watch now

Author Topic: House for Single Parents take 4  (Read 118494 times)

smarie_011

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #20 on: December 02, 2009, 06:44:27 pm »
hehe kahit kelan ka talaga luvluv kaya nakakamiss mga post mo eh..

slickchick

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #21 on: December 02, 2009, 09:05:03 pm »
good evening mommies! musta ang loong weekend?

luvluv, goodluck sa binyag ni teo! simula na yan ng kaganapan ng pagiging nanay mo. lalo kang mangangarag sa 1st birthday ni teo. hehe... pero sulit the effort naman yan kafatid. wag kalimutan i-charge ang batteries ng video at digicam para sa binyag ah. at higit sa lahat, relax-relax lang. baka ikaw naman ang mahimatay nyan sa overfatigue.  ;)

LoSiNGGRiP

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #22 on: December 06, 2009, 06:41:36 pm »
pasali..

luvluv

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #23 on: December 06, 2009, 07:17:27 pm »
whew! NATULOY DIN SA WAKAS! ;)

baby's baptism was held yesterday. hay! ang saya-saya! ganun pala magpaparty ng anak, hindi ka makakakain hahaha! :D pero it was worth it. all the planning, the trips to divisoria, the late-night packing of souvenirs, printing invitations,etc etc..

kala ko hindi kaya ng solo parent magplan..but then again, KINAYA KO :) isinantabi ko na lang ang sentimyento, and i tried my best to pull it off for my son (NO THANKS TO THAT SPERM DONOR)..

will post pictures on facebook soon. ;)

smoochyz: thanks thanks! uwi ka na! dali! labas tayo!

slickchick: hay nako sana pala nag-imbita pa ko ng mga taga-gt!nawala na sa isip ko mang-imbita sa dami ng inintindi. pero sulit naman ang effort. sa 1st birthday na lang ako mang-imbita ng gt-ers! :)

slickchick

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #24 on: December 06, 2009, 09:06:57 pm »
luvluv, congratz kafatid sa matagumpay na binyag ni teo! 1st birthday naman ang susunod mong paghahandaan.  ;)

losinggrip, welcome to the thread sis! single parent ka rin po ba? feel free to share your thoughts and feelings here.  :)

finally

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #25 on: December 07, 2009, 12:14:05 am »
luluv- congrats sa success ng binyag ni teo!malayo layo ka  na ssa pagging mommy

lossingrip-welcome sis!

sa wakas next week start na ng full term ni baby meaning malapit  ko ng makita at mahawakan ang ank ko. sarap ng feeling everytime pinapnuod ko video ng 4d nya. hope and pray for normal delivery

hidto all

luvluv

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #26 on: December 07, 2009, 12:10:33 pm »
thanks sis finally! :) wow ang lapit na! alam mo sobrang exciting nga yang time na yan. anytime ka na pwede manganak kaya ingat-ingat ka na ha ;) kaya mo yan. pag nalabas mo na si baby at nakita mo na sya, makakalimutan mo na yang SD mo, at makakalimutan mo lahat ng sakit at hirap na pinagdaanan mo sa pagbubuntis mo.  ;D goodluck. God be with you. :)

welcome sis Losinggrip! share your story. :)

naninibago pa ako ngayon na wala akong iniintindi. haha. the past two weeks was kinda toxic. ngayon relak relak na ako. looking forward to Christmas. first christmas with my baby! YAY! (magbibirthday din pala ako, pero mas excited ako mag-christmas..)

super daming gifts na nakuha ni baby. ang saya. hehe. dahil dyan, di ko na kailangan bumili hehe. :))

this sunday 4 months old na sya, magsstart na sya mag-solid food.:( I WANT TO CRY! ;(( ang bilis ng panahon!

wala ba tayong pre-christmas gathering? :) hope makapagkita kita tayo soon!

Lee+Ench

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #27 on: December 08, 2009, 12:52:09 am »
Hi guys,

Naku it's been so long since i posted here..
(wala me boyfriend (s), special friend) medyo busy lang sa work at my drama sa life yun ang rason...

wala na me sa manila back in province. medyo ng LQ kami ng Ate ko..


Im so so so sorry LuvLuv kasi di ako naka attend.. nasa tarlac na ako that time.

Yanna11 sorry talga di ako naka attend sa bday ni baby mo.. Alam mo na drama ng life ko.

bawi bawi nlng ako guys sa inyo ha.. PEACE

Guys miss you all!!! mwah!


rys

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #28 on: December 08, 2009, 07:10:08 pm »
hay naku, naimbyerna naman ako sa landlady namin. 

nagsumbong yung yaya ng anak ko, sabi daw ng landlady sa kanya- "di mo ba alam na ako may ari ng bahay na tinitirahan niyo?"

nasa harap kasi ng bahay yung yaya, nakatambay lang.  sabi pa "pumasok ka loob!"

wow, di ba?  alam ko bahay niya ito, pero pwede naman rumespeto ng tao he he he

napapahanap tuloy ako ng lilipatan

mrs.jack sparrow

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #29 on: December 08, 2009, 11:55:57 pm »
backkkkkkkkkk
gtg for now. ngakngak moment ni tania may bunso.

mahadera landlady mo rys. tsk tsk

bjgem

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #30 on: December 09, 2009, 08:12:21 am »
hello sa lahat..hindi pa ko backread..pero nasipatan ko si kimbols..hi lee!!

share lang ako ng sentimyento ko... :(

nagpunta kame sa isang family gathering sa father side ko..birthday ng isa sa mga apo..so parang reunion na din, bihira kase nila kame makasama eh..at 1yo lang anak ko nung huli nilang nakita, nabalitaan nila nangyari sa saken dahil sa pinsan kong chikadora..para kong sinalang sa electric chair ng mga tyahin ko...kaloka!! para kong bibitayin dun..after kung kumuha ng food eh dirediretso na tanong saken kung bakit daw nagkahiwalay kame ni SD (susme!! sana man lang patapusin akong kumain!)...humirit pa yung pinsan ko na nagmamarunong sa buhay na kesyo dapat daw tiniis ko lahat for the sake of our marriage and the kid as well...kaliwa't kanan ang tanong saken...gusto ko ng sumigaw ng STOP!!!!!!!..haay nakuuu...hindi kase nila alam ang nangyari saken, samen ng anak ko...sobrang naawa ako sa parents ko kase parang nabunton sa kanila ang sisi!!!...ang tanong ng lahat kung may 3rd party..BAKIT!!! yun lang ba ang valid reason para hiwalayan mo asawa mo...kase daw kung wala namang babae si SD dapat daw sinalba ko marriage namen..hindi ko alam kung pano ko sisimulan ang kwento, pero nung sinabi ko na may case kame sa RTC...mejo nahimasmasan ang mga lola!! hehe..

tapos..kanya kanya ng bulungan..anakanang!!! umpukan sila dun, nagiging paranoid na ko, iniisip ko na ako pinaguusapan nila!!!...helpless ako nung mga oras na yun, kung ano-ano naiisip ko..nag self pity na naman ako..sino ba naman ang may gusto ng broken marriage diba?!!..lahat naman ng babae, nangarap ng magkaroon ng sariling pamilya diba...aminado naman ako.. na ako ang lumayo kay SD, kase sobrang kawawa kame ng anak ko sa kanya kung patuloy akong aayon sa prinsipyo nya..huhuhu..

iniisip ko naman anak ko..mega cry na naman ako sa gabi..iniisip ko na naman future ni meg..talaga bang magiging bad girl sya kase broken family sya, kase yun sinasabi ng lahat kapag hiwalay ang parents ng bata..ano ba naman yan diba...hindi naman ako nagpapabaya sa anak ko ah...panay nga puri nila sa anak ko ng nakita nila eh, tanong nila kung mag-isa ko lang binubuhay ang anak ko..sabi ko YES!! eh ngayong lang naman nagsimula magbigay ng financial support ama nya eh..

pasensya na mga sisters..ang aga ng senti ko.. :-[

slickchick

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #31 on: December 09, 2009, 08:57:39 am »
^ hayaan mo na lang sila sis. syempre since mas mga tanders (tanda) sila sa atin, mas sanay pa rin sila sa ganung culture na dapat tiisin ng babae lahat.. kumbaga, parang sole responsibility lang ng babae yung marriage. basta isipin mo lang right now is kung paano mo palalakihin ng tama si meg. personally rin, i don't think you owe your tiyahins an explanation. kiber lang sa bulungan nila. hindi rin naman sila ang nagpapakain sa iyo at hindi mo rin naman sila inuutangan or iniistorbo kapag in need ka. keri lang yan sis.  ;)

finally

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #32 on: December 09, 2009, 03:22:27 pm »
^^buti na [textspeak!] wala akong kamag anak malapit  sa amin masyado kc bakaalipustahin nila kami ng anak ko.MInsan
makakapagtaray ka talaga eh.

luluv-nireready ko na bag nmin bukas IE  na. sana normal delivery lakd lakad na din

rys

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #33 on: December 09, 2009, 05:08:12 pm »
bjgem... yung akala mo makakaintindi sa yo e sila pa una huhusga. 

sarap sabihin, "sige kayo na magaling, kayo na malinis, kayo na banal...." ahaha  drama lang

uy, hindi magiging bad girl si meg.  di ako naniniwala na pumapanget ugali kapag broken family galing ang bata.

may impression lang sila ganun kasi,  minsan kapag nga may marriage crisis ang parents, nakakalimutan nila mga anak-  kaya siguro nag iiba ugali ng bata. 

e kung magiging tutok tayo sa mga kids natin at maging emotionally ready for them, di naman sila magiging bad, di ba?


finally... ready ka na ba sis?


maki...  imbyerna , antaray nga e. pag magbabayad ako sa 15, isasampal ko sa kanya yung pera para sa rent namin.  tapos sana isampal niya din sa akin yun lahat ng pera nila.  okay lang...  basta walang bawian ng pera.  lolz

luvluv

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #34 on: December 09, 2009, 06:36:42 pm »
hahahaha walangya ka rys natawa ako hahaha!  ;D

madam: napakalayo naman ng kapeng yan. gusto ko din mag-world trade kaso namememories ako. last year kasi nagworld trade kami ni SD, same day as today. TAKTE hahah pati yon naalala. :P

nakakaloka. nitong panahon na 'to last year magkasama kami ng SD ko, at ganitong panahon din nang mabuo ang aking anak.

i thank you. bow.

HAHAHAHA kakaloka.

wala lang, naishare ko lang.

may ishishare pa ako. ang anak ko may sakit. skin asthma. aka anak mayaman disease. hahaha! nakakaloka to the highest level! ang consultation sa pedia, ang consultation sa derma, ang gamot, ang moisturizer, ang sabon panligo, ang detergent (kailangan cycles or perwoll baby), ANG MAHAL. wala naman akong pera. :( forever na daw sya hindi pwede mag-scrub. kasi super sensitive balat nya. bawal alikabokan masyado tsaka dapat laging moisturized ang balat (sosyaaaal..)..

(at nasusumbatan na ako ng nanay ko sa sunud-sunod na gastos..)

HAY.

sis finally: exciting talaga yan. mag-ready ka na kasi baka di ka na pauwiin ng OB mo. lagi ka magpi-pray ha. :)

maki: ano na?di na tayo nag-usap! :(

lee: ok lang. hmf. haha. :)

bjgem: hay naku i agree with everybody. dedma na sa kanilang lahat. ang importante, masaya ka at sa mabuting paraan mo napapalaki si meg.

kumustasa yang mga iba dyan? ;D magpapasko naaa!

mrs.jack sparrow

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #35 on: December 09, 2009, 10:33:23 pm »
luvluv - mwahahaha.. ngayon may teo ka na! BONGGA!

hi iris. madalas kami magfigaro ni wania lately :D

nako bjgem/finally mga kamag-anak na ganya mapaglinis. impokrita. deadma lang sila. fortunately e wala akong gaanong kamag-anakan dito sa pinas lol.

nako luv ang mga anak ko din kaselanan ang mga skin. sop na for me mga kaartehan sa skin, fabric, toiletries detergent etc pati bawal maarawan yan pag sensitive ang skin ha. ma-oovercome din nila ito balang araw

gtg again . ewan ko ba ang bunso ko favorite gumising pag nandito ako mismo sa house for single parents thread. ewan ko ba. lol.


bjgem

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #36 on: December 10, 2009, 07:31:27 am »
hi...SALAMAT MGA SIS!!!

buti na lang may ganitong thread na nakapaglabas ng sama ng loob..at may tulad nyo na nagpapagaan ng loob.   :-*

rys & mrs.jack..korek ka dyan..kung sino pa yung taong inakala mong maiintindihan..sila pala yung intrimida sa buhay mo..haayyy

madam c..negosyante ha!!

luvluv..sakit ba ng mayaman? haha..natawa ko dun..si meg nagka allergic rhinitis eh..susme..mahal din ang gamot at bawal din sa alikabok..

finally...maglakad lakad ka na para hindi ka masyado mahirapan sa delivery...exciting yan!! hehe
« Last Edit: December 10, 2009, 07:34:37 am by bjgem »

luvluv

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #37 on: December 10, 2009, 11:34:24 am »
iris: gusto ko talaga mag-world trade. intay lang ako ng pambili haha! :) confront ba? face your fears?? hahah di ko kayaaaaa!!!
naku ang aircon nakaka-dry ng balat. ewan ko na anong gagawin dito sa batang 'to. haha!

mrs.jack: hay naku oo saksakan ng arteng balat nakakagigil haha :) kumusta na?

bjgem: korek ka dyan. ang sarap ng may ganitong thread. :)


slickchick

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #38 on: December 10, 2009, 12:30:57 pm »
good afternoon mommies. tatakas muna ako from work para makapag-GT.. hehe..  ;D

speaking of kiddie sickness, wawa naman si zion ngayon. ilang araw ng may fever and cough. nung pina-check ko sa pedia last tuesday, may asthma attack na pala. susme! nakakaawa pala ang bata kapag inaatake ng hika. parang kinakapos at hinahabol ng hininga. pareho kami hindi makatulog ng mabuti sa gabi dahil kada ubo nya nagigising ako.. kaya ngarag-ngarag ako etong araw na 'to. haayy...  :(

mrs.jack sparrow

  • Guest
Re: House for Single Parents take 4
« Reply #39 on: December 10, 2009, 10:01:55 pm »
angel alam mo si wania ko olive oil ang pinag-mamassage ko sa kanya noon. especially these days medyo presko na kaya ok lang mag-oil mga bata. extra virgin or kahit olive oil na regular lang ok na. amoy pritong isda greek version nga lang lol. pero super ganda ng olive oil kesa sa vco. vco pede na din but iba talaga mag-moisturize ang olive oil.

iris ang fave ko don figaro arabiatta :D

oi mga bakla ano na eb natin? lol.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close