watch now

Author Topic: House for Single Parents take 4  (Read 118420 times)

mrs.jack sparrow

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #40 on: December 11, 2009, 02:38:58 am »
ang saya mo iris ha. aalis ako bukas bibili ng dulcolax ni wania. lol. kainggit ka ha. text kita i might be able to steal an hour have breakfast w u.

luvluv

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #41 on: December 11, 2009, 09:16:44 pm »
nagkita kami ni madam haha! :) naku maki sa susunod dapat kasama ka na. :D super thanks madam sa time mo. :) nakakatuwa ang ating chikahan. :D parang day-off buh, haha! :D chos!

nakakaloka, i faced my fears. i went to the world bazaar. :P  ALONE (with matching commute and ngaragan ever)! at dahil ang baduy ng bazaar this year -- wala akong nabili kundi twalya at shorts (dahil sumkinda chaka ang benta..), hindi ko naisip ang memories namin ni SD dun, instead, nag-wallow ako sa bwiset sa bazaar HAHA! :) that actually helped! thanks, Bro! (eww..nakiki-Bro na din ako. :P)

exciting, magpapasko na. 'house for single parents' christmas dinner, anyone? :) i say YES! :)

magbi-birthday na'ko. hay. ewan ko kung matutuwa ako or malulungkot.. wala kasi akong pera. haha! :P

share ko lang, kanina kwento ko kay madam, ang dami kong nakitang couples.. man-to-man, girl-to-girl..old man and old woman.. teeny-bopper girl and mukhang puberty binatilyo (haha, with matching pumipiyok piyok pa magsalita, i kehnut! ;)) at NAINGGIT AKO. haha. bakit sila, may love? ako wala. :P

hayhayhay. malamig ang pasko. kailangan ko ng mainit..

na kape.

everybody! COFFEE DATE TAYOOOOO!!! (yun o! bumabanat! haha!) ;D ;D ;D game! game! game!
« Last Edit: December 11, 2009, 09:23:56 pm by luvluv »

rys

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #42 on: December 11, 2009, 10:58:37 pm »
MC...   may educ plan din anak ko.  5 years to pay.  3 years to go :) 

mainly for security, kasi since single parent ako, and life is unpredictable, may makukuha siya aside from college funds.

kung di naman, at least pantulong kung college na siya, by that time, 40+ na ko, pwedeng part ng tuition niya, etc...

okay naman investment ang lupa, pero kung may mangyayari sa akin at sa akin nakapangalan yun lupa, makukuha lang ng anak ko yun kung magbabayad siya estate tax. 

pero sabi mo nga may iba ka pa insurance. ako din, 3-life insurance, pension, VUL.  lahat yan beneficiary ko anak ko :) di naman kalakihan value pero security blanket ko yata yan.   hehe...

ikaw, kung ano mas makakatulong sa inyo.  mga ganyan bagay ay depende sa needs talaga. 


luv... gaybar tayo sa bday mo ahahaha

mrs.jack sparrow

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #43 on: December 11, 2009, 11:41:43 pm »
gusto ko din nga mag-gaybar luv wahahahah

iris for me mas maganda talaga un lupa na bilhin sa anak mo. iba na kasi sa panahon ngayon. mahalaga na talaga ang pera at ang value ng pera diba at sa lupa assured ko that ur money will work for you..

rys

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #44 on: December 12, 2009, 06:39:40 am »
sino gusto magsalsa?  hehe...  baka ay salsa every sat 6pm at manila

luvluv

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #45 on: December 12, 2009, 08:43:57 pm »
teka magrereact ako. madam, ako mas game sa lupa. di ba nag-aappreciate ang lupa thru the years? IMO lang.

smoochyz: talaga? hay naku, etong si teo bawal daw kumain ng chicken paglaki nya. ako din ganun noon eh. pero na-outgrow ko naman. oo maintenance nga talaga, moisturizer daw. and gaganun nga daw skin pag change in weather. :s eh malamig ngayon, kaya ganun sya.

rys and mrs. jack: gay bar?! HAHA! ayoko walang boys dun! i've done that two years ago, pero hindi ko birthday. anniversary namin ng boyfriend ko noon. ayun. pinagpiyestahan ng mga bading. siya, hindi ako. HAHA! naka-dress pa naman ako nun! watda.

bjgem: korek sila. dedma na sa kanila. basta tayo, masaya. :D madaming self-righteous na tao sa mundo. bet tayo sila pa mas malungkot ang buhay kesa sa atin.

i have kwento.

i checked my old YM account..and then i saw an offline message from a person with a YM ID pr*teinsh*k*rs2 (name of SD's band).. it was from last october pa. ngayon ko lang nakita kasi i don't really use that account anymore. ang sabi, musta? balita? i asked who he/she was, and then surprisingly, sumagot. sabi, "a friend lang." -- kanina. WTF right? sino kaya yon? heniway, sinagot ko. sabi ko, "really? you can go to hell. be my guest."

whoever he/she is.. (sobrang giveaway ng YM ID, and it's not SD's bestfriend kasi friend ko sa YM yun and pakialam nya naman kung kumusta na ko, pwedeng si SD yun pero ang bobo naman nya to use a sobrang giveaway name, or si wife (screw you, B*tch!)), he/she can go to hell.

anong kailangan nun sakin? tinakwil na ni SD si baby, walang father ang anak ko sa birth certificate. nagbuntis ako at nanganak mag-isa, at tinataguyod ko ang anak ko ng walang ama.. ano pang gusto niya?

nakakapang-init ng ulo.

shetness.

wala lang nashare ko lang. palagay nyo sino yun? :o

mrs.jack sparrow

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #46 on: December 13, 2009, 12:08:52 am »
i superr missed u girls. kanina go na go na ako magyaya ng kopikopi kasi nababaliw na ako sa mga anak ko. talagang toxic.. hindi ko lang din magawa dahil syempre nanay .. maski maloloka ka na di pa din maiwan ang anak maski isa o dalawang oras lang kung di naman talaga kailangan kailangan un lakad ko..

oh well. luvluv wag ka na magsayang ng effort magreply reply pa don sa impaktong nag-ym sa 'yo baka masaktan ka lang. kamusta? leche ang kelangan nyo ni teo sustento at pag-aaruga mula sa ama nya. kung wala un aba e go to hell na nga lang talaga ang impakto. lol.

naku nats my girl makaka-graduate ka din at di mo na alalahanin ng ang math everrrrrrr lol. good luck to u.

abangan ko blog mo iris.

as for me.. tagal ko ng di nagkkwento o nagbblog about single mommyhood ano? wala akong energy pa. haaaaay.. i'll talk na lang pag may nangyayari na progress.

I NEED TO GET BACK TO WORK.

I NEED TO GET BACK IN SHAPE.

I NEED TIME FOR MYSELF.

rys

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #47 on: December 16, 2009, 08:19:09 pm »
mapapaaga lang pagbati ko... ;)

happy happy birthday LUVLUV

sana ay masayang masaya ka sa unang birthday mo na kasama mo si teo...

sana hindi ka na maiyak sa May Bukas pa...

at pinakaimportante,

sana mapasaiyo na si Coco Martin...

luvluv

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #48 on: December 17, 2009, 01:00:51 am »
thanks mars.

iyakathon ako now eh. birthday blues ata. nyargh. sana wag naman tumuloy buong araw na ganito ako. kailangan ko sumaya. sayang ang birthday.

mrs.jack sparrow

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #49 on: December 17, 2009, 01:19:46 am »
oi happy birthday bakla.. bee happy:)

nats un things ni wania di ko naipamigay agad pero ok lang kasi nagkaron naman sya bigla ng lil sis agad :) plan ko un things nila i-donate sa orphanage since sobrang dami.. welcome home girl .. lapit na!

iris how r u sis?

slickchick

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #50 on: December 17, 2009, 07:23:49 am »
good morning mommies!

belated happy birthday baklang luvluv! tee hee!!  :D musta ang birthday mo lola?

hindi ako nakapag-GT the past days dahil sick ang lola nyo. nahawa ata ako sa sipon at ubo ni zion (wag naman sana sa hika nya).  :(

bjgem

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #51 on: December 17, 2009, 07:34:01 am »
hello...

sobrang busy...christmas party mode na eh..hehe..stage mother ako kahapon eh, may christmas parade/program sina meg kahapon sa school..nakakatuwa!! hindi ako magkanda-ugaga kakahuha ng pics at video..

luvluv..happy happy birthday ah..pareho nga pala tayong nagdidiwang ng kaarawan ngayong disyembre..hehe  ;)

slick..balae musta na si zion ah? nakuu hirap yang hika..si meg nga AR lang eh..ngarag nako eh!!

slickchick

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #52 on: December 17, 2009, 07:39:08 am »
^ balae, hellowwweee!!  :D natigil na ang asthma attack ni zion. pero mukhang sa akin naman nalipat yung ubo at sipon nya.. haayy.. wala talagang ligtas dahil katabi ko sya matulog. at mas gusto ko rin na ako na lang ang inuubo at sinisipon kesa sya dahil hirap talaga.

nakakatuwa talaga ang christmas programs ng mga bulilit natin. thankful lang ako at kahit paano, nakapag-attend din si zion ng christmas program nila sa school, despite his hika attacks. kaya lang ayun, since puro toddlers sila, nakakatawa dahil walang sumusunod sa teacher nung sila ang nagpri-present. kanya-kanyang actions yung mga bulilit. hehe!  ;D

rys

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #53 on: December 18, 2009, 05:59:47 pm »
christmas party na naman bukas namin....wala ako isusuot, nitatamad ako maghanap kasi dami ng tao sa malls ahaha


smoochyz... congrats sa math mo :)

bjgem at slick...  naku next year magiging stage mother na ko hehe

luvluv...
bakit ka iyakathon?   :P  plus 1 lang yan sa edad noh.  keri lang



mrs.jack sparrow

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #54 on: December 19, 2009, 12:57:24 am »
^ cute ni zach ha. lol.

read my blog in a few hours sisses. i have pasabog. wahaha. tawa pa ako sa lagay na ito..

slickchick

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #55 on: December 21, 2009, 07:52:01 am »
good morning mommies! ilang araw na lang xmas na! wheeee!!! kahit sa ilang araw man lang, eh hindi ko makikita ang aking office... hehe..  :D

@maki - hindi ko ma-open dito sa office ang blog mo sis. nabibitin tuloy ako sa pasabog mo... hmm.. kelangan mabasa sa bahay later.. hehe..  ;D

@rys - musta xmas party nyo? rumampa ka ba ng husto sis? tee hee!!  :D mag-aral na ba si ram next year? goodluck sis! nakakapagod kapag may bulilit ka na nag-aaral, pero nakakawala rin naman ng pagod kapag nakita mo na kung paano sya nagdi-develop habang nice school sya. worth the pagod, kumbaga.  ;)

@smoochyz - thanks sa concern sis! mukhang back to normal na si zion. hindi ko na naman naririnig na parang "wheezing" yung hininga nya kapag natutulog sya sa gabi. and hindi na rin naman sya inuubo at sinisipon ngayon. sana nga wag na ulit sumpungin ng hika nya... lapit na dating mo sis! excited ka na ba? hope you'll have a great time here in manila!  :)







rys

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #56 on: December 21, 2009, 05:47:52 pm »
^malapit na sis  ;)


slick... kumakain at nag aabanag ako raffle kapag xmas parties ahaha  yup next year na siya papasok.  hindi ko pa aalam kung saan hehe

mrs.jack sparrow

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #57 on: December 22, 2009, 03:12:45 am »
weeeeee, ingat kayo ni aviela sis

at makipagkita ka sa amin bakla ka!

slickchick

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #58 on: December 22, 2009, 07:59:39 am »
good morning mommies! 3 days to go christmas na..  :)

smoochyz, sis relax ka lang. baka sa stress at sa taranta mo eh lalo kang may makalimutan sa gamit ni aviela or worse, magkasakit ka. easy lang sis. your trip to manila should be exciting, not stressful. ingatz!!  :)

maki, nabasa ko na sa bahay ang blog entry mo. ang tapang mo sis, at namura mo si SD ng ganun (kahit sa phone). itayo ang bandera ng mga kababaihan! whoohoo! hehe... good for him  ;) . pero ano ba ang true score sa kanya at dun sa girlaloosh na yun? something fishy ba talaga?

rys, naku sis. magstart ka na maghanap-hanap ng school. suggestion ko, try mo dalhin si ram sa schools para makita mo kung saan sya mukhang comfy.  :)

bjgem

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #59 on: December 22, 2009, 01:25:46 pm »
hello...lapit na pasko mga single moms..may mga christmas plans na ba with the kids..saya! saya!!

naths...ingat sa pagbabalik pinas mo ha..

MALIGAYANG PASKO!!


 

Latest Stories

Load More Stories
Close