:16 pm »
sisses bukod sa anguib, palaui. ano pa ang mga beach resort sa sta ana? yung di na magbabangka pa. hehhehe kasi takot pa akong isama ang baby ko sa bangka.

sa wakas tuloy na kami from apr26-may 1 kami.

ayionick

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #190 on: May 01, 2013, 07:32:48 am »
^sis, buti pa kayo matutuloy bago pa magsara ang Palaui Islands. Tumawag ako sa PASAMOBA kahapon, sarado na daw yung ibang part ng May 5 pero May 6 sarado na lahat para sa Survivor. Alam ko til August sila dun. Pero who knows if after that kung iaallow pa din nila for other tourists yung island. Sana lang hindi magaya sa ibang islands na sinira at dinumihan nila after they finished shooting.

CUTIE0730

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #191 on: July 06, 2013, 08:07:58 pm »
Punta ako tuguegarao city for 4 days including travel time.Ano kaya maganda itinerary para mamaximize ko stay dun?

aNgelofThEMorning

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #192 on: December 27, 2013, 06:56:07 pm »
Hello sisses, punta ko sa dito 3rd week of Jan, bale 3D2N lang...follow ko yung suggestion ni sis kikay iska. May mga tanong lang po ako, sana may makasagot  :)

Day 1
 - check-in then lunch after arrival in Tuguegarao airport, 12 noon arrival namin
 - Callao Cave, kasama na ba yung Pinacanauan River dito?
 - overnight in Tuguegarao City
Day 2
- depart early to Sta. Ana, anong oras kaya dapat ang alis namin? anong oras first trip ng van?
- Palaui Island/Cape Engano, Anguib Cove, Punta Verde, Crocodile Islands
- overnight in Sta. Ana or kaya pa ba namin makabalik nito sa Tuguegarao City? Nabasa ko sa isang blog until 2PM daw last trip ng mga van at bus pa-Tugue...pa-confirm mga sis. medyo hesistant akong mag-overnight sa Sta. Ana kase baka magka-aberya, 1pm the ff day yung departure namin.
Day 3
 - travel to Tuguegarao City, anong oras kaya first trip ng van?
 - Visit churches??? buy pasalubong... carry pa kaya to if 1pm ang departure namin?

TIA mga sis! Ganda pala ng Tuguegarao! hinde kase ko nag-research bago bumili ng ticket, sana ginawa kong 4 days ang stay namin :(
« Last Edit: December 28, 2013, 12:42:16 am by aNgelofThEMorning »

nikki09

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #193 on: December 28, 2013, 01:40:12 am »
^sis to answer some of your questions..

For Day 1
*8AM to 5PM yun time for cave visit  then 20pesos yung entrance fee
*Yung Callao Cave paakyat (so medyo trek ang peg pero hindi naman mahirap kasi may steps na)
*6PM yung start na lumalabas sa cave yung bats (maganda siya, promise!)
*Yung Pinacanauan River naman is sa baba naman ng Callao Cave, so after sa Callao Cave may choice na mag River Cruising (siyempre additional bayad)

For Day 2
*I don't know yung start ng first trip, so I suggest magtanong tanong ka na agad sa locals ng time ng first trip pa Sta. Ana pagdating mo pa lang sa Tuguegarao. Mas better na yung first trip masakyan mo kasi medyo matagal yung byahe. 5am or 6am ang start na pwede na pumunta sa Palaui Island.
*If you're trekking (like we did) - malabo na magawa mo lahat ng almost half-day. So gawin niyo yung easier way (walang matagal na trekking) then huwag masyadong magtagal sa pageenjoy sa island hopping para makabalik kayo agad ng Tuguegarao.

For Day 3
*Assuming na nasa Tuguegarao na kayo, hindi niyo na kailangan mag-van para mag quick city tour, tricycle ang primary mode of transportation dun. Iilan lang church & for pasalubong naman wala akong alam na specific place na puntahan ng tourist for pasalubong (or even shirts).
*May milk candy & pastillas (made from Carabao's Milk), Longganisa & Chicharabao (Gawa sa Carabao's Skin) na pwedeng pasalubong.
*Try niyo na rin kumain ng pansit Batil Patung, sa Jomar's ako lagi pumupunta (and marami silang branches), may pansit cabagan naman malapit sa Airport (though pansit Cabagan is from Isabela talaga) and Adrinel's quite popular sa locals.
*Kaya naman lahat yan kasi konti lang naman ang makikita sa Tuguegarao City mismo, kalat-kalat kasi at malalayo yung ibang tourist spots.

**Disclaimer: My mom's from Tuguegarao and I used to spend my childhood days there. Twice akong pumunta sa Tugue this year and one is to check out Palui with my friends and yung second is for my pamangkin's birthday then side trip to Callao Cave with Family.

Hindi ko pa nalilibot ang buong Cagayan pero based on my experience, malalayo talaga tourist spots nila (yung tipong sa byahe pa lang ubos na oras mo) tsaka with pasalubong wala talaga masyado. Not unless counted din ang adobong mani (home-made) as pasalubong, yun kasi laging pinapadala sa amin tsaka saging & vegetables (tanim sa bahay) lol ;D

budzwhiz

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #194 on: December 28, 2013, 01:49:08 am »
Must try jan ang Alkala Milk Candy (Carabao's milk). ;D

aNgelofThEMorning

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #195 on: December 28, 2013, 04:05:12 pm »
^ noted yan sis :) Alkala pastillas..

^^ super thanks sis nikki09  :) swerte mo sis, ang dami mong pwedeng libutin pag andyan ka, hinde ka mauubusan ng pupuntahan  ;D

tanong po ulit, susulitin na kita hehe

1. anong oras kami dapat pumunta dun if mag ri-river and gusto namin makita yung mga bats? actually ca-cancel ko na sana yung bats watching instead yung sunset na lang sa bridge pero na-enganyo mo ko hehe so bats na lang.

2.  nainggit ako syo sis heheh so magtre-trek na lang kami ;D sulit naman diba? nasa 3 hours ba talaga? 5km daw yung layo sa mga nababasa ko. para ang ganda kase ng itre-trek namin base sa mga pics na nakikita ko sa net. mag o-overnight na lang kami sa sta.ana. tapos maaga na lang kami aalis kinabukasan. sana lang may maagang trip, yung tipong 5AM.

3. may contact ka ng trike driver or may idea ka how much yung city tour? medyo natakot kase ko sa mga nabasa ko dito sa thread, marami daw manlolokong trike driver dun baka magoyo na naman kami.

pag umuuwi ako sa province saging at gulay din lagi kong uwi hehe. mas mahal pa yung check-in fee kesa sa dala dala natin  ;D

nikki09

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #196 on: December 28, 2013, 05:45:57 pm »
^sis Alcala tamang spelling, masarap nga hihi

madalang na ako umuwi ngayon dun eh, tsaka mas gusto ng elders na sila ang dalawin ko, eh ang dami dami nila kaya ubos ang bakasyon kakabisita lol

and for your questions naman :)

1. Nung nagpunta kami, mga 4pm na kasi around 6pm lumalabas yung bats. So kung mag ri-river cruise kayo earlier ng konti. Kahit naman lumagpas kayo ng 5pm at nasa Callao Cave pa kayo hindi naman kayo papababain agad agad.

2. Yup sulit yung trek, nakakapagod pero ang saya tsaka very fulfilling sa pakiramdam. Yup, ang sabi ng tour guide (may fee pala sa tour guide) sa amin usually 3 to 4 hours trekking yun. Pero dahil sa nagmamadali kami that time 2hours mahigit nagawa na namin ;D pero siyempre pabor kasi yung panahon sa amin, kapag umulan daw kasi mas matagal ang trekking. Nasa Crocodile Island na kami ng Sunset and Fab din naman. So either sa Anguib Beach or sa Crocodile Island niyo na lang abangan ang sunset ;)

3. Actually hindi ko alam kung may City Tour na ginagawa sa Tugue, nagpapasama naman kasi ako lagi sa kakilala ko para iwas maloko na rin hehe :D usual fare kasi sa tricycle is 10php per tao (yup punuan ang tricycle dito) or may term sila na "Capacity" which means babayaran mo na yung buong tricycle para solo niyo (50php). May particular places ka ba na gustong puntahan para makapagtanong ako sa mga kakilala namin doon kung magkano aabutin ng fare para may basis kayo magkano lang dapat ibayad niyo? Tsaka ilan pala kayo?

And I super agree, marami ngang manlolokong tricycle drivers dun. Kapag hindi mo alam kung magkano fare, dudugasin ka talaga. Tsaka ewan ko ba may radar talaga sila kung taga Manila ka, super dudumugin ka talaga ng tricycle drivers para sila kunin mo. Kaya lagi ako nagpapasama kasi ayaw ko yung feeling na kinukuyog ;D

aNgelofThEMorning

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #197 on: December 29, 2013, 11:50:08 am »
^ yung more than 2 hrs na trek eh balikan na yan sis? kailangan ba ng trekking shoes? baka tsinelas pwede na hehe bawas sa dalahin.

2 lang kami eh, yung trike sana papuntang Callao Cave ang gusto ko malaman yung fee, balikan bale yun noh? kase alam ko medyo malayo yun.

May nakausap ako kahapon from PASAMOBA, si kuya Fernando, he quoted me 3.5k for Cape Engaño, Anguib Beach, Crocodile Island and Punta Verde. Pag mag tre-trek kami less 1k. Ang bait nga ni kuya kausap, inoffer din nya na pwede kami magpaluto sa kanila, sa island daw nila lulutuin, tpos yung gamit namin pwede daw namin iwan sa bahay nila.

yoko din talaga nung dinudumog, nilalayasan ko yan..ngalalakad sa medyo malayo sa kanila tsaka ko papara ng trike heheh

nikki09

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #198 on: December 29, 2013, 12:41:23 pm »
^One-way lang yung trekking sis, naka tsinelas lang din kami para mas comfy at hindi bulky sa bagahe haha.

Yup balikan na dapat yung trike papunta Callao Cave kasi malayo talaga at wala kang masasakyan pabalik ;D

So hindi pa tumaas rates ng Palaui after ng Survivor, buti na lang haha. Kami walang discount kahit nag trek kami (balikang trek ba yung inyo?) kasi daw iikot pa rin sila papunta sa kabilang side (from punta verde which is yung start ng trek papunta sa side ng cape engaño) para sunduin kami, sa palaui island ba kayo mismo mag stay?

Magpaluto nga kayo kasi kami hunger strike ang peg wahahaha, nabuhay lang kami sa biscuits, breads and chips na baon namin. Tsaka bring lots of water kasi walang bilihan ng water sa palaui island, kung hindi siguro maselan pwede makiinom sa mga locals dun pero siyempre tap water yun ;)

I suggest mag city tour na rin kayo before Callao Cave, isabay mo na rin yung pasalubong para hindi kayo masyadong panic mode sa last day niyo :)



aNgelofThEMorning

  • Guest
Re: Cagayan and Isabela
« Reply #199 on: December 29, 2013, 02:18:13 pm »
^ ahhh 1-way lang pala kala ko 2-way :), sabi ko ang bilis nyo hahahah..sabi ni kuya nasa 2 hrs daw trek 1-way pag medyo mabilis. ay, pag 1-way trek same price nga 3.5k pa rin kase susundo pa rin sila. so pinag-iisipan pa namin to kung balikan ang trek namin hehe.

naisip ko nga yan sis, mag-city tour kami bago mag-Callao since 4pm pa naman pala punta cave. thanks thanks balitaan mo ko kung may matanong ka na rate sa trike pls. konting city tour, pasalubong and callao cave. salamat ng marami! excited na ko, sana hinde maalon ang dagat :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close