^sis to answer some of your questions..
For Day 1
*8AM to 5PM yun time for cave visit then 20pesos yung entrance fee
*Yung Callao Cave paakyat (so medyo trek ang peg pero hindi naman mahirap kasi may steps na)
*6PM yung start na lumalabas sa cave yung bats (maganda siya, promise!)
*Yung Pinacanauan River naman is sa baba naman ng Callao Cave, so after sa Callao Cave may choice na mag River Cruising (siyempre additional bayad)
For Day 2
*I don't know yung start ng first trip, so I suggest magtanong tanong ka na agad sa locals ng time ng first trip pa Sta. Ana pagdating mo pa lang sa Tuguegarao. Mas better na yung first trip masakyan mo kasi medyo matagal yung byahe. 5am or 6am ang start na pwede na pumunta sa Palaui Island.
*If you're trekking (like we did) - malabo na magawa mo lahat ng almost half-day. So gawin niyo yung easier way (walang matagal na trekking) then huwag masyadong magtagal sa pageenjoy sa island hopping para makabalik kayo agad ng Tuguegarao.
For Day 3
*Assuming na nasa Tuguegarao na kayo, hindi niyo na kailangan mag-van para mag quick city tour, tricycle ang primary mode of transportation dun. Iilan lang church & for pasalubong naman wala akong alam na specific place na puntahan ng tourist for pasalubong (or even shirts).
*May milk candy & pastillas (made from Carabao's Milk), Longganisa & Chicharabao (Gawa sa Carabao's Skin) na pwedeng pasalubong.
*Try niyo na rin kumain ng pansit Batil Patung, sa Jomar's ako lagi pumupunta (and marami silang branches), may pansit cabagan naman malapit sa Airport (though pansit Cabagan is from Isabela talaga) and Adrinel's quite popular sa locals.
*Kaya naman lahat yan kasi konti lang naman ang makikita sa Tuguegarao City mismo, kalat-kalat kasi at malalayo yung ibang tourist spots.
**Disclaimer: My mom's from Tuguegarao and I used to spend my childhood days there. Twice akong pumunta sa Tugue this year and one is to check out Palui with my friends and yung second is for my pamangkin's birthday then side trip to Callao Cave with Family.
Hindi ko pa nalilibot ang buong Cagayan pero based on my experience, malalayo talaga tourist spots nila (yung tipong sa byahe pa lang ubos na oras mo) tsaka with pasalubong wala talaga masyado. Not unless counted din ang adobong mani (home-made) as pasalubong, yun kasi laging pinapadala sa amin tsaka saging & vegetables (tanim sa bahay) lol
